Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

14.7.19

Mga Patotoo | Ang Proseso ng Pagbabago ng isang Aroganteng Mananampalataya



Zhang Yitao Probinsya ng Henan

“Diyos ko, napakapraktikal ng iyong gawain, punong-puno ng pagkamatuwid at kabanalan. Ikaw ay matiyagang nagtatrabaho nang matagal, para sa aming lahat. Dati, naniwala ako sa Diyos ngunit wala akong pagkilos ng isang tao. Sinuway Kita at sinaktan ang Iyong puso nang hindi nalalaman. Punong-puno ako ng kahihiyan at pagsisisi. … Kapag wala ang Iyong malupit na paghatol, hindi ako magkakaroon ng kasalukuyan, at ang pagharap sa Iyong tunay na pagmamahal, ako’y nagpapasalamat at may utang sa Iyo. Ang gawain Mo ang nagligtas sa akin at nagpabago sa aking disposisyon. Kung walang pighati at sakit, puno ng kasiyahan ang aking puso”

4.6.19

Mga Patotoo sa Kaligtasan | Isang Muling Pagsilang


 Isang Muling Pagsilang


Yang Zheng Probinsya ng Heilongjiang

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa kanayunan na baliktad sa kanilang pag-iisip. Ako ay mapagmataas simula sa murang edad at talagang malakas ang aking pagnanais para sa katayuan. Sa paglipas ng panahon, sa pamamagitan ng panlipunang impluwensya at isang tradisyonal na edukasyon, kinuha ko ang lahat ng uri ng mga patakaran ni Satanas sa aking puso para sa kaligtasan. Ang lahat ng mga uri ng mga kamalian ang nagpalala sa aking pagnanais sa reputasyon at katayuan, tulad ng pagtatayo ng magandang lupain gamit ang iyong mga sariling kamay, gagawin kang imortal ng katanyagan, kailangan ng tao ng mukha tulad ng puno na kailangan ng balat, pangunguna at pagiging nasa ibabaw, prestihiyo ng pamilya, atbp.

28.5.19

Bilang Isang Kristiyano, Ang Palagiang Pagdalo sa mga Pagtitipon ay Hindi Maaaring Pabayaan!


Xiaogao

Kamusta mga kapatid ko sa Espirituwal na Q&A,

Napapagod ako nang husto sa pagtarabaho sa araw, at hindi ako makatulog nang mahimbing sa gabi. Bilang resulta, ayaw kong magpunta nang maaga sa mga pagtitipon. Hindi ko gusto ang hinihigpitan. Nadarama ko na kung mayroon akong mga pangangailangang espirituwal, hangga’t hinahanap ko ang aking mga kapatid upang makausap sa mga panahong iyon, magiging mainam ito. Iniisip ko kung ano ang sanhi ng isyung ito. Paano ko dapat lutasin ito?

14.5.19

Pagkilala kay Cristo | Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit



Yang Qing

Baffled From Reading the Bible

Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag.

7.5.19

Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon|Kapag Dumating ang Panginoon na Kumakatok sa Pintuan, Paano Tayo Sasagot


Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon|Kapag Dumating ang Panginoon na Kumakatok sa Pintuan, Paano Tayo Sasagot


Xiao Fei

Pagkapasok ko sa paniniwala sa Panginoon, gustong awitin ng mga kapatid ang himnong tinatawag na “Ang Mabuting Tao ay Kumakatok sa Pintuan” na ganito: “Ang mabuting tao ay kumakatok sa pintuan, Ang Kanyang buhok ay basa sa hamog; kaagad tayong bumangon at buksan ang pintuan, at huwag hahayaan ang mabuting tao na tumalikod at umalis. …” Sa bawat pagkakataong inaawit namin ang himnong ito, ang aming mga puso ay lubos na naaantig at napupukaw.

30.4.19

Paalam sa mga Araw ng Pakikipagbuno sa Kapalaran


Yixin

Isang payak na nayon na napag-iwanan na ng panahon, ang aking mga magulang na hapung-hapo mula sa kanilang trabaho, isang buhay na gipit sa pinansyal … ito ang malulungkot na ala-ala na nakatatak sa aking murang isipan, ito ang mga una kong pagkakilala sa salitang “kapalaran.” Pagkatapos kong magsimulang mag-aral, sa unang pagkakataong narinig ko ang aking guro na nagsabi ng “Hawak mo ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay,” pinakatandaan ko ang mga salitang ito.

24.4.19

Ang Patotoo ng isang Cristiano|3 Pamamaraan Kung Paano Manalangin Upang Makinig ang Diyos



Cheng Shi

Mga kapatid:

Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi;

16.4.19

Pananampalataya at Buhay|Buhay Kristiyano: 4 na Puntos upang Turuan Kang Makipag-ugnayan sa Iba Alinsunod sa mga Layunin ng Diyos


Pananampalataya at Buhay|Buhay Kristiyano: 4 na Puntos upang Turuan Kang Makipag-ugnayan sa Iba Alinsunod sa mga Layunin ng Diyos

Ni Wang Zihan, Lalawigan ng Shanxi

Ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay isang usaping nagdudulot ng sakit ng ulo para sa maraming tao. Ito ay isa ring paksa na madalas kaharapin ng isang tao sa kanyang buhay bilang Kristiyano. Hinihingi ng Panginoong Jesus na magsamahan tayo nang may pagkakasundo at magmahalan tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili.

23.12.18

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan

Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan

Zhang Hua, Cambodia

    Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.

15.12.18

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Pagtatanggal ng Mga Tanikala ng Espiritu

Pagtatanggal ng Mga Tanikala ng Espiritu

          Wu Wen Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

     Ako ay isang mahinang tao na may sensitibong katauhan. Nang hindi ako naniwala sa Diyos, madalas akong nalungkot at nabagabag sa mga bagay na dumating sa aking buhay. Maraming ganitong mga pagkakataon, at lagi kong nadama na mahirap ang aking buhay; walang kagalakan, walang kaligayahan sa aking puso na masasabi. Nang sinimulan ko ang paniniwala sa Diyos, mayroong isang yugto ng panahon na kung saan nakaramdam ako ng malaking kagalakan at kapayapaan, ngunit pagkatapos noon, muli ay nadama ko ang katulad ng dati. Hindi ko naiintindihan kung bakit ako palaging ganoon.

5.12.18

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay-Isang Pag-unawa ng Pagkakaligtas

Isang Pag-unawa ng Pagkakaligtas


Lin Qing    Lungsod ng Qingzhou, Lalawigan ng Shandong
Sa loob ng mga nakaraang ilang taon ng pagsunod sa Diyos, tinalikdan ko ang kasiyahan ng aking pamilya at ng laman, at ako ay okupado buong araw sa pagtutupad ng aking tungkulin sa iglesia. Kaya ako’y naniwala: Hangga't hindi ko pabayaan ang gawain sa iglesia na ipinagkatiwala sa akin, hindi ko pagtaksilan ang Diyos, hindi lumisan sa iglesia, at sundan ang Diyos hanggang sa dulo, ako ay patatawarin at ililigtas ng Diyos. Naniwala rin ako na ako ay tumatahak sa landas ng kaligtasan mula sa Diyos, at ang kailangan ko lamang gawin ay sundan Siya hanggang sa katapusan.

15.11.18

Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon


Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon

                                  Max Estados Unidos





Noong 1994, ipinanganak ako sa Estados Unidos. Parehong Tsino ang mga magulang ko. Ang nanay ko ay klasikong halimbawa ng isang matagumpay na babaeng may karera. Nakapag-iisip siya para sa sarili at napakahusay niya. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Noong nasa Ikalawang Baitang ako, ibinalik ako ng mga magulang ko sa Tsina para mag-aral para matutunan ko ang wikang Tsino. Iyon din ang panahong nagsimula kong makilala ang Panginoong Jesus. Natatandaan ko isang araw noong 2004, pagkauwi ko galing sa eskuwelahan, may panauhin kami sa bahay. Ipinakilala siya ng nanay ko at sinabi sa aking pastora siya mula sa Estados Unidos. Napakasaya ko dahil noon ko nalaman na matagal-tagal nang naniniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko. Dati, hindi siya naniniwala. Tuwing Bagong Taon ng mga Tsino, magsisindi siya ng insenso at sasamba kay Buddha. Gayon man, pagkaraang magsimulang maniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko, hindi ko na kailangang maamoy ang samyo ng sunog na perang papel at insenso. Sa araw na iyon, nagkuwento sa akin ang Amerikanang pastora tungkol sa Panginoong Jesus. Pagkatapos na pagkatapos, dinala ako sa banyo at bago ako makahuma, “plok,” naingudngod na ng pastora ang ulo ko sa bathtub at pagkaraan ng ilang saglit, iniangat ang ulo ko. Ang tanging narinig ko ay ang nanay ko at ang pastora na nagsasabi sa akin, “Tuloy sa yakap ng Panginoong Jesus. Tayong lahat ay nawawalang tupa.” Sa paraang ito, nagsimula ako sa bagong paglalakbay sa buhay bago ko pa nalaman. Gayon man, dahil kasama ko ang Panginoon, napakasaya ng puso ko. Pagkaraan, tuwing Linggo, pupunta ako sa iglesia para sumamba at pakinggan ang pastorang nagsasalita tungkol sa mga kuwento ng Bibliya at nagbabasa mula sa mga banal na kasulatan. Napakasaya ko habang nangyayari ito. Matatag ang puso ko at dama kong ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay tunay na mabuting bagay.

Noong 2008, sinamahan ako ng tatay ko sa Estados Unidos para makapag-aral ako rito. Sa panahong ito, pumupunta ako sa iglesia at sumasali sa mga pagsasamahan. Noong 2012, pagkatapos ko ng high school, binilhan ako ng tatay ko ng tiket sa eroplano para makabalik ako sa Tsina para bisitahin ang nanay ko. Mismong bago umalis, umupo sa tabi ko ang tatay ko at nagsabi ng maraming taos-pusong mga salita sa akin. Sinabi niya sa akin na sa Tsina, nagsimula nang maniwala ang nanay ko sa Kidlat ng Silanganan. Umasa siyang sa pagbabalik ko, makakausap ko ang nanay ko para talikuran niya ang pananalig sa Kidlat ng Silanganan. Bilang estudyanteng papasok sa unibersidad, siyempre, hindi lang ako makikinig sa panig ng tatay ko sa kuwento. Pagkaraang pagkaraan, nag-internet ako at naghanap ng impormasyong may kaugnayan sa Kidlat ng Silanganan. Gusto kong magkaroon ng mas makatotohanang pag-unawa sa mga ito. Ang resulta ay nakahanap ako ng ilang opinyong nagmumula sa gobyerno ng CCP at mga pastor at mga elder mula sa mundo ng mga relihiyoso na sumumpa at nanirang-puri sa Kidlat ng Silanganan. Nagsimula akong makaramdam ng pag-aalala para sa nanay ko. Nagpasya akong umuwi at tingnan at kumustahin ang nanay ko. Pagkabalik ko sa aming tahanan, natagpuan kong normal ang lahat sa nanay ko. Ang pag-aalala at pagmamahal niya sa akin ay hindi nagbago. Ang pananalig at pag-ibig niya sa Diyos ay lumakas at mas madasalin siya kaysa dati. Medyo nabawasan ang pag-aalala ko tungkol sa nanay ko sa oras na iyon.

19.9.18

Malinaw na Pagtingin sa Tunay Kong Kulay

图片中可能有:6 位用户、一群人坐着

Malinaw na Pagtingin sa Tunay Kong Kulay

Xiaoxiao Lungsod ng Xuzhou, Lalawigan ng Jiangsu
Dahil sa mga pangangailangan ng gawain sa iglesia, inilipat ako sa ibang lugar para gampanan ang aking tungkulin. Sa oras na iyon, ang gawain sa ebanghelyo sa lugar na iyon ay bumaba ng kaunti, at karaniwang hindi maganda ang sitwasyon ng mga kapatiran. Ngunit dahil ako’y hinipo ng Banal na Espiritu, ginawa ko pa rin ang lahat ng bagay na ipinagkatiwala nang may buong kumpiyansa. Matapos tanggapin ang pagkakatiwala, naramdaman ko na puno ako ng resposibilidad, puno ng pagliliwanag, at para bang nagkaroon ako ng paninindigan. Naniwala ako na kaya ko at matutupad ko nang mabuti ang gawaing ito. Sa katunayan, iyong oras na iyon wala akong kaalaman o ano pa man sa gawain ng Banal na Espiritu o sa aking kalikasan. Lubos akong namumuhay sa pagkasiya sa sarili at paghanga sa sarili.

4.9.18

Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?

图片中可能有:1 位用户、坐着、表格和室内

Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?

Qingxin….Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan
Dati akong may tila nakakatawang pagkakaunawa tungkol sa aspeto ng katotohanan na ang “Diyos ay matuwid”. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan. Iyon ang pagkamatuwid ng Diyos. Dahil dito sa aking maling pagkakaunawa, dinagdagan pa ng takot na mawalan ng tungkulin dahil sa mga nagagawang pagkakamali sa aking trabaho, may naisip akong “matalinong” paraan: Sa tuwing gagawa ako ng isang bagay na mali, sinisikap kong huwag munang ipaalam sa mga pinuno, at agad na sinusubukang bumawi sa sarili ko at gawin ang lubos ng aking makakaya upang itama ito. Hindi ba makakatulong iyon kung gayon na mapanatili ko ang aking tungkulin? Kaya, tuwing magbibigay ako ng mga ulat tungkol sa aking trabaho, napapaliit ko ang malalaking isyu at ang maliliit na isyu ay napapawalang saysay. Kung nagsasawalang-bahala ako minsan, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang mapagtakpan ito sa harap ng aking mga pinuno at magpanggap na tila lubos na aktibo at positibo, natatakot na iisipin ng mga pinuno na ako ay walang kakayahan at huminto sila na pagkatiwalaan ako. Kaya ganon na lang, nag-iingat ako nang husto sa mga pinuno sa lahat ng aking ginagawa.

15.7.18

Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

Diyos, Cristo, katotohanan, buhay, katotohanan

Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong

    Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, "Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba't ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila." Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.

12.7.18

Kasisimula Ko pa Lamang Tahakin ang Tamang Landas ng Buhay

🍀* 🍀✿✿✿ 🍀*🍃✿✿✿ 🍃 🍀✿✿✿ 🍀*🍀

Shi Han    Hebei Province

   Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya ng magsasaka.Matino ako mula pagkabata, dahil hindi ako kailanman nakipag-away sa ibang bata at sinunod ang aking mga magulang, kaya ako ay naging isang karaniwang “mabaitna batang babae” sa mga mata ng mga matatanda. Lubhang nainggit ang ibang mga magulang sa aking mga magulang, na nagsasabi na masuwerte sila sa pagkakaroon ng mabait na anak na babae.At tulad nito, lumaki akong araw-araw na naririnig ang mga papuri ng mga taong nakapaligid sa akin.Noong ako’y nasa elementarya, namumukod-tangi ang aking akademikong rekord, at palagi akong nangunguna sa mga pagsusulit.Isang beses, nakatanggap ako ng pinakamataas na marka sa isang paligsahan sa sanaysay na ginanap sa aming bayan, na nagpanalo ng karangalan para sa aming paaralan.Hindi lamang iginawad sa akin ng punong-guro ang premyo at sertipiko, ngunit pinuri rin ako sa harap ng buong paaralan at tinawag ang mga mag-aaral upang matuto sa akin.Bigla akong naging “tanyag na tao” ng paaralan, at binansagan pa ako ng aking mga kaklase na “laging matagumpay na heneral.”Ang mga papuri mula sa aking mga guro, ang pagkainggit ng aking mga kaklase, at ang pagkahaling ng aking mga magulang ay nagbigay sa akin ng pakiramdam nakahihigit sa aking puso, at talagang nasiyahan ako sa pakiramdam na hinahangaan ng lahat. Ayon dito, walang pag-aalinlangan na naniwala ako na ang pinakadakilang kagalakan sa buhay ay ang paghanga ng iba, at na ang pakiramdam na kaligayahan ay nagmula sa papuri ng iba. Lihim kong sinabi sa aking sarili: Gaano man kahirap at nakakapagod ito, dapat akong maging isang taong tanyag at may katayuan, at hindi kailanman hahamakin ng iba.Simula noon, naging patnubay sa buhay ko ang mga salawikain tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” at “Habang nabubuhay, maging tao ng mga tao; patay, maging kaluluwa ng mga kaluluwa” ay naging mga kasabihan ko sa buhay.

16.6.18

Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

   Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.

14.6.18

Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikatlong Bahagi)

 Pagkatapos makabalik sa bahay, patuloy akong nag-iisip tungkol sa pagbabahagi na ginawa ng kapatid na babae, at naisip ko sa aking sarili: Ang maliit na kapatid na babae ngayong araw ay napakamapagmahal, siya ay hindi talaga tulad ng sinabi ng pastor na kung sino siya. Gayundin, ang kaniyang sinasabi ay talagang totoo, lahat ng iyon ay nasa Biblia. Ito ay talagang walang batayan sa akin noon nang naniwala ako na “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman.” Nagbalik-tanaw ako sa lahat ng taon na naniwala ako sa Diyos at napagtanto na ako ay patuloy na namumuhay sa mga kinahihinatnan kung saan ako ay magkakasala at umaamin ng kasalanan para sa kanila ngunit sa lahat ng oras hindi ko ito malutas, at personal akong dumaan sa matinding paghihirap. Hindi talaga ito ang paraan upang matamo ang papuri ng Diyos. Ito ay tila kung nais kong matamo ang kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit, kung gayon ay kailangan ko talagang matanggap lahat ng gawain na isinagawa sa pagbabalik ng Panginoong Jesus na humahatol at naglilinis sa tao. Kung kaya, ano ba talaga ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Paano nakakapaglinis at nakakapagpabago ng tao ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos? ... Habang iniisip ko ang mga bagay na ito binubuklat ko ang Biblia hanggang nakita ko ang talata kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus na: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili’ kundi ang anomang nagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipapahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Nakita ko rin na sinabi ng Biblia: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1Pedro 4:17). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:29). Nang mabasa ko ito naramdaman ko sa wakas na para akong nagising mula sa isang panaginip: Lumalabas na matagal na palang ihinula ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw ang Diyos ay magpapahayag ng mas marami tungkol sa katotohanan at magsasagawa ng bagong yugto ng gawain. Hindi ba ito ang Makapangyarihang Diyos na dumadating upang magsagawa ng gawain ng paghahatol at paglilinis sa tao? Aba! Kung ang pastor ay hindi dumating at inabala ako ngayong araw makakapakinig ako nang mas mabuti tungkol sa paraan ng Makapangyarihang Diyos. Noon nakapakinig ako palagi ng mga salita ng mga pastor at nakatatanda, ngunit hindi ako nagkaroon ng puso upang hanapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakinig lamang ako sa anumang pinag-usapan ng mga pastor at mga nakatatanda. Ngayong araw lang nangyari na nabatid ko na ito ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa aking pananampalataya sa Panginoon! Tayo na naniniwala sa Panginoon ay kailangan na aktibong hanapin ang mga yapak ng Diyos, sa ganitong paraan lang tayo aayon sa kalooban ng Diyos. Ngayong araw nakita ko na ang mga kilos ng pastor ay karaniwang hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi ko na kaya na takip-matang makinig sa kung ano ang sasabihin nila, kailangan kong hanapin at usisain ang paraan ng Makapangyarihang Diyos.

13.6.18

Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikalawang Bahagi)

    Ang kapatid na babae ay patuloy na nagsalita: “Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay nabuksan na ang misteryo ng ‘pagiging ligtas’ at ‘pagtamo ng ganap na kaligtasan,’ kaya tingnan natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ano ang masasabi Niya tungkol dito. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasabing: “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

12.6.18

Bakit Pinipilit ng Chinese Communist Party ang mga Kristiyano na Sumapi sa Three-Self Church?

Hou Xiangke (Hepe ng Public Security Bureau): Han Lu, Dapat mong malaman na isang ateista ang Partido Komunista at nagsimula sa rebolusyon. Pinakasalungat ang Partido Komunista sa Diyos at sa salita ng Diyos. Ang katotohanang inyong tinatanggap at landas na inyong tinatahak ay pinakasusuklaman ng Partido Komunista. Kayo ay kapangitan at problema para sa Partido Komunista. Kaya, lubos kayong pipigilan, parurusahan at pagbabawalan ng Partido Komunista! Sa China, dapat ninyong sundin ang pamumuno ng Partido Komunista kung naniniwala kayo sa Diyos, tanggapin ang Nagkakaisang Prente ng Partido Komunista, sumali sa Iglesia ng Tatlong-Sarili, at tahakin ang landas ng pagmamahal sa bansa at relihiyon. Bukod dito, wala na kayong lalabasan. Naintindihan mo ba ang mga bagay na ito?