Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buhay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buhay. Ipakita ang lahat ng mga post

16.12.18

Ang Tunay na Buhay ng Tao



  • Ang Tunay na Buhay ng Tao
  •  

  • I
  • Kapag nakakamit ng tao ang tunay na buhay sa lupa,
  • lahat ng pwersa ni Satanas ay nakagapos.
  • Ang tao'y mabubuhay nang may kagaanan sa mundo.
  • Mga pagkakumplikado ay hindi na makikita.
  • Pantao, panlipunan at pampamilyang mga bukluran
  • maaaring mag-abala at mapuno ng sakit.
  • Ngunit kapag ang tao ay ganap na nalupig,
  • ang kanyang puso at ang kanyang isip ay mabago.
  • Kapag ang tao ay ganap na nalupig,
  • ang kanyang puso at isipan ay mababago.
  • Ang tao ay magkakaroon ng isang puso
  • na gumagalang sa Diyos.
  • Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.
  • II
  • Kapag ang mga nasa sansinukob na naghahanap
  • upang mahalin ang Diyos ay nalupig na,
  • at kapag natalo na si Satanas
  • at ang madilim na pwersa ay nakagapos,
  • kung gayon ang buhay ng tao sa mundo ay hindi magugulo.
  • Mabubuhay siyang malaya sa mundo,
  • na walang pagkakumplikado sa laman.
  • Ang tao ay magiging malaya sa puwersa ni Satanas.
  • Kapag ang tao ay ganap na nalupig,
  • ang kanyang puso at isipan ay mababago.
  • Ang tao ay magkakaroon ng isang puso
  • na gumagalang sa Diyos.
  • Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.
  • III
  • Kung tinatrato mo ang iyong pamilya kapareho ng
  • mga kapatid sa iglesia,
  • di mo kailangang magkaroon ng anumang alalahanin,
  • at ang iyong pagdurusa ay mahahati.
  • Tao'y mabubuhay sa isang normal na buhay,
  • bagaman tulad ng isang anghel ay tatayo siya.
  • At ito ang pangwakas na pangako
  • ipinagkaloob mula sa Diyos tungo sa tao.
  • Kapag ang tao ay ganap na nalupig,
  • ang kanyang puso at isipan ay mababago.
  • Ang tao ay magkakaroon ng isang puso
  • na gumagalang sa Diyos.
  • Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.
  • Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.
  •  
  • mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

1.12.18

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikaapat na Bahagi)



 Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikaapat na Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: " Ang pagbibigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay ay sapat upang ipakita na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay, dahil Siya ang pinanggagalingan ng katustusan na nagbigay ng kakayahan sa lahat ng mga bagay na umiral, mamuhay, magpakarami, at magpatuloy. Bukod sa Diyos wala nang iba. Nagbibigay Siya ng lahat ng pangangailangan ng lahat ng mga bagay at lahat ng pangangailangan ng sangkatauhan, kahit pa ito ay ang mga pinakapangunahing mga pangangailangan, ano ang kailangan ng mga tao araw-araw, o ang katustusan ng katotohanan sa mga kaluluwa ng mga tao. Mula sa lahat ng perspektibo, pagdating sa pagkakakilanlan ng Diyos at sa Kanyang estado sa sangkatauhan, tanging ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay. Ito ay walang dudang totoo."

28.10.18

Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me



 Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me


Si Tao Wei ay isang mangangaral mula sa isang bahay-iglesia. Habang nagiging mas malungkot ang kanyang iglesia araw-araw, naging hindi aktibo at nanghina ang espiritu ng lahat ng kanyang tagasunod, at ngayon dumilim ang kanyang sariling espiritu. Hindi na niya maramdaman ang presensiya ng Panginoon, at nalito si Tao Wei, hindi alam ang gagawin. Paano nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu? Nagbalik na nga kaya ang Panginoon, at nagpakita para gumawa sa ibang lugar? …Habang apurahang naghanap si Tao Wei ng mga sagot sa mga tanong na ito, lalo siyang nasabik na makamit ang panustos ng tubig ng buhay mula sa Diyos. Hinanap niya at ng kanyang mga kapatid ang gawain at pagpapakita ng Diyos, at sa wakas ay nakarating sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kung saan sinimulan nilang makipag-usap at makipagdebate sa mga Mangangaral ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. … Mahahanap kaya nila ang pinagmumulan ng tubig na buhay sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Makakamit kaya nila ang tubig ng buhay mula sa ilog na dumadaloy mula sa trono?


27.10.18

The Best Christian Music Video | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)



 The Best Christian Music Video | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)

A ... a ... a ... a ... a ... a ... a ... a … I Ang makapangyarihang tunay na D'yos, hari sa trono naghahari sa buong sansinukob, buong sansinukob, nakaharap sa lahat ng bansa't mga tao. Nagniningning l'walhati ng D'yos sa buong mundo. Hanggang sa dulo ng sansinukob, lahat ng buhay dapat makita. Mga lawà, ilog, dagat, lupa, bundok, lahat ng nabubuhay nabubunyag sa liwanag ng presensya ng tunay na D'yos, napanumbalik, nagising sa panaginip, sumisibol sa lupa! O! Ang tanging tunay na D'yos nagpapakita sa mundo. Sinong may tapang upang lumaban? Lahat nanginginig sa takot, napaniwalang ganap, patuloy na nagmamakaawa. Lahat ng tao'y yumuyukod sa Kanya't lahat ng dila'y sumasamba! II Lahat ng dako sa mundo, lahat ng bagay sa lupa, di kailanman huminto sa kanilang papuri sa Diyos. Sa pagdating ng tagsibol, maalinsanga't kaaya-ayang simoy dala'y ulan ng tagsibol. Lagaslas at ngawa ng mga sapa, gaya ng tao, masaya't mapanglaw, lumuluha, luha ng pagsisisi. Mga ilog, lawa, alon ng karagata't daluyong umaawit lahat, pinupuri ngalang banal ng tunay na D'yos, ngalan N'yang banal! O! Himig ng papuri nila, himig ng papuri'y kaylinaw! Mga tiniwali ni Satanas noon, mga tiniwaling bagay noon, lahat mapapanibago, lahat iyo'y mapapanibago, mapapanibago't mapapalitan, papasok sa katayuang bago…. III Ito ang banal na trumpeta, banal na trumpeta'y tumutunog! Makinig maigi: Kaytamis ng tunog! Pagbigkas mula sa trono! Nagpapahayag sa lahat ng bansa't mga tao. Ang oras dumating na. Wakas ng mga huling araw. Planong pamamahala ng D'yos ay natapos na. Kaharian ng D'yos lumitaw na nang publiko sa lupa. Mga bansa sa mundo'y naging kaharian ng D'yos. Mga bansa sa mundo'y naging kaharian ng D'yos. Pitong trumpeta ng D'yos tumutunog mula sa trono. Anong kahanga-hanga't kamangha-manghang mga bagay ang mangyayari! Minamasdan ng D'yos ang bayan N'yang may galak; kilala nila ang tinig N'ya. Mula sa bawa't bansa't dako, bayan ng D'yos nagsasama-sama. O! mga tao'y 'di-makahinto sa pagpupuri't paglukso para sa tunay na D'yos. Sumasaksi sa tunay na D'yos, sumasaksi sa mundo, tinig nila'y madagundong, parang lagaslas ng maraming tubig. Mga tao'y dadagsa sa kaharian ng D'yos, kaharian ng D'yos, kaharian ng D'yos. mula sa Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

24.10.18

Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan


 Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan
I

Ang mga huling araw 'di tulad ng Kapanahunan ng Biyaya't Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain sa huling araw ay hindi ginagawa sa Israel, kundi sa mga Hentil. Ito'y pagsakop ng lahat ng bansa sa harap ng trono ng Diyos. L'walhati ng Diyos pupunuin ang kalawakan. Ipahahayag 'to sa lahat ng bansa, sa lahat ng henerasyon at, bawa't nilalang kita l'walhating nakamit ng Diyos sa mundo. II Mga huling araw ay paglupig, di-paggabay sa buhay ng tao. Kundi wakas ng walang-hanggang pagdurusa ng tao. Di ito singtagal ng paggawa ng Diyos sa Judea at Israel libo-libong taon hanggang pangal'wang pagkakatawang-tao, sa halip maikli. Mga tao'y nakakatagpo ang Manunubos na bumabalik sa katawang-tao, tinatanggap personal na paggawa, salita ng Diyos sa maikling araw bago ang wakas. Mga huling araw, wakas at kaganapan ng anim-na-libong-taong-plano ng Diyos. Mga huling araw, wakas ng paglalakbay ng tao, sa pagdurusa. Nguni't di lahat papasok sa bagong kapanahunan. Pantaong buhay di na gaya dati. Sapagka't walang saysay 'to sa dakilang plano ng Diyos. Dahil kung mapilit ang tao, lalamunin sila ng d'yablo, at kalul'wa nila'y sasakamay ni Satanas. III Mga huling araw, tapos na ang panahon. Di-na magpapatuloy ang Diyos; 'Di Siya paaantala. Mga huling araw, talo na si Satanas, at babawiin ang lahat ng Kanyang luwalhati. Di Siya paaantala. Anim na libong taon lang gawa ng Diyos. Kontrol ni Satanas sa sangkatauhan di-lalampas dito sa anim na milenyo. Bawa't kalul'wang sa Diyos, tatakas sa dagat ng pagdurusa, at matatapos buong gawain ng Diyos sa lupa. Di na magkakatawang-tao ang Diyos. Di na gagawa Espiritu N'ya sa lupa. Sangkatauha'y muli N'yang huhulmahin, gagawing banal, sa tapat N'yang tahanan sa lupa. Mga huling araw, wakas at kaganapan, ng anim-na-libong-taong plano ng Diyos. Mga huling araw, wakas ng paglalakbay ng tao, sa pagdurusa. Nguni't di lahat papasok sa bagong kapanahunan. Pantaong buhay di na gaya dati. Sapagka't walang saysay 'to sa dakilang plano ng Diyos. Dahil kung mapilit ang tao, lalamunin sila ng d'yablo, at kalul'wa nila'y sasakamay ni Satanas. Mga huling araw, wakas at kaganapan, ng anim-na-libong-taong plano ng Diyos. Mga huling araw, wakas ng paglalakbay ng tao, sa pagdurusa. Mga huling araw. Mga huling araw. Mga huling araw. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Tagalog Music

15.7.18

Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

Diyos, Cristo, katotohanan, buhay, katotohanan

Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong

    Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, "Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba't ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila." Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.

9.7.18

Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan

╮╭╮╭╮╭🍃🍎🍎🍃╮╭╮╭╮╭

    Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang masundan ang mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ito ay hinaharap ng lahat ng naghihintay ng pagpapakita ng Diyos. Naisip ninyo na ang lahat ng mga ito hindi lang miminsan ngunit ano ang kinalabasan? Saan nagpapakita ang Diyos? Saan ang mga yapak ng Diyos? Natagpuan ba ninyo ang mga sagot? Marami sa mga sagot ng tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay narito sa atin; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng tuntuning sagot, ngunit naiintindihan ba ninyo kung ano ang pagpapakita ng Diyos, at kung ano ang mga yapak ng Diyos? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao... at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.

   Kasabay ng pag-unawa sa pagpapakita ng Diyos, paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos? Ang katanungang ito ay hindi mahirap ipaliwanag: Kung saan may pagpapakita ang Diyos, matutuklasan ninyo ang mga yapak ng Diyos. Tila napa-diretso ng ganitong paliwanag, ngunit hindi madaling gawin, sapagkat maraming tao ang hindi nakakaalam kung saan ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili, lalong hindi kung saan Niya nais na, kung saan ibinubunyag ng Diyos ang sarili Niya. Ang ilan ay pabigla-biglang naniniwala na kung saan may gawain ang Banal na Espiritu, naroon ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung nasaan ang mga espirituwal na tao, naroon ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung saan may mga bantog na tao, naroon ang pagpapakita ng Diyos. Sa ngayon, huwag nating pagtalunan kung tama o mali ang mga paniniwalang ito. Upang maipaliwanag ang ganitong tanong, kailangan muna nating maging malinaw sa isang layunin: Hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos. Hindi tayo naghahanap ng mga espiritwal na tao, lalong hindi natin sinusundan ang mga sikat na namumuno; tayo ay sumusunod sa mga yapak ng Diyos. Sa gayon, dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Kaya kapag tumatanggap ang maraming tao ng katotohanan, hindi sila naniniwalang nakita na nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalong hindi maaaring magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang mga sariling pasiya at Siya ay may sariling mga plano kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Hindi Niya kailangang ipaalam sa tao ang ginagawa Niya o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, at higit pa rito, ay dapat itong tanggapin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, at nais ninyong sundan ang mga yapak ng Diyos, nararapat niyo munang lampasan ang inyong kaisipan. Hindi ninyo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi ninyo dapat Siya ikulong sa sarili ninyong hangganan at limitahan Siya sa sarili ninyong mga pagkaintindi. Bagkus, dapat ninyong itanong kung paano ni'yo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano niyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; iyan ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi taglay ang katotohanan, ang tao ay dapat magsaliksik, tumanggap, at sumunod.

   Kahit na ikaw ay isang Amerikano, Ingles, o kahit na ano pang lahi, nararapat kang humakbang nang lampas sa iyong mga hangganan, higitan ang iyong sarili, at dapat tingnan ang gawain ng Diyos bilang nilikha ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo dapat pigilan ang mga yapak ng Diyos. Dahil, ngayon, maraming tao ang naniniwalang imposibleng magpakita ang Diyos sa partikular na bayan o bansa. Napakalaki ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at tunay na mahalaga ang pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito batay sa pagkaintindi at pag-iisip ng tao? At gayon sinasabi ko, ikaw ay dapat kumawala sa pagkaintindi ng iyong lahi o etnisidad kapag hinanap mo ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan, ikaw ay hindi nakakulong sa sarili mong pagkaintindi; sa ganitong paraan, magiging karapat-dapat kang salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, lagi kang mananatili sa kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.


   Ang Diyos ay Diyos ng lahat ng sangkatauhan. Hindi niya ginagawa ang Sarili bilang pribadong pag-aari ng anumang bayan o bansa, at ginagawa Niya ang Kaniyang plano nang hindi napipigilan ng anumang anyo, bansa, o nasyon. Marahil hindi mo kailanman naisip itong anyo, o marahil tinatanggihan mo ang pag-iral nito, o marahil ang bayan o bansa kung saan nagpakita ang Diyos ay dinidiskrimina at siyang pinakamahirap sa mundo. Ngunit nasa Diyos ang Kaniyang karunungan. Sa Kanyang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at disposisyon, tunay na nagtamo Siya ng isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa pag-iisip. At nagtamo Siya ng isang grupo ng mga tao na nais Niyang gawin: isang grupong nalupig Niya, na tinitiis ang matitinding pagsubok at lahat ng uri ng pag-uusig at kaya Siyang sundin hanggang sa katapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos na malaya sa pamimigil ng kahit na anong uri o bansa ay upang matapos Niya ang gawaing alinsunod sa Kanyang plano. Halimbawa, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Ngunit naniwala ang mga Hudyo na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng maging tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang "imposible" ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa huli, humantong sa kapahamakan ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa ng parehong pagkakamali. Walang bahala nilang hinahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, ngunit sila rin ang bumabatikos sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos batay sa kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita ko na maraming tao ang tumatawang bumagsak matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Hindi ba ang pagtawang ito ay walang pinagkaiba sa pambabatikos at paglapastangan ng mga Hudyo? Hindi kayo taimtim sa pagharap sa katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Kayo ay nag-aaral ngunit bulag at kampanteng naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pag-aaral at paghihintay nang ganito? Makukuha ba ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo nauunawaan ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na maging saksi sa pagpapakita ng Diyos? Kung saan nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga kayang tumanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging mga ganoong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi ang inyong mga pagkaintindi! Huminto at dahan-dahang basahin ang mga salitang ito. Kung hahangarin mo ang katotohanan, paliliwanagan ka ng Diyos upang maunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Isantabi ang inyong pananaw na “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang katalinuhan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang naiisip ng Diyos ay higit pa sa mga naiisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pag-iisip at pagkaintindi ng tao. Kapag ang isang bagay ay imposible, lalong higit na dapat hanapin ang katotohanan; kapag ang isang bagay ay lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Dahil kahit saan pa ipakita ng Diyos ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatili saanman magpunta ang Kanyang mga yapak. Nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit dito ay ang natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sundan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay laging malalapitan ng sangkatauhan. Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos.

Mula sa Sandaang mga Tanong at mga Sagot sa Pag-iimbestiga sa Tunay na Daan

3.7.18

Christian Full Movie 2018 | "Tamis sa Kahirapan" An Amazing Christian Testimony (Tagalog Dubbed)


Christian Full Movie 2018 | "Tamis sa Kahirapan" An Amazing Christian Testimony (Tagalog Dubbed)

Ang Kristiyanong si Han Lu ay sinubaybayan at nasabat ng mga opisyal ng CCP police, kaya nahuli siya. Malupit siyang pinahirapan ng mga pulis, at gumamit din sila ng mga tsismis para subukang i-brainwash siya, ginamit ang kanyang pamilya para subukan siyang puwersahin, at iba pang mga pamamaraan para subukan siyang takutin sa pagtatangkang pilitin siyang itanggi at ipagkanulo ang Diyos. Gayunman, sa patnubay ng salita ng Diyos, nalagpasan ni Han Lu ang maraming interogasyon habang pinahihirapan at matinding pinabulaanan ang iba’t ibang tsismis at maling paniniwala ng CCP sa katotohanan. Habang pinahihirapan ng CCP, nagawa ang isang maganda at matunog na patotoo …

1.7.18

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalimang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay nagmula sa aklat na “Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
(III) Limang Uri ng mga Tao
Ang unang uri ay ang antas na kinikilala bilang ang “sanggol na nakabigkis ng damit”.
Ang pangalawang uri ay ang antas ng “sanggol na pinapasuso”.
Ang pangatlong uri ay ang antas ng inaawat na sanggol—ang antas ng pagiging bata.
Ang pang-apat na uri ay ang antas ng pagiging ganap na bata; ang pagkabata.
Ang panlimang uri ay ang antas ng ganap na buhay, o ang antas ng pagiging matanda.

30.6.18

Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?

🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).
“At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).
“At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay” (Exodo 20:18-19).

28.6.18

Tagalog Christian Movie 2018 | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong " Lord Jesus Has Come Again


Si Lin Bo'en ay matagal nang mangangaral na maraming dekada nang sumasampalataya sa Panginoon. Mula nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, siya ay nakulong, inihiwalay, at pinatalsik mula sa mga komunidad ng relihiyon ng mga pastor at mga elder, na mga puwersang anticristo. Ngunit kahit na si Lin Bo'en ay tinuligsa, hinatulan, at pinaratangan, hindi siya natakot. Sa halip, lalong tumibay ang kanyang pananampalataya, at dahil dito naunawaan niya sa wakas na ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay nagpapakitang-tao lamang. Kasabay nito, nalaman niya na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tanging si Cristo ang makapagliligtas at makapagpapadalisay at magpeperpekto sa tao. Dahil dito, nagpasiya siyang sundin si Cristo, sumaksi para kay Cristo, at gawin ang lahat sa abot-kaya niya para hanapin ang katotohanan, hangaring baguhin ang kanyang disposisyon upang siya'y maging tunay na saksi para sa Diyos. Nang matuklasan ng Chinese Communist Party na nakalaya si Lin Bo'en mula sa bilangguan at hindi nagbago, na hindi niya itinatwa ang kanyang pananampalataya kaliit-liitang paraan at naniwala pa sa Kidlat ng Silanganan, na nagpunta siya kahit saan para magpatotoo na muling dumating ang Panginoong Jesus at na Siya ang Makapangyarihang Diyos, isinama siya ng CCP sa listahan ng mga wanted o pinaghahanap at nagpunta sa lahat ng lugar para arestuhin siya. Napilitan si Lin Bo'en na iwanan ang kanyang pamilya, at sa bawat lugar ay nagpatotoo siya sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagawa niyang pamunuan ang maraming matatapat, mabubuting mananampalataya sa panig ng Diyos. Ang video na ito ay salaysay ng tunay na kuwento ni Lin Bo'en sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos.

26.6.18

Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

    Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

   “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).

    “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9-11).

19.6.18

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (I) Isang Pangkalahatang-Ideya sa Awtoridad ng Diyos, Ang matuwid na Disposisyon ng Diyos, at Kabanalan ng Diyos (Unang Bahagi)




   Kapag natapos na ninyo ang mga panalangin, nakadarama ba ng kapanatagan ang inyong mga puso sa harap ng Diyos? (Oo.) Kung ang puso ng isang tao ay maaaring maging panatag, maaari na nilang marinig at maintindihan ang salita ng Diyos at maaari na nilang marinig at maintindihan ang katotohanan. Kung ang iyong puso ay hindi mapanatag, kung ang puso mo ay laging naguguluhan, o laging nag-iisip ng ibang mga bagay, makaaapekto ito sa iyong pagsama upang makinig sa salita ng Diyos. Kaya, ano ang ipinahihiwatig ng tinatalakay natin sa oras na ito? Bumalik lang tayo nang kaunti sa pangunahing punto. Tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo, ang natatangi, ano ang unang bahagi na ating tinalakay? (Awtoridad ng Diyos.) Ano ang ikalawa? (Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) At ang ikatlo? (Ang kabanalan ng Diyos.) Ilang beses na nating tinalakay ang awtoridad ng Diyos? Nag-iwan ba ito sa inyo ng impresyon? (Dalawang beses.) Paano naman ang matuwid na disposisyon ng Diyos? (Isang beses.) Ang ilang beses nating pagtalakay sa kabanalan ng Diyos ay nakapag-iwan marahil ng impresyon sa inyo, ngunit nag-iwan ba ng impresyon sa inyo ang partikular na paksa na tinalakay natin sa bawat pagkakataon? Sa unang bahagi ng “Ang awtoridad ng Diyos,” ano ang nag-iwan ng malalim na impresyon sa inyo, anong bahagi ang nagkaroon ng pinakamalaking epekto sa inyo? (Ang awtoridad ng salita ng Diyos at ang Diyos bilang Namumuno sa lahat ng bagay.) Pag-usapan ang mga pinakamahalagang punto. (Una, ipinabatid ng Diyos ang awtoridad at ang kapangyarihan ng salita ng Diyos; kasimbuti ng Diyos ang Kanyang salita at ang Kanyang salita ay magkakatotoo. Ito ang pinakadiwa ng Diyos.) (Ang awtoridad ng Diyos ay nakasalalay sa Kanyang paglikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng nakapaloob rito. Walang sinuman ang makapagpapabago sa awtoridad ng Diyos. Ang Diyos ang namumuno sa lahat ng bagay at pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay.) (Ginagamit ng Diyos ang bahaghari at ang mga tipan sa tao.) Ito ang partikular na paksa. Mayroon pa bang iba? (Iniutos ng Diyos kay Satanas na maaari nitong tuksuhin si Job, subalit hindi maaaring kunin ang kanyang buhay. Mula rito makikita natin ang awtoridad ng salita ng Diyos.) Ito ang pagkaunawa na inyong natamo matapos mapakinggan ang pagsasamahan, tama? Mayroon bang iba pa na idaragdag? (Pangunahin nating tinatanggap na kinakatawan ng awtoridad ng Diyos ang natatanging katayuan at kalagayan ng Diyos, at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang nilalang ang maaaring magtaglay ng Kanyang awtoridad.) (Nagsasalita ang Diyos upang gumawa ng tipan sa tao at nagsasalita Siya upang ihayag ang Kanyang mga pagpapala sa tao, lahat ng ito ay mga halimbawa ng awtoridad ng salita ng Diyos.) (Nakikita natin ang awtoridad ng Diyos sa pagkalikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita, at mula sa Diyos na nagkatawang-tao nakikita natin na ang Kanyang salita ay tinataglay rin ang awtoridad ng Diyos, ang mga ito ay parehong simbolo ng pagiging natatangi ng Diyos. Makikita natin nang utusan ni Jesus si Lazaro na maglakad palabas ng kanyang puntod: na ang buhay at kamatayan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, kung saan si Satanas ay walang kapangyarihan na pumigil, at maging ang gawain ng Diyos ay isinagawa man sa laman o sa Espiritu, ang Kanyang awtoridad ay natatangi.) May iba pa ba kayong idaragdag? (Makikita natin na ang anim na sugpungan ng buhay ay idinidikta ng Diyos.) Magaling! Ano pa? (Ang mga pagpapala ng Diyos sa tao ay kumakatawan din sa Kanyang awtoridad.) Kapag pinag-uusapan natin ang awtoridad ng Diyos, ano ang inyong pagkaunawa sa salitang “awtoridad”? Sa loob ng saklaw ng awtoridad ng Diyos, sa ginagawa at inihahayag ng Diyos, ano ang nakikita ng mga tao? (Nakikita namin ang pagiging makapangyarihan at karunungan ng Diyos.) (Nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay laging naroroon at na ito ay tunay, tunay na umiiral.) (Nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa malawak na proporsyon sa Kanyang dominyon sa daigdig, at nakikita namin sa maliit na sukat habang pinamamahalaan Niya ang buhay ng tao. Mula sa anim na sugpungan ng buhay nakikita namin na talagang pinaplano ng Diyos at pinamamahalaan ang bawat aspeto ng aming mga buhay.) (Dagdag pa, nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay kumakatawan sa Diyos Mismo, ang natatangi, at walang sinuman sa mga nilikha at hindi nilikhang nilalang ang maaaring magtaglay nito. Ang awtoridad ng Diyos ay sumisimbolo sa Kanyang katayuan.) “Mga simbolo ng katayuan ng Diyos at kalagayan ng Diyos,” tila mayroon kayong doktrinal na kaalaman sa mga salitang ito. Ano ang katanungan na katatanong ko lang sa inyo, maaari ba ninyo itong ulitin? (Sa ginagawa at inihahayag ng Diyos, ano ang ating nakikita?) Ano ang inyong nakikita? Maaari kaya na ang nakikita lang ninyo ay ang awtoridad ng Diyos? Naramdaman din ba ninyo ang awtoridad ng Diyos? (Nakikita namin ang realidad ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, ang pagiging tapat ng Diyos.) (Nakikita namin ang karunungan ng Diyos.) Ang pagiging tapat ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, at ang sinasabi ng ilan na karunungan ng Diyos. Ano pa ang narooon? (Ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos.) (Pagkakita sa pagkamatuwid at kabutihan ng Diyos.) Hindi pa rin ninyo gaanong nakukuha, kaya mag-isip pa nang konti. (Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay inihahayag at nasasalamin sa Kanyang pagkontrol, pangunguna, at pamamahala sa sangkatauhan. Ito ay tunay na tunay at totoo. Palagi Niyang ginagawa ang Kanyang gawain at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang nilalang ang maaaring magtaglay ng awtoridad at kapangyarihang ito.) Tumitingin ba kayong lahat sa inyong mga itinala? Mayroon ba talaga kayong anumang kaalaman sa awtoridad ng Diyos? Naiintindihan ba talaga ninuman sa inyo ang Kanyang awtoridad? (Binabantayan kami ng Diyos at pinangangalagaan kami mula noong kami ay mga bata pa, at nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa gayon. Hindi namin palaging naintindihan ang mga sitwasyong nangyayari sa amin, ngunit palagi kaming pinangangalagaan ng Diyos nang lihim; ito rin ay awtoridad ng Diyos.) Magaling, mahusay ang pagkakasabi!

17.6.18

Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod



Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin

13.6.18

Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikalawang Bahagi)

    Ang kapatid na babae ay patuloy na nagsalita: “Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay nabuksan na ang misteryo ng ‘pagiging ligtas’ at ‘pagtamo ng ganap na kaligtasan,’ kaya tingnan natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ano ang masasabi Niya tungkol dito. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasabing: “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

9.6.18

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)



 Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)  

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una."


Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

8.6.18

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang tunay na hitsura ng Diyos sa laman, ang tunay na gawa ng Diyos. Tanging pagkatapos lamang na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay tunay maaaring aktuwal kang makikipagtulungan sa Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng daang ito maaari mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng yaong mga walang kaalaman sa realidad ay walang kaparaanan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang maling pag-iisip, nabubuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Mas higit ang iyong kaalaman sa realidad, mas malapit ka sa Diyos, at mas tapat ang loob mo sa Kaniya; mas higit ang iyong pagnanais na makita ang kalabuan at mga makadiwang lutang, at katuruan, mas higit kang mawawalay sa Diyos, sa gayon mas mararamdaman mo na ang pagdanas sa salita ng Diyos ay nakakabawas ng lakas at mahirap, at wala kang kakayahan sa pagpasok. Kung nais mo na pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, patungo sa tamang tahakin ng iyong pang-espiritwal na buhay, una mo dapat kilalanin ang realidad at ihiwalay ang iyong sarili mula sa malabo, at higit sa karaniwan na mga bagay—na ibig sabihin, una mo munang dapat maunawaan kung paanong ang Banal na Espiritu ay kasalukuyang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa iyo mula sa iyong loob. Sa ganitong paraan, kung maaari mong tunay na maunawaan ang tunay na gawa ng Banal na Espiritu sa iyong loob, makakapasok ka sa tamang daan na ginawang perpekto ng Diyos."

6.6.18

Christian Full Movie HD 2018 | "Walang Katumbas ang Katapatan" My Days with God (Tagalog Dubbed)



 Christian Full Movie HD 2018 | "Walang Katumbas ang Katapatan" My Days with God (Tagalog Dubbed)



Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait siya, tapat, at nagnegosyo nang naaayon sa libro. Hindi niya susubukang manloko ng kapwa, pero halos sapat lang ang kinikita niya para masuportahan ang kanyang pamilya. Paglipas ng ilang panahon, isang kapamilya at kapwa negosyante ang nag-udyok sa kanyang gawin ang mga di-nakasulat na tuntunin ng negosyo, at nagsimulang maniwala si Zhen Cheng sa mga kasabihang kumakatawan sa satanikong pilosopiya tulad ng: “Ang isang taong walang ikalawang kita ay hindi yayaman kailanman tulad ng isang kabayong hindi bibigat kailanman dahil ginutom sa dayami sa gabi,” “Ang mapangahas ay namamatay sa katakawan ; ang mahiyain ay namamatay sa gutom,” “Hindi pera ang lahat, pero kung wala nito, wala kang magagawang anuman,” at “Una ang pera.” Nawala ang mabuting konsensiya ni Zhen Cheng na dating gumabay sa kanya at nagsimulang gumamit ng pailalim na mga pamamaraan para kumita ng mas maraming pera. Kahit kumita siya ng mas maraming pera kaysa dati, at humusay ang mga pamantayan niya sa pamumuhay, dama ni Zhen Cheng na hindi siya masaya at binalot siya ng pakiramdam ng kawalan; hungkag ang buhay at puspos ng pagdurusa.
Pagkatapos tanggapin ni Zhen Cheng ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa huling mga araw, naunawaan niya sa pamamagitan ng salita ng Diyos na gusto ng Diyos ang mga tapat na tao at hinahamak ang mga mapanlinlang. Naunawaan din ni Zhen Cheng na ang pagiging tapat na tao ay ang tanging paraan para mag-ugaling tunay na tao at ang tanging paraan para makamit ang papuri ng Diyos, kaya isinumpa niyang maging tapat na tao.
Gayon man, ang pagiging tapat na tao sa tunay na buhay ay napatunayang mahirap: Sa mga kapatid sa simbahan, pwede siyang maging diretso tulad ng nararapat, pero kung gayon ang ginawa niya sa mundo ng negosyo, makagagawa ba siya ng pera? Hindi lang posible na mas kaunti ang perang magagawa niya, maaari pa siyang makaranas ng mga matitinding pagkalugi at manganib na mawala ang kanyang shop. … Sa harap ng mga ganoong pakikibaka, mapatakbo kaya ni Zhen Cheng nang may katapatan ang kanyang negosyo? Anu-anong uri ng di-inaasahang pagbabago ang mangyayari sa proseso? Ano ang magiging pinakamahalagang gantimpala niya?

Rekomendasyon:Tagalog Christian Movie


4.6.18

Milagro sa Sakuna | Video ng Ebanghelyo "Pagpalain ng Diyos"


  Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

31.5.18

Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi)


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay naging kumpleto na sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan."