Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaharian. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaharian. Ipakita ang lahat ng mga post

22.4.19

Salita ng Diyos|Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita


Salita ng Diyos|Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita


Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala.

14.7.18

Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao

════ ♡♡♡♡♡ ════  ♡♡♡♡♡ ════  ♡♡♡♡♡ ════ ♡♡♡♡♡  ════ ♡♡♡ ════ 


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa pangwakas na kapanahunang ito, dadakilain ang Aking pangalan sa mga bansang Gentil, dahilan upang makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa, na maaari nila Akong tawaging ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at magawa ito upang ang Aking mga salita ay maaaring malapit nang matupad. Gagawin Kong malaman ng lahat ng tao na hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos rin ng lahat ng mga bansa ng mga Gentil, kahit na iyong Aking isinumpa. Hahayaan Ko na makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawa, ang layunin ng Aking plano ng paggawa para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na dapat matupad sa mga huling araw."

13.7.18

Madadala Tayo Sa Kaharian ng Langit Matapos Tanggapin ang Pagtubos ng Panginoong Jesus?


Madadala Tayo Sa Kaharian ng Langit Matapos Tanggapin ang Pagtubos ng Panginoong Jesus?

Batay sa mga salita ng Panginoong Jesus sa krus na "Naganap na," karaniwan ay sinasabi nang patapos ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na tapos na kung gayon ang pagliligtas sa sangkatauhan. Kapag nagbalik ang Panginoon, tatanggapin ang mga nananalig sa kaharian ng langit, at hindi na kailangang padalisayin at iligtas ang mga tao. Naaayon ba ang pananaw na ito ng mga pastor at elder sa mga salita ng Diyos? Saan tumutukoy sa huli ang Panginoong Jesus, nang sabihin Niyang "Naganap na" sa krus? Bakit gugustuhing ipahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw, na hinahatulan at dinadalisay ang mga tao? Anong klaseng mga tao ba talaga ang makakapasok sa kaharian ng langit?

4.7.18

Tagalog Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Trailer)


Tagalog Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Trailer)

    Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?

1.7.18

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalimang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay nagmula sa aklat na “Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
(III) Limang Uri ng mga Tao
Ang unang uri ay ang antas na kinikilala bilang ang “sanggol na nakabigkis ng damit”.
Ang pangalawang uri ay ang antas ng “sanggol na pinapasuso”.
Ang pangatlong uri ay ang antas ng inaawat na sanggol—ang antas ng pagiging bata.
Ang pang-apat na uri ay ang antas ng pagiging ganap na bata; ang pagkabata.
Ang panlimang uri ay ang antas ng ganap na buhay, o ang antas ng pagiging matanda.

30.6.18

Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?

🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).
“At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).
“At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay” (Exodo 20:18-19).

27.6.18

Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Trailer)


   Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...

22.6.18

Hinahangad ng Diyos na Mas Marami pang Tao ang Magkamit ng Kanyang Kaligtasan


I
Nais ng Diyos na maraming tao ang mag-aaral nang mabuti
kapag naharap sa salita ng Diyos at Kanyang gawain,
lumalapit sa mahalagang salita na ito
na may maka-diyos na puso.
Huwag sundan ang yapak ng mga pinarusahan.
Huwag tularan si Pablo, tamang daa'y malinaw na alam
ngunit sadyang sumuway, nawala ang handog sa kasalanan.
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kamtin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!

21.6.18

Full Tagalog Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” God With Us (Tagalog Dubbed)


    Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba't ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba't ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, "Wala n'yo kaming pakialaman!" Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

19.6.18

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (I) Isang Pangkalahatang-Ideya sa Awtoridad ng Diyos, Ang matuwid na Disposisyon ng Diyos, at Kabanalan ng Diyos (Unang Bahagi)




   Kapag natapos na ninyo ang mga panalangin, nakadarama ba ng kapanatagan ang inyong mga puso sa harap ng Diyos? (Oo.) Kung ang puso ng isang tao ay maaaring maging panatag, maaari na nilang marinig at maintindihan ang salita ng Diyos at maaari na nilang marinig at maintindihan ang katotohanan. Kung ang iyong puso ay hindi mapanatag, kung ang puso mo ay laging naguguluhan, o laging nag-iisip ng ibang mga bagay, makaaapekto ito sa iyong pagsama upang makinig sa salita ng Diyos. Kaya, ano ang ipinahihiwatig ng tinatalakay natin sa oras na ito? Bumalik lang tayo nang kaunti sa pangunahing punto. Tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo, ang natatangi, ano ang unang bahagi na ating tinalakay? (Awtoridad ng Diyos.) Ano ang ikalawa? (Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) At ang ikatlo? (Ang kabanalan ng Diyos.) Ilang beses na nating tinalakay ang awtoridad ng Diyos? Nag-iwan ba ito sa inyo ng impresyon? (Dalawang beses.) Paano naman ang matuwid na disposisyon ng Diyos? (Isang beses.) Ang ilang beses nating pagtalakay sa kabanalan ng Diyos ay nakapag-iwan marahil ng impresyon sa inyo, ngunit nag-iwan ba ng impresyon sa inyo ang partikular na paksa na tinalakay natin sa bawat pagkakataon? Sa unang bahagi ng “Ang awtoridad ng Diyos,” ano ang nag-iwan ng malalim na impresyon sa inyo, anong bahagi ang nagkaroon ng pinakamalaking epekto sa inyo? (Ang awtoridad ng salita ng Diyos at ang Diyos bilang Namumuno sa lahat ng bagay.) Pag-usapan ang mga pinakamahalagang punto. (Una, ipinabatid ng Diyos ang awtoridad at ang kapangyarihan ng salita ng Diyos; kasimbuti ng Diyos ang Kanyang salita at ang Kanyang salita ay magkakatotoo. Ito ang pinakadiwa ng Diyos.) (Ang awtoridad ng Diyos ay nakasalalay sa Kanyang paglikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng nakapaloob rito. Walang sinuman ang makapagpapabago sa awtoridad ng Diyos. Ang Diyos ang namumuno sa lahat ng bagay at pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay.) (Ginagamit ng Diyos ang bahaghari at ang mga tipan sa tao.) Ito ang partikular na paksa. Mayroon pa bang iba? (Iniutos ng Diyos kay Satanas na maaari nitong tuksuhin si Job, subalit hindi maaaring kunin ang kanyang buhay. Mula rito makikita natin ang awtoridad ng salita ng Diyos.) Ito ang pagkaunawa na inyong natamo matapos mapakinggan ang pagsasamahan, tama? Mayroon bang iba pa na idaragdag? (Pangunahin nating tinatanggap na kinakatawan ng awtoridad ng Diyos ang natatanging katayuan at kalagayan ng Diyos, at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang nilalang ang maaaring magtaglay ng Kanyang awtoridad.) (Nagsasalita ang Diyos upang gumawa ng tipan sa tao at nagsasalita Siya upang ihayag ang Kanyang mga pagpapala sa tao, lahat ng ito ay mga halimbawa ng awtoridad ng salita ng Diyos.) (Nakikita natin ang awtoridad ng Diyos sa pagkalikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita, at mula sa Diyos na nagkatawang-tao nakikita natin na ang Kanyang salita ay tinataglay rin ang awtoridad ng Diyos, ang mga ito ay parehong simbolo ng pagiging natatangi ng Diyos. Makikita natin nang utusan ni Jesus si Lazaro na maglakad palabas ng kanyang puntod: na ang buhay at kamatayan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, kung saan si Satanas ay walang kapangyarihan na pumigil, at maging ang gawain ng Diyos ay isinagawa man sa laman o sa Espiritu, ang Kanyang awtoridad ay natatangi.) May iba pa ba kayong idaragdag? (Makikita natin na ang anim na sugpungan ng buhay ay idinidikta ng Diyos.) Magaling! Ano pa? (Ang mga pagpapala ng Diyos sa tao ay kumakatawan din sa Kanyang awtoridad.) Kapag pinag-uusapan natin ang awtoridad ng Diyos, ano ang inyong pagkaunawa sa salitang “awtoridad”? Sa loob ng saklaw ng awtoridad ng Diyos, sa ginagawa at inihahayag ng Diyos, ano ang nakikita ng mga tao? (Nakikita namin ang pagiging makapangyarihan at karunungan ng Diyos.) (Nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay laging naroroon at na ito ay tunay, tunay na umiiral.) (Nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa malawak na proporsyon sa Kanyang dominyon sa daigdig, at nakikita namin sa maliit na sukat habang pinamamahalaan Niya ang buhay ng tao. Mula sa anim na sugpungan ng buhay nakikita namin na talagang pinaplano ng Diyos at pinamamahalaan ang bawat aspeto ng aming mga buhay.) (Dagdag pa, nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay kumakatawan sa Diyos Mismo, ang natatangi, at walang sinuman sa mga nilikha at hindi nilikhang nilalang ang maaaring magtaglay nito. Ang awtoridad ng Diyos ay sumisimbolo sa Kanyang katayuan.) “Mga simbolo ng katayuan ng Diyos at kalagayan ng Diyos,” tila mayroon kayong doktrinal na kaalaman sa mga salitang ito. Ano ang katanungan na katatanong ko lang sa inyo, maaari ba ninyo itong ulitin? (Sa ginagawa at inihahayag ng Diyos, ano ang ating nakikita?) Ano ang inyong nakikita? Maaari kaya na ang nakikita lang ninyo ay ang awtoridad ng Diyos? Naramdaman din ba ninyo ang awtoridad ng Diyos? (Nakikita namin ang realidad ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, ang pagiging tapat ng Diyos.) (Nakikita namin ang karunungan ng Diyos.) Ang pagiging tapat ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, at ang sinasabi ng ilan na karunungan ng Diyos. Ano pa ang narooon? (Ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos.) (Pagkakita sa pagkamatuwid at kabutihan ng Diyos.) Hindi pa rin ninyo gaanong nakukuha, kaya mag-isip pa nang konti. (Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay inihahayag at nasasalamin sa Kanyang pagkontrol, pangunguna, at pamamahala sa sangkatauhan. Ito ay tunay na tunay at totoo. Palagi Niyang ginagawa ang Kanyang gawain at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang nilalang ang maaaring magtaglay ng awtoridad at kapangyarihang ito.) Tumitingin ba kayong lahat sa inyong mga itinala? Mayroon ba talaga kayong anumang kaalaman sa awtoridad ng Diyos? Naiintindihan ba talaga ninuman sa inyo ang Kanyang awtoridad? (Binabantayan kami ng Diyos at pinangangalagaan kami mula noong kami ay mga bata pa, at nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa gayon. Hindi namin palaging naintindihan ang mga sitwasyong nangyayari sa amin, ngunit palagi kaming pinangangalagaan ng Diyos nang lihim; ito rin ay awtoridad ng Diyos.) Magaling, mahusay ang pagkakasabi!

16.6.18

Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

   Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.

13.6.18

Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikalawang Bahagi)

    Ang kapatid na babae ay patuloy na nagsalita: “Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay nabuksan na ang misteryo ng ‘pagiging ligtas’ at ‘pagtamo ng ganap na kaligtasan,’ kaya tingnan natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ano ang masasabi Niya tungkol dito. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasabing: “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

1.6.18

Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo


I
Kaharian ng D'yos dumating sa lupa;
persona ng D'yos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa D'yos.
Awitin ang iyong awit ng tagumpay
upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal
sa buong mundo.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.

29.5.18

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas

buhay, langit, Espiritu, kaharian, Iglesia

     Napakarami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming mga bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Nguni’t ang mga kakayahan ng tao sa pagtanggap ay kulang na kulang: Hindi niya kayang arukin nang lubos ang Aking mga salita ayon sa Aking ipinagkakaloob, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan ngunit nananatiling mangmang sa iba. Gayunpaman hindi Ko pinarurusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado ng kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng tao. Kaya, ito rin, ang panahon kung kailan ang Aking mga anak na lalaki at bayan ang mamamahala sa buong mundo. Yaong mga nakakakilala sa Akin ay tiyak na magiging mga haligi ng Aking kaharian, at walang iba kundi sila ang magiging kwalipikado upang mamahala at gumamit ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Ang lahat ng nakakakilala sa Akin ay mayroon ngang pagiging Ako, at nagagawang isabuhay Ako sa gitna ng lahat ng tao. Hindi Ko tinitingnan kung hanggang saan Ako nakikilala ng tao: Walang makahahadlang sa Aking gawain sa anumang paraan, at walang maitutulong sa Akin ang tao at walang magagawa para sa Akin. Masusundan lamang ng tao ang Aking paggabay sa Aking liwanag, at mahahanap ang Aking kalooban sa liwanag na ito. Sa araw na ito, naging kwalipikado ang mga tao, at naniniwalang kaya nilang magmayabang sa Aking harapan, at makitawa at makipagbiruan sa Akin nang wala man lamang kahit kaunting pangingimi, at pakitunguhan Ako bilang kapantay lamang. Hindi pa rin Ako kilala ng tao, naniniwala pa rin siyang halos pareho lamang kami sa diwa, na pareho kaming may laman at dugo, at parehong naninirahan sa mundo ng mga tao. Ang kanyang paggalang sa Akin ay masyadong kakaunti; iginagalang niya Ako kapag kaharap niya Ako, nguni’t walang kakayahang maglingkod sa Akin sa harap ng Espiritu. Ito ay tila, para sa tao, ang Espiritu ay hindi umiiral kailanman. Bilang resulta, walang taong nakakilala sa Espiritu; sa Aking pagkakatawang-tao, ang nakikita lamang ng mga tao ay isang laman at dugo, at hindi nararamdaman ang Espiritu ng Diyos. Maaari kayang tunay na matupad ang Aking kalooban sa ganitong paraan? Ang mga tao ay mga eksperto sa pandaraya sa Akin; parang sadya silang tinuruan ni Satanas upang lokohin Ako. Ngunit hindi Ako naliligalig ni Satanas. Gagamitin Ko pa rin ang Aking karunungan para lupigin ang buong sangkatauhan at talunin ang nagpapatiwali ng buong sangkatauhan, upang sa gayon ay maitatag ang Aking kaharian dito sa lupa.

28.5.18

Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (2)


Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta't sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?

24.5.18

Full Tagalog Christian Movie 2018 | Sino ang Muling Nagpapako sa Diyos sa Krus?


   Si Gu Shoucheng ay isang pastor sa isang bahay-sambahan sa China. Nanalig na siya sa Panginoon nang maraming taon, at hindi nagbabago sa pagsisikap na magbigay ng mga sermon, at marami na siyang napuntahan para ipangaral ang ebanghelyo. Naaresto na siya at nakulong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at nakulong nang 12 taon. Nang makalabas na siya ng bilangguan, patuloy na naglingkod si Gu Shoucheng sa iglesia. Gayunman, nang dumating ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa iglesiang kinsasapian ni Gu Shoucheng, ni hindi niya ito hinahanap o sinisiyasat, kundi umaasa siya sa sarili niyang mga paniwala at pagkaintindi nang buong katigasan ng ulo na husgahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginagawa niya ang lahat para magkalat ng mga paniwala at maling pagkaintindi upang putulin at pigilan ang pagtanggap ng mga nananalig sa tunay na daan. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos noon natuklasan ni Gu Shoucheng na tunay ngang sila ay may awtoridad at kapangyarihan at na sinuman ang nakarinig sa mga ito ay makumbinsi, at natakot siya nang husto na sinuman sa iglesia ang makabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mananalig sa Kanya. Natakot siya na kung magkagayo'y hindi niya mapapanatili ang kanyang katayuan at pamumuhay. Kaya nga, tinalakay niya ito kay Elder Wang Sen at sa iba pa sa iglesia at ipinasiya niyang linlangin ang mga tao sa mga tsismis na ginamit ng pamahalaang Chinese Communist sa pag-atake at paghusga sa Makapangyarihang Diyos. Ginagawa nina Gu Shoucheng at Wang Sen ang lahat para isara ang iglesia at pigilan ang mga tao sa pagtanggap sa tunay na daan, at tumutulong pa sila sa makademonyong rehimen ng CCP para arestuhin at usigin ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Malaking kasalanan sa disposisyon ng Diyos ang kanilang ginagawa at sumasailalim sila sa Kanyang sumpa. Dahil aarestuhin na ni Wang Sen ang ilang taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, naaksidente siya at namatay doon mismo. Nabubuhay si Gu Shoucheng sa takot at kawalang-pag-asa at natataranta. Madalas niyang sinasabi sa sarili: "Ang paghatol ko ba sa Makapangyarihang Diyos ay ipinapakong muli ang Diyos sa krus?"

20.5.18

Tagalog Gospel Videos | "Sino ang Muling Nagpapako sa Diyos sa Krus?" (Trailer)


    Si Gu Shoucheng ay isang pastor sa isang bahay-sambahan sa China. Nanalig na siya sa Panginoon nang maraming taon, at hindi nagbabago sa pagsisikap na magbigay ng mga sermon, at marami na siyang napuntahan para ipangaral ang ebanghelyo. Naaresto na siya at nakulong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at nakulong nang 12 taon. Nang makalabas na siya ng bilangguan, patuloy na naglingkod si Gu Shoucheng sa iglesia. Gayunman, nang dumating ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa iglesiang kinsasapian ni Gu Shoucheng, ni hindi niya ito hinahanap o sinisiyasat, kundi umaasa siya sa sarili niyang mga paniwala at pagkaintindi nang buong katigasan ng ulo na husgahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginagawa niya ang lahat para magkalat ng mga paniwala at maling pagkaintindi upang putulin at pigilan ang pagtanggap ng mga nananalig sa tunay na daan. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos noon natuklasan ni Gu Shoucheng na tunay ngang sila ay may awtoridad at kapangyarihan at na sinuman ang nakarinig sa mga ito ay makumbinsi, at natakot siya nang husto na sinuman sa iglesia ang makabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mananalig sa Kanya. Natakot siya na kung magkagayo'y hindi niya mapapanatili ang kanyang katayuan at pamumuhay. Kaya nga, tinalakay niya ito kay Elder Wang Sen at sa iba pa sa iglesia at ipinasiya niyang linlangin ang mga tao sa mga tsismis na ginamit ng pamahalaang Chinese Communist sa pag-atake at paghusga sa Makapangyarihang Diyos. Ginagawa nina Gu Shoucheng at Wang Sen ang lahat para isara ang iglesia at pigilan ang mga tao sa pagtanggap sa tunay na daan, at tumutulong pa sila sa makademonyong rehimen ng CCP para arestuhin at usigin ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Malaking kasalanan sa disposisyon ng Diyos ang kanilang ginagawa at sumasailalim sila sa Kanyang sumpa. Dahil aarestuhin na ni Wang Sen ang ilang taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, naaksidente siya at namatay doon mismo. Nabubuhay si Gu Shoucheng sa takot at kawalang-pag-asa at natataranta. Madalas niyang sinasabi sa sarili: "Ang paghatol ko ba sa Makapangyarihang Diyos ay ipinapakong muli ang Diyos sa krus?"

14.5.18

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan




   Nasabihan na kayo na sangkapan ang inyong sarili sa pamamagitan ng salita ng Diyos, na hindi alintana kung ano ang inaayos para sa inyo, ang lahat ay binabalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—walang silbi ang mga ito. Subali’t sa mga panahon ng kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo. Kapag hinihintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng pagsasakawalang-kibo. Kaya, kung hindi mo kayang lubos na maaninag ang mga bagay na ito, ikaw ay nalalabuan at hangal sa iyong dinaranas. Kung ikaw ay walang katunayan at puro mga salita lamang, hindi ba’t ito ay tanda ng kalisyaan? Maraming kalisyaan ang nakikita sa inyo, sa kalipunang ito. Ngayon, wala kayong kakayanang makamit ang gayong mga pagsubok na katulad ng “mga taga-serbisyo”, o kung hindi man ay walang kakayahang maisip o makamit ang ibang pagpipino na may kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Kailangan niyong umayon sa maraming bagay na hinihingi sa inyong isagawa. Ibig sabihin, ang mga tao ay dapat umayon sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sang-ayunan ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang tuparin. Hayaang gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu: walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Wala ito kundi isang kailangang gawin ng tao, at dapat sang-ayunan dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsang-ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi na ngayon ang Kapanahunan ng Kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, panatilihin mo ang iyong kinalalagyan at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang tono at mga hangad ng pagbigkas ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anumang hayagang pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sang-ayunan ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sang-ayunan ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanyang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sang-ayunan ang tao. Ang mga tuntunin ng nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na pagsasagawa para tuparin ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nito isinasangkot ang gawain ng Banal na Espiritu at kailangang gawin ng tao.

25.4.18

Mas Gumugulang ang mga Tao ng Diyos, mas Bumabagsak ang Malaking Pulang Dragon



I
Kapag ang mga tao ay naging ganap,
at lahat ng bansa’y kaharian ni Kristo,
ang pitong kidlat ay aalingawngaw.
Ngayo’y hakbang tungo sa yugtong ito.
Ang paglusob ay napakawalan na.
Ito’y plano ng Diyos. Ito ay matutupad.

22.3.18

Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"



"Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"


   Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin." (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit " (Mat 7:21). "… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal" (1Pe 1:16).