Napakarami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming mga bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Nguni’t ang mga kakayahan ng tao sa pagtanggap ay kulang na kulang: Hindi niya kayang arukin nang lubos ang Aking mga salita ayon sa Aking ipinagkakaloob, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan ngunit nananatiling mangmang sa iba. Gayunpaman hindi Ko pinarurusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado ng kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng tao. Kaya, ito rin, ang panahon kung kailan ang Aking mga anak na lalaki at bayan ang mamamahala sa buong mundo. Yaong mga nakakakilala sa Akin ay tiyak na magiging mga haligi ng Aking kaharian, at walang iba kundi sila ang magiging kwalipikado upang mamahala at gumamit ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Ang lahat ng nakakakilala sa Akin ay mayroon ngang pagiging Ako, at nagagawang isabuhay Ako sa gitna ng lahat ng tao. Hindi Ko tinitingnan kung hanggang saan Ako nakikilala ng tao: Walang makahahadlang sa Aking gawain sa anumang paraan, at walang maitutulong sa Akin ang tao at walang magagawa para sa Akin. Masusundan lamang ng tao ang Aking paggabay sa Aking liwanag, at mahahanap ang Aking kalooban sa liwanag na ito. Sa araw na ito, naging kwalipikado ang mga tao, at naniniwalang kaya nilang magmayabang sa Aking harapan, at makitawa at makipagbiruan sa Akin nang wala man lamang kahit kaunting pangingimi, at pakitunguhan Ako bilang kapantay lamang. Hindi pa rin Ako kilala ng tao, naniniwala pa rin siyang halos pareho lamang kami sa diwa, na pareho kaming may laman at dugo, at parehong naninirahan sa mundo ng mga tao. Ang kanyang paggalang sa Akin ay masyadong kakaunti; iginagalang niya Ako kapag kaharap niya Ako, nguni’t walang kakayahang maglingkod sa Akin sa harap ng Espiritu. Ito ay tila, para sa tao, ang Espiritu ay hindi umiiral kailanman. Bilang resulta, walang taong nakakilala sa Espiritu; sa Aking pagkakatawang-tao, ang nakikita lamang ng mga tao ay isang laman at dugo, at hindi nararamdaman ang Espiritu ng Diyos. Maaari kayang tunay na matupad ang Aking kalooban sa ganitong paraan? Ang mga tao ay mga eksperto sa pandaraya sa Akin; parang sadya silang tinuruan ni Satanas upang lokohin Ako. Ngunit hindi Ako naliligalig ni Satanas. Gagamitin Ko pa rin ang Aking karunungan para lupigin ang buong sangkatauhan at talunin ang nagpapatiwali ng buong sangkatauhan, upang sa gayon ay maitatag ang Aking kaharian dito sa lupa.
Sa mga tao, may mga nagtangkang alamin ang tiyak na sukat ng mga bituin, o ang lawak ng kalawakan. Ngunit di-kailanman napatunayang nagging mabunga ang kanilang pananaliksik, at iniyuko na lamang nila ang kanilang mga ulo sa pagkadismaya at tinanggap ang kanilang pagkabigo. Sa pagtingin sa lahat ng tao at sa pagmamasid sa dinamika ng tao sa kanyang mga kabiguan, wala Akong nakita na lubusang naniniwala sa Akin, walang sumusunod sa Akin at nagpapasakop sa Akin. Gaano padalos-dalos ang mga ambisyon ng tao! Nang ang buong mukha ng kalaliman ay madilim, nagsimula Kong matikman sa gitna ng tao ang kapaitan ng mundo. Naglalakbay ang Aking Espiritu sa buong mundo at pinagmamasdan ang mga puso ng lahat ng tao, gayunman, lulupigin Ko ang sangkatauhan sa Aking nagkatawang-taong laman. Hindi Ako nakikita ng tao, dahil siya ay bulag; hindi Ako nakikilala ng tao, dahil lumaki siyang manhid; sinasalungat Ako ng tao, dahil siya ay masuwayin; yumuyukod ang tao sa Aking harapan, dahil siya ay Aking nasakop; natututuhan Akong ibigin ng tao sapagkat likas Akong karapat-dapat sa pagmamahal ng tao; isinasabuhay Ako ng tao at inihahayag Ako, dahil ginawa siyang ayon sa Aking puso ng Aking kapangyarihan at ng Aking karunungan. Mayroon Akong pitak sa puso ng tao, nguni’t kailanman ay hindi Ko natanggap ang pagmamahal ng tao sa Akin sa kanyang espiritu. Tunay ngang may mga bagay sa espiritu ng tao na minamahal niya nang higit sa lahat, nguni’t hindi Ako ang isa sa mga ito, kaya ang pag-ibig ng tao ay katulad ng bula ng sabon: Kapag humihip ang hangin, pumuputok ito at nawawala, at hindi na makikita ulit. Lagi Akong matiyaga at hindi nagbabago sa Aking pakikitungo sa tao. Mayroon ba sa mga tao na ganito rin ang ginawa? Sa mga mata ng tao, hindi Ako matarok at hindi nakikita tulad ng hangin, at dahil dito, ang lubhang karamihan sa mga tao ay naghahanap lamang sa walang-hanggang kalangitan, o sa gumugulong na alon ng dagat, o sa mapayapang lawa, o sa mga walang-saysay na mga sulat at mga doktrina. Wala kahit isang tao ang nakakaalam sa diwa ng sangkatauhan, mas lalo nang walang makapagsasabi ng kahit ano tungkol sa misteryo sa kalooban Ko, kaya hindi Ko hinihiling na abutin ng tao ang pinakamataas na mga pamantayan na inaakala niyang hinihingi Ko sa kanya.
Sa gitna ng Aking mga salita, gumuguho ang mga bundok, bumabaligtad ang agos ng tubig, nagiging mapagpasakop ang tao, at nagsisimulang umagos ang tubig sa mga lawa nang walang tigil. Bagaman dumadaluyong ang nagngangalit na alon ng dagat patungo sa langit, sa gitna ng Aking mga salita, ang mga dagat na ito ay kumalma tulad ng ibabaw ng isang lawa. Sa pinakabahagyang kumpas ng Aking kamay, ang mabagsik na unos ay dali-daling napapawi at lumalayo sa Akin, at ang mundo ng mga tao’y biglang nagbabalik sa kapayapaan. Nguni’t nang Aking ibuhos ang Aking matinding poot, kaagad gumuho ang mga bundok, kaagad na nagsimulang yumanig ang lupa, natuyo agad ang tubig, at biglang ginambala ng sakuna ang tao. Dahil sa Aking matinding poot, hindi Ko pinansin ang mga hiyaw ng tao, wala Akong ibinigay na tulong bilang tugon sa kanyang pagtangis, dahil nagngingitngit ang Aking galit. Kapag Ako ay nasa mga kalangitan, hindi kailanman nakakaramdam ng takot ang mga bituin dahil sa Aking presensya. Sa halip, inilalagay nila ang kanilang mga puso tungo sa kanilang gawain para sa Akin, kaya pinagkakalooban Ko sila ng karagdagang liwanag at lalo silang pinasisikat nang mas maningning, upang magkamit pa sila ng mas dakilang kaluwalhatian para sa Akin. Mas maliwanag ang mga kalangitan, mas madilim ang mundo sa ibaba; kaya maraming tao ang nagreklamo na hindi naaayon ang Aking pagsasaayos, kaya marami ang umiwan sa Akin upang magtayo ng kanilang sariling kaharian, na kanilang ginagamit upang ipagkanulo Ako, at baligtarin ang kalagayan ng kadiliman. Nguni’t sino ang nakagawa nito sa pamamagitan ng kanilang paglutas? At sino ang naging matagumpay sa kanilang resolusyon? Sino ang makapagbabaligtad sa bagay na isinaayos ng Aking kamay? Kapag lumalaganap ang tagsibol sa buong lupain, palihim at tahimik Akong nagpapadala ng liwanag sa mundo, upang, sa lupa, ang tao ay makaramdam ng panandaliang kasariwaan sa hangin. Nguni’t sa sandaling iyon, pinalalabo Ko ang mga mata ng tao, upang ang makikita lamang niya ay ang hamog na bumabalabal sa lupa, at lahat ng mga tao at mga bagay ay nagiging malabo. Walang magawa ang mga tao kundi magbuntong-hininga sa kanilang mga sarili, Bakit sandali lamang ang itinagal ng liwanag? Bakit hamog at kalabuan lamang ang ibinibigay ng Diyos sa tao? Sa gitna ng kawalang-pag-asa ng mga tao, naglalaho ang hamog sa isang iglap, nguni’t nang mamataan nila ang isang kislap ng liwanag, nagpakawala Ako sa kanila ng malakas na buhos ng ulan, at ang kanilang mga tainga ay nabingi sa mga kulog habang sila’y natutulog. Dahil sa takot, wala na silang panahon upang humanap ng masisilungan, at nilamon sila ng malakas na buhos ng ulan. Sa isang iglap, lahat ng mga bagay sa ilalim ng mga kalangitan ay inanod sa gitna ng Aking nagpupuyos na galit. Hindi na nagrereklamo ang mga tao tungkol sa pagsisimula ng malakas na ulan, at sa kanilang lahat ay nabuo ang paggalang. Dahil sa biglang pagbuhos na ito ng ulan, ang lubhang karamihan ng mga tao ay nalulunod sa pamamagitan ng tubig na bumubuhos mula sa langit, na nagiging mga bangkay sa tubig. Pinagmasdan Ko ang buong mundo at nakita na marami ang nagigising, na marami ang nagsisisi, na marami ang naghahanap sa pinagmulan ng mga tubig sa maliliit na mga bangka, na marami ang yumuyukod sa Akin upang humingi ng Aking kapatawaran, na marami ang nakakita sa liwanag, na marami ang nakakita sa Aking mukha, na marami ang nagkaroon ng tapang upang mabuhay, at na ang buong mundo ay nabago. Pagkatapos nitong malakas na buhos ng ulan, bumalik ang lahat ng mga bagay sa kung paano Ko inilarawan ang mga iyon sa Aking isipan, at hindi na sila masuwayin. Hindi nagtagal, napuno ang buong lupain ng tawanan, saanmang dako sa mundo ay puno ng pagpupuri, at walang lugar na wala ang Aking kaluwalhatian. Ang Aking karunungan ay nasa lahat ng dako sa mundo, at nasa kabuuan ng buong sansinukob. Sa gitna ng lahat ng mga bagay ay ang mga bunga ng Aking karunungan, sa gitna ng lahat ng mga tao ay sumagana ang pinakamahusay na gawa ng Aking karunungan; ang bawa’t bagay ay katulad ng lahat ng mga bagay sa Aking kaharian, at lahat ng mga tao ay nananahan sa kapahingahan sa ilalim ng Aking mga kalangitan tulad ng mga tupa sa Aking mga pastulan. Kumikilos Ako sa ibabaw ng lahat ng mga tao at nagmamasid Ako sa lahat ng dako. Walang nagmumukhang matanda, at walang tao na katulad ng kung ano siya dati. Namamahinga Ako sa trono, sumasandig Ako patawid sa buong sansinukob, at Ako’y lubos na nasisiyahan, dahil naibalik ang lahat ng mga bagay sa kanilang kabanalan, at muli Akong maninirahan nang mapayapa sa Sion, at ang mga tao sa mundo ay makapamumuhay ng mapayapa, kuntentong mga buhay sa ilalim ng Aking paggabay. Pinangangasiwaan ng lahat ng mga tao ang lahat ng bagay sa Aking kamay, nabawi na ng lahat ng mga tao ang dati nilang katalinuhan at orihinal na anyo; hindi na sila nababalutan ng alabok, ngunit, sa Aking kaharian, dalisay sila na tulad ng mamahaling-batong luntian, bawat isa ay may mukha na gaya ng sa banal na nilalang sa kaibuturan ng puso ng tao, dahil naitatag na ang Aking kaharian sa kalagitnaan ng mga tao.

Marso 14, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon:
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento