Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

30.6.19

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan.

2.6.19

Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad ng Inaakala ng Tao?

Bilang isa na naniniwala sa Diyos, dapat mong maunawaan na, ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ng lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Nailalaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at isinakripisyo ang lahat para sa inyo; Kanyang nababawi at naibibigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob.

26.5.19

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Masama ay Dapat Maparusahan

Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos ang lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang pag-aalaga at proteksyon ng Diyos. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagpe-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos.

12.5.19

Mga Pagbigkas ni Cristo | Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod

Salita ng Diyos | Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod

Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan.

28.4.19

Pag-bigkas ng Diyos|Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas

Pag-bigkas ng Diyos|Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas

Ang nilakaran pa lamang ninyo ay isang napakaliit na bahagi ng landas ng isang sumasampalataya sa Diyos, at hindi pa kayo nakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo mula sa pagtatamo ng pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, ang inyong tayog ay hindi sapat upang matugunan ang Kanyang mga kinakailangan. Dahil sa inyong kakayahan at sa inyong katutubong tiwaling kalikasan, palagi kayong padalus-dalos sa pagtrato sa gawain ng Diyos at hindi ito sineseryoso.

22.4.19

Salita ng Diyos|Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Salita ng Diyos|Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala.

20.4.19

Mga Pagbigkas ni Cristo|Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Salita ng Diyos|Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa.

13.4.19

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas.

1.4.19

Salita ng Diyos|Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Salita ng Diyos|Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng komisyon ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.

29.3.19

Salita ng Diyos|Tungkol sa Buhay ni Pedro

Si Pedro ay isang huwaran na ipinakilala ng Diyos para sa sangkatauhan, at siya ay isang kilalang personalidad. Bakit ang gayong pangkaraniwang tao ay isinaayos ng Diyos bilang isang huwaran at napuri ng mga salinlahi sa kalaunan? Siyempre, hindi na kailangang banggitin pa na ito ay hindi maihihiwalay sa kanyang pagpapahayag at kanyang kapasyahan ng pag-ibig para sa Diyos. Hinggil sa kung saan ang puso ng pag-ibig ni Pedro para sa Diyos ay ipinahayag at kung ano ang tunay na kahalintulad ng mga karanasan niya sa buong buhay niya, dapat tayong bumalik sa Kapanahunan ng Biyaya upang tingnan minsan pa ang mga kaugalian nang panahong iyon, upang masilayan ang Pedro nang kapanahunang yaon.

7.12.18

Bakit sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagsunod sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao makikilala ng isang tao ang Diyos?

I. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Pagkakatawang-tao ng Diyos

10. Bakit sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagsunod sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao makikilala ng isang tao ang Diyos?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita” (Juan 14:6-7).
na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin …” (Juan 14:10).

2.12.18

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"

 Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao... at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos."

14.11.18

12.11.18

Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

I. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Pagkakatawang-tao ng Diyos

2. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9-11).

“Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat maging totoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao.

21.10.18

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-isang Pagbigkas (Tagalog Dubbed)

 Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-isang Pagbigkas (Tagalog Dubbed)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi naninirahan sa gitna ng pagkaka-tadhana ng Diyos? Kaninong kapanganakan at kamatayan ang nagmula sa kanilang sariling mga pagpipilian? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran? Maraming tao ang tumatawag sa kamatayan, gayon pa man ito ay napakalayo sa kanila; maraming tao na nais na maging malakas sa buhay at takot sa kamatayan, gayon pa man lingid sa kaalaman nila, ang araw ng kanilang kamatayan ay nalalapit na, pinabubulusok sila sa kailaliman ng kamatayan; maraming tao ang tumitingin sa kalangitan at malalim na napapabuntong-hininga; maraming tao ang umiiyak nang malakas, humahagulhol; maraming tao ang bumabagsak sa gitna ng mga pagsubok; at maraming tao ang nagiging bilanggo ng tukso... Sa bawat araw minamasdan Ko ang bawat pagkilos ng maraming tao, at sa bawat araw sinisiyasat Ko ang mga puso at isipan ng maraming tao; wala kahit sinuman ang nakatakas sa paghatol Ko, at wala kahit sinuman ang naalis ang kanilang sarili sa realidad ng Aking paghatol."

Rekomendasyon:Tagalog Christian Movie

16.10.18

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

 Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan."

9.10.18

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (2)

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (2)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos."

23.9.18

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto

 Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong gagawing perpekto ng Diyos ay silang tatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at ng Kanyang pamana. Iyon ay, tinatanggap nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, upang mabuo kung anong mayroon sila sa loob; isinagawa sa kanila ang lahat ng salita ng Diyos; anuman ang kabuuan ng Diyos, magagawa ninyong ganap na tanggapin ang lahat bilang gayon, kaya naisasabuhay ang katotohanan. Ito ang uri ng tao na ginawang perpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos."

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

5.7.18

Mga Pagbigkas ni Cristo|Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

walang hanggan,  Espiritu,  krus,  Cristo, Kaharian

Salita ng Diyos|Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

Ang mga tao ay mahabang panahon nang naniniwala sa Diyos, gayon pa man karamihan sa kanila ay walang pagkaunawa dito sa salitang “Diyos.” Sila ay sumusunod lamang sa kalituhan. Wala silang pahiwatig sa talagang dahilan kung bakit ang tao ay dapat maniwala sa Diyos o kung ano ba talaga ang Diyos. Kung alam lamang ng mga tao na maniwala at sumunod sa Diyos, nguni’t hindi kung ano ang Diyos, ni nauunawaan nila ang Diyos, kung gayon hindi ba ito ang pinakamalaking katatawanan sa mundo?

26.6.18

Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

    Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

   “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).

    “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9-11).