Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?
Siqiu Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang
Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). lubha akong hindi nasisiyahan- ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito: Mahal na Diyos, bakit Mo pinapayagan na makasagupa ng ganoong kasawian ang mga matapat sa Iyo at nagmamahal sa Iyo? Bilang resulta, nahirapan ako sa pag-unawa sa kahulugan ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsabing, “Ang huling hiling ng Diyos sa tao ay mapagmahal at taos-puso.”
Kamakailan lamang, ang kapatid na babaeng nakikipag-ugnayan sa akin ay nagkaroon ng hyperthyroidism. Unti-unti, ang kanyang kondisyon ay dumating sa punto na dapat siyang kumain ng anim na beses sa isang araw. Dahil sa tensyon ng karamdaman, ang kanyang lakas ay unti-unting nabawasan, at nabubuhay siya araw-araw sa kalungkutan, kahinaan at pagkapagod. Ang kanyang katawan ay talagang hindi makaagapay sa kanyang pagnanais na tuparin ang kanyang mga tungkulin at ang kanyang sakit ay palala nang palala. Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari: Ang kapatid na babaeng ito ay iniwan ang kanyang pamilya at mataas na suweldong trabaho na may mga magagandang benepisyo upang ituon ang kanyang sarili sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin at siya ay napakatapat. Paano kayang, sa lahat ng ibinigay niya, ipapapasan sa kaniya ang paghihirap ng karamdamang ito bilang kapalit? ... Hindi ko ibinubunyag ang aking mga damdamin sa labas, ngunit ang aking puso ay naguguluhan - kailanma’t ipaalala ng sinuman ang isyung ito ay nawawala ang aking hinahon.