Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

9.6.19

Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos | Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito.

16.5.19

Pagkakatawang-tao ng Diyos|Bakit sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagsunod sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao makikilala ng isang tao ang Diyos?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita” (Juan 14:6-7).

8.5.19

Pagkakatawang-tao ng Diyos|Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan ng dominyon ni Satanas?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.

2.5.19

Pagkakatawang-tao ng Diyos|Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?


8. Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios” (Juan 1:1-2).

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

25.4.19

Pagkakatawang-tao ng Diyos|Bakit sinasabi na kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao?


7. Bakit sinasabi na kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28).

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).

21.4.19

Alam Mo Ba ang Tunay na Kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay?



Alam Mo Ba ang Tunay na Kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay?

Ni Hanxiao

Ano Ang Pasko ng Pagkabuhay? Ang Pinagmulan ng Pasko ng Pagkabuhay
Pasko ng Pagkabuhay, o tinatawag din na Linggo ng Pagkabuhay, ay isang pista na nagdiriwang sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus na naganap tatlong araw matapos Siyang ipako sa krus. Ang eksaktong oras na ito ay nataon sa unang Linggo ng kasunod na unang kabilugan ng buwan matapos ang panahon sa tagsibol kung saan magkasinghaba ang umaga at gabi sa bawa’t taon.

18.4.19

Pagdala|Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ‘yon. Pa’no ‘yon napunta sa lupa?


Sagot: Kailangang maging malinaw sa ‘ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Ibig sabihin no’n, itatatag sa lupa ang kaharian ng Diyos.

17.4.19

Pagkakatawang-tao ng Diyos|6. Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?


6. Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?

     

         (Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas.

11.4.19

Bumaba na ang Diyos sa China|Ang Pinagmumulan ng Kasaganaan ng Kidlat ng Silanganan


Sa bawat pagkakataon na mababanggit ang Kidlat ng Silanganan, maraming mga kapatid sa Panginoon ang nakadarama ng pagkalito: Bakit kaya habang ang relihiyosong komunidad sa kabuuan ay lalong nagiging mapanglaw at malala, habang ang bawat denominasyon ay lalo pang binabantayan at nagigingkonserbatibo sa pagkondena at pagtataboy sa Kidlat ng Silanganan, ang Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nagiging hindi mapanglaw at hindi umuunti, kundi dumadaluyong na tulad ng hindi mapigilang mga gumugulong na alon, na lumalaganap sa iba’t ibang panig ng mainland China?

29.3.19

Ang paghatol ay magsisimula sa tahanan ng Diyos|Ano ang paghatol?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.

18.1.19

Ano ang isang matapat na tao? Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao?



Ano ang isang matapat na tao? Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman magbulaan na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itinatago ang katotohanan; huwag kailanman gawin ang bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya sa mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magmagaling lamang sa Diyos.

9.1.19

3. Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?






3. Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).
Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

9.7.18

Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan

╮╭╮╭╮╭🍃🍎🍎🍃╮╭╮╭╮╭

    Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang masundan ang mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ito ay hinaharap ng lahat ng naghihintay ng pagpapakita ng Diyos. Naisip ninyo na ang lahat ng mga ito hindi lang miminsan ngunit ano ang kinalabasan? Saan nagpapakita ang Diyos? Saan ang mga yapak ng Diyos? Natagpuan ba ninyo ang mga sagot? Marami sa mga sagot ng tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay narito sa atin; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng tuntuning sagot, ngunit naiintindihan ba ninyo kung ano ang pagpapakita ng Diyos, at kung ano ang mga yapak ng Diyos? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao... at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.

   Kasabay ng pag-unawa sa pagpapakita ng Diyos, paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos? Ang katanungang ito ay hindi mahirap ipaliwanag: Kung saan may pagpapakita ang Diyos, matutuklasan ninyo ang mga yapak ng Diyos. Tila napa-diretso ng ganitong paliwanag, ngunit hindi madaling gawin, sapagkat maraming tao ang hindi nakakaalam kung saan ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili, lalong hindi kung saan Niya nais na, kung saan ibinubunyag ng Diyos ang sarili Niya. Ang ilan ay pabigla-biglang naniniwala na kung saan may gawain ang Banal na Espiritu, naroon ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung nasaan ang mga espirituwal na tao, naroon ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung saan may mga bantog na tao, naroon ang pagpapakita ng Diyos. Sa ngayon, huwag nating pagtalunan kung tama o mali ang mga paniniwalang ito. Upang maipaliwanag ang ganitong tanong, kailangan muna nating maging malinaw sa isang layunin: Hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos. Hindi tayo naghahanap ng mga espiritwal na tao, lalong hindi natin sinusundan ang mga sikat na namumuno; tayo ay sumusunod sa mga yapak ng Diyos. Sa gayon, dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Kaya kapag tumatanggap ang maraming tao ng katotohanan, hindi sila naniniwalang nakita na nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalong hindi maaaring magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang mga sariling pasiya at Siya ay may sariling mga plano kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Hindi Niya kailangang ipaalam sa tao ang ginagawa Niya o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, at higit pa rito, ay dapat itong tanggapin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, at nais ninyong sundan ang mga yapak ng Diyos, nararapat niyo munang lampasan ang inyong kaisipan. Hindi ninyo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi ninyo dapat Siya ikulong sa sarili ninyong hangganan at limitahan Siya sa sarili ninyong mga pagkaintindi. Bagkus, dapat ninyong itanong kung paano ni'yo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano niyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; iyan ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi taglay ang katotohanan, ang tao ay dapat magsaliksik, tumanggap, at sumunod.

   Kahit na ikaw ay isang Amerikano, Ingles, o kahit na ano pang lahi, nararapat kang humakbang nang lampas sa iyong mga hangganan, higitan ang iyong sarili, at dapat tingnan ang gawain ng Diyos bilang nilikha ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo dapat pigilan ang mga yapak ng Diyos. Dahil, ngayon, maraming tao ang naniniwalang imposibleng magpakita ang Diyos sa partikular na bayan o bansa. Napakalaki ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at tunay na mahalaga ang pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito batay sa pagkaintindi at pag-iisip ng tao? At gayon sinasabi ko, ikaw ay dapat kumawala sa pagkaintindi ng iyong lahi o etnisidad kapag hinanap mo ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan, ikaw ay hindi nakakulong sa sarili mong pagkaintindi; sa ganitong paraan, magiging karapat-dapat kang salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, lagi kang mananatili sa kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.


   Ang Diyos ay Diyos ng lahat ng sangkatauhan. Hindi niya ginagawa ang Sarili bilang pribadong pag-aari ng anumang bayan o bansa, at ginagawa Niya ang Kaniyang plano nang hindi napipigilan ng anumang anyo, bansa, o nasyon. Marahil hindi mo kailanman naisip itong anyo, o marahil tinatanggihan mo ang pag-iral nito, o marahil ang bayan o bansa kung saan nagpakita ang Diyos ay dinidiskrimina at siyang pinakamahirap sa mundo. Ngunit nasa Diyos ang Kaniyang karunungan. Sa Kanyang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at disposisyon, tunay na nagtamo Siya ng isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa pag-iisip. At nagtamo Siya ng isang grupo ng mga tao na nais Niyang gawin: isang grupong nalupig Niya, na tinitiis ang matitinding pagsubok at lahat ng uri ng pag-uusig at kaya Siyang sundin hanggang sa katapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos na malaya sa pamimigil ng kahit na anong uri o bansa ay upang matapos Niya ang gawaing alinsunod sa Kanyang plano. Halimbawa, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Ngunit naniwala ang mga Hudyo na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng maging tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang "imposible" ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa huli, humantong sa kapahamakan ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa ng parehong pagkakamali. Walang bahala nilang hinahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, ngunit sila rin ang bumabatikos sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos batay sa kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita ko na maraming tao ang tumatawang bumagsak matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Hindi ba ang pagtawang ito ay walang pinagkaiba sa pambabatikos at paglapastangan ng mga Hudyo? Hindi kayo taimtim sa pagharap sa katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Kayo ay nag-aaral ngunit bulag at kampanteng naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pag-aaral at paghihintay nang ganito? Makukuha ba ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo nauunawaan ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na maging saksi sa pagpapakita ng Diyos? Kung saan nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga kayang tumanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging mga ganoong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi ang inyong mga pagkaintindi! Huminto at dahan-dahang basahin ang mga salitang ito. Kung hahangarin mo ang katotohanan, paliliwanagan ka ng Diyos upang maunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Isantabi ang inyong pananaw na “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang katalinuhan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang naiisip ng Diyos ay higit pa sa mga naiisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pag-iisip at pagkaintindi ng tao. Kapag ang isang bagay ay imposible, lalong higit na dapat hanapin ang katotohanan; kapag ang isang bagay ay lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Dahil kahit saan pa ipakita ng Diyos ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatili saanman magpunta ang Kanyang mga yapak. Nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit dito ay ang natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sundan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay laging malalapitan ng sangkatauhan. Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos.

Mula sa Sandaang mga Tanong at mga Sagot sa Pag-iimbestiga sa Tunay na Daan

30.6.18

Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?

🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).
“At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).
“At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay” (Exodo 20:18-19).

29.4.18

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.

    


      “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

      “Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

      “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).


      “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).