Pag-bigkas ng Diyos|Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas
Ang nilakaran pa lamang ninyo ay isang napakaliit na bahagi ng landas ng isang sumasampalataya sa Diyos, at hindi pa kayo nakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo mula sa pagtatamo ng pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, ang inyong tayog ay hindi sapat upang matugunan ang Kanyang mga kinakailangan. Dahil sa inyong kakayahan at sa inyong katutubong tiwaling kalikasan, palagi kayong padalus-dalos sa pagtrato sa gawain ng Diyos at hindi ito sineseryoso.
Ito ang inyong pinakamalaking pagkukulang. Tangi sa roon, wala kayong kakayahan na mahanap ang landas ng Banal na Espiritu. Hindi ito naunawaan ng karamihan sa inyo at hindi ito nakikita nang malinaw. Higit sa rito, karamihan sa inyo ay hindi nagtutuon ng pansin sa usaping ito, at hindi gaanong seryoso tungkol rito. Kung magpapatuloy kayong gumawi kagaya nito at hindi nalalaman ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ang landas na inyong tinatahak bilang isang sumasampalataya sa Diyos ay magiging walang saysay. Ito ay dahil hindi ninyo ginagawa ang lahat sa inyong kapangyarihan upang hangarin na matupad ang kalooban ng Diyos, at sapagkat hindi kayo nakikipagtulungan nang husto sa Diyos. Hindi sa ang Diyos ay hindi gumawa sa iyo, o na hindi ka kinilusan ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil sa ikaw ay masyadong walang ingat at hindi mo sineseryoso ang gawain ng Banal na Espiritu. Dapat mong kaagad na papanumbalikin ang mga bagay at lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Ito ang pangunahing paksa sa kasalukuyan. Itong “landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu” ay ang pagkakamit ng mga tao ng pagliliwanag sa kanilang espiritu, mayroon silang kaalaman ukol sa salita ng Diyos, nagkakamit sila ng kaliwanagan sa landas nila sa hinaharap, at nagagawa nilang pumasok sa katotohanan nang unti-unti, at lalo pang nakararating sa pagkaunawa sa Diyos. Ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu ay pangunahin na ang mga tao ay magkaroon ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, malaya mula sa mga paglihis at mga maling akala, upang malakaran nila ito. Upang matamo ang epektong ito, kailangan ninyong gumawa nang may pagkakaisa kasama ang Diyos, maghanap ng isang tamang landas na isasagawa, at lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. May kinalaman ito sa pakikipagtulungan sa panig ng tao, iyon ay, kung ano ang inyong gagawin upang matamo ang mga kinakailangan ng Diyos sa inyo, at kung paano kayo gagawi upang pumasok sa tamang landas.
Parang masyadong kumplikadong lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu, ngunit masasabi mong napakadali ng prosesong ito kung ang landas na isasagawa ay napakalinaw sa iyo. Ang katotohanan ay may kakayahan ang mga tao na matamo ang lahat ng hinihiling ng Diyos sa kanila. Hindi Niya itinutulak ang tao nang lampas kaysa makakaya nila. Sa lahat ng mga sitwasyon, hinahangad ng Diyos na lutasin ang mga suliranin ng mga tao at ayusin ang kanilang mga alalahanin. Dapat ninyong maintindihang lahat ito; huwag maliin ang pagkaunawa sa Diyos. Ginagamit ng landas ng Banal na Espiritu ang mga salita upang gabayan ang mga tao. Gaya ng nabanggit noong una, dapat ninyong ibigay ang inyong puso sa Diyos. Ito ay isang pangangailangan para lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Dapat mong gawin iyon upang makapasok sa tamang landas. Paano ibibigay ng isa ang kanilang puso sa Diyos nang may layunin? Kapag nararanasan ninyo ang Diyos at nananalangin sa Kanya sa inyong pang-araw-araw na buhay, ginagawa ninyo ito nang padalus-dalos—nananalangin ka sa Diyos habang ikaw ay gumagawa. Matatawag ba itong pagbibigay ng inyong puso sa Diyos? Iniisip ninyo ang tungkol sa mga usapin sa tahanan o ang mga gawain ng laman; palagi kayong nagdadalawang-isip. Maibibilang ba itong pagiging tahimik ng inyong puso sa harap ng Diyos? Ito ay dahil ang iyong puso ay palaging abala sa panlabas na mga gawain, at hindi nagagawang ibaling sa Diyos. Kung ninanais ninyo na tunay na magiging panatag ang inyong puso sa harap ng Diyos, dapat na kusa ninyong gawin ang gawain ng pakikipagtulungan. Na ang ibig sabihin, ang bawat isa sa inyo ay dapat gumugol ng panahon malayo mula sa bawat tao, usapin, at pakay para sa iyong personal na espirituwal na mga pagsamba, kung saan ay magagawa ninyong magdulot ng kapayapaan sa inyong puso at mapapayapa ang sarili ninyo sa harap ng Diyos. Dapat kayong magkaroon ng inyong sariling indibidwal na mga tala ng pagsamba kung saan ay maisusulat ninyo ang inyong kaalaman sa salita ng Diyos at kung paano inantig ang inyong espiritu, hindi alintana kung ang itatala man ninyo ay malalim o mababaw. Payapain ninyo ang inyong puso sa harap ng Diyos nang mayroong layunin. Kung maitatalaga mo ang isa o dalawang oras sa isang tunay na espirituwal na buhay sa maghapon, kung gayon ang iyong buhay sa araw na iyon ay madadamang pinagyaman at ang iyong puso ay magiging maningning at maaliwalas. Kung isasabuhay mo ang ganitong uri ng espirituwal na buhay araw-araw, kung gayon lalong mas magagawa mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, at ang iyong espiritu ay lalakas nang lalakas, mas makakaya mong lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu, at ang Diyos ay magkakaloob ng mas marami pang mga pagpapala sa iyo. Ang layunin ng inyong espirituwal na buhay ay upang sadyain na hangarin na makamit ang presensiya ng Banal na Espiritu. Hindi ito upang sumunod sa mga patakaran o magsagawa ng mga relihiyosong ritwal, ngunit upang tunay na kumilos na kasama ng Diyos at displinahin ang inyong katawan. Ito ang dapat gawin ng tao, kaya dapat ninyong ibigay ang lahat sa inyo upang magawa ito. Habang lalong humuhusay ang iyong pakikipagtulungan at habang lalong maraming pagsisikap ang iyong ilalaan, lalong mas magagawa mong ibaling ang iyong puso tungo sa Diyos, at lalong mas mapapayapa mo ang iyong puso sa harap Niya. Sa sandaling marating mo ang isang partikular na kalagayan, ganap na kakamtin ng Diyos ang iyong puso. Walang sinuman ang makaiimpluwensiya o makabibihag sa puso mo, at ganap kang maibibilang sa Diyos. Kung lalakaran mo ang landas na ito, ibubunyag ng salita ng Diyos ang sarili nito sa iyo sa lahat ng mga pagkakataon at liliwanagan ka sa lahat ng mga bagay na hindi mo nauunawaan—ang lahat ng ito ay matatamo dahil sa iyong pakikipagtulungan. Ito ang dahilan kung bakit palaging sinasabi ng Diyos, “Lahat ng mga kumikilos kasama Ko, gagantimpalaan Ko sila ng dalawang ulit.” Dapat ninyong makita ang landas na ito nang malinaw. Kung nais ninyong lakaran ang tamang landas, kung gayon dapat ninyong gawin ang lahat ng inyong makakaya upang mapalugod Siya. Dapat ninyong gawin ang lahat ng inyong makakaya upang matamo ang isang espirituwal na buhay. Sa simula, maaaring hindi mo magagawang magtamo ng marami sa bagay na ito, ngunit huwag mong tutulutan ang iyong sarili na umurong o malublob sa pagiging negatibo—dapat kang manatiling nagpapagal nang husto! Habang lalo kang nabubuhay sa espirituwal na buhay, lalong mas sasakupin ng mga salita ng Diyos ang iyong puso, palagi kang mababahala sa mga usaping ito at palaging titiisin ang pasaning ito. Pagkatapos niyon, mabubunyag mo ang iyong kaloob-loobang katotohanan sa Diyos sa pamamagitan ng iyong espirituwal na buhay, sabihin sa Kanya kung ano ang nais mong gawin, kung tungkol saan ang iyong iniisip, ang iyong pagkaunawa sa at ang iyong sariling paraan ng pagtingin sa salita ng Diyos. Huwag kang magpipigil sa anuman, kahit na isang maliit na piraso! Sanayin ang pagsasabi sa mga salita na nasa loob ng iyong puso sa Diyos, sabihin sa Kanya ang katotohanan, at huwag mangingiming salitain kung ano ang nasa iyong puso. Habang lalo mong ginagawa ang ganito, lalo mong mararamdaman ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at ang iyong puso ay lalo pang mas hihilahin tungo sa Diyos. Kapag nangyari ito, madadama mo na mas minamahal mo ang Diyos kaysa kaninuman. Hindi mo kailanman iiwan ang panig ng Diyos, kahit ano ang mangyari. Kung isasagawa mo ang ganitong uri ng pagsamba sa araw-araw at hindi mo ito iwawaglit sa iyong isipan, ngunit ituturing ito bilang iyong pagtawag sa buhay, kung gayon sasakupin ng salita ng Diyos ang iyong puso. Ito ang kahulugan ng pagiging inantig ng Banal na Espiritu. Ito ay magiging para bang ang iyong puso ay palaging taglay ng Diyos, na para bang palaging mayroong pag-ibig sa iyong puso. Walang sinuman ang makaaagaw nito mula sa iyo. Kapag nangyari ito, ang Diyos ay tunay na tatahan sa iyong puso at magkakaroon ng isang lugar sa loob ng iyong puso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento