1. Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; isa lamang siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, sinimulan Niyang isagawa ang ministeryo ni Cristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay nagmula sa Diyos. Anuman ang katayuan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay bilang tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos, at sa gayon ay nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo. Kaya Niyang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, gumawa ng mga himala, mayroon Siyang kapangyarihan at awtoridad, sapagka’t Siya ay nagtrabaho nang direkta sa ngalan ng Diyos Mismo; ginawa Niya ang gawain ng Espiritu na kahalili Niya at ipinahayag ang tinig ng Espiritu; samakatuwid Siya Mismo ang Diyos. Hindi ito mapag-aalinlanganan. Ginamit si Juan ng Banal na Espiritu. Hindi Niya maaaring katawanin ang Diyos, at hindi posible para sa kanya na kumatawan sa Diyos. Kung naisin niya na gawin ito, hindi ito papayagan ng Banal na Espiritu, sapagkat hindi niya maaaring gawin ang gawain na inilaan ng Diyos Mismo na ganapin. Marahil marami sa kanya ang kalooban ng tao, o may bagay sa kanyang lihis; hindi niya kailanman maaaring direktang katawanin ang Diyos. Kinakatawan lamang ng kanyang mga pagkakamali at kalisyaan ang sarili niya, ngunit kinakatawan ng kanyang gawain ang Banal na Espiritu. Gayon pa man, hindi mo maaaring sabihing kinakatawan ng lahat sa kanya ang Diyos. Kaya ba ng kanyang paglihis at kalisyaan na katawanin din ang Diyos? Normal sa kumakatawan ng tao na maging mali, ngunit kung nagkaroon siya ng paglihis sa pagkatawan sa Diyos, sa gayon hindi ba yan kahihiyan sa Diyos? Hindi ba yan kalapastangan laban sa Banal na Espiritu? Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na tumayo sa lugar ng Diyos, kahit na dinadakila siya ng iba. Kung hindi siya ang Diyos, hindi niya magagawang manatiling nakatayo sa katapusan. Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na kumatawan sa Diyos ayon sa pagnanais ng tao! Halimbawa, nagpatotoo kay Juan ang Espiritu Santo, at ibinunyag rin na siya ang maghahanda ng daan para kay Jesus, ngunit mahusay na sinukat ng Banal na Espiritu ang gawain na ginawa sa kanya. Ang maging tagahanda ng daan para kay Jesus ang tanging hiningi kay Juan, ang ihanda ang daan para sa Kanya. Ibig sabihin, itinaguyod lamang ng Banal na Espiritu ang kanyang gawa sa paghahanda ng daan at pinahintulutan lamang siya na gawin ang ganung trabaho, wala nang iba. Kinakatawan ni Juan si Elias, ang propeta na naghanda ng daan. Itinaguyod ng Banal na Espiritu ito; hangga’t ang kanyang trabaho ay ang ihanda ang daan, itinaguyod ito ng Banal na Espiritu. Subalit, kung sinabi niyang siya ay Diyos Mismo at dumating upang tapusin ang gawain ng pagtubos, dapat siyang disiplinahin ng Banal na Espiritu. Gaano man kahusay ang gawain ni Juan, at itinaguyod man ito ng Banal na Espiritu, nanatili sa loob ng mga hangganan ang kanyang trabaho. Ang kanyang trabaho sa katunayan ay totoong itinaguyod ng Banal na Espiritu, ngunit limitado sa paghahanda ng daan ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya sa oras na iyon. Hindi niya maaaring gawin, sa anumang paraan, ang anumang iba pang gawain, dahil siya lamang ay si Juan na naghanda ng daan, at hindi si Jesus. Samakatuwid, susi ang patotoo ng Banal na Espiritu, ngunit mas mahalaga pa ang gawain na pinahintulutan ng Banal na Espiritu na gawin ng tao.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
10.7.18
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi)
1. Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; isa lamang siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, sinimulan Niyang isagawa ang ministeryo ni Cristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay nagmula sa Diyos. Anuman ang katayuan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay bilang tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos, at sa gayon ay nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo. Kaya Niyang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, gumawa ng mga himala, mayroon Siyang kapangyarihan at awtoridad, sapagka’t Siya ay nagtrabaho nang direkta sa ngalan ng Diyos Mismo; ginawa Niya ang gawain ng Espiritu na kahalili Niya at ipinahayag ang tinig ng Espiritu; samakatuwid Siya Mismo ang Diyos. Hindi ito mapag-aalinlanganan. Ginamit si Juan ng Banal na Espiritu. Hindi Niya maaaring katawanin ang Diyos, at hindi posible para sa kanya na kumatawan sa Diyos. Kung naisin niya na gawin ito, hindi ito papayagan ng Banal na Espiritu, sapagkat hindi niya maaaring gawin ang gawain na inilaan ng Diyos Mismo na ganapin. Marahil marami sa kanya ang kalooban ng tao, o may bagay sa kanyang lihis; hindi niya kailanman maaaring direktang katawanin ang Diyos. Kinakatawan lamang ng kanyang mga pagkakamali at kalisyaan ang sarili niya, ngunit kinakatawan ng kanyang gawain ang Banal na Espiritu. Gayon pa man, hindi mo maaaring sabihing kinakatawan ng lahat sa kanya ang Diyos. Kaya ba ng kanyang paglihis at kalisyaan na katawanin din ang Diyos? Normal sa kumakatawan ng tao na maging mali, ngunit kung nagkaroon siya ng paglihis sa pagkatawan sa Diyos, sa gayon hindi ba yan kahihiyan sa Diyos? Hindi ba yan kalapastangan laban sa Banal na Espiritu? Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na tumayo sa lugar ng Diyos, kahit na dinadakila siya ng iba. Kung hindi siya ang Diyos, hindi niya magagawang manatiling nakatayo sa katapusan. Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na kumatawan sa Diyos ayon sa pagnanais ng tao! Halimbawa, nagpatotoo kay Juan ang Espiritu Santo, at ibinunyag rin na siya ang maghahanda ng daan para kay Jesus, ngunit mahusay na sinukat ng Banal na Espiritu ang gawain na ginawa sa kanya. Ang maging tagahanda ng daan para kay Jesus ang tanging hiningi kay Juan, ang ihanda ang daan para sa Kanya. Ibig sabihin, itinaguyod lamang ng Banal na Espiritu ang kanyang gawa sa paghahanda ng daan at pinahintulutan lamang siya na gawin ang ganung trabaho, wala nang iba. Kinakatawan ni Juan si Elias, ang propeta na naghanda ng daan. Itinaguyod ng Banal na Espiritu ito; hangga’t ang kanyang trabaho ay ang ihanda ang daan, itinaguyod ito ng Banal na Espiritu. Subalit, kung sinabi niyang siya ay Diyos Mismo at dumating upang tapusin ang gawain ng pagtubos, dapat siyang disiplinahin ng Banal na Espiritu. Gaano man kahusay ang gawain ni Juan, at itinaguyod man ito ng Banal na Espiritu, nanatili sa loob ng mga hangganan ang kanyang trabaho. Ang kanyang trabaho sa katunayan ay totoong itinaguyod ng Banal na Espiritu, ngunit limitado sa paghahanda ng daan ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya sa oras na iyon. Hindi niya maaaring gawin, sa anumang paraan, ang anumang iba pang gawain, dahil siya lamang ay si Juan na naghanda ng daan, at hindi si Jesus. Samakatuwid, susi ang patotoo ng Banal na Espiritu, ngunit mas mahalaga pa ang gawain na pinahintulutan ng Banal na Espiritu na gawin ng tao.
9.7.18
Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan
╭♡╮╭♡╮╭♡╮╭♡╮🍃🍎🍎🍃╭♡╮╭♡╮╭♡╮╭♡╮
Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang masundan ang mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ito ay hinaharap ng lahat ng naghihintay ng pagpapakita ng Diyos. Naisip ninyo na ang lahat ng mga ito hindi lang miminsan ngunit ano ang kinalabasan? Saan nagpapakita ang Diyos? Saan ang mga yapak ng Diyos? Natagpuan ba ninyo ang mga sagot? Marami sa mga sagot ng tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay narito sa atin; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng tuntuning sagot, ngunit naiintindihan ba ninyo kung ano ang pagpapakita ng Diyos, at kung ano ang mga yapak ng Diyos? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao... at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.
Kasabay ng pag-unawa sa pagpapakita ng Diyos, paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos? Ang katanungang ito ay hindi mahirap ipaliwanag: Kung saan may pagpapakita ang Diyos, matutuklasan ninyo ang mga yapak ng Diyos. Tila napa-diretso ng ganitong paliwanag, ngunit hindi madaling gawin, sapagkat maraming tao ang hindi nakakaalam kung saan ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili, lalong hindi kung saan Niya nais na, kung saan ibinubunyag ng Diyos ang sarili Niya. Ang ilan ay pabigla-biglang naniniwala na kung saan may gawain ang Banal na Espiritu, naroon ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung nasaan ang mga espirituwal na tao, naroon ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung saan may mga bantog na tao, naroon ang pagpapakita ng Diyos. Sa ngayon, huwag nating pagtalunan kung tama o mali ang mga paniniwalang ito. Upang maipaliwanag ang ganitong tanong, kailangan muna nating maging malinaw sa isang layunin: Hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos. Hindi tayo naghahanap ng mga espiritwal na tao, lalong hindi natin sinusundan ang mga sikat na namumuno; tayo ay sumusunod sa mga yapak ng Diyos. Sa gayon, dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Kaya kapag tumatanggap ang maraming tao ng katotohanan, hindi sila naniniwalang nakita na nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalong hindi maaaring magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang mga sariling pasiya at Siya ay may sariling mga plano kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Hindi Niya kailangang ipaalam sa tao ang ginagawa Niya o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, at higit pa rito, ay dapat itong tanggapin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, at nais ninyong sundan ang mga yapak ng Diyos, nararapat niyo munang lampasan ang inyong kaisipan. Hindi ninyo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi ninyo dapat Siya ikulong sa sarili ninyong hangganan at limitahan Siya sa sarili ninyong mga pagkaintindi. Bagkus, dapat ninyong itanong kung paano ni'yo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano niyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; iyan ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi taglay ang katotohanan, ang tao ay dapat magsaliksik, tumanggap, at sumunod.
Kahit na ikaw ay isang Amerikano, Ingles, o kahit na ano pang lahi, nararapat kang humakbang nang lampas sa iyong mga hangganan, higitan ang iyong sarili, at dapat tingnan ang gawain ng Diyos bilang nilikha ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo dapat pigilan ang mga yapak ng Diyos. Dahil, ngayon, maraming tao ang naniniwalang imposibleng magpakita ang Diyos sa partikular na bayan o bansa. Napakalaki ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at tunay na mahalaga ang pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito batay sa pagkaintindi at pag-iisip ng tao? At gayon sinasabi ko, ikaw ay dapat kumawala sa pagkaintindi ng iyong lahi o etnisidad kapag hinanap mo ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan, ikaw ay hindi nakakulong sa sarili mong pagkaintindi; sa ganitong paraan, magiging karapat-dapat kang salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, lagi kang mananatili sa kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.
Ang Diyos ay Diyos ng lahat ng sangkatauhan. Hindi niya ginagawa ang Sarili bilang pribadong pag-aari ng anumang bayan o bansa, at ginagawa Niya ang Kaniyang plano nang hindi napipigilan ng anumang anyo, bansa, o nasyon. Marahil hindi mo kailanman naisip itong anyo, o marahil tinatanggihan mo ang pag-iral nito, o marahil ang bayan o bansa kung saan nagpakita ang Diyos ay dinidiskrimina at siyang pinakamahirap sa mundo. Ngunit nasa Diyos ang Kaniyang karunungan. Sa Kanyang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at disposisyon, tunay na nagtamo Siya ng isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa pag-iisip. At nagtamo Siya ng isang grupo ng mga tao na nais Niyang gawin: isang grupong nalupig Niya, na tinitiis ang matitinding pagsubok at lahat ng uri ng pag-uusig at kaya Siyang sundin hanggang sa katapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos na malaya sa pamimigil ng kahit na anong uri o bansa ay upang matapos Niya ang gawaing alinsunod sa Kanyang plano. Halimbawa, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Ngunit naniwala ang mga Hudyo na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng maging tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang "imposible" ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa huli, humantong sa kapahamakan ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa ng parehong pagkakamali. Walang bahala nilang hinahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, ngunit sila rin ang bumabatikos sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos batay sa kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita ko na maraming tao ang tumatawang bumagsak matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Hindi ba ang pagtawang ito ay walang pinagkaiba sa pambabatikos at paglapastangan ng mga Hudyo? Hindi kayo taimtim sa pagharap sa katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Kayo ay nag-aaral ngunit bulag at kampanteng naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pag-aaral at paghihintay nang ganito? Makukuha ba ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo nauunawaan ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na maging saksi sa pagpapakita ng Diyos? Kung saan nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga kayang tumanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging mga ganoong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi ang inyong mga pagkaintindi! Huminto at dahan-dahang basahin ang mga salitang ito. Kung hahangarin mo ang katotohanan, paliliwanagan ka ng Diyos upang maunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Isantabi ang inyong pananaw na “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang katalinuhan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang naiisip ng Diyos ay higit pa sa mga naiisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pag-iisip at pagkaintindi ng tao. Kapag ang isang bagay ay imposible, lalong higit na dapat hanapin ang katotohanan; kapag ang isang bagay ay lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Dahil kahit saan pa ipakita ng Diyos ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatili saanman magpunta ang Kanyang mga yapak. Nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit dito ay ang natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sundan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay laging malalapitan ng sangkatauhan. Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos.
Mula sa Sandaang mga Tanong at mga Sagot sa Pag-iimbestiga sa Tunay na Daan
5.7.18
Mga Pagbigkas ni Cristo|Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa
Salita ng Diyos|Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa
Ang mga tao ay mahabang panahon nang naniniwala sa Diyos, gayon pa man karamihan sa kanila ay walang pagkaunawa dito sa salitang “Diyos.” Sila ay sumusunod lamang sa kalituhan. Wala silang pahiwatig sa talagang dahilan kung bakit ang tao ay dapat maniwala sa Diyos o kung ano ba talaga ang Diyos. Kung alam lamang ng mga tao na maniwala at sumunod sa Diyos, nguni’t hindi kung ano ang Diyos, ni nauunawaan nila ang Diyos, kung gayon hindi ba ito ang pinakamalaking katatawanan sa mundo?
30.6.18
Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?
🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).
“At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).
“At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay” (Exodo 20:18-19).
26.6.18
Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9-11).
23.6.18
"Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (6) - Ang Panginoong Jesus ba ang Anak ng Diyos o ang Diyos Mismo?
Malinaw na nakatala sa Biblia na ang Panginoong Jesus ang Cristo, na Siya ang Anak ng Diyos.Gayunman ang Kidlat sa Silanganan ay nagpapatotoo na ang Cristo na nagkatawang-tao ay ang pagpapakita ng Diyos, na Siya ang Diyos Mismo. Kung gayon, ang Cristo ba na nagkatawang-tao ang Anak ng Diyos? O Siya Mismo ang Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "'Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na Kanyang kinalulugdan'.... ay tunay na sinalita ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, ngunit mula lamang sa magkaibang pananaw, na ang Espiritu sa langit ay sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus, 'Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama,' nagsasabing sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao na Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay isa pa rin; kahit ano pa, ito ay para lamang ang Diyos ay sumasaksi sa Sarili Niya" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).
17.6.18
Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod
Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin
14.6.18
Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikatlong Bahagi)
Pagkatapos makabalik sa bahay, patuloy akong nag-iisip tungkol sa pagbabahagi na ginawa ng kapatid na babae, at naisip ko sa aking sarili: Ang maliit na kapatid na babae ngayong araw ay napakamapagmahal, siya ay hindi talaga tulad ng sinabi ng pastor na kung sino siya. Gayundin, ang kaniyang sinasabi ay talagang totoo, lahat ng iyon ay nasa Biblia. Ito ay talagang walang batayan sa akin noon nang naniwala ako na “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman.” Nagbalik-tanaw ako sa lahat ng taon na naniwala ako sa Diyos at napagtanto na ako ay patuloy na namumuhay sa mga kinahihinatnan kung saan ako ay magkakasala at umaamin ng kasalanan para sa kanila ngunit sa lahat ng oras hindi ko ito malutas, at personal akong dumaan sa matinding paghihirap. Hindi talaga ito ang paraan upang matamo ang papuri ng Diyos. Ito ay tila kung nais kong matamo ang kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit, kung gayon ay kailangan ko talagang matanggap lahat ng gawain na isinagawa sa pagbabalik ng Panginoong Jesus na humahatol at naglilinis sa tao. Kung kaya, ano ba talaga ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Paano nakakapaglinis at nakakapagpabago ng tao ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos? ... Habang iniisip ko ang mga bagay na ito binubuklat ko ang Biblia hanggang nakita ko ang talata kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus na: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili’ kundi ang anomang nagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipapahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Nakita ko rin na sinabi ng Biblia: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1Pedro 4:17). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:29). Nang mabasa ko ito naramdaman ko sa wakas na para akong nagising mula sa isang panaginip: Lumalabas na matagal na palang ihinula ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw ang Diyos ay magpapahayag ng mas marami tungkol sa katotohanan at magsasagawa ng bagong yugto ng gawain. Hindi ba ito ang Makapangyarihang Diyos na dumadating upang magsagawa ng gawain ng paghahatol at paglilinis sa tao? Aba! Kung ang pastor ay hindi dumating at inabala ako ngayong araw makakapakinig ako nang mas mabuti tungkol sa paraan ng Makapangyarihang Diyos. Noon nakapakinig ako palagi ng mga salita ng mga pastor at nakatatanda, ngunit hindi ako nagkaroon ng puso upang hanapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakinig lamang ako sa anumang pinag-usapan ng mga pastor at mga nakatatanda. Ngayong araw lang nangyari na nabatid ko na ito ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa aking pananampalataya sa Panginoon! Tayo na naniniwala sa Panginoon ay kailangan na aktibong hanapin ang mga yapak ng Diyos, sa ganitong paraan lang tayo aayon sa kalooban ng Diyos. Ngayong araw nakita ko na ang mga kilos ng pastor ay karaniwang hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi ko na kaya na takip-matang makinig sa kung ano ang sasabihin nila, kailangan kong hanapin at usisain ang paraan ng Makapangyarihang Diyos.
11.6.18
Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Unang Bahagi)
Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Gayunman, hindi nagtagal nang masaksihan niya ang isang kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid, at sa pamamagitan ng pakikibahagi, ang may-katha ay dumating sa pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at nagsimulang makita nang malinaw ang pagiging kakatwa ng mga relihiyosong paniniwala. Siya ay nakawala sa kontrol ng pastor at tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nanumbalik sa Diyos.
8.6.18
Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang tunay na hitsura ng Diyos sa laman, ang tunay na gawa ng Diyos. Tanging pagkatapos lamang na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay tunay maaaring aktuwal kang makikipagtulungan sa Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng daang ito maaari mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng yaong mga walang kaalaman sa realidad ay walang kaparaanan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang maling pag-iisip, nabubuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Mas higit ang iyong kaalaman sa realidad, mas malapit ka sa Diyos, at mas tapat ang loob mo sa Kaniya; mas higit ang iyong pagnanais na makita ang kalabuan at mga makadiwang lutang, at katuruan, mas higit kang mawawalay sa Diyos, sa gayon mas mararamdaman mo na ang pagdanas sa salita ng Diyos ay nakakabawas ng lakas at mahirap, at wala kang kakayahan sa pagpasok. Kung nais mo na pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, patungo sa tamang tahakin ng iyong pang-espiritwal na buhay, una mo dapat kilalanin ang realidad at ihiwalay ang iyong sarili mula sa malabo, at higit sa karaniwan na mga bagay—na ibig sabihin, una mo munang dapat maunawaan kung paanong ang Banal na Espiritu ay kasalukuyang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa iyo mula sa iyong loob. Sa ganitong paraan, kung maaari mong tunay na maunawaan ang tunay na gawa ng Banal na Espiritu sa iyong loob, makakapasok ka sa tamang daan na ginawang perpekto ng Diyos."
4.6.18
Milagro sa Sakuna | Video ng Ebanghelyo "Pagpalain ng Diyos"
Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.
31.5.18
Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay naging kumpleto na sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan."
29.5.18
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas
Napakarami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming mga bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Nguni’t ang mga kakayahan ng tao sa pagtanggap ay kulang na kulang: Hindi niya kayang arukin nang lubos ang Aking mga salita ayon sa Aking ipinagkakaloob, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan ngunit nananatiling mangmang sa iba. Gayunpaman hindi Ko pinarurusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado ng kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng tao. Kaya, ito rin, ang panahon kung kailan ang Aking mga anak na lalaki at bayan ang mamamahala sa buong mundo. Yaong mga nakakakilala sa Akin ay tiyak na magiging mga haligi ng Aking kaharian, at walang iba kundi sila ang magiging kwalipikado upang mamahala at gumamit ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Ang lahat ng nakakakilala sa Akin ay mayroon ngang pagiging Ako, at nagagawang isabuhay Ako sa gitna ng lahat ng tao. Hindi Ko tinitingnan kung hanggang saan Ako nakikilala ng tao: Walang makahahadlang sa Aking gawain sa anumang paraan, at walang maitutulong sa Akin ang tao at walang magagawa para sa Akin. Masusundan lamang ng tao ang Aking paggabay sa Aking liwanag, at mahahanap ang Aking kalooban sa liwanag na ito. Sa araw na ito, naging kwalipikado ang mga tao, at naniniwalang kaya nilang magmayabang sa Aking harapan, at makitawa at makipagbiruan sa Akin nang wala man lamang kahit kaunting pangingimi, at pakitunguhan Ako bilang kapantay lamang. Hindi pa rin Ako kilala ng tao, naniniwala pa rin siyang halos pareho lamang kami sa diwa, na pareho kaming may laman at dugo, at parehong naninirahan sa mundo ng mga tao. Ang kanyang paggalang sa Akin ay masyadong kakaunti; iginagalang niya Ako kapag kaharap niya Ako, nguni’t walang kakayahang maglingkod sa Akin sa harap ng Espiritu. Ito ay tila, para sa tao, ang Espiritu ay hindi umiiral kailanman. Bilang resulta, walang taong nakakilala sa Espiritu; sa Aking pagkakatawang-tao, ang nakikita lamang ng mga tao ay isang laman at dugo, at hindi nararamdaman ang Espiritu ng Diyos. Maaari kayang tunay na matupad ang Aking kalooban sa ganitong paraan? Ang mga tao ay mga eksperto sa pandaraya sa Akin; parang sadya silang tinuruan ni Satanas upang lokohin Ako. Ngunit hindi Ako naliligalig ni Satanas. Gagamitin Ko pa rin ang Aking karunungan para lupigin ang buong sangkatauhan at talunin ang nagpapatiwali ng buong sangkatauhan, upang sa gayon ay maitatag ang Aking kaharian dito sa lupa.
26.5.18
Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas
Ngayong araw, ang lahat ay handang tarukin ang kalooban ng Diyos at kilalanin ang disposisyon ng Diyos, datapwa’t walang nakakaalam sa dahilan kung bakit wala silang kakayahan sa pagsunod sa kanilang mga inaasam, hindi nila nalalaman kung bakit lagi silang ipinagkakanulo ng kanilang mga puso, at kung bakit hindi nila makayang kamtin kung ano ang nais nila. Bilang resulta, sila ay minsan pang binabagabag ng nakapanlulumong kawalang-pag-asa, gayunman ay puno pa rin sila ng takot. Hindi-kayang ipahayag ang mga magkakasalungat na damdaming ito, maaari lamang nilang iyuko ang kanilang mga ulo sa kalungkutan at patuloy na tanungin ang kanilang mga sarili: Maaari kayang hindi ako naliwanagan ng Diyos? Maaari kayang ako ay lihim na pinabayaan ng Diyos? Marahil ang bawa’t isa ay ayos, at naliwanagan silang lahat ng Diyos maliban sa akin. Bakit lagi akong nakakaramdam na nababagabag kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, bakit hindi ko matarok kahit kailan ang anumang bagay? Bagaman iniisip ng mga isipan ng mga tao ang mga bagay na ito, walang nangangahas na ipahayag ang mga iyon; nagpapatuloy lamang silang nakikipagtunggali sa loob. Sa katunayan, walang sinuman kundi ang Diyos ang kayang maunawaan ang Kanyang mga salita o tarukin ang Kanyang tunay na kalooban. Gayunman laging hinihingi ng Diyos na tarukin ng mga tao ang Kanyang kalooban—hindi ba ito ay gaya ng pagtutulak sa isang bibi tungo sa isang dapúán? Ang Diyos ba ay mangmang sa mga pagkabigo ng tao? Ito ang interseksyon ng gawain ng Diyos, ito ang hindi nauunawaan ng mga tao, at sa gayon ay sinasabi ng Diyos, “Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito.” Ayon sa mga salita ng Diyos at kung ano ang hinihingi Niya sa tao, walang makakapanatiling buháy, sapagka’t walang anuman sa laman ng tao ang tumatanggap sa mga salita ng Diyos, kayâ kung kaya ng mga tao na sundin ang mga salita ng Diyos, magpahalaga at maghangad sa mga salita ng Diyos, at iakma ang mga salita sa mga pagbigkas ng Diyos na tumutukoy sa mga katayuan ng tao sa kanilang sariling mga kalagayan, at sa gayon ay makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ito ang pinakamataas na pamantayan. Kapag ang kaharian ay naging realidad sa kahuli-hulihan, yaong mga namumuhay sa laman ay hindi pa rin makakayang tarukin ang kalooban ng Diyos, at mangangailangan pa rin ng personal na paggabay ng Diyos. Mawawalan nga lamang ang mga tao ng panghihimasok ni Satanas, at matataglay ang normal na buhay ng tao, na siyang layunin ng Diyos sa paggapi kay Satanas, at pangunahing upang bawiin ang orihinal na kakanyahan ng tao, na nilikha ng Diyos. Sa isipan ng Diyos, ang “laman” ay tumutukoy sa sumusunod: ang kawalang-kakayahan na makilala ang kakanyahan ng Diyos, ang kawalang-kakayahan na makita ang mga kaganapan sa espirituwal na kinasasaklawan, at, higit pa, ang kakayahang magawang tiwali ni Satanas nguni’t mapatnubayan din ng Espiritu ng Diyos. Ito ang diwa ng laman na nilikha ng Diyos. Likas lamang na ito rin ay upang maiwasan ang kaguluhan na sanhi ng kakulangan ng kaayusan sa buhay ng sangkatauhan. Mas nagsasalita ang Diyos, at mas nagiging matalim ang Kanyang mga salita, mas nauunawaan ng mga tao ang Kanyang mga salita. Ang mga tao ay hindi-namamalayang nagbabago, at hindi-namamalayang namumuhay sa liwanag, at sa gayon “Dahil sa liwanag, lahat ng mga tao ay lumalago, at iniwan na ang karimlan.” Ito ang magandang tagpo ng kaharian, at gaya ng malimit na sinalita sa nakaraan: “namumuhay sa liwanag, lumilisan sa kamatayan.” Kapag ang Sinim ay naging tunay sa lupa—kapag ang kaharian ay naging tunay—hindi na magkakaroon ng digmaan sa lupa, hindi na kailanman magkakaroon ng mga taggutom, mga salot, at mga lindol, ang mga tao ay hihinto sa paggagawa ng mga sandata, lahat ay mamumuhay sa kapayapaan at katatagan, at kapwa ang mga tao at mga bansa ay magkakaugnay nang normal sa isa’t isa. Gayunman ang kasalukuyan ay hindi maihahambing dito. Ang lahat sa ilalim ng mga kalangitan ay nasa kaguluhan, ang mga kudeta ay unti-unting nagsisimulang maganap sa bawa’t bansa. Habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang tinig ang mga tao ay unti-unting nagbabago, at, sa panloob, bawa’t bansa ay dahan-dahang nagkakawatak-watak. Ang matibay na mga pundasyon ng Babilonia ay nagsisimulang kumalog, gaya ng isang kastilyo na umaabot tungo sa himpapawid, at habang ang kalooban ng Diyos ay nag-iiba, matitinding mga pagbabago ang nagaganap na di-napapansin sa mundo, at lahat ng galaw ng mga palatandaan ay lumilitaw sa anumang oras, ipinakikita sa mga tao na ang huling araw ng mundo ay nakarating! Ito ang plano ng Diyos, ang mga ito ang mga hakbang kung saan sa pamamagitan nito Siya ay gumagawa, at bawa’t bansa ay tiyak na magkakapira-piraso, ang matandang Sodoma ay mawawasak sa ikalawang pagkakataon, at sa gayon sinasabi ng Diyos “Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon!” Walang sinuman kundi ang Diyos lamang ang may kakayahan ng ganap na pag-unawa rito; mayroong, sa paanuman, isang hangganan sa kamalayan ng mga tao. Halimbawa, ang mga ministro ng panloob na mga kaganapan ay maaring nakakaalam na ang kasalukuyang mga kalagayan ay hindi matatag at magulo, nguni’t wala silang kakayahang lunasan ang mga iyon. Maaari lamang silang sumakay sa agos, umaasa sa kanilang mga puso para sa araw kung kailan maitataas nila ang kanilang mga ulo, naghahangad na ang araw ay darating kung kailan ang araw ay muling sisikat sa silangan, sumisikat sa buong lupain at ibinabaligtad ang kaawa-awang katayuang ito ng mga kaganapan. Bahagya nilang nalalaman, gayunpaman, na kapag ang araw ay sumisikat sa ikalawang pagkakataon, ito ay hindi upang panumbalikin ang lumang kaayusan, kundi upang bumalikwas pabalik, at magdala ng lubos na pagbabago. Ganyan ang plano ng Diyos para sa buong sansinukob. Dadalhin Niya ang isang bagong mundo, nguni’t higit sa lahat, paninibaguhin muna Niya ang tao. Ngayong araw, ang pagdadala ng mga tao tungo sa mga salita ng Diyos ay siyang susi, hindi lamang pagpapahintulot sa kanila na magtamasa ng mga pagpapala ng katayuan. Higit pa, gaya ng sinasabi ng Diyos, “Sa kaharian, Ako ang Hari—ngunit sa halip na ituring Ako bilang kanyang Hari, tinatrato Ako ng tao bilang Tagapagligtas na bumaba mula sa langit. Bilang resulta, umaasa siya na magbibigay ako sa kanya ng limos, at hindi tuluyang naghahangad na ako’y makilala.” Ganyan ang tunay na mga kalagayan ng lahat ng mga tao. Ngayong araw, ang mahalaga ay ganap na pagpapawi sa walang-kasiyahang kasakiman ng tao, sa gayon ay pinahihintulutan ang mga tao na makilala ang Diyos nang hindi humihingi ng anuman; hindi kataka-taka, kung gayon, na sinasabi ng Diyos, “Maraming umiyak sa Aking harapan katulad ng isang pulubi; maraming nagbukas ng kanilang mga “sako” sa Akin at nakiusap sa Aking bigyan sila ng pagkain upang mabuhay.” Ang sari-saring mga katayuang ito ay tumutukoy sa kasakiman ng mga tao, at ipinakikita ng mga ito na hindi minamahal ng mga tao ang Diyos kundi gumagawa ng mga panghihingi sa Diyos, o kaya ay sinusubukang matamo ang mga bagay-bagay na kanilang inaasam. Ang mga tao ay may kalikasan ng isang gutom na lobo, silang lahat ay tuso at sakim, at sa gayon ang Diyos ay gumagawa ng mga kinakailangan sa kanila nang paulit-ulit, pinipilit silang alisin ang kasakiman sa kanilang mga puso at mahalin ang Diyos nang taos-puso. Sa katunayan, hanggang sa araw na ito, hindi pa naibibigay ng mga tao ang kanilang buong puso sa Diyos, sila ay namamangka sa dalawang ilog, kung minsan ay umaasa sa kanilang mga sarili, kung minsan ay umaasa sa Diyos nang hindi lubusang nananalig sa Diyos. Kapag ang gawain ng Diyos ay umaabot sa isang tiyak na punto, lahat ng mga tao ay mamumuhay sa gitna ng tunay na pag-ibig at pananampalataya, at ang kalooban ng Diyos ay matutupad; sa gayon, ang mga kinakailangan ng Diyos ay hindi matayog.
23.5.18
Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos."
17.5.18
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikasiyam na Pagbigkas
Dahil ikaw ay isa sa pamilya ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na Aking inaatas. Hindi Ko hinihingi sa’yo na maging isang lumilipad na ulap lamang, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap nito at lalo pa ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang diwa dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay pumapanaog sa daigdig at ang isang bagong daigdig ay lumalaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay mismong panahon din na Ako ay pormal na gumagawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang namasdan ang sandali ng Aking pagdating? Sino ang nakakita na Ako ay hindi lamang mayroong isang pangalan, ngunit, bukod pa rito, Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi isinaayos ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking makapangyarihang panukala. Hindi Ako humihingi ng mabibigat na kahilingan sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay palaging ang praktikal na Diyos, at sapagkat Ako ang Makapangyarihan-sa-lahat na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa tao. Lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan-sa-lahat. Paanong makakaiwas maging ang mga naroon sa pinakamalalayong sulok ng mundo sa pagsisiyasat ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay nakakikilala sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y inilalantad ang pangit na larawan ng lahat ng tao, at inilalantad ang pinaka-malalalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumubsob sa Aking pagsisiyasat. Ngunit kahit ang tao ay sumubsob, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain? Sino ang hindi naghahangad sa Akin bunga ng Aking mga salita? Kanino hindi isinilang ang mga damdamin ng katapatan dahil sa Aking pag-ibig? Dahil sa kasamaan ni Satanas kaya ang tao ay hindi kayang makaabot sa kaharian ayon sa inaatas Ko. Kahit na ang pinaka-mababababang pamantayang inaatas Ko ay nagdudulot ng mga pag-aalinlangan sa kanya, huwag nang banggitin ang ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay dumadaluhong at mapaniil na parang baliw, o ang panahong ang tao ay masyadong nayuyurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay natatakpan ng karumihan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bunga ng kanyang kabuktutan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay sumasalungat sa Akin, siya ay Aking kinakastigo; kapag ang tao ay Aking inililigtas at binubuhay-muli mula sa mga patay, siya ay pinakakain Ko nang lubos na pangangalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako at nakakamtan Ko, paano Ako hindi maluluwalhati? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko napapamahalaan at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at walang kibo, at, sa Aking likuran, sila ay nakikibahagi sa mga “kapuri-puring” mapandayang transaksyon. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking isinuot sa Sarili Ko, ay walang alam sa iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, gaano mang pagdurusa ang danasin hindi magagawang mawalan ng pag-asa sa Akin ang taong nasa katawan, lalong hindi maaaring magdulot ang anumang katamisan sa taong nasa katawan na maging malamig, nanlulumo, o mapag-bale-wala tungo sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa alinman sa walang pasakit o walang katamisan?
16.5.18
Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikalawang bahagi)
Bago ginampanan ni Jesus ang gawain, Siya’y namuhay lamang sa Kanyang karaniwang pagkatao. Walang sinuman ang nakapagsabi na Siya ay Diyos, walang sinuman ang nakaalam na Siya ay nagkatawang-taong Diyos; kilala lamang Siya ng mga tao bilang isang ganap na ordinaryong tao. Ang Kanyang lubos na payak, normal na pagkatao ay patunay na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa laman, at na ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang kapanahunan ng paggawa ng nagkatawang-taong Diyos, hindi ang kapanahunan ng paggawa ng Espiritu. Ito ay patunay na ang Espiritu ng Diyos ay ganap na naging totoo sa laman, na sa kapanahunan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang Kanyang katawang-tao ay gagawa ng lahat ng gawain ng Espiritu. Ang Cristo na may karaniwang pagkatao ay ang katawang-tao kung saan ang Espiritu ay naging totoo, nagtataglay ng karaniwang pagkatao, normal na katinuan, at pag-iisip ng tao. Ang ibig sabihin ng “naging totoo” ay ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging laman; upang palinawin ito, ito’y kapag ang Diyos Mismo ay nananahan sa laman na may karaniwang pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinahahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o maging katawang-tao. Noong Kanyang unang pagkakatawang-tao, kinakailangan ng Diyos na magpagaling ng maysakit at palayasin ang mga demonyo dahil ang Kanyang gawain ay ang tumubos. Upang tubusin ang buong lahi ng tao, Siya’y kinailangang maging maawain at mapagpatawad. Ang gawain na Kanyang ginawa bago Siya napako sa krus ay ang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, na nagbabadya ng Kanyang pagliligtas sa tao mula sa kasalanan at kadungisan. Dahil ito ay Kapanahunan ng Biyaya, kinailangan Niyang magpagaling ng maysakit, at dahil doon nagpakita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, na kumatawan sa biyaya noong panahong iyon; dahil ang Kapanahunan ng Biyaya ay sumentro sa pagkakaloob ng biyaya, sinagisag ng kapayapaan, kasiyahan, at materyal na mga biyaya, lahat ng palatandaan ng pananampalataya ng mga tao kay Jesus. Ibig sabihin, ang pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagkakaloob ng biyaya ay likas na abilidad ng katawang-tao ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga ito’y gawa ng Espiritung naging totoo sa katawang-tao. Nguni’t habang ginagampanan Niya ang ganoong gawain, Siya ay namumuhay sa katawang-tao, hindi Siya lumampas sa katawang-tao. Hindi mahalaga kung anumang uri ng pagpapagaling ang Kanyang ginawa, Siya’y nagtaglay pa rin ng karaniwang pagkatao, namuhay pa rin ng karaniwang buhay ng tao. Ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang katawang-tao ay gumanap ng lahat ng gawain ng Espiritu, ay dahil sa kahit anong gawain ang Kanyang ginawa, ginawa Niya ito sa katawang-tao. Nguni’t dahil sa Kanyang gawain, hindi ipinalagay ng mga tao na ang Kanyang katawang-tao ay ganap na nagtataglay ng mala-pisikal na kakanyahan, sapagka’t ang katawang-taong ito ay kayang gumawa ng mga kababalaghan, at sa tiyak na natatanging mga sandali ay kayang gumawa ng mga bagay na higit sa kaya ng laman. Siyempre, ang lahat ng pangyayaring ito ay nangyari pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, gaya ng pagsubok sa Kanya sa loob ng apatnapung araw o pagbabagong-anyo sa bundok. Kaya kay Jesus, ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi pa ganap, kundi bahagi pa lamang ang natupad. Ang buhay na Kanyang isinabuhay sa katawang-tao bago magsimula sa Kanyang gawain ay lubos na normal sa lahat ng aspeto. Pagkatapos Niyang simulan ang gawain pinanatili Niya lamang ang panlabas na balat ng Kanyang katawang-tao. Dahil ang Kanyang gawain ay isang pagpapahayag ng pagka-Diyos, nahigitan nito ang karaniwang mga tungkulin ng laman. Palibhasa, ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay naiiba mula sa laman at dugo ng mga tao. Siyempre, sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, kailangan Niya ng pagkain, damit, tulog, at tirahan gaya ng iba, Kinailangan ang lahat nang normal na pangangailangan, nangatwiran at nag-isip gaya ng karaniwang tao. Ang mga tao ay itinuturing pa rin Siyang isang pangkaraniwang tao, maliban sa ang gawaing Kanyang ginagawa ay higit-sa-karaniwan. Sa totoo lang, anuman ang Kanyang ginawa, Siya’y nanahan sa ordinaryo at normal na pagkatao, at hanggang sa Kanyang pagganap ng gawain ang Kanyang pangangatwiran ay lubusang normal, ang Kanyang pag-iisip ay natatanging malinaw, mas higit kaysa roon ng sinumang normal na tao. Ito ay kinakailangan para sa nagkatawang-taong Diyos na mag-isip at mangatwiran sa ganitong paraan, dahil ang banal na gawain ay kailangang maihayag ng katawang-tao na ang pangangatwiran ay napaka-pangkaraniwan at na ang pag-iisip ay napakaliwanag—tanging sa ganitong paraan lamang ang Kanyang katawang-tao ay makapaghahayag ng banal na gawain. Sa buong tatlumpu’t tatlo at kalahating taon na namuhay si Jesus sa lupa, pinanatili Niya ang Kanyang karaniwang pagkatao, ngunit dahil sa Kanyang gawain noong Kanyang ikatlo at kalahating taon ng ministeryo, inakala ng mga tao na Siya ay lubhang nangingibabaw, na Siya ay lalo pang higit-sa-karaniwan kaysa rati. Sa katunayan, ang karaniwang pagkatao ni Jesus ay nanatiling di-nagbabago mula noon at pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo; ang Kanyang katauhan ay pareho hanggang sa katapusan, nguni’t dahil sa pagkakaiba ng dati at pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, dalawang magkaibang pananaw ang lumitaw hinggil sa Kanyang laman. Anuman ang isipin ng mga tao, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nanatili sa Kanyang orihinal, karaniwang pagkatao sa buong panahon, sapagka’t mula nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, Siya ay nanahan sa katawang-tao, ang katawang-tao na nagkaroon ng karaniwang pagkatao. Hindi alintana kung Siya man ay gumaganap ng Kanyang ministeryo o hindi, ang karaniwang pagkatao ng Kanyang laman ay hindi mabubura, sapagka’t ang pagkatao ay pangunahing kakanyahan ng laman. Bago ginampanan ni Jesus ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang katawang-tao ay nanatiling ganap na normal, sumasangkap sa lahat ng mga ordinaryong gawaing pantao; hindi Siya lumitaw kahit bahagya mang higit-sa-karaniwan, hindi nagpakita ng anumang mga mahimalang tanda. Noong mga panahong iyon Siya’y isa lamang lubusang pangkaraniwang tao na sumasamba sa Diyos, bagaman ang Kanyang paggawa ay mas matapat, mas taos-puso kaysa kaninuman. Ito ay kung paano ang Kanyang lubos na karaniwang pagkatao ay nahayag. Dahil Siya’y walang ginawa na kahit ano bago gampanan ang Kanyang ministeryo, walang sinuman ang may kamalayan sa Kanyang pagkakakilanlan, walang sinuman ang makapagsasabi na ang Kanyang laman ay naiiba sa lahat, sapagka’t hindi Siya gumawa ng kahit isang milagro, hindi gumanap ng kahit katiting na sariling gawain ng Diyos. Gayunpaman, pagkatapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, pinanatili Niya ang panlabas na balat ng karaniwang pagkatao at namuhay pa rin nang may karaniwang katuwiran ng tao, nguni’t dahil sa sinimulan Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, ginampanan ang ministeryo ni Cristo at gumawa ng gawain na hindi kaya ng mga mortal na nilalang, laman-at-dugong mga tao, ang mga tao ay nagpalagay na wala Siyang karaniwang pagkatao at hindi isang ganap na normal na laman kundi isang hindi-ganap na laman. Dahil sa gawaing ginampanan Niya, sinabi ng mga tao na Siya’y Diyos sa laman na walang karaniwang pagkatao. Ito ay isang maling pagka-unawa, dahil hindi matarok ng mga tao ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Itong maling-pagkaunawa ay umusbong mula sa katotohanan na ang gawaing ipinahayag ng Diyos sa laman ay ang banal na gawain, ipinahayag sa isang laman na nagkaroon ng karaniwang pagkatao. Ang Diyos ay nakabihis ng laman, Siya’y nanahan sa laman, at ang Kanyang gawain sa Kanyang pagkatao ay nagpalabo sa pagiging-karaniwan ng Kanyang pagkatao. Sa kadahilanang ito ang mga tao ay naniniwala na ang Diyos ay walang katauhan.
15.5.18
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | D'yos Nagkatawang-tao upang Iligtas ang Sangkatauhan
Ngayon ang araw, kita mo ba?
'Di simpleng bagay Diyos dumating sa gitna ng tao
upang tao'y iligtas, talunin si Satanas,
kaya Diyos nagkatawang-tao.
Kung di rito, di S'ya gagawa sa Sarili N'ya.
D'yos nagkatawang-tao upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais iligtas ng D'yos.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
o sa katawang-tao.
14.5.18
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan
Nasabihan na kayo na sangkapan ang inyong sarili sa pamamagitan ng salita ng Diyos, na hindi alintana kung ano ang inaayos para sa inyo, ang lahat ay binabalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—walang silbi ang mga ito. Subali’t sa mga panahon ng kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo. Kapag hinihintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng pagsasakawalang-kibo. Kaya, kung hindi mo kayang lubos na maaninag ang mga bagay na ito, ikaw ay nalalabuan at hangal sa iyong dinaranas. Kung ikaw ay walang katunayan at puro mga salita lamang, hindi ba’t ito ay tanda ng kalisyaan? Maraming kalisyaan ang nakikita sa inyo, sa kalipunang ito. Ngayon, wala kayong kakayanang makamit ang gayong mga pagsubok na katulad ng “mga taga-serbisyo”, o kung hindi man ay walang kakayahang maisip o makamit ang ibang pagpipino na may kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Kailangan niyong umayon sa maraming bagay na hinihingi sa inyong isagawa. Ibig sabihin, ang mga tao ay dapat umayon sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sang-ayunan ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang tuparin. Hayaang gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu: walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Wala ito kundi isang kailangang gawin ng tao, at dapat sang-ayunan dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsang-ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi na ngayon ang Kapanahunan ng Kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, panatilihin mo ang iyong kinalalagyan at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang tono at mga hangad ng pagbigkas ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anumang hayagang pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sang-ayunan ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sang-ayunan ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanyang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sang-ayunan ang tao. Ang mga tuntunin ng nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na pagsasagawa para tuparin ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nito isinasangkot ang gawain ng Banal na Espiritu at kailangang gawin ng tao.
12.5.18
2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa laman ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at kamakapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling kalmado ang Diyos, hindi kailanman ipinagkakanulo ang Sarili Niya. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kinasasaklawan. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakakilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, magigising ang lahat mula sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang pag-uugali[1]. Natatandaan ko nang minsang sabihin ng Diyos na, “Ang pagdating sa laman sa oras na ito ay parang tulad ng pagbagsak sa lungga ng isang tigre.” Ang ibig sabihin nito ay dahil sa ikot na ito ng gawain ng Diyos ay ang pagdating ng Diyos sa laman at pagkapanganak sa tinatahanang lugar ng malaking pulang dragon, ang Kanyang pagparito sa lupa sa panahong ito ay may kasama pang mas matitinding mga panganib. Ang kinakaharap Niya ay mga kutsilyo at mga baril at mga garote; ang kinakaharap Niya ay tukso; ang kinakaharap Niya ay maraming tao na may nakamamatay na mga tingin. Nakikipagsapalaran Siyang mapatay anumang sandali. Dumating nga ang Diyos na may poot. Gayunpaman, dumating Siya upang gawin ang gawain ng pagpeperpekto, na nangangahulugan na gawin ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain na nagpapatuloy pagkatapos ng gawain ng pagtubos. Para sa kapakanan ng yugtong ito ng Kanyang gawain, inilaan ng Diyos ang sukdulang pagpapahalaga at pag-iingat at gumagamit ng bawa’t maiisip na mga paraan upang maiwasan ang mga pag-atake ng tukso, mapagkumbabang itinatago ang Kanyang sarili at hindi kailanman ipinapasikat ang Kanyang pagkakakilanlan. Sa pagsagip ng tao mula sa krus, kinukumpleto lamang ni Jesus ang gawain ng pagtubos; hindi Siya gumagawa ng gawaing pagpeperpekto. Kaya kalahati lamang ng gawain ng Diyos ang ginagawa, ang pagtatapos ng gawain ng pagtubos ay kalahati lamang ng Kanyang buong plano. Sa pag-uumpisa ng bagong kapanahunan at pagtatapos ng luma, ang Diyos Ama ay nagsimulang pag-isipan ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain at nagsimulang paghandaan ito. Noong nakaraan, maaaring hindi nahulaan ang pagkakatawang-taong ito sa huling mga araw, at sa gayon naglatag ito ng isang pundasyon para higit pang mailihim ang pagdating ngayon ng Diyos sa laman. Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa laman. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming mga tao, wala ni isang nakakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa. Gumawa ang Diyos nang papaganito nang sa gayon mas maayos na maisakatuparan ang Kanyang gawain at makamit ang mas mahusay na mga resulta, at upang maiwasan din ang maraming mga tukso. Sa pagkagising ng tao sa mahimbing na pagkakaidlip, ang gawain ng Diyos ay matagal nang natapos at Siya’y aalis na, dadalhin sa pagtatapos ang Kanyang buhay nang paglilibot at pansamantalang pagtigil sa lupa. Dahil ang gawain ng Diyos ay nangangailangan na ang Diyos ay kumilos at magsalita nang personal, at dahil walang paraan ang tao upang makatulong, tiniis ng Diyos ang matinding sakit upang pumarito sa lupa at gawin Niya Mismo ang gawain. Hindi kayang humalili ng tao para sa gawain ng Diyos. Samakatuwid nakipagsapalaran sa mga panganib ang Diyos ng ilang libong beses na mas matindi kaysa roon sa Kapanahunan ng Biyaya upang bumaba sa kung saan ang malaking pulang dragon ay nananahan upang gawin ang Kanyang sariling gawain, upang ibuhos ang lahat ng Kanyang pag-iisip at pangangalaga sa pagtubos sa grupo ng naghihirap na mga taong ito, pagtubos sa grupong ito ng mga taong nasadlak sa tambak ng basura. Kahit na walang nakakaalam sa pag-iral ng Diyos, hindi nababalisa ang Diyos dahil ito ay malaking kapakinabangan sa gawain ng Diyos. Napakabangis na masama ang bawa’t isa, kaya paanong matitiis ng kahit na sino ang pag-iral ng Diyos? Iyon ang dahilan kung bakit laging tahimik ang Diyos sa lupa. Kahit gaano kalabis ang kalupitan ng tao, hindi dinidibdib ng Diyos ang alinman dito, kundi patuloy lamang Siya sa paggawa ng kailangang gawain upang matupad ang mas higit na atas na ibinigay sa Kanya ng Ama sa langit. Sino sa inyo ang nakakakilala ng kagandahan ng Diyos? Sino ang nagpapakita nang higit na pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos Ama kaysa sa ginagawa ng Kanyang Anak? Sino ang may kakayahang maunawaan ang kalooban ng Diyos Ama? Madalas na nababalisa sa langit ang Espiritu ng Diyos Ama, at ang Kanyang Anak sa lupa ay madalas nananalangin para sa kalooban ng Diyos Ama, lubhang nababahala ang Kanyang puso. Mayroon bang kahit sino na nakakaalam ng pag-ibig ng Diyos Ama para sa Kanyang Anak? Mayroon bang kahit sino na nakakaalam kung paano nangungulila ang sinisintang Anak sa Diyos Ama? Napupunit sa pag-itan ng langit at lupa, ang dalawa ay patuloy na tinititigan ang bawa’t isa mula sa malayo, magkaagapay sa Espiritu. O sangkatauhan! Kailan kayo magiging mapagbigay sa puso ng Diyos? Kailan ninyo mauunawaan ang intensyon ng Diyos? Palaging umaasa ang Ama at Anak sa isa’t isa. Bakit kung gayon dapat Silang maghiwalay, isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Minamahal ng Ama ang Kanyang Anak gaya ng pagmamahal ng Anak sa Kanyang Ama. Bakit kung gayon dapat Siyang maghintay nang may gayong pag-asam at manabik nang may gayong pagkabalisa? Kahit hindi Sila nagkahiwalay nang matagal, mayroon bang kahit sino na nakakaalam na ang Ama ay lubhang nababalisa na nagnanasa sa loob ng maraming mga araw at gabi at nananabik sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak? Nagmamasid Siya, nakaupo Siya sa katahimikan, naghihintay Siya. Ang lahat ng ito ay para sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak. Kailan kaya Niya muling makakasama ang Anak na naglilibot sa lupa? Kahit na minsang nagsama, magsasama Sila sa walang-hanggan, paano Niya matitiis ang libu-libong mga araw at gabi ng paghihiwalay, ang isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Ang sampu-sampung taon sa lupa ay gaya ng libu-libong taon sa langit. Paanong hindi mag-aalala ang Diyos Ama? Kapag pumaparito ang Diyos sa lupa, nararanasan Niya ang maraming mga pagbabago ng mundo ng tao kagaya nang nararanasan ng tao. Ang Diyos Mismo ay walang sala, kaya bakit hahayaang magdusa ang Diyos ng parehong sakit gaya ng tao? Hindi nakapagtataka na ang Diyos Ama ay nangungulila nang marubdob sa Kanyang Anak; sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos? Binibigyan ng Diyos ang tao nang sobra; paano magagawa ng tao na bayaran nang sapat ang puso ng Diyos? Datapwa’t ang ibinibigay ng tao sa Diyos ay masyadong maliit; paanong hindi mag-aalala samakatuwid ang Diyos?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)