Ang Diyos ay nagbibigkas ng Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa iba-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, nagwiwika Siya ng iba-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o inuulit ang parehong gawain, o nakakaramdam ng galimgim para sa mga bagay sa nakaraan; Siya ay Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod sa mga dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakamahalaga na ang pagsasagawa ay dapat masentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing payak ang Kanyang karunungan at walang hanggang kapangyarihan. Walang halaga kung Siya ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at ikaw ay hindi maaaring magsabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao na kung saan nagmumula na Siya ay mangusap. Kabilang ang ilang mga tao may mga lumitaw na mga pag-iisip bilang isang bunga ng iba-ibang mga perspektibo na kung saan nagmumula ang Diyos ay mangusap. Ang mga ganoong tao ay walang kaalaman sa Diyos, at walang kaalaman sa Kanyang gawain. Kung ang Diyos ay palaging nangusap mula sa isang perspektibo, hindi ba maglalatag ang tao ng mga patakaran tungkol sa Diyos? Maaari kayang payagan ng Diyos ang tao na kumilos sa ganoong paraan? Hindi alintana kung anong perspektibo ang pinagmumulan ng Diyos na mangusap, ang Diyos ay may mga layunin para sa bawat isa. Kung ang Diyos ay palaging nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, ikaw kaya ay maaaring makipag-ugnayan sa Kanya? Samakatwid, nangungusap Siya sa ikatlong persona upang paglaanan ka ng Kanyang mga salita at gabayan ka tungo sa realidad. Lahat-lahat ng ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat. Sa maikling salita, ito ay ginagawang lahat ng Diyos, at ikaw ay hindi dapat magduda tungkol dito. Ipinagpalagay na Siya ay Diyos, samakatwid kahit anuman ang perspektibo na pinagmumulan ng mga pagbibigkas Niya, Siya pa rin ay Diyos. Ito ay ang hindi nababagong katotohanan. Paano man Siya gumagawa, Siya ay Diyos pa rin, at ang Kanyang sustansya ay hindi magbabago! Sobrang minamahal ni Pedro ang Diyos at siya ay isang tao na malapit sa sariling puso ng Diyos, subalit ang Diyos ay hindi sumaksi sa kanya bilang Panginoon o Kristo, pagkat ang sustansya ng tao ay kung ano nga iyon, at hindi kailanman maaaring magbago. Sa Kanyang gawain, ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, ngunit gumagamit ng ibat-ibang mga paraan upang maging mabisa ang Kanyang gawain at madagdagan ang kaalaman ng tao sa Kanya. Ang Kanyang bawat paraan ng paggawa ay nakakatulong sa tao na makilala Siya, at nasa ayos upang gawing perpekto ang tao. Kahit na anong paraan ng paggawa ang gamitin Niya, ang bawat isa ay nasa ayos upang buuin ang tao at gawing perpekto ang tao. Bagaman isa sa Kanyang paraan nang paggawa ay maaaring tumagal sa isang mahabang panahon, nasa sa ayos ito upang timplahin ang pananampalataya ng tao sa Kanya. Samakatwid hindi kayo dapat mag-alinlangan. Ang lahat ng mga ito ay mga hakbang sa gawain ng Diyos, at dapat ninyong sundin.