Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

27.11.18

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos|Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)



 Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ipinagpalagay ninyo ang mga gawa ni Cristo mula sa pananaw ng di-matuwid at tinatasahan ang lahat ng Kanyang mga gawa, at Kanyang pagkakakilanlan at diwa mula sa perspektibo ng masama. Nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali at nagawa ninyo ang hindi nagawa ng mga nauna sa inyo. Iyon ay, pinaglilingkuran lang ninyo ang matayog na Diyos na nasa langit na may korona sa Kanyang ulo at hindi kailanman pinaglingkuran ang Diyos na ipinapalagay na napaka-walang-halaga kaya ni hindi ninyo dapat makita. Hindi ba ito inyong pagkakasala? Hindi ba ito tipikal na halimbawa ng inyong pagkakasala sa disposisyon ng Diyos? Sinasamba ninyo ang Diyos na nasa langit. Sinasamba ninyo ang mga matatayog na imahe at pinahahalagahan yaong mga kinikilalang may kahusayang magsalita. Nagagalak kang utusan ng Diyos na nagbibigay ng sandakot na kayamanan at lubos na nananabik sa Diyos na kayang tumupad ng iyong mga hangarin. Ang tanging ayaw mong sambahin ay ang Diyos na hindi matayog; ang iyong nag-iisang bagay na kinamumuhian ay ang maiugnay sa Diyos na ito na wala kahit isang tao ang lubhang pinagpipitaganan. Ang bagay lamang na hindi mo gustong gawin ay ang maglingkod sa Diyos na hindi ka man lang binigyan kahit isang kusing, at ang tanging Isang hindi ka kayang papanabikin sa Kanya ay itong di-kaibig-ibig na Diyos. Ang ganitong uri ng Diyos ay hindi kayang palawakin ang iyong abot-tanaw, para maramdaman na parang nakahanap ka ng kayamanan, lalo na ang matupad ang iyong pangarap. Bakit, kung gayon, sinusunod mo Siya? Sumagi ba sa isipan mo ang tanong na ito?"

19.11.18

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (Unang Bahagi)



Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (Unang Bahagi)



Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
(I) Isang Pangkalahatang-Ideya sa Awtoridad ng Diyos, Ang matuwid na Disposisyon ng Diyos, at Kabanalan ng Diyos
Unang Bahagi



8.11.18

Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon

Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon


Zhang Jin, Beijing

August 16, 2012
                                             
Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.
Noon ay Hulyo 21, 2012. Nang araw na iyon isang humuhugos na ulan ang bumuhos, at nagkataong ako’y nasa labas na tumutupad ng aking tungkulin. Pagkatapos ng ika-4:00 n.h., hindi pa rin tumigil ang ulan. Nang matapos ang aming pulong, sinuong ko ang ulan at sumakay ng bus pauwi. Habang nasa byahe, lalong lumakas pa ang ulan, at nang ang bus ay kailangang tumigil bago ang sa amin, sinabihan ng tsuper ang mga pasahero, “Hindi na makapagpapatuloy ang bus na ito; ang daan sa unahan ay gumuho.” Wala nang ibang magagawa, kaya wala akong mapagpipilian kundi ang bumaba ng bus at maglakad na pauwi. Hindi nangangahas na iwan ang Diyos, patuloy akong nananalangin sa aking puso. Dahil sa puwersa ng delubyo, lubos na nilamon ng tubig ang kalsada. Sinubukan kong magpatuloy sa pamamagitan ng paghawak sa mga haliging semento na nakahilera sa kalsada, na ako’y umusad nang paisa-isang hakbang. Noon ay narinig kong may sumisigaw sa likuran ko, “Huwag ka nang magpatuloy! Bilis; umikot at bumalik ka na! Hindi ka makakadaan; malalim ang tubig at napakabilis ng agos. Kapag natangay ka nito, hindi kita kayang sagipin!” Nang panahong iyon, hindi na ako makasulong o umurong man sapagkat ang tubig ay umabot na sa aking dibdib. Hindi ko na tinangkang magpatuloy kaya ang aking nagawa ay manalangin sa Diyos at mamanhik na gumawa Siya ng daan palabas dito: “Diyos! Ipinahintulot po Ninyong sapitin ko ito, at nasa Inyong mga kamay kung ako’y mabubuhay o mamamatay. Kung ang tubig ay bumaba nang may kahit kalahating piye, kakayanin kong magpatuloy sa pagsulong. Diyos, gawin mo ang Iyong kalooban; handa akong ipagkatiwala ang aking buhay sa Iyo!” Matapos kong masambit ang panalanging ito, ako ay napanatag at nanahimik. Nagunita ko ang isa sa mga winika ng Diyos: “Ang mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay ay itinatatag at ginagawang ganap sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig at kasama Ako anumang bagay ay kayang maisakatuparan” (Mga Wika at Patotoo ni Cristo sa Pasimula). Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas ng loob. Sapagkat ang kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay ay nasa kamay ng Diyos, batid kong gaano man kalupit ng delubyong ito, di ito makalalampas sa kakayahan ng Diyos. Wala ni isa man ang maaaring asahan; ang aking anak na lalaki, anak na babae… wala ni isa man ang may kakayanang ingatan ang isa’t-isa. Nanalig ako na hangga’t ako’y nananahan sa Diyos, walang anumang pagsubok ang di ko malalampasan. Nang sandaling iyon, isang himala ang naganap. Ang agos ay humina nang humina hanggang sa ito’y hindi na kasing-tindi ng agos ilang sandali lang ang nakaraan, at ang mga haliging semento na nakahilera sa daan ay unti-unting lumitaw. Tunay nga, ang tubig ay bumaba nang may kalahating piye mula sa aking dibdib. At sa gayon, lumakad ako doon, paunti-unti, sa pamamatnubay ng Diyos. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob at pag-iingat ng Diyos, hindi ko alam kung saan na ako tinangay ng baha. Mula sa kaibuturan ng aking puso, ipinahahayag ko ang aking pasasalamat at pagpupuri, na nagpapasalamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagbibigay ng Diyos sa akin ng ikalawang pagkakataon sa buhay.
Nang huli, narinig ko ang paglalarawan ng aking anak na lalaki sa ulan: Nang araw na iyon, pagkatapos umuwi galing sa pagtupad ng kanyang tungkulin, nagtungo muna siya sa palikuran. Kalalabas pa lang niya ng palikuran at pabalik sa kanyang silid ay narinig niya ang malakas na paglagpak sa labas. Nang lumabas siya upang tingnan, nakita niya na ang buong gusali ng palikuran ay lubos na naguho sa ilalim ng tubig. Kung hindi dahil sa pag-iingat ng Diyos, namatay na siya. Ito mismo ang sinabi ng Diyos sa isa sa Kanyang mga pagbigkas: “Anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang matinding kasiyahang nadarama ko sa aking puso ay hindi maipahayag ng mga salita.
Sa pamamagitan ng dalawang pangyayaring ito, ang pananampalataya ko ay lalong naging matatag. Nang araw na iyon, hinayaan ng Diyos na maligtas ako sa kalamidad upang hayaan ako mismong magpatotoo sa Kanya. Kapag binabalik-tanaw ko kung gaano ka-makasarili, masama, at mapagmapuri ako dati sa pagtupad ng tungkulin, naunawaan kong hindi ko talagang nadama ang pagkaapurahan ng Diyos o ibahagi ang kaisipan ng Diyos. Mula ngayon, ibig kong magsisi at magbago. Gagamitin ko ang aking sariling personal na karanasan upang magdala ng mas maraming tao sa harap ng Diyos, at gawin ang aking bahagi sa gawaing pagpapalaganap ng ebanghelyo.

2.11.18

Salita ng Buhay | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan"


Salita ng Buhay | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban."

16.10.18

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan



 Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan."


7.10.18

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


 Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni’t wala ni katiting na katapatan kayong naigawad para sa Akin. Sa halip, kayo’y uminog sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo kaya sila ay pinanatiling malapit sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan, anumang oras, kahit saan man...Nakikibahagi kayo sa mga gawaing maalab kayo: Ang iba’y tapat sa mga anak, ang iba naman sa asawa, kayamanan, trabaho, mga pinuno, katayuan, o kababaihan. Walang nadaramang pagkainip o pagkayamot sa mga bagay na tapat kayo, sa halip, pinag-iibayo ang inyong kagustuhang maangkin ang mas marami at kalidad na mga bagay na may taglay ng inyong katapatan, at hindi kayo kailanman nawalan ng pag-asa. Ako at ang Aking mga salita ay ipinagtutulakan sa hulihan pagdating sa mga bagay na kayo ay maalab. At wala kayong magagawa kundi ang ihanay sila sa hulihan; ang ilan ay kailangang umalis upang maging tapat sa bagay na hindi pa nila natutuklasan. Wala silang pinananatiling anumang bahagi Ko kailanman sa kanilang mga puso."

3.10.18

Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"


Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"


I Nais n'yo bang malaman kung bakit nilabanan ng mga Fariseo si Jesus? Nais n'yo bang malaman kung ano ang diwa nila? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesias, naniniwala lamang sa Kanyang pagdating, di-hanap ang katotohanan ng buhay. Sila'y naghihintay pa rin sa Kanya hanggang ngayon, landas ng buhay at katotohana ay di nalalaman. II Paanong mga taong hangal, sutil, mangma'y pagpapala ng Diyos makakamtan? Paanong ang Mesias kanilang mamamasdan? Kinontra nila si Jesus, di-nalamam na sinabi N'ya ang landas ng katotohanan, di-nabatid ang Mesias o ang gawain ng Banal na Espiritu, di-nakita ni nakasama S'ya kailanman. Mga hungkag na papuri ‘ginawad sa ngalan Niya at lahat ginawa para labanan S'ya. III Pasaway, sutil, hambog, pinanghawakan nila ang paniniwalang ito. Malalim man pangangaral Mo, mataas man awtoridad Mo, di Ka Cristo malibang Mesias ang tawag sa'Yo. Paligoy-ligoy lang ang mga ito na dapat kutyai't bansagang malalaking pantasya ng tao. IV Tanong ng Diyos sa inyo: Uulitin n'yo ba mga mali ng mga Fariseo? Yamang si Jesu-Cristo'y di n'yo naiintindihan, nakikilala mo ba ang landas ng katotohanan at buhay, ang gawa ng Banal na Espiritu'y iyo bang nasusundan? Matitiyak mo bang di mo lalabanan si Cristo? Kung di, ikaw nga'y nasa bingit ng kamatayan, di ng buhay. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

26.9.18

Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)



 Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)


I Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo, ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos. Hindi kalabisang sabihin nang gayon. Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos. Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya, na di-maabot ng tao. Yaong tinatawag ang sarili na Cristo pero di magawa ang gawain ng Diyos ay mga mandaraya, 'di katagala'y babagsak lahat. Sapagka't kahit tinatawag nila ang sarili na Cristo, ala silang taglay alinmang diwa ni Cristo.

22.9.18

Tagalog Christian Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" (Tagalog Subtitles)



 Tagalog Christian Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" (Tagalog Subtitles)


Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan, para ito sa buong bayan ng Diyos. Naglalakad at nagsasalita si Cristo sa iglesia at nabubuhay kasama ng bayan ng Diyos. Narito ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, gayundin ang gawa ng Banal na Espiritu. Nagdidilig, tumutustos at gumagabay sa'tin mga salita ng Diyos, at lumalago buhay natin. Ito ang kahariang pinamumunuan ni Cristo, ito'y patas at makatarungang mundo. Kaharian ni Cristo'y mainit kong tahanan, napakahalaga nito sa bayan ng Diyos. Naghahari salita ng Diyos sa iglesia, tayo'y kumikilos ayon sa totoo at Cristo'y pinagbubunyi sa'ting puso. Wala nang paglalaban o intriga, hindi na kailangan ang pagtatanggol o takot. Himlayan ng kaluluwa ng tao si Cristo, di na kailangang gumala-gala pa ako. Ito ang kaharian ng Diyos inaasam ng mga tao, ito ang payapang tahanan ng sangkatauhan.

21.9.18

Maikling Dula | "Baka Nananaginip Tayo" | Can We Enter the Kingdom of Heaven Through Hard Work?


Maikling Dula | "Baka Nananaginip Tayo" | Can We Enter the Kingdom of Heaven Through Hard Work?


Isang pastor ng relihiyosong mundo na may jacket na gawa sa balat ng tupa, isang mabait at matapat na asawa, at isang tapat na Kristiyanong may pagkaunawa na nagmamahal sa katotohanan ang nagsasama-sama sa isang nakakatawang maikling dula na sumisiyasat sa tanong na, "Makakapasok ba ang isang tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsisikap?" Mapapaisip ang mga manonood dahil sa kabalintunaang lengguwahe at matalinong debate sa pagitan ng naniniwala at ng pastor…

16.9.18

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Dumating na ang Milenyong Kaharian" (Tagalog Dubbed)



 Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Dumating na ang Milenyong Kahaian" (Tagalog Dubbed)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang pagdating ng Milenyong Kaharian sa lupa ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos sa lupa. Ang paglusong ng Bagong Herusalem mula sa langit ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos na mamumuhay kasama ng tao, na gagabay sa bawat pagkilos ng tao, at lahat ng kanyang buong kaloob-loobang mga pag-iisip. Ito rin ang katotohanan na ang Diyos ay nagsasakatuparan, at ang kahanga-hangang tanawin ng Milenyong Kaharian. Ito ang planong itinakda ng Diyos: Ang Kanyang mga salita ay iiral sa lupa nang isang libong taon, at ipapahayag ng mga ito ang lahat ng Kanyang mga gawa, at kukumpleto sa lahat ng Kanyang gawa sa lupa, pagkatapos ng yugtong ito ang sangkatauhan ay sasapit sa kanilang katapusan."

4.9.18

Awit ng Tagumpay - Gumagawa ng mga Mananagumpay ang Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw



 Awit ng Tagumpay - Gumagawa ng mga Mananagumpay ang Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw



Tinitiis ng mga kapatid ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang matinding paghadlang at pag-uusig mula sa Komunistang Partido ng Tsina at sa relihiyosong mundo. Bakit patuloy silang tumatangging sumuko, patuloy na ipinapangaral ang ebanghelyo at nagpapatotoo para sa Diyos? Paano sila pinapangunahan ng Makapangyarihang Diyos upang sumailalim sa paghatol at mga kapighatian para matamo ang pagdalisay at maging mga mananagumpay? Panoorin ang video na ito!


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.


3.9.18

Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan (Tagalog Dubbed)



 Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan (Tagalog Dubbed)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis. Silang nakagawa na ng lahat ng paraan ng kasamaan, subali’t nakasunod sa Akin ng maraming taon, ay hindi makakatakas sa pagsasakdal; sila man, nahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang makita sa lahat ng panahon, ay darating sa pamumuhay sa palagiang katayuan ng sindak at takot. At yaon lamang Aking mga tagasunod na nakapagpakita ng katapatan sa Akin ang magagalak at magpupuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang di-mailarawang kapanatagan at mabubuhay sa isang kagalakan na kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong kayamanan ang mabubuting gawa ng mga tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong sinimulang pangunahan ang sangkatauhan, umaasa Ako nang husto na makakamit ng isang grupo ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Hindi ko kailanman nalilimutan yaong mga hindi ko kaisa sa pag-iisip; nasusuklam ako sa kanila sa Aking puso, naghihintay lamang ng pagkakataon para gantihan Ko sila, at ikatutuwa Kong makita iyon. Ang araw Ko ay dumating na ngayon sa wakas, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!"

16.7.18

Pagtanggap sa Ebanghelyo ng Ikalawang Pagdating ng Panginoong Hesus at Pagtitipon sa Harap ng Diyos


Sa Biblia, sabi ni Pablo, "Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo" (Galacia 1:6). Mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder sa mga salitang ito ni Pablo, at tinutuligsa ang lahat ng taong tumatanggap sa ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, na sinasabi na pag-apostasiya at pagtataksil ito sa Panginoon. Sa gayo’y lumalampas sa ilang nananalig ang pagkakataong tanggapin ang Panginoon, dahil nalinlang sila. Malinaw na ang malinaw na pag-unawa sa tunay na kahulugan ng tekstong ito ay napakahalaga sa pagtanggap natin sa pagbalik ng Panginoon. Kaya ano ang tunay na kahulugan ng siping ito ng Kasulatan? Pag-apostasiya ba ang tanggapin ang ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus?

15.7.18

Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

Diyos, Cristo, katotohanan, buhay, katotohanan

Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong

    Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, "Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba't ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila." Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.

5.7.18

Mga Pagbigkas ni Cristo|Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

walang hanggan,  Espiritu,  krus,  Cristo, Kaharian

Salita ng Diyos|Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa


Ang mga tao ay mahabang panahon nang naniniwala sa Diyos, gayon pa man karamihan sa kanila ay walang pagkaunawa dito sa salitang “Diyos.” Sila ay sumusunod lamang sa kalituhan. Wala silang pahiwatig sa talagang dahilan kung bakit ang tao ay dapat maniwala sa Diyos o kung ano ba talaga ang Diyos. Kung alam lamang ng mga tao na maniwala at sumunod sa Diyos, nguni’t hindi kung ano ang Diyos, ni nauunawaan nila ang Diyos, kung gayon hindi ba ito ang pinakamalaking katatawanan sa mundo?

30.6.18

Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?

🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).
“At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).
“At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay” (Exodo 20:18-19).

28.6.18

Tagalog Christian Movie 2018 | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong " Lord Jesus Has Come Again


Si Lin Bo'en ay matagal nang mangangaral na maraming dekada nang sumasampalataya sa Panginoon. Mula nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, siya ay nakulong, inihiwalay, at pinatalsik mula sa mga komunidad ng relihiyon ng mga pastor at mga elder, na mga puwersang anticristo. Ngunit kahit na si Lin Bo'en ay tinuligsa, hinatulan, at pinaratangan, hindi siya natakot. Sa halip, lalong tumibay ang kanyang pananampalataya, at dahil dito naunawaan niya sa wakas na ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay nagpapakitang-tao lamang. Kasabay nito, nalaman niya na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tanging si Cristo ang makapagliligtas at makapagpapadalisay at magpeperpekto sa tao. Dahil dito, nagpasiya siyang sundin si Cristo, sumaksi para kay Cristo, at gawin ang lahat sa abot-kaya niya para hanapin ang katotohanan, hangaring baguhin ang kanyang disposisyon upang siya'y maging tunay na saksi para sa Diyos. Nang matuklasan ng Chinese Communist Party na nakalaya si Lin Bo'en mula sa bilangguan at hindi nagbago, na hindi niya itinatwa ang kanyang pananampalataya kaliit-liitang paraan at naniwala pa sa Kidlat ng Silanganan, na nagpunta siya kahit saan para magpatotoo na muling dumating ang Panginoong Jesus at na Siya ang Makapangyarihang Diyos, isinama siya ng CCP sa listahan ng mga wanted o pinaghahanap at nagpunta sa lahat ng lugar para arestuhin siya. Napilitan si Lin Bo'en na iwanan ang kanyang pamilya, at sa bawat lugar ay nagpatotoo siya sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagawa niyang pamunuan ang maraming matatapat, mabubuting mananampalataya sa panig ng Diyos. Ang video na ito ay salaysay ng tunay na kuwento ni Lin Bo'en sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos.

23.6.18

"Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (6) - Ang Panginoong Jesus ba ang Anak ng Diyos o ang Diyos Mismo?


     Malinaw na nakatala sa Biblia na ang Panginoong Jesus ang Cristo, na Siya ang Anak ng Diyos.Gayunman ang Kidlat sa Silanganan ay nagpapatotoo na ang Cristo na nagkatawang-tao ay ang pagpapakita ng Diyos, na Siya ang Diyos Mismo. Kung gayon, ang Cristo ba na nagkatawang-tao ang Anak ng Diyos? O Siya Mismo ang Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "'Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na Kanyang kinalulugdan'.... ay tunay na sinalita ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, ngunit mula lamang sa magkaibang pananaw, na ang Espiritu sa langit ay sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus, 'Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama,' nagsasabing sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao na Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay isa pa rin; kahit ano pa, ito ay para lamang ang Diyos ay sumasaksi sa Sarili Niya" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).


15.6.18

"Red Re-Education sa Bahay" (6) | Ang Totoong Mga Motibo sa Likod ng Pagtanggi at Paghatol ng CCP kay Kristo


   Nang maging tao ang Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, mukha siyang tao sa tingin, pero ginawa Niya ang gawain ng maipako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan. Sa mga huling araw, ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at nagawa ang paghatol simula sa tahanan ng Diyos. ipinapakita nito ma amg Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay parehong si Cristo sa katawang-tao, at ang Diyos Mismo. Kaya bakit inilalarawan ng CCP ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang  Diyos na karaniwang tao at tinatanggihan ang kabanalan ni Cristo? Hindi ba nakakatawa at nahihibang ang CCP?'