Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

27.11.18

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos|Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)



 Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ipinagpalagay ninyo ang mga gawa ni Cristo mula sa pananaw ng di-matuwid at tinatasahan ang lahat ng Kanyang mga gawa, at Kanyang pagkakakilanlan at diwa mula sa perspektibo ng masama. Nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali at nagawa ninyo ang hindi nagawa ng mga nauna sa inyo. Iyon ay, pinaglilingkuran lang ninyo ang matayog na Diyos na nasa langit na may korona sa Kanyang ulo at hindi kailanman pinaglingkuran ang Diyos na ipinapalagay na napaka-walang-halaga kaya ni hindi ninyo dapat makita. Hindi ba ito inyong pagkakasala? Hindi ba ito tipikal na halimbawa ng inyong pagkakasala sa disposisyon ng Diyos? Sinasamba ninyo ang Diyos na nasa langit. Sinasamba ninyo ang mga matatayog na imahe at pinahahalagahan yaong mga kinikilalang may kahusayang magsalita. Nagagalak kang utusan ng Diyos na nagbibigay ng sandakot na kayamanan at lubos na nananabik sa Diyos na kayang tumupad ng iyong mga hangarin. Ang tanging ayaw mong sambahin ay ang Diyos na hindi matayog; ang iyong nag-iisang bagay na kinamumuhian ay ang maiugnay sa Diyos na ito na wala kahit isang tao ang lubhang pinagpipitaganan. Ang bagay lamang na hindi mo gustong gawin ay ang maglingkod sa Diyos na hindi ka man lang binigyan kahit isang kusing, at ang tanging Isang hindi ka kayang papanabikin sa Kanya ay itong di-kaibig-ibig na Diyos. Ang ganitong uri ng Diyos ay hindi kayang palawakin ang iyong abot-tanaw, para maramdaman na parang nakahanap ka ng kayamanan, lalo na ang matupad ang iyong pangarap. Bakit, kung gayon, sinusunod mo Siya? Sumagi ba sa isipan mo ang tanong na ito?"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento