Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
13.12.18
Tagalog Praise Song | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupa ng Canaan
Tagalog Praise Song | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupa ng Canaan
Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya. Makilala Ka'y karangalan ko, puso ko'y alay sa 'Yo tunay na Diyos, ibinigay ko ang aking puso sa Iyo. Lambak ng Luhang ma'y dinaanan, rikit ng Diyos kita. Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko'y galing Sa 'Yo. Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso'y kapit sa Kanya. Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko'y umigkas. II Pinagpalang lupain ng Canaan, ang lahat ay sariwa, ang lahat ay may buhay. Makapangyarihang Diyos Kanyang tinig, inakay tayo sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa Kanyang salita landas ay mahanap, makikita ang landas na dapat tao'y lumakad. Pangarap na langit ngayo'y tunay, di na hahanapin, papangarapin. III Mga bit'win sa langit ay ngumingiti sa akin, araw tumatango, sa sikat n'ya, ula't hamog, buhay namu'nga ng hinog. Salita ng Diyos, malago't mayaman, dala'y matamis na piging sa atin. Sapát at punóng tustos ng Diyos tayo’y nasiyahan. Lupain ng Canaan, sa mundo ng mga salita ng Diyos; Kanyang pag-ibig ay nagdulot sa amin ng walang-hanggang kagalakan. Samyo ng mga prutas ay pumupuno sa hangin. Kung ika'y andirito para sa ilang araw, ito'y mamahalin mo higit sa kahit ano. IV Buwang pilak kay liwanag. Ang buhay laging masaya. Ikaw ay laging nasa puso ko, habambuhay ako'y kapiling Mo. Puso'y laging sabik sa'Yo; kay sayang ibigin Ka araw-araw. O sinisinta sa puso ko! Sa 'Yong lahat pag-ibig ko. Nag-iisa Ka sa aking puso, iyong kagandahan ay lampas sa lahat ng mga salita. Puso'y umiibig lamang sa Iyo, di-mapigilang sa tuwa'y mapalukso. V Makita ang Diyos ng mukhaan, gaya ng isang kagalakan, maunawaan ang kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita. Malaman na tapat ang Diyos at matuwid, disposisyon ng Diyos, masyadong kaibig-ibig. Sinisinta kong kayganda! Iyong kagandahan ay nabihag ng aking puso. mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit26.11.18
Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon|Tagalog Christian Testimony Video | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength
Tagalog Christian Testimony Video | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength
Inaresto ng CCP si Jiang Xinyi at ang iba pang mga Kristiyano; malupit nilang pinahirapan ang mga Kristiyano para kunin ang pondo ng iglesia at arestuhin ang iba pang mga lider ng iglesia. Pagkatapos, para mapilit nila ang mga ito na talikuran ang kanilang pananampalataya, naglunsad sila ng sunud-sunod na brainwashing, pero sa patnubay ng mga salita ng Diyos, nalagpasan nila ang pagpapahirap at lahat ng panloloko ni Satanas. Umasa sila sa katotohanan para sumali sa matinding pakikipaglaban sa CCP …
23.11.18
Mga Himno ng mga Salita ng Diyos|Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)
Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)
I Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto. Naging tao ang Diyos. S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila, lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon upang mailigtas at malupig ang mga tiwali, ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila. Nagpapakumbaba S’ya Mismo bilang tao at tinitiis ang mga pasakit na dala nito. Ito’y pinakamalaking pagpapahiya sa pinakamataas na Espiritu. Diyos, dakila, matayog. Tao, masama’t mababa. Subali’t ang Diyos kumakausap at naghahanda, namumuhay sa gitna nila. Siya’y napaka-mapagpakumbaba, napaka-kaibig-ibig. II Diyos namumuhay sa katawang-tao at normal na buhay't pangangailangan, pinatutunayan na ibinaba Niya sa isang antas. Espiritu ng Diyos, matayog at dakila, dumarating na karaniwang tao para isagawa ang gawain ng Kanyang Espirtu. 'Di ka karapat-dapat sa gawa N'ya't paghihirap na dinanas. Nakikita ito sa mga katangian, mga pananaw, at mga katinuan niyo. Ika’y hindi karapat-dapat sa gawa N'ya't paghihirap na dinanas. Nakikita sa pagkatao at buhay mo. Diyos, dakila, matayog. Tao, masama’t mababa. Subali’t ang Diyos kumakausap at naghahanda, namumuhay sa gitna nila. Siya’y napaka-mapagpakumbaba, napaka-kaibig-ibig. Siya’y napaka-mapagpakumbaba, napaka-kaibig-ibig. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon: Tagalog Christian Songs Himno
22.11.18
Mga Pelikula tungkol sa Buhay sa Iglesia|Tagalog Christian Movie Trailer | " Mabuting Tao Ako!" | What Is It to Be Truly Good People?
Tagalog Christian Movie Trailer | " Mabuting Tao Ako!" | What Is It to Be Truly Good People?
Nagustuhan na ni Yang Huixin, isang Kristiyano, na maging mabuting tao noong bata pa siya. Ayaw niyang makasakit ng iba. Naniniwala siya na mabuti siyang tao dahil siya ay mabait at kaaya-aya sa iba. Pero matapos niyang tanggapin ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw at sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, saka lang siya namulat, at natanto niya na hindi siya isang tunay na mabuting tao. Bagkus, namuhay siya base sa masasamang pilosopiya, at isang mapakamakasarili at tusong "mabuting tao." Naging determinado siyang hanapin ang katotohanan at amging mabuting taong tapat at matwid …. Ano ang mga naranasan ni Yang Huixin para sumailalim siya sa gayong pagbabago?
Rekomendasyon: Tagalog Christian Movie
20.11.18
Kristianong Awitin|Ang Kahulugan ng Dasal
- Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
- Ang Kahulugan ng Dasal
-
- I
- Ang panalangin ay isa sa mga paraan
- kung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,
- upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng Diyos.
- Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
- maliliwanagan at magiging matatag.
- Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
- sa lalong madaling panahon.
- Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
- maliliwanagan at magiging matatag.
- Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
- sa lalong madaling panahon.
- II
- Kaya ang mga hindi nananalangin ay patay na walang espiritu.
- Hindi sila maaaring maantig ng Diyos,
- hindi masusunod ang gawain ng Diyos.
- Ang mga taong hindi nananalangin
- ay mawawalan ng normal na espirituwal na buhay,
- may sirang relasyon sa Diyos; hindi Niya sila sasang-ayunan.
- Ang mga taong hindi nananalangin
- ay mawawalan ng normal na espirituwal na buhay,
- may sirang relasyon sa Diyos; hindi Niya sila sasang-ayunan.
- III
- Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
- maliliwanagan at magiging matatag
- Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
- sa lalong madaling panahon.
- Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
- maliliwanagan at magiging matatag
- Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
- sa lalong madaling panahon.
- Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
- maliliwanagan at magiging matatag
- Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
- sa lalong madaling panahon.
- mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
- Rekomendasyon: Salita ng Diyos panalangin
19.11.18
Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (Unang Bahagi)
Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (Unang Bahagi)
Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
(I) Isang Pangkalahatang-Ideya sa Awtoridad ng Diyos, Ang matuwid na Disposisyon ng Diyos, at Kabanalan ng Diyos
Unang Bahagi
14.11.18
Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"
Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao... at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos."
10.11.18
Bakit Pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (6)
Bakit Pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (6)
Ang Chinese Communist Party ay isang napakasamang rehimen na talagang galit sa katotohanan at sa Diyos. Alam nito na nag-iisa ang Makapangyarihang Diyos sa mundo na makapagpapahayag ng katotohanan. Ang Makapangyarihang Diyos ay nasa proseo ng pagliligtas sa mga huling araw. Kung ipinalalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga tao, lahat ng nagmamahal sa katotohanan ay babalik sa Kanya. Ilalantad ang Chinese Communist Party na mukhang demonyo, ang tunay na mukha nito, na galit sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Sa gayo'y tatalikuran ng buong sangkatauhan ang Chinese Communist Party. Hindi na rin ito mapanghahawakan sa China. Hindi na rin nito magagawang tiwali at mabibitag ang mga mamamayan sa mundo. Kaya nga galit ang Chinese Communist Party sa Makapangyarihang Diyos at pinahihirapan nila ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
7.11.18
Umaasa ang Diyos na ang Sangkatauha'y Patuloy na Mabuhay
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Umaasa ang Diyos na ang Sangkatauha'y Patuloy na Mabuhay
I Kinamuhian ng Diyos ang tao, dahil sila'y sumalungat sa Kanya. ngunit sa puso Niya, Kanyang pag-aalaga, pagmamalasakit, at awa sa sangkatauha'y nanatiling di nagbabago. Subalit nang sila'y Kanyang nilipol, Kanyang puso'y di pa rin nagbago (nagbago). Nang ang sangkatauhan ay puno ng katiwalian, sumuway sa tiyak na hangganan, hangganan, kinailangan silang lipulin ng Diyos dahil sa Kanyang mga prinsipyo at diwa. Ngunit dahil sa diwa ng Diyos kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan, hinangad na iligtas sa iba't-ibang pamamaraan, upang sila'y patuloy na mabuhay. Ngunit dahil sa diwa ng Diyos kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan, hinangad na iligtas sa iba't-ibang pamamaraan, upang sila'y patuloy na mabuhay. II Subalit tinanggihan ang pagliligtas ng Diyos, tao'y patuloy na sumuway at tumangging tanggapin pagliligtas ng Diyos (ng Diyos), tumangging tanggapin Kanyang mabubuting layunin. Kahit paano sila tinawag at binalaan ng Diyos, paano Niya tinustusan at tinulungan, hindi naunawaan ng tao, hindi pinahalagahan ng tao, hindi nagbigay-pansin. Sa Kanyang pagdadalamhati ibinigay pa rin ng Diyos Kanyang dakilang pagpaparaya, hinihintay manumbalik, manumbalik ang tao. Umabot sa Kanyang, Kanyang hangganan, ginawa Niya ang dapat, dapat Niyang gawin. Magmula sa sandaling binalak manlipol ng Diyos hanggang sa sandaling sinimulan Niya ang Kanyang plano, Kanyang plano, Magmula sa sandaling binalak manlipol ng Diyos hanggang sa sandaling sinimulan Niya ang Kanyang plano, Kanyang plano, ito ang panahon para manumbalik ang tao, ang tao. Ito ang huling pagkakataong ibinigay ng Diyos sa tao, sa tao. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
6.11.18
1.11.18
Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas"
Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?"
Rekomendasyon:Pag-ibig ng Diyos
Rekomendasyon:Pag-ibig ng Diyos
29.10.18
Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao
Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao
Xiangwang Sichuan Province
Lubos kong nadarama na kinakastigo ako tuwing nakikita ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus” (“Ang Masama ay Nararapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Iniisip ko kung bakit hindi ko hinanap ang katotohanan, kung paano sa pagganap ko sa aking tungkulin ay paulit-ulit akong nakipagkumpitensya sa aking mga katrabaho, kung paano ko pinipigil o inaayawan ang iba alang-alang sa aking reputasyon at pakinabang—kung paano ako nagdulot ng pagkawala kapwa sa buhay ko, at sa gawain ng pamilya ng Diyos. Bagama’t isinaayos ng Diyos ang maraming sitwasyon para iligtas ako, naging manhid ako at lubos kong hindi naunawaan ang layunin ng Diyos. Pero patuloy akong kinahabagan ng Diyos, iniligtas, at pagkatapos lamang ng paulit-ulit na pagkastigo at paghatol ako nagising at naunawaan ko na nais ng Diyos na iligtas tayo, na isinasantabi ang pagnanasa kong gumanda ang aking reputasyon at katayuan at magsimulang kumilos nang kaunti na parang tao.
Noong 1999, tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa panahong iyon ginampanan ng aking pamilya ang aming tungkulin na magiliw na makitungo at nakita ko kung gaano kaganda ang pakikipag-ugnayan ng ilang kapatid, nagamit nila ang mga salita ng Diyos para sagutin ang anumang tanong. Naging handa kaming lahat na makipag-usap sa kanila, at kami ay makikipag-ugnayan nang hayagan sa kanila tungkol sa anumang mga problema. Kinainggitan ko sila, na iniisip na: Hindi ba maganda kung magiging katulad nila ako balang araw, na napapaligiran ng mga kapatid, na nilulutas ko ang kanilang mga problema? At sa layuning ito sinimulan kong gampanan ang aking tungkulin sa iglesia. Noong 2007 natanggap ko ang pagtataas at pagpapahalaga ng Diyos at binigyan ako ng tungkulin bilang pinuno ng distrito. Sinabihan ako ng aking mga kapatid kung mali ang mga sakop ng aking gawain, ang sarili nilang mga paghihirap, at ang iba’t ibang problema sa distrito. Pakiramdam ko’y nasa gitna ako ng mga bagay-bagay at naging makabuluhan ang mga taon ko sa gawain: Ngayo’y maaari ko nang ipaalam ang ilang katotohanan at tulungan ang aking mga kapatid sa kanilang mga paghihirap. At kahit medyo mabigat ang gawain, naging handa akong magpakasipag. Para manatili sa katungkulang ito at matupad ang aking kahambugan, nagpakita ako ng maganda at positibong halimbawa sa pagganap sa aking tungkulin. Anumang gawain ang ipagawa sa amin ng mga pinuno, kahit pakiramdam ng mga katrabaho ko ay mahirap iyon o ayaw nilang tumulong, laging maganda ang tugon ko, at kung mahirapan ako tumahimik lang ako at patuloy na sumang-ayon sa kanila. Kahit may mga bagay akong hindi naunawaan nakisama lang ako, para mapuri ako ng aking mga pinuno.
21.10.18
Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-isang Pagbigkas (Tagalog Dubbed)
Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-isang Pagbigkas (Tagalog Dubbed)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi naninirahan sa gitna ng pagkaka-tadhana ng Diyos? Kaninong kapanganakan at kamatayan ang nagmula sa kanilang sariling mga pagpipilian? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran? Maraming tao ang tumatawag sa kamatayan, gayon pa man ito ay napakalayo sa kanila; maraming tao na nais na maging malakas sa buhay at takot sa kamatayan, gayon pa man lingid sa kaalaman nila, ang araw ng kanilang kamatayan ay nalalapit na, pinabubulusok sila sa kailaliman ng kamatayan; maraming tao ang tumitingin sa kalangitan at malalim na napapabuntong-hininga; maraming tao ang umiiyak nang malakas, humahagulhol; maraming tao ang bumabagsak sa gitna ng mga pagsubok; at maraming tao ang nagiging bilanggo ng tukso... Sa bawat araw minamasdan Ko ang bawat pagkilos ng maraming tao, at sa bawat araw sinisiyasat Ko ang mga puso at isipan ng maraming tao; wala kahit sinuman ang nakatakas sa paghatol Ko, at wala kahit sinuman ang naalis ang kanilang sarili sa realidad ng Aking paghatol."
Rekomendasyon:Tagalog Christian Movie
Rekomendasyon:Tagalog Christian Movie
17.10.18
Tagalog Christian Movie 2018 | Anak, Umuwi Ka Na! (Trailer)
Tagalog Christian Movie 2018 | Anak, Umuwi Ka Na! (Trailer)
Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. ... Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. ... Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas!
14.10.18
Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan (Tagalog Song)
Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan (Tagalog Song)
I Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi, Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain na kailangan Niyang gawin Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi, Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong at tustos na maaaring madama ng lahat. Pag-ibig at awa ng Diyos lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala mula sa una hanggang sa huling detalye. II Marahil ay 'di mo nararamdaman ngayon ang pagmamahal at ang buhay na ibinibigay ng Diyos, ngunit hangga't hindi mo iniiwan ang Kanyang panig, ni tinalikdan ang iyong kalooban upang humanap ng katotohanan, isang araw, tiyak, makikita mo ang ngiti ng Diyos. Dahil sa ang layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay upang agawin ang sangkatauhan mula sa sakop ni Satanas, at huwag talikuran ang mga taong natiwali ni Satanas, at tutulan ang Kanyang kalooban. Pag-ibig at awa ng Diyos lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala mula sa una hanggang sa huling detalye. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
13.10.18
Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Unang Bahagi)
Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Unang Bahagi)
Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Walang Makapipigil sa Gawaing Pinagpapasiyahang Gawin ng Diyos
12.10.18
Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay
Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong mga nagawa nang perpekto ay hindi lamang nakakayang makatamo ng pagsunod pagkatapos na malupig, kundi nakakaya rin nilang magkaroon ng kaalaman at baguhin ang kanilang disposisyon. Kilala nila ang Diyos, nararanasan ang landas ng pagmamahal sa Diyos, at puno ng katotohanan. Alam nilang danasin ang gawain ng Diyos, kayang magdusa para sa Diyos, at mayroong kanilang sariling mga kalooban...Ang nagawang perpekto ay tumutukoy sa mga yaong, pagkalipas ng pagtatapos ng gawaing panlulupig, ay kayang habulin ang katotohanan at makamit ng Diyos. Tumutukoy ito sa mga yaon na, makalipas ang pagtatapos ng gawaing panlulupig, ay tumatayong matatag sa kapighatian at isinasabuhay ang katotohanan."
11.10.18
Crosstalk – "Ipinakita ng Malaking Pulang Dragon ang Pangit na Mukha Nito" (Tagalog Dubbed)
Crosstalk – "Ipinakita ng Malaking Pulang Dragon ang Pangit na Mukha Nito" (Tagalog Dubbed)
Pangunahing inihahayag ng kaswal na pag-uusap na ito na hindi lang gusto ng malaking pulang dragon na pagharian ang mga mamamayan ng Tsina, kundi meron din itong mapanlinlang na ambisyon na makipagkaisa sa Taiwan at pagharian ang buong Asya at maging ang Europa at Hilagang Amerika. Inihahayag din nito ang pakana ng malaking pulang dragon sa likod ng maingat na inimbentong kaso sa Shandong Zhaoyuan noong Mayo 28, gayundin ang kasuklam-suklam na pakay nitong mag-udyok ng demonstrasyon sa South Korea noong Agosto 28. Katunayan, inihayag na ng salita ng Diyos ang tunay na layunin ng malaking pulang dragon. Ang pangit na mukha nito ay nalantad na sa liwanag, bilang na ang mga araw ng dragon. Para itong tipaklong sa pagtatapos ng taglagas; malapit na itong mamatay. Ang nakakatawang kaswal na pag-uusap na ito ay tapat at tahasang naghahayag ng tunay na mukha ng malaking pulang dragon. Nakakatuwa talaga!
Maikling Dula - "Ang Aking Ama, ang Pastor" (Tagalog Christian Video)
Maikling Dula - "Ang Aking Ama, ang Pastor" (Tagalog Christian Video)
Si Chi Shou, isang relihiyosong pastor na apatnapu't taon nang nananampalataya sa Panginoon, ay palaging nanghawak sa pananaw na "lahat ng salita at gawain ng Panginoon ay nasa Biblia," at "ang paniniwala sa Panginoon ay hindi maaaring lumihis mula sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay nangangahulugang paniniwala sa Panginoon." Noong tinanggap ng kanyang anak na babae ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, gumawa sila ng kanyang asawa ng plano para pigilan siya. Sa araw na ito, babalik ang kanyang anak para magpatotoo sa kanila sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, at nagkaroon ng mainit, matalino, ngunit seryosong pagtatalo ang pamilya …,
Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me
Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me
Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin. Pero, dahil kontrolado ng katanyagan at katayuan ang kanyang puso, madalas siyang kumilos ayon sa kanyang sariling mga ideya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin, at wala siyang katwiran at naging diktador. Para sa dahilang ito, pinungos at pinakitunguhan siya ng mga kapatid. Sa simula, nangatwiran siya at ayaw umamin. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nalaman niya ang katotohanan ng kanyang kasamaan. Kaya lang, dahil hindi niya naiintindihan ang intensyon ng Diyos, mali ang pakaintindi niya sa Diyos at inakalang hindi siya ililigtas ng Diyos. Sa panahong ito, unti-unting niliwanagan siya ng salita ng Diyos, ginabayan siya, at ipinaintindi sa kanya ang tapat na intensyon ng Diyos na iligtas ang tao, at naranasan niya ang totoong pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan …
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)