Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

29.10.18

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao


Xiangwang    Sichuan Province
Lubos kong nadarama na kinakastigo ako tuwing nakikita ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus” (“Ang Masama ay Nararapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Iniisip ko kung bakit hindi ko hinanap ang katotohanan, kung paano sa pagganap ko sa aking tungkulin ay paulit-ulit akong nakipagkumpitensya sa aking mga katrabaho, kung paano ko pinipigil o inaayawan ang iba alang-alang sa aking reputasyon at pakinabang—kung paano ako nagdulot ng pagkawala kapwa sa buhay ko, at sa gawain ng pamilya ng Diyos. Bagama’t isinaayos ng Diyos ang maraming sitwasyon para iligtas ako, naging manhid ako at lubos kong hindi naunawaan ang layunin ng Diyos. Pero patuloy akong kinahabagan ng Diyos, iniligtas, at pagkatapos lamang ng paulit-ulit na pagkastigo at paghatol ako nagising at naunawaan ko na nais ng Diyos na iligtas tayo, na isinasantabi ang pagnanasa kong gumanda ang aking reputasyon at katayuan at magsimulang kumilos nang kaunti na parang tao.
Noong 1999, tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa panahong iyon ginampanan ng aking pamilya ang aming tungkulin na magiliw na makitungo at nakita ko kung gaano kaganda ang pakikipag-ugnayan ng ilang kapatid, nagamit nila ang mga salita ng Diyos para sagutin ang anumang tanong. Naging handa kaming lahat na makipag-usap sa kanila, at kami ay makikipag-ugnayan nang hayagan sa kanila tungkol sa anumang mga problema. Kinainggitan ko sila, na iniisip na: Hindi ba maganda kung magiging katulad nila ako balang araw, na napapaligiran ng mga kapatid, na nilulutas ko ang kanilang mga problema? At sa layuning ito sinimulan kong gampanan ang aking tungkulin sa iglesia. Noong 2007 natanggap ko ang pagtataas at pagpapahalaga ng Diyos at binigyan ako ng tungkulin bilang pinuno ng distrito. Sinabihan ako ng aking mga kapatid kung mali ang mga sakop ng aking gawain, ang sarili nilang mga paghihirap, at ang iba’t ibang problema sa distrito. Pakiramdam ko’y nasa gitna ako ng mga bagay-bagay at naging makabuluhan ang mga taon ko sa gawain: Ngayo’y maaari ko nang ipaalam ang ilang katotohanan at tulungan ang aking mga kapatid sa kanilang mga paghihirap. At kahit medyo mabigat ang gawain, naging handa akong magpakasipag. Para manatili sa katungkulang ito at matupad ang aking kahambugan, nagpakita ako ng maganda at positibong halimbawa sa pagganap sa aking tungkulin. Anumang gawain ang ipagawa sa amin ng mga pinuno, kahit pakiramdam ng mga katrabaho ko ay mahirap iyon o ayaw nilang tumulong, laging maganda ang tugon ko, at kung mahirapan ako tumahimik lang ako at patuloy na sumang-ayon sa kanila. Kahit may mga bagay akong hindi naunawaan nakisama lang ako, para mapuri ako ng aking mga pinuno.

Para gumanda ang reputasyon ko sa aking mga pinuno at mamukod-tangi ako sa mga katrabaho ko, sinimulan kong buuin kung paano makakamtan ang mga layon ko: Pinakamadali ang magpapansin, para patunayan ang mga kakayahan ko at mapuri ako ng aking mga pinuno, habang gumagawa ng gawain ng ebanghelyo. Basta’t epektibo ang gawaing iyon, hindi malaking problema kung hindi epektibo ang ibang gawain mo—hindi ako pupungusin o pakikitunguhan ng mga pinuno. Kaya nga nagsimula akong magtrabaho: binago ko ang paraan ko sa gawain ng ebanghelyo, hindi na ako pasensyoso sa paggabay ng aking mga kapatid. Kung nag-ulat sila ng anumang mga paghihirap sa gawain ng ebanghelyo, pupungusin o pakikitunguhan ko sila. Sinimulan kong pigain at guluhin ang mga pinuno ng iglesia para sa mga resulta, at kung hindi kasiya-siya ang mga resulta nagagalit ako: “Bakit kakaunti ang mga tao mo? Gusto mo bang manatili sa gawaing ito? Kung wala kaming makitang mas magandang resulta sa susunod na buwan, papalitan ka na namin!” Hindi ko inisip ang katayuan ng aking mga kapatid, ni ginamit ang katotohanan para lutasin ang mga problema at paghihirap na naranasan nila. Piniga at ginulo ko lang sila para manatili ako sa sarili kong katungkulan. Mabilis na gumanda ang mga resulta, na nakasiya sa akin. Ang mas magagandang resulta ay nangahulugan na kabilang ako sa pinakamagagaling sa aking mga katrabaho at minahal ko ang sarili ko. Hindi nagtagal isang kapatid ang itinalaga sa amin. Magandang lalaki siya at mahusay magsalita at makipag-usap. Nakihalubilo siya sa mga iglesia at pinuri ng lahat ng kapatid ang kanyang pagbabahagi. Nainis ako rito: Pinuri nilang lahat ang kanyang pagbabahagi—na ibig sabihi’y hindi maganda ang sa akin! Mas mabuti sana kung hindi na siya pinapunta rito. Nang ikumpara ko ang sarili ko sa kanya nalaman ko na talagang mas mahusay siya kaysa sa akin. Pero ayaw kong sumuko. Noong panahong iyon nag-alala ako sa reputasyon at pakinabang at hindi ako interesado sa iba’t ibang problema ng iglesia. Nagsimula akong mag-alala tungkol sa suot ko, kung paano ako magsalita at kumilos. Sa mga pulong sadya kong ipinakita ang karunungan ko para hangaan ako ng aking mga kapatid. Kung minsan hinahamak ko ang kapatid na inatasang tumulong sa akin at tinitingnan ko kung paano ako itinuring ng mga sakop ng aming gawain. Mali ang tinirhan kong estado at hindi ko nailigtas ang aking sarili. Sa lahat ng bagay ikinumpara ko ang aking sarili sa kapatid na iyon at lubos na nawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi nagtagal, pinalitan ako. Nang marinig ko ang balita parang kutsilyo iyon na nakatarak sa puso ko—kumusta naman ang aking mukha, ang aking katayuan, ang aking hinaharap? Hinahatulan at kinakastigo ako ng Diyos, subalit hindi ko maunawaan ang aking likas na pagkatao. Bagkus nag-isip-isip ako kung paano ako susuriin ng mga pinuno sa ibang mga lugar: Paano ko haharapin ang mga tao, ano ang iisipin ng mga nakakakilala sa akin? Nabitag sa web ni Satanas, nagsimula akong magreklamo, na nagsisisi na tinupad ko ang aking tungkulin bilang pinuno, na kung hindi ko tinanggap ang tungkuling iyon ay hindi sana nangyari ito. … Nang lalo akong mag-isip, lalo akong nagdusa. Sa ilalim ng pagkastigo ng Diyos hindi ako makatulog at masama ang iniisip ko. Sa huli halos gumuho na ang aking espiritu, at ilang beses kong inisip na humiga sa lansangan para magpasagasa. Alam ko na sa puntong ito ay nanganganib na ako, pero hindi ko mapalaya ang sarili ko at wala akong magawa kundi tumayo sa harap ng Diyos at manalangin: “O Diyos, sa sandaling ito ako’y nasa kadiliman, naloko ako ni Satanas at labis na nagdurusa. Ayaw kong tanggapin ang lahat ng nangyari sa akin ngayon, gusto kong takasan ang Inyong pagkastigo at paghatol, at nagreklamo at nagtaksil ako sa Inyo. O Diyos! Nagsusumamo ako na protektahan Ninyo ang aking puso, na makayanan kong suriin at unawain ang aking sarili, mahabag Kayo sa akin.” Pagkatapos nito nakita ko ang pagbabahagi ng taong ito: “Tinatrato ng Diyos ang ilang tao nang may partikular na kabaitan at pagtataas. Ginawa silang mga pinuno o manggagawa, binigyan ng mahahalagang tungkulin. Pero hindi sinusuklian ng mga taong ito ang pagmamahal ng Diyos, nabubuhay sila para sa sarili nilang laman, para sa katayuan at reputasyon, na naghahangad na patotohanan ang kanilang sarili at magtamo ng respeto. Mabubuting gawa ba ang mga ito? Hindi. Hindi nauunawaan ng mga taong ito kung paano panatagin ang Diyos, wala silang konsiderasyon sa mga kagustuhan ng Diyos. Hangad lang nilang bigyang-kasiyahan ang kanilang sarili. Ang mga taong ito ay sinasaktan ang damdamin ng Diyos, na puro kasamaan ang ginagawa, na nagsasanhi ng malaking kapahamakan, napakalaking kapahamakan, sa damdamin ng Diyos. Ginagawa sila ng Diyos na mga pinuno, mga manggagawa, para paunlarin sila, para maging perpekto sila. Pero wala silang konsiderasyon sa mga kagustuhan ng Diyos at nagtatrabaho lang para sa kanilang sarili. Hindi sila nagtatrabaho para magpatotoo sa Diyos o nagtatrabaho para ang mga taong napili ng Diyos ay magkaroon ng buhay. Nagtatrabaho sila para patotohanan ang kanilang sarili, para makamit ang sarili nilang mga layunin, para magkaroon ng katungkulan sa mga taong napili ng Diyos. Ito ang mga taong pinakakumakalaban sa Diyos, na pinakanakakasakit ng damdamin ng Diyos. Ito’y isang pagtataksil sa Diyos. Sa mga salita ng tao ito’y isang kabiguang pahalagahan ang ginawa para sa kanila, sa espirituwal na mga kataga sila ay masasamang tao na kumakalaban sa Diyos” (“Ang Mahalagang Kahulugan sa Likod ng Paghahanda ng Mabubuting Gawa” sa Pakikibahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagkakaroon ng Buhay II). Ang komunikasyong ito ay parang isang espadang may magkabilang talim na sumasaksak sa puso ko, at naiiwan akong lubhang kinastigo. Ang kabaitan at pagtataas ng Diyos ang nagtulot sa akin na maging pinuno, at nagawa Niya ito para maging perpekto ako. Pero wala akong konsiderasyon sa layunin ng Diyos at hindi ko alam kung paano suklian ang Kanyang pagmamahal. Nabuhay ako para sa katayuan at reputasyon, para patotohanan ang sarili ko, at ang likas na katangian nito ay kumakalaban at nagtataksil sa Diyos. Kinamuhian ng Diyos ang lahat ng ginawa ko kaya itinigil ang aking paglilingkod, para ipakita sa akin na sa pamilya ng Diyos ang Diyos at ang katotohanan ang naghahari. Ginunita ko ang aking hinangad: Akala ko makatitiyak ako sa aking katungkulan kapag nanatili ang mabuting relasyon ko sa aking mga pinuno, kaya yumukod at sumipsip ako sa kanila at sumang-ayon ako sa bawat salita nila. Pero mabagsik at mapamintas ako sa aking mga kapatid. Napakasama ko! Gagawin ko ang lahat para sa katayuan. Tinangka kong gamitin ang aking mga kapatid para makamtan ang aking layunin na mamukod-tangi sa iba; hindi ko tinupad ang aking mga responsibilidad sa buhay ng aking mga kapatid. Piniga at ginulo ko sila, hanggang sa katakutan at iwasan ako ng mga sakop ng aking gawain, na hindi nangangahas na ilantad ang kanilang sarili sa akin. Subalit hindi ako tumalikod at hindi ko sinuri ang aking sarili. Isinugo ng Diyos ang kapatid na iyon sa akin at hindi lamang ako nabigong matutuhan ang aral na ito, mas nakipaglaban ako para sa reputasyon at pakinabang, na inilalantad ang aking laman at isinasanhing kamuhian ako ng Diyos at mawala ang gawain ng Banal na Espiritu. At ang kapalit ko ay ang katuwiran ng Diyos na dumarating sa akin: ang pinakamagandang posibleng paghatol sa akin, ang pinakamagandang kaligtasan, ang dakilang pagmamahal ng Diyos. Kung hindi ay nagpatuloy sana ako nang walang kamalay-malay sa daan ng anticristo. Pinigil ng Diyos ang aking makasalanang mga hakbang. Lubos akong nagsisi na ang aking orihinal na intensyon para sa aking mga gawain ay mali at na hindi ako nagtuon sa paglutas sa problemang iyon, na pawang nagresulta sa kabiguan sa ngayon. Noong panahong iyon, tuwing kakantahin ko ang himno ng karanasan humihikbi ako, tumutulo ang mga luha sa aking mukha: “Matapos kong saktan ang Inyong disposisyon bumagsak ako sa kadiliman at lubos kong nadama ang pananakit ni Satanas. Nalungkot ako at pakiramdam ko wala akong magawa, sinusundot ako ng aking konsiyensya, na nagdurusa nang higit pa sa kamatayan, at noon ko lamang nalaman ang kaligayahan ng isang payapang konsiyensya. Napakaraming oportunidad na maging perpekto na sinayang ko, sa kabiguang makita ang Inyong mabubuting layunin. Kahit ibigay ko ang lahat hindi ko kayang tumbasan ang pananakit ng damdaming ginawa sa Inyo. O Diyos, praktikal na Diyos, talagang nais kong balikan ang nakaraan at magsimulang muli. Paano tayo magkakasundo samantalang may lihim akong mga luho? Nagnanasa ako ng mga pakinabang na maibibigay ng katayuan—kaya paanong hindi ako babagsak? Palagi kong hindi isinasaalang-alang ang Inyong mga naisin, hindi ako kumikilos at kinakalaban ko Kayo, at habang pinaglilingkuran Kayo lumaban din ako at nanloko. Kung hindi sa Inyong habag, wala sana ako rito ngayon. Dahil sa nagawa ko hindi ako tutubusin ng kamatayan. Ang aking mga paghinga ay natatamo dahil sa Inyong pagtitimpi. O Diyos, praktikal na Diyos, hindi ko Kayo dapat pinagdusang masyado para sa akin. Ang Inyong mga salita ng buhay ay umaantig sa puso ko, ang Inyong mga pangaral ay nagbibigay sa akin ng walang-katapusang lakas, nagtutulot na muli akong makatayo sa gitna ng pagkatalo, nagpapakita sa akin ng kahalagahan ng buhay at ng dahilan kung bakit ako nilikha. Kaya kapag naharap ako sa Inyong huling kahilingan, paano ako muling makakaiwas? Nais kong tunay na kumilos upang palitan ang halagang Inyong binayaran. Magtamo man ako ng mga pagpapala o kahirapan, nais ko lamang Kayong bigyang-kasiyahan, ibigay ang aking sarili sa Inyo, sundan Kayong mabuti kahit wala akong matanggap na kapalit” (“Ang Habag ng Diyos ay Nagbigay sa Akin ng Panibagong Buhay” sa Sundan ang Kordero at Umawit ng mga Bagong Awitin). Ang pagpipinong ito ay kasama ko nang mahigit isang taon at sa kabila ng pagdurusa sa buhay at kamatayan, na parang binabalatan ako nang buhay, nasumpungan ko na nanghina ang aking mga pagnanasa sa katayuan at pagkakataon, at nakita ko kung gaano kahalaga ang pagpipinong ito.


Noong 2012 isang sister na namamahala sa gawain ang nag-atas sa akin at sa isang kapatid sa gawain ng pag-aalis at pagpapaalis sa isang lugar. Dahil matagal na akong hindi nakagawa ng gawain ng iglesia, hindi ko gaanong naunawaan ang ilang prinsipyo. Pakiramdam ko medyo mahirap ang ilan sa mga problema sa iglesia at mga isyung tumutukoy sa likas na katangian ng mga bagay-bagay sa aming gawain ng pag-aalis at pagpapaalis. Pero patuloy na nagawa ng kapatid na iyon ang gawain ng iglesia at napunan ang aking pagkukulang, na nagpakita sa akin kung ano ang kinailangan kong matutuhan. Ito ang pag-ibig ng Diyos—hindi Niya ako binigyan ng mabigat na pasanin. Nag-ulat sa aming gawain ang kapatid na iyon, at siya ang gumawa ng halos lahat ng pakikipag-usap para alamin ang likas na katangian ng mga bagay-bagay. Nang makausap namin ang mga sakop ng aming gawain siya ang unang nagsalita at sa paglipas ng oras ay parang nawala na ako sa eksena, at lumabas ang nasa kalooban ko: Kapag magkasama tayong nagtatrabaho, mas mahusay kang makibahagi, pero mas mahusay ako sa gawain ng ebanghelyo. At gaano ka man kahusay sa pakikibahagi kailangan kang maging praktikal. Hindi ba ang sabi sa itaas ay hindi dapat makasagabal ang gawain ng pag-aalis at pagpapaalis sa gawain ng ebanghelyo? Salita ka nang salita nang salita, nagyayabang ka. Mas mabuti pang maghiwalay tayo para maipakita ko rin ang mga kalakasan ko. Kaya ko naman. Maaaring iniisip mo na hindi ako masyadong mahusay sa pakikibahagi, pero mas mahusay ako sa praktikal na gawain kaysa sa iyo, at gayon pa man, ang gawain ng ebanghelyo ang aking kalakasan. At sa puntong iyon tumanggap kami ng liham mula sa sister na namamahala sa gawain—alang-alang sa pagpapatakbo ng gawain kailangan kaming maghiwalay, bawat isa ay responsible sa isang lugar. At bagama’t ang mga resulta para sa lahat ng uri ng gawain sa lugar na responsibilidad ko ay hindi kasinghusay ng nasa lugar ng aking kapatid, nagalak pa rin ako: nagkaroon ako ng isang lugar na mapaggagamitan ko ng aking mga talento. At hindi na bale kung hindi masyadong maganda ang mga resulta—maghintay ka hanggang sa magawan ko iyan ng paraan, patutunayan ko kung gaano ako kahusay. Nang magkahiwalay na kami ibinuhos ko ang aking sarili sa aking gawain at sinimulan kong ayusin ang mga bagay-bagay, na ipinaaalam ang mga pag-aayos sa gawain sa mga kapatid at ginagamit ang mga salita ng Diyos sa pakikipag-usap sa kanila. At talagang nagsimulang bumuti ang mga bagay-bagay. At hindi ko maiwasang isiping: Kumusta na kaya ang kapatid kong lalaki? Mas mahusay ba siya kaysa sa akin? At nang magkita kami at malaman ko na mas mahusay ang aking gawain ng ebanghelyo kaysa sa kanya, na mas marami akong tauhan, lihim akong nasiyahan: Sa wakas ay mas mahusay na ako kaysa sa iyo at maaari na akong magmalaki. At nang nasisiyahan na ako, sinaway ako ng Banal na Espiritu: “Hindi mo ba ninanakaw ang kaluwalhatian ng Diyos?” Nabigo ako. Oo, ang pagkakalat ng ebanghelyo ay tungkulin at responsibilidad ng bawat isa sa mga piniling tao ng Diyos, pero ang tingin ko rito ay isang paraan para gumanda ang reputasyon at makinabang. At salamat sa pagtulong ng aking mga kapatid, sa mga pagpapala ng Diyos, at nakasama namin ang mga taong iyon. Ano ang maipagyayabang ko? Namula ako nang maisip ko ito. Napakasama ko. Hindi tinulutan ng kabanalan ng Diyos na maging gayon ako kasama, at nang matanto ko ang aking sitwasyon pinasalamatan ko ang Diyos sa pagbabalik ng aking katinuan. Hindi na ako maghahangad ng magandang reputasyon at katayuan. Sa sumunod na mga araw, nagtuon ako sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nang makaranas ako ng mga sitwasyon tinanggap ko na nagmula ang mga ito sa Diyos, at unti-unting naglaho ang pagnanasa ko sa magandang reputasyon at katayuan. Ikinumpara ko lang ang pagmamahal ko sa Diyos sa pagmamahal ng aking mga katrabaho, at humugot ng lakas sa mga kalakasan ng bawat isa at pinunan ang mga kahinaan ng bawat isa. Hindi pa natatagalan nataas ako ng ranggo para gampanan ang isa pang tungkulin. Gulat na gulat ako at alam kong ito ang pagtataas sa akin ng Diyos. Binigyang halaga ko ang tungkuling iyon, na ninanais na gawin ang lahat ng posible sa abot ng aking kapangyarihan na bigyan Siya ng kasiyahan.

Noong Agosto 2012, kinausap ako ng sister na namamahala sa aming gawain, at inatasan akong gampanan ang aking tungkulin sa ibang lugar. Sabik akong sumang-ayon noon, pero bago ako umalis sinabi niya: “Mas mabuting ipadala ang kapatid na iyon para tumulong sa iyo, mas makakabuti iyon sa gawain ng pamilya ng Diyos ….” Hiningi niya ang opinyon ko, at sinabi ko: “Okey lang, handa akong makipagtulungan sa kanya.” At nang magkita kami sa isang pulong, nagtapat siya sa akin: “Hindi ako sumang-ayon sa pagpili nila sa iyo, hindi ka kasinggaling ko sa pagbabahagi!” Naguluhan ako sa biglaang pahayag na iyon. Akala ko kinalimutan ko na ang masamang palagay ko sa kapatid na iyon, pero nang marinig ko iyon may nadama akong muli sa aking kalooban: Sayang, hindi ako dapat pumayag na sumama sa kanya. Alam niya ang lahat ng mga pagkabigo ko. Akala ko pagdating ko sa bagong puwesto ko mas pahahalagahan ako bilang baguhan! Pero ngayo’y wala na akong magagawa. Pinilit kong ngumiti at kumilos na para bang okey lang ang lahat, na iniisip na: Hindi ako mahusay magbahagi, pero ako ang unang pinili dahil mas mahusay ako kaysa sa iyo. Kung ayaw mong maniwala, maghintay ka lang at makikita mo! Naglakbay kami papunta sa bagong pagtatrabahuhan namin at nagtuon kami sa pagganap sa aming tungkulin. Sa simula, nang magkita-kita kami ng mga sakop ng aming gawain, ipinagdasal ko na magawa kong talikuran ang laman, na pigilan ang sarili ko para magkasundo kaming dalawa. Pinakinggan kong mabuti kung paano siya makipag-usap sa mga sakop ng aming gawain tungkol sa kanilang katayuan at ipinagdasal ko siya, samantalang para sa gawain ng ebanghelyo kinausap ko sila. Paglipas ng panahon, nakita ko kung paano naging mas malinaw ang kanyang pakikipag-usap kaysa sa akin. Sa mga pakikipagpulong sa mga sakop ng aming gawain ayaw kong magsalita ni isang salita sa pakikibahagi. Ninais kong matapos nang maaga ang mga pulong na iyon at ginusto kong makalayo. Kami ang responsable sa isang malaking lugar noon, at may naisip akong ideya: Kung magtatrabaho kami nang hiwalay hindi ako gaanong magdurusa. Nang ipaliwanag ko ito sa aking kapatid pumayag siya: “Mahirap ang gawain dahil sa laki ng lugar, makakabuti ngang maghiwalay tayo.” Nang kausapin kong mag-isa ang mga sakop ng aming gawain nakapagsalita ako nang matagal, na nakikipag-usap at nag-oorganisa, na inaako ang isang malaking “pasanin” para sa kanila. Hindi nagtagal nakita ko ang mga resulta sa lahat ng aspeto ng aking gawain, samantalang ang aking kapatid ay walang gaanong nagagawang mabuti. Wala akong ginawang anuman tungkol dito, na para bang wala akong pakialam. Sa isang pulong nalaman ng aming mga pinuno na nagtatrabaho kami nang hiwalay at sinabi sa amin ang mga responsibilidad ng aming gawain at ang katotohanan ng pagkakasundo sa pagtutuwang. Handa ako noong tanggapin ito at hindi na magtrabaho nang hiwalay sa kanya. Pero patuloy kaming nagtrabaho nang hiwalay, na idinadahilan na mas alam namin pareho ang sarili naming gawain. Sa takot na pintasan ako ng aking pinuno, pumunta ako sa lugar ng aking kapatid para kausapin ang mga sakop ng kanyang gawain, pero pakiramdam ko ay nasa labas ako ng sarili kong lugar. Kapag nakipag-usap ako nang maayos tila ang aking kapatid ang mapupuri. Kaya ginawa ko lang ang dapat kong gawin at nagdahilan ako, at sinabi ko na may gagawin pa akong administratibong gawain, at nagmamadali akong umalis. Patuloy na walang nakitang mga resulta ang aking kapatid, subalit hindi ko sinisi ang aking sarili ni hindi ako natakot—wala akong takot sa Diyos, at ni hindi ko pinansin ang ilang pabatid ng aming pinuno. Nagpatuloy ito hanggang sa mag-ulat kami tungkol sa aming gawain, nang nagulat ako: Bagama’t maraming tao sa lugar ko, nang pagsamahin ang mga lugar namin ay maliit ang bilang. Noon lang ako natakot. Sinikap ko nang patunayan ang sarili ko, na tuparin ang layunin kong ipakita kung gaano kahusay akong magtrabaho, na mas mahusay ako kaysa sa kanya sa gawain ng ebanghelyo. Pero ang gawain ng ebanghelyo sa kanyang lugar ay halos itinigil na—at sinabi na ng nasa itaas na hindi dapat mangyari iyon anuman ang sitwasyon. Naging balakid ako na humahadlang sa pagsasagawa ng kalooban ng Diyos. Wala akong magagawa kundi umasa sa mga salita ng Diyos para makita ang pinag-ugatan ng mga sitwasyong ito. Nakita ko ang sumusunod: “Ang bawat isa sa inyo, bilang mga tao na naglilingkod, ay kailangang maipagtanggol ang kapakanan ng iglesia sa lahat ng mga bagay na iyong ginagawa, sa halip na atupagin ang iyong sariling mga kapakanan. Hindi katanggap-tanggap na gawin ito nang nag-iisa, kung saan pinahihina mo siya at pinahihina ka niya. Ang mga tao na kumikilos sa ganitong paraan ay hindi karapat-dapat na maglingkod sa Diyos! Ang disposisyon ng uri ng taong ito ay napakasama; wala ni isang patak ng pagkatao ang nananatili sa kanila. Sila ay isandaang porsiyentong Satanas! Sila ay mga hayop! Maging sa ngayon ang gayong mga bagay kagaya nito ay nangyayari pa rin sa inyo, umaaabot hanggang sa pag-atake sa bawat isa sa panahon ng pagsasamahan, sinasadyang paghahanap ng mga pagdadahilan, pamumula ng buong mukha sa pakikipagtalo dahil sa ilang malilit na bagay, hindi nakahanda ang sinuman na magparaya, itinatago ng bawat tao kung ano ang nasa loob sa isa pa, pinagmamasdang mabuti ang kabilang panig at nagiging alisto. Ang ganito bang uri ng disposisyon ay karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos? Ang ganito bang gawain kagaya ng sa iyo ay makapagbibigay ng panustos sa mga kapatid? Hindi lamang sa hindi mo nagagawang gabayan ang mga tao tungo sa tamang landas ng buhay, ang totoo ipinapasok mo ang iyong tiwaling disposisyon sa mga kapatid. Hindi mo ba sinasaktan ang iba? Napakasama ng iyong konsensiya, nabubulok hanggang sa pinakagitna! Hindi ka pumapasok sa katotohanan, at hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Bukod pa diyan, ibinubunyag mo ang iyong napakasamang kalikasan sa ibang mga tao nang walang kahihiyan, talagang wala kang nalalamang kahihiyan! Ipinagkatiwala sa iyo ang mga kapatid, ngunit dinadala mo sila sa impiyerno. Hindi ka ba isang tao na nabubulok ang konsensiya? Ikaw ay lubos na walang kahihiyan!” (“Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Inilantad ng malulupit na salita ng Diyos ang tunay kong pagkatao at napahiya ako. Nagagampanan ko ang tungkuling iyon dahil sa pagtataas at kabaitan ng Diyos, ipinagkatiwala sa akin ng Diyos na dalhin ang aking mga kapatid sa Kanya. Ngunit hindi ako naging makatotohanan, hindi ko isinagawa ang katotohanan, at para sa reputasyon at katayuan hindi ko pinansin ang mga interes ng pamilya ng Diyos. Kapwa hayagan at lihim kong kinalaban ang aking kapatid, na nagtatrabahong mag-isa. Ngayon ang panahon para ipalaganap ang ebanghelyo, at umaasa ang Diyos na yaong mga tunay na naghahanap dito ay magbabalik kaagad sa pamilya ng Diyos. Ngunit pinabayaan ko ang aking mga responsibilidad at hindi ko minahal ang Diyos, hindi ko isinaalang-alang ang Kanyang pinakamaalab na kagustuhan na dalhin yaong mga naghanap sa tunay na daan patungo sa Diyos. Naghangad ako ng magandang reputasyon at katayuan, yaong mga bagay na walang-halaga, para patunayan ang sarili ko, sa halip na tulungan ko ang iba. Wala akong sinabi tungkol sa mga problema sa aming gawain, umaasa na maiiwanan ko ang aking kapatid. Nainggit ako sa mga aspeto ng gawain kung saan mas malakas ang aking kapatid, o binalewala ko pa nga ang mga ito, at itinuring kong isang laro ang gawain kung saan nagpasikat ako at nagyabang tungkol sa sarili ko at hinamak ko ang aking kapatid. Napakasama ko, wala akong kapwa-tao. Kinamumuhian ng Diyos ang gayong mga tao, at kung hindi ako nagbago paano ko Siya mapaglilingkuran? Kung hindi ako naging makatotohanan paano ko madadala ang aking mga kapatid sa Diyos? Lumuluha, lumapit ako sa Diyos at nagdasal: “O Diyos! Nagkamali ako, puro paghihimagsik ang ginawa ko. Hindi ko inisip ang Inyong mga kagustuhan, at para patunayan ang sarili ko kinalaban ko ang aking kapatid, para matalo ko siya hindi ko pinansin ang konsiyensya ko at hindi ko ginampanan ang aking mga responsibilidad. At ngayon ay napahamak ang gawain ng ebanghelyo at nagkasala ako sa Inyong harapan. Pero gusto kong magsisi at magbago, makasundo ang aking kapatid at gawing mas aktibo ang gawain ng ebanghelyo. Kung sisikapin kong muli na magkaroon ng katayuan, parusahan Ninyo ako, Diyos ko. Handa akong mabantayan Ninyo, Amen!” Pagkatapos magdasal sumakay na ako ng bus papunta sa aking kapatid at tapatan ko siyang kinausap, na inaamin na mapanghimagsik ang kilos ko sa harap ng Diyos at kung paano ako nagplano na magpakabuti. Nag-usap kami tungkol sa aming pagkaunawa sa aming sarili. Pagkatapos nagkaisa kaming magtulong sa paggawa na kasama ang Diyos at nagsimulang pagbutihin ang mga hindi namin nagawa sa aming gawain, pinunan namin ang aming mga pagkukulang sa aming gawain, na hinahanap ang mga nakaligtaan at mali, na sinusuma ang matatagumpay na karanasan ko, at kumikilos nang ayon lamang sa mga napag-usapan tungkol sa gawain. Gumanda kaagad ang aming gawain sa ebanghelyo. Mula rito nakita ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi pinahihintulutan ng kabanalan ng Diyos na magkaroon ng anumang kasamaan o katiwalian sa aking kalooban, at nang malinlang ako ni Satanas at hindi ko mailigtas ang aking sarili, ang Diyos ang nagligtas sa akin at hinatak ako mula sa bingit ng kamatayan, at pinalaya ako mula sa impluwensya ni Satanas at pinahintulutan akong magbago. Handa akong hanapin ang katotohanan at hindi na maging mapanghimagsik, na maging lubos na tapat sa lahat ng ipinagkakatiwala sa akin ng Diyos.

Nakita ko na sinasabi ng salita ng Diyos: “Napakadalang na kapag kayo ay gumagawang magkakasama ang sinuman sa inyo ay magsasabing: Nais kong marinig kang nakikisama sa akin tungkol sa aspetong ito ng katotohanan, sapagkat hindi malinaw sa akin ang tungkol dito. O upang sabihing: mas marami kang mga karanasan kaysa sa akin sa bagay na ito; maaari mo ba akong bigyan ng ilang direksiyon, pakiusap? Hindi ba ito magiging isang mahusay na paraan ng pagsasagawa nito? Kayong mga nasa itaas na mga antas ay nakaririnig ng napakaraming katotohanan, at nauunawaan ang napakarami tungkol sa paglilingkod. Kung kayong mga tao na nakikipagtulungan upang gumawa sa mga iglesia ay hindi matututo sa bawat isa, at mag-uusap, makabawi sa mga pagkukulang ng bawat isa, mula saan kayo matututo ng mga aral? Kapag nakasasagupa kayo ng anuman, kailangan ninyong magsamahan sa isa’t-isa, upang ang inyong buhay ay makinabang. At dapat ninyong maingat na pagsamahan ang tungkol sa anumang uri ng mga bagay bago gumawa ng mga pagpapasya. Tanging sa paggawa lamang nito kayo magiging mapanagot sa iglesia at hindi sa kawalang-ingat. Pagkatapos ninyong dalawin ang lahat ng mga iglesia, kailangan ninyong magtipon-tipon at pagsamahan ang tungkol sa lahat ng mga usaping inyong natutuklasan at mga suliraning inyong nasasagupa sa gawain, at pag-isipan ang pagliliwanag at pagpapalinaw na inyong tinanggap—ito ay isang napakahalagang pagsasagawa ng paglilingkod. Kailangan ninyong magtamo ng may pagkakaisang pagtutulungan para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa kapakinabangan ng iglesia, at para sa nagpapatuloy na pagpapasigla sa mga kapatid. Makipagtulungan ka sa kanya at makikipagtulungan siya sa iyo, sinususugan ang isa’t-isa, darating sa isang mas mahusay na kahihinatnan ng gawain, upang magmalasakit sa kalooban ng Diyos. Tanging ito ang tunay na pakikipagtulungan, at ang gayong mga tao lamang ang mayroong tunay na pagpasok” (“Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa mga salita ng Diyos nakita ko ang isang paraan para masanay sa pagpasok at nalaman ko kung paano maglingkod na kasama ng iba. Naunawaan ko ang mga kagustuhan ng Diyos: Lahat ay may kalakasan, at nais ng Diyos na gamitin ng lahat ang mga kalakasang iyon sa gawain ng pamilya ng Diyos, at sa paggawa nito ang mga kahinaan ng lahat ay mapupunan. Ang pakikipagtulungan sa kapatid na iyon lang ang kinailangan ko. Mahina ako sa pagbabahagi ng katotohanan, at dahil sa pagmamahal ng Diyos pinatulong ako sa kanya, kaya ang kanyang kalakasan ay mapupunan ang aking kahinaan. Pero hindi ko iyan nakita, at nang kasama ko ang aking kapatid hindi ako humingi ng tulong sa kanya nang hindi ako makaunawa. Kung minsan kapag kinakausap niya ako ayaw kong makinig. Nakipagkumpitensya ako sa kanya para sa posisyon, na nagpahamak kapwa sa sarili kong buhay at sa gawain ng ebanghelyo. Sa sumunod na mga araw nagsanay akong pumasok sa aspetong ito ng katotohanan, na kumokonsulta sa aking kapatid tungkol sa mga bagay na hindi ko maunawaan o hindi ko malinawan: gusto kong ipaalam mo sa akin ang aspetong ito ng katotohanan, dahil hindi malinaw sa akin. Kinonsulta ko rin siya tungkol sa mga problema sa aking gawain: hindi ko ito lubos na maunawaan, mapapayuhan mo ba ako? Mula noon, natuto na kami sa isa’t isa at pinunan namin ang pagkukulang ng isa’t isa nang magpunta kami sa mga iglesia, at nang magkaproblema kami nag-usap kami, at magkasama kaming naghanap sa mga salita ng Diyos para lutasin ang mga problema ng mga iglesia. Naging magkatambal kami sa espiritu, na tinatanggap ang isa’t isa, pinangangalagaan ang isa’t isa, inuunawa ang isa’t isa. Kung minsan ay nagkakaiba ang aming mga pananaw, pero basta’t nakinabang dito ang buhay ng ating mga kapatid at ang gawain ng pamilya ng Diyos, maaari kaming magkasundo. Kahit medyo napahiya kami maaari naming isantabi ang sarili naming mga naisin. Masaya kaming nagtulungan, at bumuti ang bawat aspeto ng aming gawain.

Salamat sa Makapangyarihang Diyos at binago Niya ako sa pamamagitan ng Kanyang paghatol at pagkastigo, ipinakita sa akin ang lason at kapahamakang dulot ni Satanas. Ngayo’y hinahangad ko na kung ano ang wasto, at namumuhay ako na parang tao. Bagama’t marami pa rin akong katiwalian na kailangang linisin at kailangang magdanas ng iba pang paghatol at pagkastigo, nakita ko na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang pinakamainam na kaligtasan ng tao, ang pinakatunay na pagmamahal ng Diyos para sa tao. Nais kong maranasan pa ito, nais kong samahan ako ng paghatol at pagkastigo ng Diyos habang umuunlad ako, hanggang sa maging akma akong maging lingkod ng Diyos sa huli.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento