Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tagalog Prayer. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tagalog Prayer. Ipakita ang lahat ng mga post

11.10.18

Crosstalk – "Ipinakita ng Malaking Pulang Dragon ang Pangit na Mukha Nito" (Tagalog Dubbed)



Crosstalk – "Ipinakita ng Malaking Pulang Dragon ang Pangit na Mukha Nito" (Tagalog Dubbed)



Pangunahing inihahayag ng kaswal na pag-uusap na ito na hindi lang gusto ng malaking pulang dragon na pagharian ang mga mamamayan ng Tsina, kundi meron din itong mapanlinlang na ambisyon na makipagkaisa sa Taiwan at pagharian ang buong Asya at maging ang Europa at Hilagang Amerika. Inihahayag din nito ang pakana ng malaking pulang dragon sa likod ng maingat na inimbentong kaso sa Shandong Zhaoyuan noong Mayo 28, gayundin ang kasuklam-suklam na pakay nitong mag-udyok ng demonstrasyon sa South Korea noong Agosto 28. Katunayan, inihayag na ng salita ng Diyos ang tunay na layunin ng malaking pulang dragon. Ang pangit na mukha nito ay nalantad na sa liwanag, bilang na ang mga araw ng dragon. Para itong tipaklong sa pagtatapos ng taglagas; malapit na itong mamatay. Ang nakakatawang kaswal na pag-uusap na ito ay tapat at tahasang naghahayag ng tunay na mukha ng malaking pulang dragon. Nakakatuwa talaga!

Tagalog Prayer   Pag-ibig ng Diyos

8.10.18

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)



 Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)



Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

Pag-ibig ng Diyos  Tagalog Prayer  pananampalataya sa Diyos 


Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (2)



 Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (2)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang pagbabawal sa Kanyang gawain, at hindi ito masisira ng sinumang tao, bagay, o kaganapan, at hindi ito maaaring guluhin ng anumang mga puwersa ng kaaway. Sa Kanyang bagong gawain, Siya ay palaging nagwawaging Hari, at ang anumang mga puwersa ng kaaway at ang lahat ng mga erehiya at mga panlilinlang mula sa sangkatauhan ay bumagsak lahat sa ilalim ng Kanyang tuntungan. Kahit na alinman sa Kanyang gawain ang Kanyang tinutupad, ito ay dapat na malinang at palawakin sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at ito ay dapat na ipatupad nang walang kahadlangan sa buong daigdig hanggang sa ang Kanyang dakilang gawain ay mabuo. Ito ang pagiging makapangyarihan ng Diyos at karunungan, ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan."

Tagalog Prayer   Salita ng Diyos