Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Video. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Video. Ipakita ang lahat ng mga post

28.3.19

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)



 Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)



Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala

26.3.19

Drama-musikal | "Kuwento ni Xiaozhen" Clip 3 - Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaan

 

Drama-musikal | "Kuwento ni Xiaozhen" Clip 3 - Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaan




Sa mundong ito ng masasamang loob kung saan pera ang hari, anong mga pagpapasiya ang ginagawa ng tunay na dalisay at mabuting si Xiaozhen, para sa buhay at kaligtasan …


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng

21.12.18

Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon|Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"



Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"


Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia. Ang dokumentaryo na ito ay nagsasalaysay ng totoong kuwento ng pag-uusig na pinagdusahan sa mga kamay ng CCP ng pamilya ng Kristiyanong Chinese na si Christian Lin Haochen. Sinundan ni Lin Haochen ang mga yapak ng kanyang ama at naniwala sa Panginoon, at bilang resulta, habang sinasaksihan ng isang bata ang mga kadre ng nayon na madalas na pumunta sa kanyang tahanan upang pagbantaan at takutin ang kanyang mga magulang para talikuran ang kanilang pananampalataya at pagsisikap na ipalaganap ang ebanghelyo. Matapos tanggapin ng pamilya ni Lin Haochen ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, mas matinding pag-uusig at pag-aresto ang ginawa sa kanila ng pamahalaan ng CCP. Ang ina ni Lin Haochen ay nasawi sa karamdaman nang siya ay tumakas, at si Lin Haochen, ang kanyang ama, at ang kanyang nakatatandang kapatid ay napilitang lisanin ang bahay nila, at halos imposible nang makapabalik pa. Ang isang dating masaya at magandang pamilya ay nagkahiwalay at nagkawatak-watak nang dahil sa pagpapahirap ng CCP...

19.12.18

Ebangheliyong pelikula| Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



 Ebangheliyong pelikula| Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



Si Yu Fan ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit. Pero nagduda ang kanyang mga kapanalig: Napatawad na tayo sa pananalig sa Panginoon at makapagsasakripisyo tayo at makapaglilingkod sa Panginoon, pero madalas tayong magkasala at nilalabanan natin ang Panginoon. Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian ng langit sa ganitong paraan? … Matapos makausap at makadebate kalaunan ni Yu Fan ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan niya ang mga hiwaga ng pagdatng ng Panginoon at pagpasok sa kaharian ng langit, at sa wakas ay nagising mula sa kanyang panaginip …

16.12.18

Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation



 Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob.

14.12.18

Christian Full Movie 2018 | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (Tagalog Dubbed)



 Christian Full Movie 2018 | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (Tagalog Dubbed)



Si Lin Bo'en ay matagal nang mangangaral na maraming dekada nang sumasampalataya sa Panginoon. Mula nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, siya ay nakulong, inihiwalay, at pinatalsik mula sa mga komunidad ng relihiyon ng mga pastor at mga elder, na mga puwersang anticristo. Ngunit kahit na si Lin Bo'en ay tinuligsa, hinatulan, at pinaratangan, hindi siya natakot. Sa halip, lalong tumibay ang kanyang pananampalataya, at dahil dito naunawaan niya sa wakas na ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay nagpapakitang-tao lamang. Kasabay nito, nalaman niya na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tanging si Cristo ang makapagliligtas at makapagpapadalisay at magpeperpekto sa tao. Dahil dito, nagpasiya siyang sundin si Cristo, sumaksi para kay Cristo, at gawin ang lahat sa abot-kaya niya para hanapin ang katotohanan, hangaring baguhin ang kanyang disposisyon upang siya'y maging tunay na saksi para sa Diyos. Nang matuklasan ng Chinese Communist Party na nakalaya si Lin Bo'en mula sa bilangguan at hindi nagbago, na hindi niya itinatwa ang kanyang pananampalataya kaliit-liitang paraan at naniwala pa sa Kidlat ng Silanganan, na nagpunta siya kahit saan para magpatotoo na muling dumating ang Panginoong Jesus at na Siya ang Makapangyarihang Diyos, isinama siya ng CCP sa listahan ng mga wanted o pinaghahanap at nagpunta sa lahat ng lugar para arestuhin siya. Napilitan si Lin Bo'en na iwanan ang kanyang pamilya, at sa bawat lugar ay nagpatotoo siya sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagawa niyang pamunuan ang maraming matatapat, mabubuting mananampalataya sa panig ng Diyos. Ang video na ito ay salaysay ng tunay na kuwento ni Lin Bo'en sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos.

4.12.18

Gospel Movie Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Revealing the Inside Story of Bible



 Gospel Movie Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Revealing the Inside Story of Bible



Si Feng Jiay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon hui aat noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala. Pero nitong nakaraang mga taon ang iglesia ay naging mapanglaw at nanlamig ang pananampalataya ng mga nananalig, na naging sanhi ng kanyang malalaking pagdududa. Paano man siya magsalita tungkol sa Biblia hindi niya mapasigla ang iglesia …. Hanggang sa isang araw ay isang kapanalig, si Brother Yuan, ang nag-anyaya ng mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa pamamagitan ng sunud-sunod na matitinding debate, naunawaan ni Feng Jiahui sa huli ang kuwentong nakapaloob sa Biblia at ang diwa nito. Iniba niya ang kanyang pananaw, sinunod ang mga yapak ng Kordero, at hinikayat ang ibang mga nananalig na bumaling sa Makapangyarihang Diyos.



17.11.18

Ebangheliyong pelikula- Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible




Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible


Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nang matamasa niya ang saganang salita ng Diyos, lubos niyang nalaman ang lawak ng pagliligtas ng Kanyang pagliligtas. Dahil dito, mas naging totoo para sa kanya ang paghihirap at wala siyang magawa nang mawala ang kasaganaang dulot ng Diyos at nasadlak siya sa kadiliman. Kaya nga, nagpasiya siyang ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. … Nang ipangaral ni Wang Yue ang ebanghelyo sa kanyang mga kapatid sa kanyang bayang sinilangan, ginawa ng pastor at elder ng mga relihiyon ang lahat para pigilan at hadlangan siya. Ikinalat nila ang haka-haka sa relihiyon na: "Ang pananalig sa Diyos ay pananalig sa Biblia, at ang pananalig sa Biblia ay pananalig sa Diyos. Ang paglayo sa Biblia ay hindi pananalig sa Diyos!" Gaya ng mga Fariseo noong araw na nilabanan at tinuligsa ang Panginoong Jesus, inilimita nila ang Diyos sa Biblia, at dahil dito ay nalinlang at nahadlangan ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan. Nahaharap sa gayong sitwasyon, isang matinding debate ang nagsimula sa pagitan ng dalawang partido. Paano ginamit ni Wang Yue ang salita ng Makapangyarihang Diyos para mawala ang mga haka-haka ng mga relihiyoso? …

8.10.18

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)



 Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)



Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

Pag-ibig ng Diyos  Tagalog Prayer  pananampalataya sa Diyos 


4.10.18

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)



Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya. Pagkatapos niyang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalaman ni Cheng Jianguang mula sa salita ng Diyos na tanging sa paghahanap ng katotohanan at pagiging tapat niya makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at mapagkakalooban ng kaligtasan ng Diyos, kaya sumumpa siya na magiging matapat na tao. Pero, sa kanyang mga tungkulin, siya'y napigilan ng kanyang tiwaling disposisyon, at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa pagkilos ayon sa makasatanas na mga pilosopiya sa buhay: Nang matuklasan niya ang isang pinuno ng iglesia na di kumikilos ayon sa katotohanan sa kanyang mga tungkulin, na nakaimpluwensya sa gawain ng iglesia, nagpasiya si Cheng Jianguang na ingatan ang kanyang kaugnayan sa pinunong iyon, at nabigong kaagad na ipaalam ang problema; nang lapitan siya ng isang kapatid na naghahanap ng sagot na mangangailangan ng kanyang paninindigan at pagprotekta sa kapakanan ng iglesia, sa halip ay pinili ni Cheng Jianguang na magsinungaling, manlinlang, at talikuran ang kanyang mga responsibilidad dahil natatakot siyang masaktan ang damdamin ng iba, na nagresulta sa pag-aresto ng komunistang Pamahalaan ng Tsina sa kanyang mga kapatid…. Nang paulit-ulit siyang malantad ng mga pangyayari at nahatulan at nabunyag sa salita ng Diyos, naunawaan ni Cheng Jianguang na ang lohika at mga patakaran niya sa pagkilos ay mga makasatanas na lason at ipinamumuhay niya ang makasatanas na disposisyon. Nakita rin niya na ang diwa ng pagiging yes-man ay sa taong mapanlinlang, isang taong kinasusuklaman at kinaiinisan ng Diyos, at kung ang isang yes-man ay hindi magsisisi at magbabago, siya'y tiyak na tatanggihan at aalisin ng Diyos. Naunawaan din niya na tanging sa pagiging matapat na tao siya maaaring maging mabuting tao. Kaya, sinikap niyang hanapin ang katotohanan at maging matapat na tao, at sa patnubay ng salita ng Diyos, sa wakas siya'y nagtagumpay sa pamumuhay na tulad ng isang matapat na tao at lumakad sa landas ng kaligtasan ng Diyos.

2.10.18

Latest Tagalog Christian Worship Song | "Tanging Matatapat na Tao ang May Pagkakahawig sa Tao"



 Latest Tagalog Christian Worship Song | "Tanging Matatapat na Tao ang May Pagkakahawig sa Tao"


Para sa tubo, aking tinalikuran ang lahat ng pamantayan ng pag-uugali, at tahasang ginamit ang pandaraya para kumita ng ikabubuhay, Hindi ko pinahalagahan ang konsensiya o moralidad, wala para sa integridad o dignidad. Nabuhay lang ako para sawatain ang lumalala kong kahalayan at kasakiman. May balisang puso, nagkandahirap ako sa putik ng kasalanan, nang walang paraan para makawala sa walang hangganang kadiliman. Ang kayamanan ng buhay at panandaliang mga libangan ay hindi maitago ang kawalang-laman at pait sa aking puso. Madaling isulat ang salitang “tao”. Ngunit ang maging matapat at mapagkakatiwalan ay mas mahirap kaysa mahirap. Sino ang makapagliligtas sa akin mula sa lalim ng kasalanan? Sino ang makapagliligtas sa akin mula sa lalim ng kasalanan? Ang tinig ng Diyos ang nag-akay sa akin patungo sa Kanya. Ngayon ako ay makakasunod sa Diyos at gugugol para sa Kanya. Ang aking puso ay punong-puno ng tamis mula sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos araw-araw. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan, taglay ko na ngayon ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Ang lahat ng aking ginagawa at sinasabi ay ayon sa mga salita ng Diyos. Pagtanggap ng pagsisiyasat ng Diyos sa lahat nagagawang magpahinga ang puso kong tiwasay at payapa Walang pandaraya, walang panlilinlang, ako ay namumuhay sa liwanag. Taglay ang bukas na puso, ako ay matapat na tao, at sa wakas ako ay namumuhay na kahawig ng tao. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang nagligtas sa akin, at tinulungan ako para maipanganak muli sa mga salita ng Diyos. Magpakailanman akong nagpapasalamat sa pagmamahal ng Diyos at sa pagliligtas ng Diyos! Magpakailanman akong nagpapasalamat sa pagmamahal ng Diyos at sa pagliligtas ng Diyos! Magpakailanman akong nagpapasalamat sa pagmamahal ng Diyos at sa pagliligtas ng Diyos! mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

26.9.18

Tagalog Christian Praise Song | "Kaugnayan sa Diyos" | God Is With Me on the Path of Faith in God



 Tagalog Christian Praise Song | "Kaugnayan sa Diyos" | God Is With Me on the Path of Faith in God


I Pinili ako ng Diyos mula sa malawak na karagatan ng mga tao, himalang inayos na ako ay pumunta sa Kanyang piling. Ang mabubuting salita N'ya'y nagpasaya sa puso ko. Binigyan ng katotohaann,
nabubuhay ako sa walang katapusang kaligayahan. Yang pamilyar na tinig, yang pamilyar na mukha'y di nagbabago mula sa pinakasimula. Sa pamilya ng Diyos, aking natikman ang tamis ng Kanyang pagmamahal. Sumandal ako malapit sa Kanya, at hindi nanaising mawalay muli. Kung wala ang Diyos, mahirap makayanan ang mga araw. Nagkandarapa ako sa bawat hakbang na puno ng kirot. Tanging sa nakatagong proteksyon ng Diyos ko narating ang araw na ito. At ngayong nasa akin na ang mga salita ng Diyos ako ay kuntento.

21.9.18

Latest Christian Full Movie HD 2018 | "Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)



 Latest Christian Full Movie HD 2018 | "Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)



Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon ...

17.9.18

Full Tagalog Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” God With Us (Tagalog Dubbed)



Full Tagalog Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” God With Us (Tagalog Dubbed)


Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba't ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba't ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, "Wala n'yo kaming pakialaman!" Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

9.9.18

Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" | The Heart's Voice of a Christian



 Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" | The Heart's Voice of a Christian


Ang pangalan niya'y Chen Xi, at simula noong maliit pa siya dahil sa edukasyon at impluwensya ng kanyang mga magulang at kanyang pag-aaral ay nais niya palaging mahigitan ang ibang tao at maging mas mataas kaysa sa iba, kaya't masigasig siya sa kanyang pag-aaral at walang sinasayang na pagkakataon. Matapos maniwala sa Diyos binasa ni Chen Xi ang napakaraming salita ng Diyos at naunawaan niya ang ilang katotohanan. Nakita niya na ang tanging wastong landas sa buhay ay ang maniwala sa at sumunod sa Diyos at naging masugid na mananaliksik, at napaka-aktibo sa pagganap sa kanyang tungkulin. Si Chen Xi ay nangibang-bayan noong 2016 para takasan ang pagtugis at pang-aapi ng Komunistang gobyerno ng China, at kinailangang gumamit ng Ingles sa pagganap ng kanyang tungkulin ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagbibigay saksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ikinarangal niya ito, at nadamang kakaiba ang kanyang talento. Nang puno na siya ng kumpiyansa at iniisip na magkaroon siya ng posisyon sa iglesia, natuklasan niya na ang kanyang mga kapatid ay nagbahagi ng mga salita ng Diyos nang may liwanag at mas mahusay sila sa Ingles kaysa sa kanya.

6.9.18

Talaga bang Pases sa Kaharian ng Langit ang Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan?



 Talaga bang Pases sa Kaharian ng Langit ang Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan?



Maraming tao sa relihiyon ang nag-iisip na inamin na nila ang kanilang mga kasalanan at pinagsisihan na ang mga ito matapos manalig sa Panginoon, kaya natubos na sila, at naligtas sa pamamagitan ng biyaya. Pagdating ng Panginoon, direkta Niya silang iaangat sa kaharian ng langit, at marahil ay hindi na Niya gagawin ang pagdadalisay at pagliligtas. Tumutugma ba ang pananaw na ito sa realidad ng gawain ng Diyos? Sabi sa Biblia: "Pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon" (Mga Hebreo 12:14). Sabi ng Diyos: "Nakalimutan mo ang isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay tinubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos Mismo ang kailangang bumago at luminis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

5.9.18

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mapalad ang Mapagpakumbaba" (Tagalog Dubbed)



 Tagalog Christian Movie Trailer | "Mapalad ang Mapagpakumbaba" (Tagalog Dubbed)



Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya. Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan. Dinalaw niya ang ilang sekta, pero ang kanilang pagkawasak at kabuktutan ay nagdulot lang sa kanya ng mas lalong pagkaligaw at pagkalito, at wala siyang magawa. Ang sabi niya sa Panginoon: " Panginoon! Nasaan Ka? Nang magsimula si Cho Yeonghan na suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, malugod siyang nasurpresa nang matuklasang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay puno ng awtoridad, kapangyarihan at ang katotohanan! Pagkatapos makinig sa pakikipagbahagi at pagpapatotoo ng mga saksi mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Cho Yeonghan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na bilang isang manananampalataya ng Panginoong Hesus, na pinatawad na ang kanyang mga kasalanan at nailigtas na ng biyaya ng Diyos, ibig sabihin, hindi na siya muling babansagan ng Diyos na makasalanan at may karapatan na siyang lumapit sa harapan ng Diyos at manalangin at tamasahin ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Gayunpaman, dahil sa makasalanang kalikasan na malalim nakatanim sa kanyang pagkatao, nakagapos at kontrolado pa rin siya ng kasalanan at hindi maaring maging banal. Tanging sa pagtanggap sa paghahatol at pagkakastigo ng salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw lamang niya makakayang unti-unting kumawala sa kasalanan, tunay na makamit ang pagdadalisay at kaligtasan, at maakay ng Diyos papasok sa Kaniyang kaharian. Sa sandaling ito, si Cho Yeonghan ay napuno ng pananabik, at masaya niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagbalik upang tumayo sa harapan ng trono ng Diyos.

2.9.18

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang



 Tagalog Gospel Videos | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days


,
Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?