Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Iglesia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Iglesia. Ipakita ang lahat ng mga post

9.8.19

Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan



Sa isang pulong ng mga lider ng iglesia na minsan kong dinaluhan, isang bagong halal na pinuno ng iglesia ang nagsabi: “Wala akong sapat na katayuan. Pakiramdam ko ay hindi ako angkop sa pagtupad sa tungkulin na ito. Nagigipit ako ng napakaraming mga bagay, hanggang sa hindi ako makatulog nang ilang araw at gabi na magkakasunod…”

23.12.18

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan

Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan

Zhang Hua, Cambodia

    Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.

19.12.18

Ebangheliyong pelikula| Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



 Ebangheliyong pelikula| Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



Si Yu Fan ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit. Pero nagduda ang kanyang mga kapanalig: Napatawad na tayo sa pananalig sa Panginoon at makapagsasakripisyo tayo at makapaglilingkod sa Panginoon, pero madalas tayong magkasala at nilalabanan natin ang Panginoon. Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian ng langit sa ganitong paraan? … Matapos makausap at makadebate kalaunan ni Yu Fan ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan niya ang mga hiwaga ng pagdatng ng Panginoon at pagpasok sa kaharian ng langit, at sa wakas ay nagising mula sa kanyang panaginip …

10.11.18

Bakit Pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (6)


Bakit Pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (6)


Ang Chinese Communist Party ay isang napakasamang rehimen na talagang galit sa katotohanan at sa Diyos. Alam nito na nag-iisa ang Makapangyarihang Diyos sa mundo na makapagpapahayag ng katotohanan. Ang Makapangyarihang Diyos ay nasa proseo ng pagliligtas sa mga huling araw. Kung ipinalalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga tao, lahat ng nagmamahal sa katotohanan ay babalik sa Kanya. Ilalantad ang Chinese Communist Party na mukhang demonyo, ang tunay na mukha nito, na galit sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Sa gayo'y tatalikuran ng buong sangkatauhan ang Chinese Communist Party. Hindi na rin ito mapanghahawakan sa China. Hindi na rin nito magagawang tiwali at mabibitag ang mga mamamayan sa mundo. Kaya nga galit ang Chinese Communist Party sa Makapangyarihang Diyos at pinahihirapan nila ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

13.10.18

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Unang Bahagi)



 Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Unang Bahagi)



Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Walang Makapipigil sa Gawaing Pinagpapasiyahang Gawin ng Diyos



4.10.18

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)



Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya. Pagkatapos niyang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalaman ni Cheng Jianguang mula sa salita ng Diyos na tanging sa paghahanap ng katotohanan at pagiging tapat niya makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at mapagkakalooban ng kaligtasan ng Diyos, kaya sumumpa siya na magiging matapat na tao. Pero, sa kanyang mga tungkulin, siya'y napigilan ng kanyang tiwaling disposisyon, at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa pagkilos ayon sa makasatanas na mga pilosopiya sa buhay: Nang matuklasan niya ang isang pinuno ng iglesia na di kumikilos ayon sa katotohanan sa kanyang mga tungkulin, na nakaimpluwensya sa gawain ng iglesia, nagpasiya si Cheng Jianguang na ingatan ang kanyang kaugnayan sa pinunong iyon, at nabigong kaagad na ipaalam ang problema; nang lapitan siya ng isang kapatid na naghahanap ng sagot na mangangailangan ng kanyang paninindigan at pagprotekta sa kapakanan ng iglesia, sa halip ay pinili ni Cheng Jianguang na magsinungaling, manlinlang, at talikuran ang kanyang mga responsibilidad dahil natatakot siyang masaktan ang damdamin ng iba, na nagresulta sa pag-aresto ng komunistang Pamahalaan ng Tsina sa kanyang mga kapatid…. Nang paulit-ulit siyang malantad ng mga pangyayari at nahatulan at nabunyag sa salita ng Diyos, naunawaan ni Cheng Jianguang na ang lohika at mga patakaran niya sa pagkilos ay mga makasatanas na lason at ipinamumuhay niya ang makasatanas na disposisyon. Nakita rin niya na ang diwa ng pagiging yes-man ay sa taong mapanlinlang, isang taong kinasusuklaman at kinaiinisan ng Diyos, at kung ang isang yes-man ay hindi magsisisi at magbabago, siya'y tiyak na tatanggihan at aalisin ng Diyos. Naunawaan din niya na tanging sa pagiging matapat na tao siya maaaring maging mabuting tao. Kaya, sinikap niyang hanapin ang katotohanan at maging matapat na tao, at sa patnubay ng salita ng Diyos, sa wakas siya'y nagtagumpay sa pamumuhay na tulad ng isang matapat na tao at lumakad sa landas ng kaligtasan ng Diyos.

30.9.18

Christian Movie | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus



 Christian Movie | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus



Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. … Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. … Naging miserable si Chen Peng, nalito, at hindi maunawaan kung bakit nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia, at bakit nawala sa kanila ang presensya ng Panginoon.

28.9.18

Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Official Trailer)


Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Official Trailer)


Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito: Malinaw na nakikita niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at tinig ng Diyos, kaya bakit tinutuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Hindi lang nila ayaw maghanap o magsiyasat mismo, sinikap pa nilang patigilin ang iba na tanggapin ang tunay na daan. Bakit ganoon? … Nangamba si Zheng Mu'en na malinlang siya at mali ang tinatahak niyang landas, pero nangamba rin siyang mawalan ng pagkakataong ma-rapture. Sa gitna ng pagtatalo ng damdamin at pagkalito, nagpakita pa si Pastor Ma ng mas negatibong propaganda mula sa CCP at sa mga relihiyon, na nagbunga ng mas maraming pagdududa sa puso ni Zheng Mu'en. Ipinasiya niyang makinig kay Pastor Ma at tigilan ang pagsisiyasat sa tunay na daan. Kalaunan, matapos marinig ang patotoo at paliwanag ng mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Zheng Mu'en na sa pagsisiyasat sa tunay na daan, ang pinaka-pangunahing prinsipyo ay alamin kung nasa daang iyon ang katotohanan at kung nagpapahayag ito ng tinig ng Diyos. Sinuman na makakayang magpahayag ng maraming katotohanan ay posibleng ang pagpapakita ni Cristo, dahil walang miyembro ng tiwaling sangkatauhan ang maaaring magpahayag ng katotohanan. Hindi maikakaila ang katotohanang ito. Kung hindi nagtutuon ang isang tao sa pakikinig sa tinig ng Diyos habang sinisiyasat nila ang tunay na daan, at sa halip ay hinihintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus sakay ng mapuputing ulap batay sa kanilang mga imahinasyon, hinding-hindi nila matatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Sa wakas ay naunawaan din ni Zheng Mu'en ang hiwaga ng matatalinong birhen na nakinig sa tinig ng Diyos na binanggit ng Panginoong Jesus, nagpasiyang hindi na maniniwala sa mga kasinungalingan at katawa-tawang mga teorya ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, at tumakas sa mga paghihigpit at pang-aalipin ng pastor ng kanyang relihiyon. Lubhang nahirapan si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Kung hindi sa pagkaintindi o paghahangad sa katotohanan, walang paraan para marinig ang tinig ng Diyos o ma-rapture sa harap ng luklukan ng Diyos. Sa halip, malilinlang at makokontrol at mamamatay lang ang isang tao sa bitag ni Satanas, na lubos na tumutupad sa mga salita sa Biblia na, "Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman" (Hos 4:6). "Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa" (Kaw. 10:21).



22.9.18

Tagalog Christian Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" (Tagalog Subtitles)



 Tagalog Christian Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" (Tagalog Subtitles)


Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan, para ito sa buong bayan ng Diyos. Naglalakad at nagsasalita si Cristo sa iglesia at nabubuhay kasama ng bayan ng Diyos. Narito ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, gayundin ang gawa ng Banal na Espiritu. Nagdidilig, tumutustos at gumagabay sa'tin mga salita ng Diyos, at lumalago buhay natin. Ito ang kahariang pinamumunuan ni Cristo, ito'y patas at makatarungang mundo. Kaharian ni Cristo'y mainit kong tahanan, napakahalaga nito sa bayan ng Diyos. Naghahari salita ng Diyos sa iglesia, tayo'y kumikilos ayon sa totoo at Cristo'y pinagbubunyi sa'ting puso. Wala nang paglalaban o intriga, hindi na kailangan ang pagtatanggol o takot. Himlayan ng kaluluwa ng tao si Cristo, di na kailangang gumala-gala pa ako. Ito ang kaharian ng Diyos inaasam ng mga tao, ito ang payapang tahanan ng sangkatauhan.

11.9.18

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan"



 Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto...Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga utos at batas upang, habang pinangungunahan Niya sila sa kanilang buhay, ang mga tao ay makikinig at tatalima sa Kanyang salita at hindi magrerebelde laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga batas na ito upang ang bagong-silang na lahi ng tao ay makokontrol, mas mainam upang mailatag ang pundasyon para sa Kanyang gawain sa hinaharap. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, ang unang kapanahunan ay tinawag na Kapanahunan ng Kautusan."

3.7.18

Christian Full Movie 2018 | "Tamis sa Kahirapan" An Amazing Christian Testimony (Tagalog Dubbed)


Christian Full Movie 2018 | "Tamis sa Kahirapan" An Amazing Christian Testimony (Tagalog Dubbed)

Ang Kristiyanong si Han Lu ay sinubaybayan at nasabat ng mga opisyal ng CCP police, kaya nahuli siya. Malupit siyang pinahirapan ng mga pulis, at gumamit din sila ng mga tsismis para subukang i-brainwash siya, ginamit ang kanyang pamilya para subukan siyang puwersahin, at iba pang mga pamamaraan para subukan siyang takutin sa pagtatangkang pilitin siyang itanggi at ipagkanulo ang Diyos. Gayunman, sa patnubay ng salita ng Diyos, nalagpasan ni Han Lu ang maraming interogasyon habang pinahihirapan at matinding pinabulaanan ang iba’t ibang tsismis at maling paniniwala ng CCP sa katotohanan. Habang pinahihirapan ng CCP, nagawa ang isang maganda at matunog na patotoo …

27.6.18

Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Trailer)


   Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...

25.6.18

"Red Re-Education sa Bahay" (2) | Anong Klaseng Pakana ang Nasa Likod ng Paglilitis ng Chinese Communist Party sa Kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28?


Pagkatapos ng nangyari sa Zhaoyuan noong Mayo 28 sa Shandong na nakagulat kapwa sa China at sa iba pang mga bansa, nang litisin ng CCP ang kaso, malinaw na ipinagtapat ng mga sangkot na hindi sila mga miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Gayunman, ipinilit pa rin ng CCP na tukuyin silang mga tao na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ano ang motibo nila? Anong klaseng pakana ang nasa likod ng kasong ito?

 ══ ✿✿✿ ✿✿✿══✿✿✿══ ✿✿✿══ 

Rekomendasyon:

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

20.6.18

Tagalog Christian Worship Praise Songs 2018 | Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tagalog Christian Worship Praise Songs 2018  |  Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan



I
O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo.
Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian
araw at gabi.
Kayraming pagsubok at sakit,
kayraming mga paghihirap.
Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan,
at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas.
Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman.
Inakay Mo 'ko sa maraming hirap.
Iningatan sa maraming panganib.
Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.

18.6.18

Tagalog Christian Movie 2018 | "Tamis sa Kahirapan" An Amazing Christian Testimony (Trailer)


    Han Lu is a leader of The Church of Almighty God in the Chinese mainland. She has believed in God for over a decade and has experienced the work of Almighty God in the last days. She understands some truths and knows that it is only through Christ of the last days, Almighty God, that man will be able to be freed from sin and live a significant life. She has cast away everything to follow Almighty God, and she has gone around and testified to God's appearance and work in the last days. However, in China where the atheist political party the CCP is in power, there is no freedom of religious belief whatsoever. The CCP government has issued secret documents completely banning all house churches, and they have frantically captured and persecuted Christians. Han Lu and others were monitored and tracked by the CCP police officers, which led to their capture. The CCP police officers have brutally tortured Han Lu to try to rob the church of its wealth and capture more church leaders, and they have also used rumors and fallacies to try to brainwash her, used her family to try and coerce her, and other despicable methods to try to threaten her in an attempt to compel her to deny God and betray God. … In her pain and weakness, Han Lu has relied on God and prayed to God, and under the guidance of the word of God, she has been able to see through all of Satan's tricks. She has made it through many interrogations under torture and has powerfully refuted the various rumors and fallacies of the CCP. Within the bitter environment of the CCP's persecution, a beautiful and resounding testimony has been made ...

16.6.18

Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

   Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.

10.6.18

"Red Re-Education sa Bahay" (5) | Paano ba Dapat Unawain ang Kristiyanismo?


Ang karaniwang kaalaman na ang Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodox Church ay pawang mga relihiyon na nananalig sa Panginoong Jesucristo. Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Cristo ng mga huling araw. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang iglesia ni Cristo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bahagi rin ng Kristiyanismo. Kaya bakit ikinakaila ng Chinese Communist Party na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang iglesiang Kristiyano? Ano ba talaga ang Kristiyanismo?

7.6.18

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan


I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

6.6.18

Christian Full Movie HD 2018 | "Walang Katumbas ang Katapatan" My Days with God (Tagalog Dubbed)



 Christian Full Movie HD 2018 | "Walang Katumbas ang Katapatan" My Days with God (Tagalog Dubbed)



Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait siya, tapat, at nagnegosyo nang naaayon sa libro. Hindi niya susubukang manloko ng kapwa, pero halos sapat lang ang kinikita niya para masuportahan ang kanyang pamilya. Paglipas ng ilang panahon, isang kapamilya at kapwa negosyante ang nag-udyok sa kanyang gawin ang mga di-nakasulat na tuntunin ng negosyo, at nagsimulang maniwala si Zhen Cheng sa mga kasabihang kumakatawan sa satanikong pilosopiya tulad ng: “Ang isang taong walang ikalawang kita ay hindi yayaman kailanman tulad ng isang kabayong hindi bibigat kailanman dahil ginutom sa dayami sa gabi,” “Ang mapangahas ay namamatay sa katakawan ; ang mahiyain ay namamatay sa gutom,” “Hindi pera ang lahat, pero kung wala nito, wala kang magagawang anuman,” at “Una ang pera.” Nawala ang mabuting konsensiya ni Zhen Cheng na dating gumabay sa kanya at nagsimulang gumamit ng pailalim na mga pamamaraan para kumita ng mas maraming pera. Kahit kumita siya ng mas maraming pera kaysa dati, at humusay ang mga pamantayan niya sa pamumuhay, dama ni Zhen Cheng na hindi siya masaya at binalot siya ng pakiramdam ng kawalan; hungkag ang buhay at puspos ng pagdurusa.
Pagkatapos tanggapin ni Zhen Cheng ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa huling mga araw, naunawaan niya sa pamamagitan ng salita ng Diyos na gusto ng Diyos ang mga tapat na tao at hinahamak ang mga mapanlinlang. Naunawaan din ni Zhen Cheng na ang pagiging tapat na tao ay ang tanging paraan para mag-ugaling tunay na tao at ang tanging paraan para makamit ang papuri ng Diyos, kaya isinumpa niyang maging tapat na tao.
Gayon man, ang pagiging tapat na tao sa tunay na buhay ay napatunayang mahirap: Sa mga kapatid sa simbahan, pwede siyang maging diretso tulad ng nararapat, pero kung gayon ang ginawa niya sa mundo ng negosyo, makagagawa ba siya ng pera? Hindi lang posible na mas kaunti ang perang magagawa niya, maaari pa siyang makaranas ng mga matitinding pagkalugi at manganib na mawala ang kanyang shop. … Sa harap ng mga ganoong pakikibaka, mapatakbo kaya ni Zhen Cheng nang may katapatan ang kanyang negosyo? Anu-anong uri ng di-inaasahang pagbabago ang mangyayari sa proseso? Ano ang magiging pinakamahalagang gantimpala niya?

Rekomendasyon:Tagalog Christian Movie


5.6.18

Trailer ng Dokumentaryong "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Pagsisiyasat sa Sansinukob



Trailer ng Dokumentaryong "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Pagsisiyasat sa Sansinukob


Sa malawak na himpapawid sa kalawakan na puno ng mga bituin, nagbabanggaan ang mga planeta, at isang sunurang masalimuot na mga pamamaraan ang nagsisilang ng bagong mga planeta.... Ang di-mabilang na katawang selestyal sa kalawakan ay gumagawang lahat nang magkakaayon—sinong nagpapatakbo sa mga iyon? Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Ang Isang Naghahari sa Lahat—ang mga tunay na pangyayari!