Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post

7.8.19



Tagalog Christian Movie | Huwag Magtuon sa Biblia |  Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon


Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit.

12.5.19

Mga Pagbigkas ni Cristo | Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod


Salita ng Diyos | Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod


Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan.

20.12.18

Christian Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)



 Christian Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)



Sa ngalan ng kaligtasan ng publiko, nagkakabit ng mga kamera ang Chinese Communist Party sa buong paligid, na ang tunay na layunin ay gamitin ang mga high-tech na pamamaraan para batikusin ang pagtutol at pahirapan ang mga nananalig sa Diyos. Nahaharap ang mga Kristiyano sa matitinding hamon sa pagsisikap na maligtasan ang gayon katinding pagmamatyag. Ang crosstalk na Mga Kamera sa Buong Lungsod ay gumagamit ng nakakatawa at malinaw na pagtatanghal ng dalawang tao para ihayag ang masamang katotohanan kung paano ginagamit ng CCP ang mga kamera nito para kontrolin ang mga Kristiyano, gayundin ang maiitim na lihim na balak ng CCP sa pagpapahirap sa relihiyon …

12.12.18

Tagalog Crosstalk "Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon" | A Horrible Experience of Preaching the Gospel


Tagalog Crosstalk "Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon" | A Horrible Experience of Preaching the Gospel



Ang salitang pag-uusap na Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon ay isinalasaysay ang nakapanlulumong kuwento tungkol kay Christian Yang Ming na tiniktikan ng mga espiya ng CCP at muntik nang maaresto habang nagbabahagi ng ebanghelyo sa kanyang tita. Ang dalawang aktor ay nagpapakita ng malinaw at nakakatawang pagtatanghal ng mga paghihirap na dinanas ng mga Kristiyano sa China na nangangaral ng ebanghelyo. Ang mga taktika ng CCP sa pag-atake at pagsupil sa mga paniniwala sa relihiyon ay masama; marami silang ginawang pandaraya at nakamatyag sila sa lahat ng dako. Lubhang pinag-iingat ngayon kahit ang maliliit na nayon, at parang mga lawin na nakamatyag ang mga espiya ng gobyerno sa mga tagalabas. Masusi silang nag-iimbestiga at lubhang limitado ang mga pagtitipon at pangangaral ng mga Kristiyano. Pero gaano man kahibang ang CCP sa pagsupil sa kanila, ikinakalat pa rin ng mga Kristiyano ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa pag-asa sa karunungan at pananampalatayang bigay sa kanila ng Diyos.

28.11.18

Ebangheliyong pelikula|Cristianong Ebanghelyong Pelikula | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit



 Cristianong Ebanghelyong Pelikula | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit



Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng'en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.

25.11.18

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos|Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"



Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi Ako kailanman nakatagpo ni isa na totoong inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nalipat. Samakatuwid, hindi Ko nais na ibuhos nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ihayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas Ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat ng sumunod sa Akin na makatanggap ng Aking kaligtasan at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa Ako na isang araw, kapag isinara mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi isang walang sigla, malamig na mundo kung saan ang kadiliman ay binabalot ang kalangitan at ang mga alulong ay hindi kailanman magwawakas."

3.7.18

Christian Full Movie 2018 | "Tamis sa Kahirapan" An Amazing Christian Testimony (Tagalog Dubbed)


Christian Full Movie 2018 | "Tamis sa Kahirapan" An Amazing Christian Testimony (Tagalog Dubbed)

Ang Kristiyanong si Han Lu ay sinubaybayan at nasabat ng mga opisyal ng CCP police, kaya nahuli siya. Malupit siyang pinahirapan ng mga pulis, at gumamit din sila ng mga tsismis para subukang i-brainwash siya, ginamit ang kanyang pamilya para subukan siyang puwersahin, at iba pang mga pamamaraan para subukan siyang takutin sa pagtatangkang pilitin siyang itanggi at ipagkanulo ang Diyos. Gayunman, sa patnubay ng salita ng Diyos, nalagpasan ni Han Lu ang maraming interogasyon habang pinahihirapan at matinding pinabulaanan ang iba’t ibang tsismis at maling paniniwala ng CCP sa katotohanan. Habang pinahihirapan ng CCP, nagawa ang isang maganda at matunog na patotoo …

21.6.18

Full Tagalog Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” God With Us (Tagalog Dubbed)


    Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba't ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba't ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, "Wala n'yo kaming pakialaman!" Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

6.2.18

Clip ng Pelikulang (2) | "Magbibigay ba ang Panginoon ng Pagbubunyag sa Tao sa Pagbabalik Niya?"


 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | 

Clip ng Pelikulang (2) | "Magbibigay ba ang Panginoon ng Pagbubunyag sa Tao sa Pagbabalik Niya?"



  Maraming mga pastor at mga elder ng relihiyon, dahil maraming taon na silang sumasampalataya sa Diyos, ang palaging masipag na gumagawa para sa Panginoon at nananatiling mapagmasid, naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, naniniwala sila na sa pagdating ng Panginoon tiyak na magbibigay Siya sa kanila ng pagbubunyag. Ang pananaw bang ito ay umaayon sa mga katunayan ng gawain ng Diyos? Tiyak bang magbibigay ng pagbubunyag ang Diyos sa tao kapag Siya ay nagkatawang-tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay pumapanig sa asal na pag-aalipusta, naghihintay sa mga paghahayag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at tumututol sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?"(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

29.11.17

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia”

Diyos, Biblia, Jehova, ebanghelyo, relihiyon

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos "Tungkol sa Biblia"

  1. Sa maraming taon, ang mga kinaugalian na paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanidad, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay isang masamang uri ng kulto, at maling hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sasabihin mo na naniniwala kasa Diyos, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at sa labas ng Biblia hindi ka dapat sumamba ng ibang libro na hindi kasangkotang Biblia.