Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Video. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Video. Ipakita ang lahat ng mga post

3.4.18

Tagalog Christian Gospel Movie | "Saan Ang Aking Tahanan" [Trailer]



    Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan.  Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.

20.3.18

Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |  Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit

Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, “Nararapat ninyong maintindihan, hindi ninyo dapat gawing payak ang mga ito. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang himala nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi basta lamang makakamit. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang mga malalaking gawain, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Matapos mabasa ang mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay payak?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!
Rekomendasyon:

Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

16.2.18

Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)

  Bakit sinasabi na mas kapaki-pakinabang na magkatawang-tao ang Diyos sa pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sa ano maaaring makita ang pangangailangan at malaking kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na sa laman, at dahil si Satanas ay ginagamit din ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos.

15.2.18

Clip ng Pelikulang (5) | "Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Clip ng Pelikulang (5) | "Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay"

  Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapwa nagpapatotoo na si "Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay." Bakit sinasabi na si Cristo ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay? At ang mga apostol na iyon at mga dakilang espirituwal na mga tao na sumunod sa Panginoong Jesus ay nagsabi rin ng maraming bagay, mga bagay na kapaki-pakinabang sa tao, kaya bakit ang mga ito ay hindi ang katotohanan, ang daan at ang buhay? Paano natin dapat maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang aspetong ito?

12.2.18

Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw (4)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw (4)

  Ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gawin Niya mismo ang gawain ng paghatol. Gayunman ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit kay Moises. Kung gayon hindi ba maaaring gawin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng paggamit ng mga tao?

11.2.18

Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"

  Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus  na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito? Mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang isang karaniwang, normal na tao. Ngunit sa Kanyang kalooban ay doon nakatahan ang Espiritu ng Diyos; kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang tinig ng Diyos at gawin ang gawain ng Diyos, kung gayon ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay isang tao, o Diyos?

6.2.18

Clip ng Pelikulang (2) | "Magbibigay ba ang Panginoon ng Pagbubunyag sa Tao sa Pagbabalik Niya?"


 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | 

Clip ng Pelikulang (2) | "Magbibigay ba ang Panginoon ng Pagbubunyag sa Tao sa Pagbabalik Niya?"



  Maraming mga pastor at mga elder ng relihiyon, dahil maraming taon na silang sumasampalataya sa Diyos, ang palaging masipag na gumagawa para sa Panginoon at nananatiling mapagmasid, naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, naniniwala sila na sa pagdating ng Panginoon tiyak na magbibigay Siya sa kanila ng pagbubunyag. Ang pananaw bang ito ay umaayon sa mga katunayan ng gawain ng Diyos? Tiyak bang magbibigay ng pagbubunyag ang Diyos sa tao kapag Siya ay nagkatawang-tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay pumapanig sa asal na pag-aalipusta, naghihintay sa mga paghahayag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at tumututol sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?"(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

5.2.18

Clip ng Pelikulang (1) | "Ang Hiwaga ng Pagdating ng Anak ng Tao"


 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  

Clip ng Pelikulang (1) | "Ang Hiwaga ng Pagdating ng Anak ng Tao"


  Sa pagsasalita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, sinabi ng Panginoong Jesus, "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lucas 12:40). " Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Binabanggit ng mga propesiyang ito na "ang Anak ng tao ay darating" o "ang pagdating ng Anak ng tao," kung gayon ano ba talaga ang ibig sabihin ng "pagdating ng Anak ng tao"? Sa anong paraan gagawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang pagbabalik? Ipapaalam sa inyo ng maikling pelikulang ito ang katotohanan.

26.12.17

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sandali ng Pagbabago



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Sandali ng Pagbabago


  Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon.

22.12.17

Pananalig sa Diyos | Ano ba ang Ibig Sabihin ng Tunay na Pananalig sa Diyos?


Pananalig sa Diyos | Ano ba ang Ibig Sabihin ng Tunay na Pananalig sa Diyos?


  Maraming taong naniniwala na ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, at ang masusing pagsusumikap para sa Panginoon ay ang reyalidad ng paniniwala sa Diyos. Walang sinuman sa relihiyosong mundo ang ganap na nakakaintindi sa kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pananalig sa Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang 'paniniwala sa Diyos' ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos.

21.12.17

Pananalig sa Diyos | Ang Masusing Pagsusumikap ba para sa Panginoon ang Reyalidad ng Paniniwala sa Panginoon?



Pananalig sa Diyos | Ang Masusing Pagsusumikap ba para sa Panginoon ang Reyalidad ng Paniniwala sa Panginoon?


  Karamihan sa mga mananampalataya ay naniniwala na hangga’t sinusunod natin ang pangalan ng Panginoon, madalas na nananalangin, nagbabasa ng Biblia at nagkakaroon ng mga pulong, at hangga’t inaabandona natin ang mga bagay, gumagastos at masusing nagsusumikap para sa Panginoon, ito ang tunay na paniniwala sa Panginoon, at madadala tayo sa kaharian ng langit kapag nagbalik ang Panginoon. Tama ba ang pananaw na ito?

20.12.17

Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?



Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?


  Karamihan sa mga tao sa relihiyosong mundo ay naniniwala na ang Biblia ay ang panuntunan ng Cristianismo, na ang isang tao ay kailangang kumapit sa Biblia at ibatay ng buo ang paniniwala ng isang tao sa Panginoon sa Biblia, at ang isang tao ay hindi matatawag na mananampalataya kung ang isang tao ay humihiwalay sa Biblia. Kaya ang paniniwala ba sa Panginoon at paniniwala sa Biblia ay iisa at parehas? Ano ba ang eksaktong kaugnayan sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon?

19.12.17

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?


  Sa bawat panahon na nagkakatawang-tao ang Diyos at nagpapakita para gawin ang Kanyang gawain, malupit na sinusuway at binabatikos ng masasamang puwersa ni Satanas ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng digmaan sa loob ng espirituwal na mundo na humahati at naglalantad sa relihiyosong mundo. Sinabi ng Panginoong Jesus, "Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak" (Mateo 10: 34).

18.12.17

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pananalig sa Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Pananalig sa Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?


  Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5: 19).

17.12.17

Pananalig sa Diyos | Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?



Pananalig sa Diyos | Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?


  Sa Biblia, sabi ni Pablo, “Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. (Roma 13:1-2). Paano ang pagtrato nating mga mananampalataya sa yaong nasa kapangyarihan? Ang pagsunod ba sa yaong nasa kapangyarihan ay talagang pareho sa pagsunod sa Diyos?

21.8.17

Tagalog Gospel Videos | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days


    Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?