Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)
Bakit sinasabi na mas kapaki-pakinabang na magkatawang-tao ang Diyos sa pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sa ano maaaring makita ang pangangailangan at malaking kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na sa laman, at dahil si Satanas ay ginagamit din ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos.