Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan
Napakarami Kong nagawa kasama ninyo, at syempre, nakakapag-usap pati. Ngunit pakiramdam Ko na ang Aking mga salita at gawa ay hindi lubos na naabot ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Sapagkat sa mga huling araw, ang Aking mga ginawa ay hindi para sa kapakanan ng iisang tao o ilang mga tao lamang, nguni’t, upang mapatunayan ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, sa napakaraming dahilan—marahil ang kakulangan ng oras o abalang iskedyul sa trabaho—hindi nakayanan ng mga tao na maging pamilyar sa Akin at sa Aking disposisyon kahit bahagya lamang.
Kaya’t sumulong Ako sa Aking bagong plano, ang Aking huling gawain, upang ilatag ang bagong pahina nang sa gayon lahat ng nakakakita sa Akin ay mapapahampas sa kanilang dibdib at iiyak nang walang humpay sa Aking presensya. Sapagkat dadalhin Ko ang katapusan sa sansinukob at sa buong mundo, at pagkatapos noon, ihahatid Ko ang lahat ng Aking disposisyon sa sansinukob para lahat ng nakakakilala at maging ang hindi sa Akin ay “magpipista ang mga mata” at makikita ang Aking pagdating sa mga tao, maging sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay dumarami. Ito ang Aking plano, ang nag-iisa Kong “pangungumpisal” simula nang nilikha Ko ang sansinukob. Nais Kong bukas-loob ninyong pagmasdan ang Aking bawat galaw, sapagkat ang Aking tungkod ay muling lalapit sa sansinukob, lalapit sa lahat nang tumututol sa Akin.
Kasama ang langit, sisimulan Ko ang trabahong dapat Kong gawin. Kaya’t maglalakbay Ako tungo sa agos ng mga tao at gagalaw sa pagitan ng langit at lupa. Walang nakauunawa ng Aking mga paggalaw o nakapapansin ng Aking mga salita. Samakatuwid, ang Aking plano ay maayos na umuusad. Ang inyong pandama ay may labis nang katigasan kaya’t hindi niyo alam kahit sa bahagyang paraan ang mga hakbang ng Aking gawain. Isang araw, gayon pa man, mapagtatanto ninyo ang Aking mga intensyon. Ngayon, nabubuhay at nagdurusa Ako kasama ninyo. Matagal Ko nang nauunawaan ang saloobin ng sansinukob tungo sa Akin. Hindi Ko nais na magpahayag ng mas malinaw at lalong hindi ang magbigay pa ng mga pagkakataon kung saan nasaktan Ako upang ipahiya kayo. Ang tanging hiling Ko ay ang panatilihin sa inyong mga puso ang lahat ng nagawa ninyo hanggang sa araw ng muli nating pagkikita at pagtutuos. Hindi Ko nais na maling akusahan ang kahit na sino sa inyo, sapagkat Ako ay laging makatarungan, walang kinikilingan, at may karangalan sa lahat ng Aking mga pagkilos. Ang nais Ko’y inyong kabanalan at pag-iwas sa anumang laban sa langit, lupa at inyong konsensya. Ito ang tanging hiling Ko sa inyo. Marami ang ligalig at hindi tiwasay dahil sa masamang mga gawain at marami din ang nahihiya sa hindi paggawa ng anumang kabutihan. Ngunit marami din ang hindi nakararamdam nang pagkahiya sa kanilang mga kasalanan at sa halip ay lalong lumala, binalatan nang buo ang kanilang pangit na mukha—at kailangang lubos na ilantad—upang subukan ang Aking disposisyon. Hindi Ako nakikialam o nagmamatyag sa mga ikinikilos ng sinumang tao. Sa halip, ginagawa Ko ang Aking dapat gawin, upang magkaroon ng karagdagang kaalaman, magpagala-gala sa lupa, o gawin ang mga bagay na hilig Ko. Sa pinakamahalagang mga oras, sinisimulan Ko ang Aking mga gawain kasama ng ibang mga tao gaya ng naiplano, walang pagpapaliban kahit na sandali, at ito ay ginagawa sa daglian ngunit magandang paraan. Gayunman, ang ibang mga tao ay natatanggal sa bawat parte ng gawain Ko, sapagkat kinasusuklaman Ko ang kanilang papuri at kunwaring pagsisipsip. Yaong mga kasuklam-suklam sa Akin ay tiyak na tatalikdan, maging sinasadya man o hindi sinasadya. Sa madaling salita, gusto Ko lahat ng kinasusuklaman ko ay malayo sa Akin. Hindi na kailangan pang sabihin ngunit hindi Ko palalampasin ang mga makasalanan na nananatili sa Aking tahanan. Habang papalapit ang araw ng kaparusahan ng mga tao, hindi Ako balisa na magpalayas ng mga kasuklam-suklam na mga kaluluwa, sapagkat mayroon Akong sariling plano.
Ngayon na ang oras upang pagpasyahan ang pagtatapos ng bawat tao, hindi ang yugto kung saan sinimulan Kong gawin ang tao. Sinusulat ko sa Aking libro ang mga salita at gawa ng bawat tao, maging ang kanilang landas bilang Aking mga tagasunod, likas na karakter, at huling pagganap. Sa paraang ito, walang uri ng tao ang makatatakas sa Aking mga kamay at ang lahat ay mapupunta sa kanilang mga ka-uri kapag Ako ay nagtakda. Ako ang magpapasya sa magiging hantungan ng bawat tao, hindi base sa edad, mataas na katungkulan, laki ng paghihirap, at lalong hindi ang antas ng kahirapan; ngunit sa kung sila ay nagtataglay nang katotohanan. Wala ng iba pang pagpipilian kundi ito lamang. Dapat mapagtanto ninyo na ang lahat ng hindi susunod sa kalooban ng Diyos ay maparurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, yaong mga naparusahan ay pinarusahan para sa pagkamatuwid ng Diyos at bilang pagganti sa kanilang masasamang gawain. Wala Akong binago kahit isa sa Aking plano mula nang ito’y mag-umpisa. Ito ay dahil, para sa mga tao, ang mga direktang pinatungkulan ng Aking mga salita ay tila lumiliit ang bilang, gayon din ang mga tunay Kong kinikilala. Ngunit, pinaninindigan Ko ang hindi kailanman pagbabago ng Aking plano, sa halip, ang pananampalataya at pagmamahal ng mga tao ang patuloy na nagbabago at nababawasan, ang mga tao ay maaaring biglaang magkandarapa, pagiging malamig o maging palayasin sa Akin. Ang Aking pakikitungo sa inyo ay alinman sa mainit o malamig hanggang makaramdam Ako ng pagka-poot at humirang ng kaparusahan. Gayunman, sa araw nang kaparusahan, makikita Ko pa rin kayo ngunit kayo ay wala nang kakayahang makita pa Ako. Nararamdaman Ko na ang buhay ninyo ay nakapapagod at malamlam, kaya’t hindi na kailangang sabihin pa, nakapili na Ako ng kakaibang kapaligiran na Aking titirhan upang umiwas sa sakit ng inyong masasamang mga salita at kasakiman, nang sa gayon, hindi niyo na Ako maaaring maliitin at lokohin pa. Bago Ko kayo iwanan, papayuhan Ko pa rin kayo na iwasan na gawin ang mga bagay na hindi naaayon sa katotohanan. Sa halip, dapat ninyong gawin ang anumang kalugod-lugod at kapaki-pakinabang sa lahat ng mga tao at inyong sariling hantungan, kung hindi, ang siyang daranas ng kapahamakan ay walang iba kundi ikaw.
Ang Aking awa ay para sa mga nagmamahal sa Akin at ikinakaila ang kanilang mga sarili. Ang kaparusahan na dala para sa mga makasalanan ay katunayan ng Aking matuwid na disposisyon at marami pang iba, patotoo sa Aking matinding poot. Sa pagdating ng sakuna; tag-gutom at salot ay sasapit sa mga taong tumututol sa Akin at sila ay mag-iiyakan. Yaong mga nakagawa ng lahat ng klase ng kasamaan sa mahabang panahon bilang Aking tagasunod ay hindi dapat walang kasalanan; sila rin ay mabubuhay sa patuloy na estado ng takot sa gitna ng sakuna na bahagyang nakita sa nakaraan. Ang mga tagasunod Ko lamang na naging matapat sa Akin ang magagalak at magbibigay papuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang hindi maipahayag na kaligayahan at ang mamuhay sa kagalakan na kailanman hindi Ko pa naipagkakaloob sa sangkatauhan. Sapagkat pinahahalagahan Ko ang mga mabuting gawain ng mga tao at nasusuklam sa kanilang mga masamang gawain. Nang simulan Kong pangunahan ang sangkatauhan, hiniling Ko na sana ay may grupo ng mga tao na may pag-iisip na kagaya ng sa Akin. Kailanman ay hindi Ko nakalimutan ang mga hindi katulad ng Aking pag-iisip, kinasusuklaman Ko sila sa Aking puso, hinihintay lamang ang panahon na mailapat ang Aking paghihiganti sa mga gumagawa ng mali at nanamnamin iyon. Ang Aking araw ay dumating na at hindi na Ako kailangang maghintay pa!
Ang Aking huling gawain ay hindi lang ang parusahan ang tao, bagkus isaayos ang hantungan ng tao. Higit pa rito, ang tanggapin ang pagkilala ng lahat para sa Aking mga nagawa. Gusto Kong makita ng bawat tao na lahat ng Aking ginawa ay nasa tama at isang pagpapahayag ng Aking disposisyon; ito ay hindi gawa ng tao, at lalong hindi ng kalikasan, na naglabas sa sangkatauhan. Bagkus, Ako ang siyang nagbigay-sustansya sa bawat buhay na nilalang at sa lahat ng mga bagay. Kung wala ang Aking presensya, ang sangkatauhan ay maaaring malipol at magdusa sa paglusob ng mga salot. Walang makakakita ng napakarikit na araw at buwan o ng luntiang mundo; tanging makatatagpo ng sansinukob ay napakalamig na gabi at ang hindi matinag na lambak at lilim ng kamatayan. Ako ang tanging tagapagligtas ng sansinukob. Ako ang tanging pag-asa ng sansinukob, at higit pa, Ako ang Siya na kung saan ang presensya ng buong sansinukob ay kumakanlong. Kung wala Ako, ang sansinukob ay kaagad mawawalan ng pag-unlad. Kung wala Ako, ang sansinukob ay magdurusa sa sakuna at yuyurakan sa lahat ng paraan ng mga multo, kahit na walang nakikinig sa Akin. Ginawa Ko ang mga trabaho na walang sinuman ang makakagawa sa pagnanais lamang na bayaran Ako ng mga tao ng mabuting gawain. Bagama’t ilan lamang ang makababayad sa Akin, nais ko pa rin tapusin ang Aking paglalakbay sa mundo at simulan ang gawaing kasunod na magbubukas, sapagkat ang Aking paglalakbay kasama ng mga tao sa loob ng mahabang panahon ay naging makabuluhan, at Ako ay labis na nasisiyahan. Hindi ako nababahala sa bilang ng mga tao, sa halip, tungkol sa kanilang mga mabuting gawain. Sa anumang pagkakataon, sana ay gumawa kayo ng sapat na mabuting gawain bilang paghahanda sa inyong sariling hantungan. Pagkatapos lamang nito Ako masisiyahan; walang sinuman sa inyo ang makatatakas sa sakuna. Ang sakuna ay ibinaba Ko at siguradong nasa pagsasaayos Ko. Kung hindi ninyo kayang gumawa ng kabutihan sa Aking presensya, kung gayon, hindi kayo makatatakas sa pagdurusang dala ng sakuna. Sa mga panahon ng kapighatian, ang inyong mga ikinikilos at mga gawain ay hindi lubos na naaangkop, ang inyong pananampalataya at pagmamahal ay hungkag, ang inyo lamang ipinakita ay alinman sa takot o lakas. Tungkol dito, ang Aking paghatol ay kung ito’y mabuti o masama. Ang Aking pag-aalala ay nananatili sa lahat ng inyong ikinikilos at pag-uugali, kung saan nakabatay ang Aking pagpapasya sa inyong magiging katapusan. Gayunman, dapat Kong linawin na hindi na Ako magbibigay ng awa para sa mga lubos ang naging kataksilan sa Akin sa panahon ng kapighatian, sapagkat ang Aking awa ay maikli lamang ang kayang abutin. Higit pa rito, hindi Ko gusto ang sinumang minsan nang nagtaksil sa Akin, lalong hindi Ko nais na makisama sa mga handang ibenta ang interes ng mga kaibigan. Ito ang Aking disposisyon, hindi alintana kung sinuman ang tao. Dapat Kong sabihin ito sa inyo: Ang sinumang sirain ng Aking puso ay hindi na muling makatatanggap ng kahabagan, at sinumang naging matapat ay habambuhay mananatili sa Aking puso.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento