Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

28.2.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos

Diyos nagkatawang-tao upang mamuhay sa gitna natin.
Sa kababaa't kahihiyan, inalay sa'tin kaligtasan.
Nguni't 'di ko S'ya kilala o naunawaan, panay karaingan.
Anong dalamhati ng puso N'ya sa pagrebelde ko't paglaban!
Mahal na Makapangyarihang Diyos, sala ko'y nilimot Mo na.
Natiis Mo na lahat ng pagkarebelde ko
nguni't biyaya muli'y alay.
Batid na itinataas Mo, ako'y puno ng kahihiyan.
Lubhang 'di 'ko karapat-dapat sa'Yong pagmamahal!

22.2.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos


 Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos

  Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Pagkatapos lamang na ang tao ay nagkaroon ng tiwaling disposisyon kaya ang gawain ng pamamahala ay dumating sa pag-iral, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay sumasaklaw sa tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay. Kung wala ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, hindi rin magkakaroon ng tatlong mga yugto ng gawain. Tiyak na ito ay dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil ang sangkatauhan ay nasa gayong madaliang pangangailangan ng kaligtasan, na winakasan ni Jehova ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahong iyon pa lamang nag-umpisa ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugang sa panahong iyon lamang nag-umpisa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang “pamamahala sa sangkatauhan” ay hindi nangangahulugang paggabay sa buhay ng sangkatauhan, bagong-likha, sa lupa (ibig sabihin, ang sangkatauhang hindi pa nagiging tiwali). Bagkus, ito ang pagliligtas ng isang sangkatauhan na natiwali ni Satanas, na ibig sabihin, ito ay ang pagpapabagong-anyo sa tiwaling sangkatauhang ito. Ito ang kahulugan ng pamamahala sa sangkatauhan. Hindi kabilang sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ang paglikha ng mundo, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi nagsasama sa gawain ng paglikha sa mundo, at kabilang lamang ang tatlong mga yugto ng gawain na hiwalay mula sa paglikha sa mundo. Upang maunawaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, kailangang malaman ang kasaysayan ng tatlong mga yugto ng gawain—ito ang dapat malaman ng lahat upang maligtas. Bilang mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong kilalanin na ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat kilalanin ang pinagmulan ng katiwalian ng tao, at, bukod doon, dapat kilalanin ang paraan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kung nalalaman lamang ninyo kung paano kumilos nang ayon sa doktrina upang makamtan ang pabor ng Diyos, nguni’t walang alam tungkol sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o sa pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, kung gayon ito ang inyong kakulangan bilang isang nilalang ng Diyos. Hindi ka lamang dapat makuntento sa pagkaunawa sa mga katotohanang maaaring maisagawa, habang nananatiling mangmang tungkol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos—kung ito ang katayuan, ikaw ay masyadong dogmatiko. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang napapaloob na kasaysayan ng pamamahala ng Diyos sa tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong sansinukob, ang pinakamalaking hiwaga sa gitna ng buong sangkatauhan, at siya ring saligan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kung ikaw ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga payak na katotohanan na may saysay sa iyong buhay, at walang alam tungkol dito, ang pinakamalaki sa lahat ng mga hiwaga at mga pangitain, kung gayon hindi ba ang iyong buhay ay tulad ng isang sirang produkto, walang silbi kundi ang matingnan lamang?

14.2.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.

Biyaya, Daan, kalooban, Patotoo, naligtas

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.

 Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


   Bago siya pinasama ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos pasamain ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. … “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging pinag-isang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may lihis na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay pinasama ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkakaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, bukod pa riyan, ay nagpupukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit siya pa ring humahatol sa Kanya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila nang kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong katinuan na hindi batay sa katotohanan.

10.2.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

kalooban, Patotoo, Biyaya, Kristiyano, Kaharian

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

   Ang gawain ng Diyos sa gitna ng mga tao ay hindi maihihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Diyos. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang mga gawain ay hindi maihihiwalay mula sa Diyos, at lahat ay pinipigilan ng mga kamay ng Diyos, at maaari pang masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring magkaila nito, dahil ito ay isang katunayan.

26.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

pagkamatuwid, kabanalan, Paghatol, Patotoo, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

  Napakarami Kong nagawa kasama ninyo, at syempre, nakakapag-usap pati. Ngunit pakiramdam Ko na ang Aking mga salita at gawa ay hindi lubos na naabot ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Sapagkat sa mga huling araw, ang Aking mga ginawa ay hindi para sa kapakanan ng iisang tao o ilang mga tao lamang, nguni’t, upang mapatunayan ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, sa napakaraming dahilan—marahil ang kakulangan ng oras o abalang iskedyul sa trabaho—hindi nakayanan ng mga tao na maging pamilyar sa Akin at sa Aking disposisyon kahit bahagya lamang.

17.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Kaharian, Patotoo, Kaligtasan, buhay, Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

  1. Ang tao ay hindi dapat palakihin ang kanyang sarili, ni ipagmalaki ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

    2. Dapat mong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at walang nakasasama sa mga interes ng gawain ng Diyos. Dapat mong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos,  patotoo ng Diyos, at gawain ng Diyos.

7.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao

pag-ibig, Patotoo, Paghatol, buhay, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao

Xunqiu    Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan

  Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.

5.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian

kaluwalhatian, Patotoo, kapangyarihan, tinig, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian

I
Diyos ay gumagawa sa buong sansinukob.
Dagundong ng ingay sa Silanganang 'di tumitigil,
nililiglig lahat ng denominasyo't lahat ng sekta.
Ito'y tinig ng Diyos, lahat dinala sa kasalukuyan.
Ito'y Kanyang tinig na sa lahat ay lulupig.
Sila'y nahuhulog sa agos nito, at nagpapasakop sa Kanya.
Matagal nang nabawi ng Diyos sa lupa ang luwalhati,
at mula Silangan ay inilabas Niyang muli.
Sinong 'di sabik makita ang luwalhati ng Diyos?
Sinong 'di naghihintay at nananabik Sa Kanyang pagbabalik?
Sinong hindi nauuhaw na Siya'y magpakitang muli?
Sinong 'di nangungulila sa Kanyang kariktan?
Sinong 'di lalapit tungo sa liwanag?
Sinong di nais makita yaman ng Canaan?
Sinong 'di nananabik sa pagbalik ng Manunubos?
Sinong 'di hanga sa Makapangyarihan-sa-lahat?

3.1.18

Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano



Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano


  Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia.

23.12.17

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos



Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos

ay lumalaganap sa sansinukob

at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.

Siyudad ng kalangita’y tumatawa,

sumasayaw kaharian sa lupa.

Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?

Mga tao'y walang alitan;

hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,

nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.

17.12.17

Pananalig sa Diyos | Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?



Pananalig sa Diyos | Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?


  Sa Biblia, sabi ni Pablo, “Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. (Roma 13:1-2). Paano ang pagtrato nating mga mananampalataya sa yaong nasa kapangyarihan? Ang pagsunod ba sa yaong nasa kapangyarihan ay talagang pareho sa pagsunod sa Diyos?

8.12.17

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ikaw Ba’y Nabuhay?

Diyos, Kaharian, Patotoo, buhay, Isabuhay

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ikaw Ba’y Nabuhay?


     Kapag nakamit mo na ang pagsasapamuhay ng normal na pagkatao, at nagawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya, ni anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang ipapamuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay ginawang masama ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ng kasamaang ito ang mga tao—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at pinangyayari na sila’y ipanganak muli, at kapag ipinanganak muli ang mga espiritu ng tao, sila ay mangangabuhay muli. Ang pagbanggit ng “patay” ay tumutukoy sa mga walang espiritung bangkay, sa mga taong kung saan ang kanilang espiritu ay namatay na. Kapag binigyang buhay ang espiritu ng mga tao, nabubuhay silang muli. Ang mga santo na pinag-usapan noon ay tumutukoy sa mga tao na nabuhay, ang mga nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas ngunit dinaig si Satanas. Napagtiisan ng piniling bayan ng Tsina ang malupit at di-makataong pag-uusig at panlilinlang ng malaking pulang dragon, na iniwan silang napinsala ang pag-iisip at walang katiting na lakas ng loob upang mabuhay. Kaya, dapat magsimula ang pagpukaw ng kanilang mga espiritu sa kanilang diwa: Unti-unti, dapat pukawin ang kanilang espiritu sa kanilang diwa. Kapag, isang araw, ay nabuhay na sila, wala nang magiging sagabal pa, at lahat ay magpapatuloy nang maayos. Sa ngayon, nananatili itong hindi makakamtan. Ang pagsasabuhay ng karamihan sa mga tao ay naglalaman nang labis na pakiramdam ng kamatayan, nababalot sila ng aura ng kamatayan, at napakarami nilang kakulangan. May dalang kamatayan ang mga salita ng ilang tao, may dalang kamatayan ang kanilang pagkilos, at kamatayan ang halos lahat ng kanilang pagsasabuhay. Kung magpapatotoo ngayon sa publiko ang mga tao tungkol sa Diyos, ang gawaing ito ay mabibigo kung gayon, dahil kailangan muna silang ganap na mabuhay muli, at masyadong marami ang patay sa gitna ninyo. Ngayon, nagtatanong ang ilang tao kung bakit hindi nagpapakita ng ilang tanda at himala ang Diyos upang mabilis Niyang maipalaganap ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil. Hindi maaaring magpatotoo ang patay tungkol sa Diyos; ang buhay ang maaari, ngunit karamihan sa mga tao ngayon ay patay, masyadong marami sa kanila ang namumuhay sa kulungan ng kamatayan, namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at hindi kayang magtagumpay—kaya paano sila makakapagpatotoo tungkol sa Diyos? Paano nila maipapalaganap ang gawain ng ebanghelyo?

3.12.17

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

Patotoo, Diyos, buhay, Panalangin, Kaalaman

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

  Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang pananalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka talaga nananalangin sa panahon ng maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa panahon ng malalaking pagtitipon. Kung hindi ka normal na lumalapit sa Diyos o hindi binubulay ang mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng pananalangin--at kahit na ikaw ay nananalangin, ang iyong mga labi ay kikilos lamang, hindi ka talaga nananalangin.

27.11.17

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Patotoo, umasa sa, naligtas, katapatan, Kaalaman

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos  | Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

  Batas ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at ang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala sa Diyos, at nasa walang laman na teorya.