🍀* 🍀✿✿✿ 🍀*🍃✿✿✿ 🍃 🍀✿✿✿ 🍀*🍀
Shi Han Hebei Province
Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya ng magsasaka.Matino ako mula pagkabata, dahil hindi ako kailanman nakipag-away sa ibang bata at sinunod ang aking mga magulang, kaya ako ay naging isang karaniwang “mabaitna batang babae” sa mga mata ng mga matatanda. Lubhang nainggit ang ibang mga magulang sa aking mga magulang, na nagsasabi na masuwerte sila sa pagkakaroon ng mabait na anak na babae.At tulad nito, lumaki akong araw-araw na naririnig ang mga papuri ng mga taong nakapaligid sa akin.Noong ako’y nasa elementarya, namumukod-tangi ang aking akademikong rekord, at palagi akong nangunguna sa mga pagsusulit.Isang beses, nakatanggap ako ng pinakamataas na marka sa isang paligsahan sa sanaysay na ginanap sa aming bayan, na nagpanalo ng karangalan para sa aming paaralan.Hindi lamang iginawad sa akin ng punong-guro ang premyo at sertipiko, ngunit pinuri rin ako sa harap ng buong paaralan at tinawag ang mga mag-aaral upang matuto sa akin.Bigla akong naging “tanyag na tao” ng paaralan, at binansagan pa ako ng aking mga kaklase na “laging matagumpay na heneral.”Ang mga papuri mula sa aking mga guro, ang pagkainggit ng aking mga kaklase, at ang pagkahaling ng aking mga magulang ay nagbigay sa akin ng pakiramdam nakahihigit sa aking puso, at talagang nasiyahan ako sa pakiramdam na hinahangaan ng lahat. Ayon dito, walang pag-aalinlangan na naniwala ako na ang pinakadakilang kagalakan sa buhay ay ang paghanga ng iba, at na ang pakiramdam na kaligayahan ay nagmula sa papuri ng iba. Lihim kong sinabi sa aking sarili: Gaano man kahirap at nakakapagod ito, dapat akong maging isang taong tanyag at may katayuan, at hindi kailanman hahamakin ng iba.Simula noon, naging patnubay sa buhay ko ang mga salawikain tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” at “Habang nabubuhay, maging tao ng mga tao; patay, maging kaluluwa ng mga kaluluwa” ay naging mga kasabihan ko sa buhay.