Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

15.4.18

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi)

panalangin, Espiritu, iglesia, Jesus, Buhay





     Kung ang napakalawak na gawain, at napakaraming mga salita, ay hindi tumalab sa iyo, kung gayon kapag dumating ang panahon upang ipalaganap ang gawain ng Diyos hindi mo magagampanan ang iyong tungkulin, at mapapahiya at hahamakin. Sa panahong iyon, madarama mo na napakalaki ang utang mo sa Diyos, na ang iyong kaalaman sa Kanya ay napakababaw. Kung hindi mo hinahabol ang kaalaman sa Diyos ngayon, habang Siya ay gumagawa, kung gayon sa dako pa roon ay magiging masyadong huli na. Sa katapusan, ikaw ay walang kaalamang masasabi—ikaw ay maiiwang hungkag, wala kahit ano. Ano nga, kung gayon, ang iyong gagamitin upang magsulit sa Diyos? Mayroon ka bang lakas-ng-loob na tumingin sa Diyos? Kailangan mong maging masigasig ngayon sa iyong paghahabol, upang sa katapusan, tulad ni Pedro, malalaman mo kung gaano kapakipakinabang ang pagkastigo at paghatol ng Diyos sa tao, at kung wala ang Kanyang pagkastigo at paghatol, ang tao ay hindi maililigtas, at lulubog lamang nang higit na malalim tungo rito sa maruming lupain, higit na malalim tungo sa putikan. Ang mga tao ay ginawang tiwali ni Satanas, naggagamitan laban sa isa’t isa at nagtatapakan sa isa’t isa, nawalan ng kanilang takot sa Diyos, at ang kanilang pagkamasuwayin ay napakatindi, ang kanilang mga pagkaintindi ay napakarami, at ang lahat ay kabilang kay Satanas. Kung wala ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, ang tiwaling disposisyon ng tao ay hindi malilinis at siya ay hindi maililigtas. Kung ano ang inihahayag ng gawain ng Diyos na naging tao sa katawan ay tiyak na yaong inihayag ng Espiritu, at ang gawain na Kanyang ginagawa ay isinasakatuparan ayon doon sa ginagawa ng Espiritu. Ngayon, kung wala kang kaalaman tungkol sa gawaing ito, kung gayon ikaw ay napakahangal at napakalaki ang nawala sa iyo! Kung hindi mo natamo ang pagliligtas ng Diyos, kung gayon ang iyong pananampalataya ay isang relihiyosong paniniwala, at ikaw ay isang Kristiyanong nasa relihiyon. Dahil ikaw ay nanghahawakan sa patay na doktrina, naiwala mo ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang iba, na naghahabol sa pag-ibig ng Diyos, ay nakamtan ang katotohanan at buhay, samantalang ang iyong pananampalataya ay hindi kayang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos. Sa halip, ikaw ay naging manggagawa ng kasamaan, isang taong gumagawa ng nakasisira at nakasusuklam na mga gawa, ikaw ay naging tampulan ng mga panunuya ni Satanas, at isang alipin ni Satanas. Ang Diyos ay hindi dapat paniwalaan ng tao, kundi ibigin niya, habulin at sambahin niya. Kung hindi ka naghahabol ngayon, kung gayon ay darating ang araw kung kailan sasabihin mo, “Kung nasunod ko lamang ang Diyos nang wasto at binigyang-kasiyahan Siya nang wasto. Kung naghabol lamang ako para sa mga pagbabago sa aking disposisyon sa buhay. Gaano ang aking pagsisisi sa hindi ko pagpapasakop sa Diyos noon, at sa hindi ko paghahabol na makamit ang kaalaman ng salita ng Diyos. Napakarami ang sinabi ng Diyos noon; bakit hindi ako naghabol? Ako ay napakatanga!” Kapopootan mo ang iyong sarili sa isang tiyak na punto. Ngayon, hindi mo paniniwalaan ang mga salitang Aking sinasabi, at hindi mo binibigyang-pansin ang mga iyon; kapag dumating na ang araw para ang gawaing ito ay lumaganap, at nakita mo ang kabuuan nito, magsisisi ka, at sa sandaling yaon ikaw ay matitigilan. Mayroong mga pagpapala, gayunma’y hindi mo alam kung paano magtamasa sa mga yaon, at naroon ang katotohanan, gayunma’y hindi mo ito hinahabol. Hindi ka ba nagdadala ng sumpa sa iyong sarili? Ngayon, bagaman magsisimula pa lamang ang susunod na hakbang sa gawain ng Diyos, walang anumang katangi-tangi tungkol sa mga hinihingi sa iyo at sa kung ano ang ipinasasabuhay sa iyo. Napakalaki ang gawain, at napakarami ang mga katotohanan; ang mga yaon ba ay hindi karapat-dapat na malaman mo? Hindi ba kayang gisingin ng pagkastigo at paghatol ng Diyos ang iyong espiritu? Hindi ba kaya ng pagkastigo at paghatol ng Diyos na tulutan kang kamuhian ang iyong sarili? Sapat na ba sa iyo na mamuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng mga tao? Wala nang hihigit pa ang kamangmangan kaysa mga yaong nakakita sa kaligtasan nguni’t hindi hinahabol na makamit ito: Sila ay mga taong nagpapakabusog sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga pagsubok o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahabol ang mga bagay na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na mga kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong mga hindi naghahabol sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay mga hayop? Hindi ba’t lahat niyaong mga taong patay na walang mga espiritu ay lumalakad na mga bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting trabaho lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? At bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa iyong mga kaisipan na masyadong mataas? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung hindi mo kayang matamo ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? Ang iyong hinahabol ay para matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos—upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang-lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak-na-lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak-na-babae ay makatagpo ng disenteng asawang-lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng mabuting panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunma’y hindi ka naghahabol. Hindi ba isa ka sa mga yaong naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob ko ang tunay na pantaong buhay sa iyo, gayunma’y hindi ka naghahabol. Hindi ba’t hindi ka naiiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahabol ng buhay ng tao, hindi nila hinahabol na malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawa’t araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay ko na sa iyo ang tamang daan, gayunma’y hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas-ng-loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tamang daan ay naibigay na sa iyo, nguni’t kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahabol. Sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay isang matuwid na Diyos, at hangga’t sinusunod Siya ng tao hanggang sa katapus-tapusan, tiyak na magiging patas Siya tungo sa tao, sapagka’t Siya ang pinakamatuwid. Kung sinusunod Siya ng tao hanggang sa katapus-tapusan, kaya ba Niyang isantabi ang tao? Ako ay patas sa lahat ng mga tao, at hinahatulan ang lahat ng mga tao ayon sa Aking matuwid na disposisyon, gayunman mayroong akmang mga kundisyon sa mga kinakailangan Ko sa tao, at yaong Aking kailangan ay dapat na matupad ng lahat ng mga tao, maging sinuman sila. Hindi Ko alintana kung gaano kalawak o kung gaano kagalang-galang ang iyong mga kakayahan; ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung lumalakad ka sa Aking daan, at kung umiibig ka at nauuhaw para sa katotohanan o hindi. Kung ikaw ay kulang sa katotohanan, at sa halip nagdadala ng kahihiyan sa Aking pangalan, at hindi kumikilos ayon sa Aking daan, sumusunod lamang nang walang pakialam o malasakit, kung gayon sa sandaling iyon ay pababagsakin kita at parurusahan dahil sa iyong kasamaan, at ano nga ang masasabi mo sa panahong iyon? Masasabi mo bang ang Diyos ay hindi matuwid? Ngayon, kung nakasunod ka sa mga salita na Aking binitiwan, kung gayon ikaw ang uri ng taong Aking sinasang-ayunan. Sinasabi mo na ikaw ay laging nagdurusa habang sumusunod sa Diyos, na nakasunod ka sa Kanya sa anumang kalagayan, at naibahagi sa Kanya ang mabubuting mga panahon at ang masasama, nguni’t hindi mo naisabuhay ang mga salitang winika ng Diyos; ninanais mo lamang na habulin ang Diyos sa bawa’t araw, at kailanma’y hindi naisip na isabuhay ang isang buhay na makahulugan. Sinasabi mo na, sa ano mang katayuan, naniniwala ka na ang Diyos ay matuwid: Nagdusa ka para sa Kanya, gumawa para sa Kanya, at inilaan ang iyong sarili sa Kanya, at masigasig na nakagawa kahit hindi tumatanggap ng anumang pagkilala; tiyak na aalalahanin ka Niya. Totoo na ang Diyos ay matuwid, gayunman ang pagkamatuwid na ito ay walang bahid ng anumang karumihan: Wala itong taglay na pantaong kalooban, at hindi nabahiran ng laman, o pantaong pag-uugnayan. Ang lahat ng mga mapanghimagsik at kasalungat, at hindi nakaayon sa Kanyang daan, ay parurusahan; walang pinatatawad, at walang ititira! May mga tao na nagsasabi, “Ngayon ay gumagawa ako para sa Iyo; kapag dumating ang katapusan, maaari Mo ba akong bigyan ng munting pagpapala?” Kaya tinatanong kita, “Nakatupad ka ba sa Aking mga salita?” Ang pagkamatuwid na iyong sinasalita ay nakasalig sa isang pag-uugnayan. Iniisip mo lamang na Ako ay matuwid, at hindi nagtatangi sa lahat ng mga tao, at ang lahat ng mga yaong sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay siguradong maliligtas at makakamtan ang Aking mga pagpapala. Mayroong panloob na kahulugan ang Aking mga salita na “lahat niyaong mga sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay tiyak na maliligtas”: Lahat niyaong mga sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay silang mga lubos Kong makakamtan, sila yaong, pagkatapos Kong malupig, ay hinahanap ang katotohanan at ginagawang perpekto. Anong mga kalagayan ang iyong natamo? Ang nakamit mo lamang ay pagsunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan, nguni’t bukod doon ay ano pa? Ikaw ba ay nakatugon sa Aking mga salita? Natupad mo ang isa sa Aking limang kailangan, gayunman ay wala kang hangarin na tuparin ang natitirang apat. Natagpuan mo ang pinakasimple, pinakamadaling landas, at hinabol ito habang iniisip na ikaw ay mapalad. Sa gayong tao na katulad mo ang Aking matuwid na disposisyon ay isa ng pagkastigo at paghatol, ito ay isa ng matuwid na kagantihan, at ito ay ang matuwid na pagpaparusa sa lahat ng mga manggagawa ng kasamaan; lahat niyaong mga hindi lumalakad sa Aking daan ay tiyak na parurusahan, kahit na sila ay sumunod hanggang sa katapus-tapusan. Ito ang pagkamatuwid ng Diyos. Kapag ang ganitong matuwid na disposisyon ay inihayag sa pagpaparusa sa tao, ang tao ay matitigilan, at magsisisi na, habang sinusunod ang Diyos, hindi siya lumakad sa Kanyang daan. Noong panahong yaon, nagdusa lamang siya nang kaunti habang sumusunod sa Diyos, nguni’t hindi lumakad sa daan ng Diyos. Ano ang mga maidadahilan? Wala nang ibang pagpipilian kundi ang makastigo! Gayunman sa kanyang isipan siya ay nag-iisip, “Hindi bale, nakasunod naman ako hanggang sa katapus-tapusan, kaya kahit na kastiguhin Mo ako, hindi ito magiging matinding pagkastigo, at pagkatapos mailapat ang pagkastigong ito ay nanaisin Mo pa rin ako. Alam kong matuwid Ka, at hindi Mo ako pakikitunguhan nang gayon magpakailanman. Sapagka’t hindi ako katulad niyaong mga papawiin; yaong mga papawiin ay makatatanggap ng matinding pagkastigo, samantalang ang sa aking pagkastigo ay magiging mas magaan.” Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi gaya ng iyong sinabi. Hindi ito ang kaso na yaong mga mabubuti at umaamin ng kanilang mga pagkakamali ay pinakikitunguhan nang maluwag. Ang pagkamatuwid ay kabanalan, at isang disposisyon na hindi nagpapabaya sa pagkakasala ng tao, at lahat ng marumi at hindi nabago ay ang tampulan ng poot ng Diyos. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi batas, kundi isang utos ng pangasiwaan: Ito ay utos ng pangasiwaan sa kaharian, at ang utos na ito ng pangasiwaan ay ang matuwid na kaparusahan sa sinumang hindi nagtataglay ng katotohanan at hindi nababago, at walang patagana para sa kaligtasan. Sapagka’t kapag ang bawa’t tao ay pinagsama-sama ayon sa uri, ang mabuti ay gagantimpalaan at ang masama ay parurusahan. Yaon ang panahon na ang hantungan ng tao ay lilinawin, ito ang panahon na ang gawain ng pagliligtas ay darating sa katapusan, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay natapos na, at ang paghihiganti ay ilalapat sa bawa’t isa niyaong gumawa ng masama. Ang ilan ay magsasabi, “Naaalala ng Diyos ang lahat ng mga madalas na nasa tabi Niya. Isa ako sa mga yaong kapatid na lalaki at babae, at hindi makakalimutan ng Diyos ang sinuman sa atin. Tayo ay binigyang-katiyakan na gagawing perpekto ng Diyos. Hindi Niya maaalala ang sinuman sa mga yaong nasa ibaba natin, yaong nasa gitna nila na gagawing perpekto ay tiniyak na mas kaunti kaysa sa atin, na madalas na makaharap ang Diyos; wala sa gitna natin ang nakalimutan ng Diyos, lahat tayo ay sinang-ayunan ng Diyos, at tiniyak na gagawing perpekto ng Diyos.” Lahat kayo ay may gayong pagkaintindi; ito ba ay pagkamatuwid? Isinagawa mo ba ang katotohanan o hindi? Ikaw sa katunayan ay nagkakalat ng mga sabi-sabing gaya nito—wala kang kahihiyan!


      Ngayon, ang ilang mga tao ay naghahabol na magamit ng Diyos, nguni’t pagkatapos malupig hindi na sila magamit nang tuwiran. Hinggil sa mga bagay na sinasabi ngayon, kung, kapag ginagamit ng Diyos ang mga tao, hindi mo pa rin kayang tuparin ang mga iyon, kung gayon ikaw ay hindi pa nagawang perpekto. Sa madaling salita, ang pagdating ng katapusan ng sakop ng panahon kapag ang tao ay nagawang perpekto ay magtatakda kung ang tao ba ay aalisin o gagamitin ng Diyos. Yaong mga nalupig ay hindi hihigit sa mga halimbawa ng pagsasawalang-kibo at pagiging negatibo; sila ay mga uliran at halimbawa, nguni’t sila ay hindi hihigit sa isang paghahalo. Tangi lamang na kung ang tao ay may buhay, ang kanyang disposisyon ay nabago, at nakamit niya ang mga pagbabago sa panloob at panlabas siya magiging nagawang ganap. Ngayon, alin ang nais mo, ang magpalupig o gawing perpekto? Alin ang nais mong makamit? Ilan sa mga kundisyon sa pagiging nagawang perpekto ang iyong natupad? Alin ang mga hindi mo natupad? Paano mo dapat sangkapan ang iyong sarili, at paano mo dapat punuan ang iyong mga pagkukulang? Paano ka dapat pumasok tungo sa landas ng pagiging nagawang perpekto? Paano ka dapat lubusang magpasakop? Hinihiling mong magawang perpekto, kaya hinahabol mo ba ang kabanalan? Hinahabol mo ba ang pagkastigo at paghatol upang maingatan ka ng Diyos? Hinahabol mo ang pagiging nalinis, kaya handa ka bang tanggapin ang pagkastigo at paghatol? Hinihiling mong makilala ang Diyos, nguni’t mayroon ka bang kaalaman sa Kanyang pagkastigo at paghatol? Ngayon, karamihan ng gawaing Kanyang ginagawa sa iyo ay pagkastigo at paghatol; ano ang iyong kaalaman sa gawaing ito, na naisakatuparan sa iyo? Ang mga naranasan mo bang pagkastigo at paghatol ay nakalinis sa iyo? Nabago ka ba nito? Nagkaroon ba ito ng anumang bunga sa iyo? Pagod ka na ba sa labis-labis na mga gawain sa ngayon—mga sumpa, mga paghatol, at mga pagsisiwalat—o nadarama mo ba na may malaking kapakinabangan ang mga ito sa iyo? Iniibig mo ang Diyos, nguni’t sa anong dahilan mo Siya iniibig? Iniibig mo ba ang Diyos dahil nakatanggap ka lamang ng kaunting biyaya, o iniibig mo ang Diyos pagkatapos magkamit ng kapayapaan at kagalakan? O iniibig mo ang Diyos pagkatapos malinis ng Kanyang pagkastigo at paghatol? Ano ba ang tumpak na nagtutulot sa iyo na ibigin ang Diyos? Alin-alin bang mga kundisyon ang tinupad ni Pedro upang magawang perpekto? Pagkatapos niyang magawang perpekto, ano ba ang mahalagang paraan kung saan ito ipinahayag? Inibig ba niya ang Panginoong Jesus dahil humihibik siya para sa Kanya, o dahil sa hindi niya Siya nakikita, o dahil sa siya ay sinisi? O inibig ba niya ang Panginoong Jesus nang higit pa dahil tinanggap niya ang pagdurusa dala ng mga kapighatian, at nakarating sa pagkakaalam ng sarili niyang karumihan at pagkamasuwayin, at nakarating sa pagkakaalam ng kabanalan ng Diyos? Naging higit bang dalisay ang kanyang pag-ibig sa Diyos dahil sa pagkastigo at paghatol ng Diyos o mayroong ibang dahilan? Alin ito? Iniibig mo ang Diyos dahil sa biyaya ng Diyos, at dahil ngayon ay nabigyan ka Niya ng ilang munting pagpapala. Ito ba ay tunay na pag-ibig? Paano mo nga ba dapat ibigin ang Diyos? Dapat mo bang tanggapin ang Kanyang pagkastigo at paghatol, at pagkatapos mamasdan ang Kanyang matuwid na disposisyon, makayang ibigin Siya nang tunay, anupa’t ikaw ay lubusang napaniwala, at magkaroon ng kaalaman sa Kanya? Tulad ni Pedro, masasabi mo bang hindi mo maibig ang Diyos nang sapat? Ang iyo bang hinahabol ay ang malupig pagkatapos ng pagkastigo at paghatol, o malinis, maingatan at makalinga matapos ang pagkastigo at paghatol? Alin sa mga ito ang iyong hinahabol? Makahulugan ba ang iyong buhay, o ito ay walang-layunin at walang-halaga? Gusto mo ba ang laman o nais mo ang katotohanan? Hinihiling mo ba ang paghatol, o kaginhawahan? Yamang napakalawak ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, at yamang namasdan mo ang kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos, paano ka dapat naghahabol? Paano ka dapat lumalakad sa landas na ito? Paano mo dapat isagawa ang iyong pag-ibig sa Diyos? Ang pagkastigo at paghatol ba ng Diyos ay nagkaroon ng epekto sa iyo? Kung ikaw man ay may kaalaman sa pagkastigo at paghatol ng Diyos o wala ay nakasalalay sa kung ano ang iyong isinasabuhay, at kung hanggang saan mo iibigin ang Diyos! Sinasabi ng iyong mga labi na iniibig mo ang Diyos, nguni’t ang iyong isinasabuhay ay ang luma at tiwaling disposisyon; wala kang takot sa Diyos, at lalong wala kang konsensya. Iniibig ba ng gayong mga tao ang Diyos? Ang gayong mga tao ba ay matapat sa Diyos? Sila ba yaong mga tumatanggap sa pagkastigo at paghatol ng Diyos? Sinasabi mong iniibig mo ang Diyos at naniniwala ka sa Kanya, nguni’t hindi mo binibitawan ang iyong mga pagkaintindi. Sa iyong gawain, pagpasok, mga salitang iyong sinasambit, at sa iyong buhay, walang kahayagan ng iyong pag-ibig sa Diyos, at walang paggalang sa Diyos. Siya ba yaong nakatamo ng pagkastigo at paghatol ng Diyos? Maaari kayang ang taong gaya nito ay si Pedro? Ang mga yaon ba na katulad ni Pedro ay mayroon lamang ng kaalaman nguni’t hindi ang pagsasabuhay? Ngayon, ano ang kundisyon na kinakailangan sa tao upang isabuhay ang totoong buhay? Ang mga panalangin ba ni Pedro ay mga salita lamang na lumabas sa kanyang bibig? Hindi ba’t ang mga iyon ay mga salitang mula sa kaibuturan ng kanyang puso? Si Pedro ba ay nanalangin lamang at hindi isinasagawa ang katotohanan? Para kanino ang iyong paghahabol? Paano mo mapaiingatan at maipalilinis ang iyong sarili sa panahon ng pagkastigo at paghatol ng Diyos? Hindi ba kapaki-pakinabang sa tao ang pagkastigo at paghatol ng Diyos? Ang lahat ba ng paghatol ay kaparusahan? Tanging ang kapayapaan at kagalakan lamang ba, mga materyal na pagpapala at panandaliang kaginhawahan, ang kapaki-pakinabang sa buhay ng tao? Kung ang tao ay nabubuhay sa kaaya-aya at maginhawang kapaligiran, isang buhay na walang paghatol, malilinis ba siya? Kung nais ng tao na siya ay mabago at malinis, paano niya tatanggapin ang pagiging nagawang perpekto? Alin ang landas na dapat mong piliin ngayon? 

Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi)
  
Ang pinagmulan:Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi) 

Rekomendasyon:

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento