Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban. Ipakita ang lahat ng mga post

22.2.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos


 Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos

  Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Pagkatapos lamang na ang tao ay nagkaroon ng tiwaling disposisyon kaya ang gawain ng pamamahala ay dumating sa pag-iral, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay sumasaklaw sa tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay. Kung wala ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, hindi rin magkakaroon ng tatlong mga yugto ng gawain. Tiyak na ito ay dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil ang sangkatauhan ay nasa gayong madaliang pangangailangan ng kaligtasan, na winakasan ni Jehova ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahong iyon pa lamang nag-umpisa ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugang sa panahong iyon lamang nag-umpisa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang “pamamahala sa sangkatauhan” ay hindi nangangahulugang paggabay sa buhay ng sangkatauhan, bagong-likha, sa lupa (ibig sabihin, ang sangkatauhang hindi pa nagiging tiwali). Bagkus, ito ang pagliligtas ng isang sangkatauhan na natiwali ni Satanas, na ibig sabihin, ito ay ang pagpapabagong-anyo sa tiwaling sangkatauhang ito. Ito ang kahulugan ng pamamahala sa sangkatauhan. Hindi kabilang sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ang paglikha ng mundo, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi nagsasama sa gawain ng paglikha sa mundo, at kabilang lamang ang tatlong mga yugto ng gawain na hiwalay mula sa paglikha sa mundo. Upang maunawaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, kailangang malaman ang kasaysayan ng tatlong mga yugto ng gawain—ito ang dapat malaman ng lahat upang maligtas. Bilang mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong kilalanin na ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat kilalanin ang pinagmulan ng katiwalian ng tao, at, bukod doon, dapat kilalanin ang paraan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kung nalalaman lamang ninyo kung paano kumilos nang ayon sa doktrina upang makamtan ang pabor ng Diyos, nguni’t walang alam tungkol sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o sa pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, kung gayon ito ang inyong kakulangan bilang isang nilalang ng Diyos. Hindi ka lamang dapat makuntento sa pagkaunawa sa mga katotohanang maaaring maisagawa, habang nananatiling mangmang tungkol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos—kung ito ang katayuan, ikaw ay masyadong dogmatiko. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang napapaloob na kasaysayan ng pamamahala ng Diyos sa tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong sansinukob, ang pinakamalaking hiwaga sa gitna ng buong sangkatauhan, at siya ring saligan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kung ikaw ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga payak na katotohanan na may saysay sa iyong buhay, at walang alam tungkol dito, ang pinakamalaki sa lahat ng mga hiwaga at mga pangitain, kung gayon hindi ba ang iyong buhay ay tulad ng isang sirang produkto, walang silbi kundi ang matingnan lamang?

14.2.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.

Biyaya, Daan, kalooban, Patotoo, naligtas

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.

 Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


   Bago siya pinasama ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos pasamain ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. … “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging pinag-isang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may lihis na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay pinasama ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkakaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, bukod pa riyan, ay nagpupukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit siya pa ring humahatol sa Kanya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila nang kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong katinuan na hindi batay sa katotohanan.

10.2.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

kalooban, Patotoo, Biyaya, Kristiyano, Kaharian

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

   Ang gawain ng Diyos sa gitna ng mga tao ay hindi maihihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Diyos. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang mga gawain ay hindi maihihiwalay mula sa Diyos, at lahat ay pinipigilan ng mga kamay ng Diyos, at maaari pang masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring magkaila nito, dahil ito ay isang katunayan.

7.2.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Paghatol, maglingkod, kalooban, Kaligtasan, katotohanan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Baixue    Shenyang City

  Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.

4.2.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol 

I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.

16.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

kalooban, pag-ibig, karunungan, Pananampalataya, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

    Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas ng tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang malinaw na malaman ng bawat tagasunod. ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

13.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Biyaya, kalooban, Pag-asa, katotohanan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain.

12.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

Biyaya, kalooban, pag-ibig, buhay,

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

  Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay namumuhay sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehova, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawalan ka ng lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagsagip, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang magpunyagi at maging abala. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masama, napalayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga panustos ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masama, na tinukso ka papunta sa walang hangganang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kawalang kasalanan, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masama ang naglalayo sa iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na takot dito, hindi na ito iniiwasan, hindi na rin ito pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin ito bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na itong idambana, sambahin ito, hindi ka mahiwalay na para bang anino nito, at kapwa nangako sa isa’t isa sa buhay at kamatayan. Wala kang kaalam-alam kung saan ka nagmula, bakit ka umiiral, o bakit ka namamatay. Ang tingin mo sa Makapangyarihan sa lahat ay isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang masama, mula noong parehong araw na nagsimula kang tumanggap ng mga panustos mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masama ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama ito, sumasalungat ka sa Diyos, na pinagmulan ng iyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na ang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkapahamak. Nakakalimutan mo na ang masama ay natukso ka, pinahirapan ka; nakakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Ganoon lang, ang masama ay namiminsala sa iyo unti-unti, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay hindi na sensitibo at nabubulok na. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ay dahil itinuturing mo ang masama bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang lihim sa iyong puso.

9.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

katotohanan, Panalangin, Biyaya, kalooban, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

  Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos?

8.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)

  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ano ang nakikita mo dito? Kapag ang Diyos ay gumagawa bilang isang tao, marami sa Kanyang mga pamamaraan, mga salita, at mga katotohanan ay ipinapahayag lahat sa paraan ng tao. Ngunit gayundin sa disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang Kanyang kalooban ay ipinahahayag para malaman at maintindihan ng mga tao.

27.12.17

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita


I
Nagmamahal sa isa't-isa, tayo ay pamilya.
Ahh ... ahh ... ahh …
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita;
isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos.
Na walang kinikilingan; malapit na samasama,
ang tamis at saya sa puso'y umaapaw.
Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon;
ngayon tayo'y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos.
Gaano kasaya kung tayo'y
nagkakaintindihan at walang katiwalian.
Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya.
Na walang kinikilingan, malapit na samasama. 
Ahh ... ahh ... ahh ...
oohing……

15.12.17

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (6)

kalooban,  Kaalaman, paniniwala,  maghintay, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Landas… (6)


  Dahil sa gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan.

14.12.17

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (5)

kalooban, Ang Kalooban ng Diyos, maniwala sa Diyos, Kaharian, karunungan

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Landas... (5)


  Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos.

7.12.17

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao

kalooban, trono, umasa sa, Kaligtasan, Diyos
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao

  Naging nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang katawang-tao na bagay, kundi ang tao, na katawang-tao at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang katawang-tao ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong nagkatawang-tao na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang may kamatayan na nilalang, na may katawang-tao at dugo, at ang Diyos lamang ang Nag-iisa na maaaring magligtas sa tao.