Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-asa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-asa. Ipakita ang lahat ng mga post

13.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Biyaya, kalooban, Pag-asa, katotohanan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain.

10.12.17

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (4)

Biyaya, Pag-asa , Diyos, kaluwalhatian, Pedro

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (4)


  Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos.

5.12.17

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (2)

pag-ibig, kaluwalhatian, Isabuhay, Pag-asa , Diyos

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (2)
  Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito. Ako ay umaasa na ang mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking pakiramdam, at Ako rin ay mapagkumbabang humihiling na lahat ng mga bumabasa ng Aking mga salita ay uunawain at patatawarin ang Aking maliit na tayog, na ang Aking karanasan sa buhay ay tunay na ‘di-sapat, at totoong hindi Ko maitaas ang Aking ulo sa harap ng Diyos.

2.12.17

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian”

kapalaran, Diyos, Pag-asa , Ipako sa Krus, kaluwalhatian

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian”

  Paano ninyo tinitingnan ang pangitain ng Milenyong Kaharian? Masyadong nag-iisip ang ilang tao tungkol dito, at sinasabi na ang Milenyong Kaharian ay magtatagal ng isang libong taon sa lupa, kaya’t kung ang mga nakatatandang miyembro ng iglesia ay hindi pa nakakapag-asawa, dapat ba silang magpakasal na? Ang aking pamilya ay walang pera, dapat ba akong magsimulang maghanap ng pera? … Ano ang Milenyong Kaharian? Alam ba ninyo? Ang mga tao ay malabo ang mata, at nagdurusa ng mahigpit na pagsubok. Sa katunayan, ang Milenyong Kaharian ay hindi pa opisyal na dumating. Sa yugto nang paggawang perpekto sa mga tao, ang Milenyong Kaharian ay maliit lamang na daigdig; sa panahon ng Milenyong Kaharian na binigkas ng Diyos, ang mga tao ay nagiging perpekto. Sa nakaraan, sinasabi na ang mga tao ay magiging tulad ng mga banal at maninindigan sa lupain ng Sinim. Tanging kapag ang mga tao ay nagawang perpekto—kapag sila ay naging mga banal na binanggit ng Diyos—makararating na ang Milenyong Kaharian. Kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, dinadalisay Niya sila, at mas dalisay sila mas higit silang ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag ang karumihan, paghihimagsik, pagsalungat, at ang mga bagay ng laman sa iyong loob ay naalis, kapag ikaw ay napadalisay, ikaw ay mamamahalin ng Diyos (sa ibang salita, ikaw ay magiging banal); kapag ikaw ay nagawang perpekto ng Diyos at maging banal, ikaw ay mapapabilang sa Milenyong Kaharian. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian ang mga tao ay umaasa sa mga salita ng Diyos upang mabuhay, at lahat ng mga bansa ay mapapasailalim sa pangalan ng Diyos, at ang lahat ay pupunta upang basahin ang mga salita ng Diyos. Sa oras na iyon ang ilan ay tatawag gamit ang telepono, ang ilan ay fax … gagamit sila ng bawa’t kaparaanan upang maabot ang mga salita ng Diyos, at kayo, rin, ay mapapasa-ilalim ng mga salita ng Diyos. Ang lahat ng ito ang mangyayari matapos gawing perpekto ang mga tao. Ngayon, ang mga tao ay ginagawang perpekto, pinipino, nililiwanagan, at ginagabayan ng mga salita; ito ay ang Kapanahunan ng Kaharian, ito ay ang yugto na ang mga tao ay ginagawang perpekto, at ito ay walang kaugnayan sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ang mga tao ay nagawang perpekto na at ang tiwaling disposisyon sa loob nila ay nagawa nang dalisay. Sa panahong iyon, ang mga salita na binigkas ng Diyos ang gagabay sa mga tao sa bawat hakbang, at ihahayag ang lahat ng mga misteryong ginawa ng Diyos mula sa oras ng paglikha hanggang sa ngayon, at ang Kanyang mga salita ang magsasabi sa mga tao ng mga pagkilos ng Diyos sa bawa’t kapanahunan at bawa’t araw, kung paano Niya pinatnubayan ang mga tao sa loob, ng gawain Niya sa espirituwal na kaharian, at sasabihin sa mga tao ang mga dinamika ng espirituwal na kaharian. Tanging pagkatapos lamang niyon magiging tunay na ganap ang Kapanahunan ng Salita; ngayon ay tanging isang maliit na daigdig. Kung ang mga tao ay hindi pa perpekto at dalisay, imposibleng mabuhay sila ng isang libong taon sa lupa, at ang kanilang laman ay tiyak na mabubulok; kung ang mga tao ay dinadalisay sa loob, at hindi na sila kay Satanas at sa laman, sa gayon sila ay mananatiling buhay sa lupa. Sa yugtong ito ikaw ay isa pa ring malabo ang mata, at lahat ng inyong nararanasan ay ang pagmamahal sa Diyos at pagpapatotoo sa Kanya sa bawat araw na nabubuhay ka sa lupa.