Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

7.8.19



Tagalog Christian Movie | Huwag Magtuon sa Biblia |  Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon


Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit.

17.5.19

Pagkilala sa Diyos | Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong


(Gen 6:9-14) Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios. At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet. At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan. At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa. Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.

5.5.19

Salita ng Diyos |Tungkol sa mga Hakbang ng Gawain ng Diyos


Salita ng Diyos |Tungkol sa mga Hakbang ng Gawain ng Diyos


Mula sa labas, tila natapos na ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa kasalukuyang yugtong ito, at parang naranasan na ng sangkatauhan ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng Kanyang mga salita, at tila sumailalim na sila sa mga hakbang kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo, ang pagpipino sa mga panahon ng pagkastigo, ang pagsubok ng kamatayan, ang pagsubok ng mga hambingan, at ang mga panahon ng[a] pag-ibig sa Diyos.

23.4.19

Mga Movie Clip|"Sino Siya na Nagbalik" Clip 6 - Tanging ang Salita ng Diyos ang Makapagbibigay ng Buhay sa Tao


Tagalog Christian Movie|"Sino Siya na Nagbalik" Clip 6 - Tanging ang Salita ng Diyos ang Makapagbibigay ng Buhay sa Tao


Maraming tao ang naniwala sa Diyos sa loob ng isang libong taon, ngunit napakakaunti ang nakaintindi kung ano ang katotohanan, at mas kaunti pa ang nakaintindi kung bakit nagagawa ng katotohanan na maging mga buhay natin, at kung ano eksakto ang maaaring resulta nito.

7.4.19

Salita ng Diyos|Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Salita ng Diyos|Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao

Ang lahat ng mga tao ay kailangang makaunawa sa layunin ng Aking gawain sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito nagiging ganap. Kung, pagkaraang maglakad na kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa nakakaunawa kung tungkol saan ang Aking gawain, kung gayon hindi ba walang-kabuluhan ang paglalakad nilang kasama Ko?

26.3.19

Drama-musikal | "Kuwento ni Xiaozhen" Clip 3 - Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaan

 

Drama-musikal | "Kuwento ni Xiaozhen" Clip 3 - Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaan




Sa mundong ito ng masasamang loob kung saan pera ang hari, anong mga pagpapasiya ang ginagawa ng tunay na dalisay at mabuting si Xiaozhen, para sa buhay at kaligtasan …


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng

16.2.19

Kung 'Di Ako Iniligtas ng Diyos






Tagalog Gospel Songs

  • Kung 'Di Ako Iniligtas ng Diyos
  •  

  • I
  • Kung 'di ako iniligtas ng Diyos,
  • palaboy pa rin hanggang ngayon,
  • naghihirap, nagkakasala,
  • bawa't araw walang pag-asa.
  • Kung 'di ako iniligtas ng Diyos,
  • niyuyurakan pa rin ng d'yablo,
  • nabitag sa sala't layaw nito,
  • mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko.

11.2.19

Tagalog Christian Music Video | "Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu" (Tagalog Dubbed)



 Tagalog Christian Music Video | "Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu" (Tagalog Dubbed)
I

Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan. Walang suporta at tulong, ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata, sinusuong ang lahat, inilalantad walang dangal na buhay sa mundo sa katawang kaluluwa ay walang malay.

23.12.18

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan

Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan

Zhang Hua, Cambodia

    Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.

25.11.18

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos|Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"



Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi Ako kailanman nakatagpo ni isa na totoong inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nalipat. Samakatuwid, hindi Ko nais na ibuhos nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ihayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas Ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat ng sumunod sa Akin na makatanggap ng Aking kaligtasan at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa Ako na isang araw, kapag isinara mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi isang walang sigla, malamig na mundo kung saan ang kadiliman ay binabalot ang kalangitan at ang mga alulong ay hindi kailanman magwawakas."

18.11.18

Mga Himno ng mga Salita ng Diyos| Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita



 Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita


I Sa mga huling araw, Diyos ay nagiging-tao. Sa salita Niya tinutupad lahat, Sa salita Niya inihahayag lahat. Tanging sa salita makikita ang ganap na Siya, na mismong Siya ay Diyos. Pumaparito sa lupa ang naging-taong Diyos tanging upang ihayag ang Kanyang salita. Kaya, wala nang tanda, sapat na ang salita ng Diyos. II Dumarating ang Diyos sa lupa sa mga huling araw, upang makilala Siya sa ministeryo ng salita. Sa salita'y kita lahat kung sino Siya, ang dunong at mga dakila Niyang gawa. Sa Kapanahunan ng Kaharian, sa salita nilulupig ng Diyos ang tao. Darating rin ang mga salita Niya sa lahat ng dibisyon, sekta, saklaw, at denominasyon. Sa salita'y lulupigin Niya sila, upang makita ng lahat ang awtoridad at kapangyarihang dala ng salita Niya. Kaya salita lang ng Diyos ang nasa harap mo ngayon. III Sa paghayag ng kapangyariha't awtoridad ng salita ng Diyos, lahat nang sinabi ng Diyos ay kailangang maganap, at isa-isang matutupad. Kaya maluluwalhati ang Diyos sa mundo, na salita Niya'y maghahari. Sa mga salita ng Diyos, masasama'y nakastigo, at matutuwid ay napagpala. Nakumpleto't naitatag lahat sa mga salita ng Diyos. Ginaganap lahat ng Diyos sa salita nang walang mga himala, reyalidad ay sa salita Niya. Sa Kapanahunan ng Kaharian, gawa ng Diyos sa salita ginagawa. Sa salita, nakakamit Niya mga resulta ng gawain Niya, walang mga kababalaghan at himala; Sa salita lamang Siya gumagawa. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:    Tagalog Music

13.11.18

Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian




  • Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
  • Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian

    •  I
    • Diyos ay gumagawa sa buong sansinukob.
    • Dagundong ng ingay sa Silanganang 'di tumitigil,
    • nililiglig lahat ng denominasyo't lahat ng sekta.
    • Ito'y tinig ng Diyos, lahat dinala sa kasalukuyan.
    • Ito'y Kanyang tinig na sa lahat ay lulupig.
    • Sila'y nahuhulog sa agos nito, at nagpapasakop sa Kanya.
    • Matagal nang nabawi ng Diyos sa lupa ang luwalhati,
    • at mula Silangan ay inilabas Niyang muli.
    • Sinong 'di sabik makita ang luwalhati ng Diyos?
    • Sinong 'di naghihintay at nananabik Sa Kanyang pagbabalik?
    • Sinong hindi nauuhaw na Siya'y magpakitang muli?
    • Sinong 'di nangungulila sa Kanyang kariktan?
    • Sinong 'di lalapit tungo sa liwanag?
    • Sinong di nais makita yaman ng Canaan?
    • Sinong 'di nananabik sa pagbalik ng Manunubos?
    • Sinong 'di hanga sa Makapangyarihan-sa-lahat?
    • II
    • Ang tinig ng Diyos dapat lumaganap sa buong mundo.
    • Sa Kanyang bayang hirang, marami pa Siyang sasabihin.
    • Gaya ng malakas na kulog, inaalog ang bundok at mga ilog,
    • Siya'y nangungusap sa lahat ng tao at sa buong kalawakan.
    • Kaya't salita ng Diyos sa tao'y nagiging yaman.
    • Kanyang mga salita, minamahal ng lahat.
    • Kidlat kumikislap nang tuwid mula Silangan hanggang Kanluran.
    • Ang Salita ng Diyos tao'y mamuhing ito'y bitiwan.
    • Salita ng Diyos di-maarok nguni't nagpapagalak.
    • Lahat nagdiriwang sa pagdating ng Diyos na parang bagong silang.
    • Tinig ng Diyos tao'y nahahalina sa harap Niya.
    • Diyos ay pormal na pumapasok sa gitna ng katauhan.
    • Lahat lumalapit at sumasamba sa Diyos dahil dito.
    • Dahil sa luwalhati't salita na binibigay ng Diyos,
    • lahat lumalapit sa harap ng Diyos, nakikita kidlat mula sa Silangan.
    • III
    • Diyos ay bumaba sa Bundok Olibo sa Silangang.
    • Siya'y matagal na sa lupa, di na "Anak ng mga Hudyo."
    • Siya'y Kidlat ng Silangan, pagka't Siyay nabuhay na muli.
    • Lumisan Siya't ngayo'y nagpakitang puno ng luwalhati.
    • Siya ay Diyos na sinasamba bago ang mga kapanahunan,
    • "sanggol" na 'tinakwil ng mga Israelita mula yugtong yaon.
    • Siya'ng ganap na maluwalhating
    • Makapangyarihang Diyos ng kapanahunan ngayon!
    • Lahat nang nais Niyang makamit walang-iba kundi ito:
    • Lahat ng tao'y lumalapit sa Kanyang trono,
    • makita ang Kanyang mukha't gawa, marinig Kanyang tinig.
    • Ito ang wakas at rurok ng Kanyang plano,
    • at ang layunin ng pamamahala ng Diyos.
    • Kaya lahat ng bansa'y sumasamba't kinikilala Siya.
    • Lahat ng tao'y tiwala at nagpapasakop sa Kanya!
    •  
    • mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5.11.18

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala



  • Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
  • Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala

  •  
  • I
  • Yaong mga handang tumanggap sa pagmamasid ng Diyos
  • ay yaong mga habol ang pagkakilala sa Diyos.
  • Sila'y handang tanggapin ang salita ng Diyos.
  • Kanilang makakamit, pamana't mga pagpapala ng Diyos.
  • Sila yaong mga pinak-apinagpala.
  • Isinusumpa ng Diyos ang mga walang puwang para sa Kanya.
  • Kinakastigo Niya't iniiwan sila.
  • Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
  • minamahal ang kaliwanagan N'ya,
  • kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
  • minamahal ang pag-iingat N'ya,
  • kung minamahal mo ang salita ng Diyos
  • bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
  • kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
  • Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
  • pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.
  • II
  • Gumagawa ang Diyos sa mga habol ang salita N'ya,
  • at gumagawa S'ya sa nagmamahal sa mga 'yon.
  • Mas minamahal mo ang mga iyon, mas gumagawa S'ya.
  • Mas pinahahalagahan ang salita ng Diyos,
  • mas may pag-asa silang magawang perpekto.
  • Pineperpekto ng Diyos, mga tunay na mahal S'ya,
  • yaong ang mga puso ay panatag sa harap Niya.
  • Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
  • minamahal ang kaliwanagan N'ya,
  • kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
  • minamahal ang pag-iingat N'ya,
  • kung minamahal mo ang salita ng Diyos
  • bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
  • kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
  • Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
  • pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.
  • III
  • Sikaping maging realidad mo ang salita ng Diyos,
  • pasayahin S'ya, maging ayon sa puso N'ya.
  • H'wag lamang sikaping biyaya N'ya'y tamasahin.
  • Tanggapin mga gawa Niya't maging perpekto,
  • maging s'ya na nagsasakatuparan ng nais N'ya.
  • Wala nang mas mahalaga pa kaysa rito.
  • Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
  • minamahal ang kaliwanagan N'ya,
  • kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
  • minamahal ang pag-iingat N'ya,
  • kung minamahal mo ang salita ng Diyos
  • bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
  • kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
  • Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
  • pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.
  •  
  • mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4.11.18

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Pinahahalagahan ng Diyos ay ang Puso ng Tao



  • Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
  • Ang Pinahahalagahan ng Diyos ay ang Puso ng Tao
  •  
  • I
  • Kapag tinatanggap ng sinuman ang ipinagkakatiwala ng Diyos,
  • may pamantayan ang Diyos para sa tao,
  • kung mabuti o masama man ang kilos ng sinuman,
  • kung sinusunod ng tao o natutugunan ang kagustuhan ng Diyos,
  • kung marapat man ang pagkilos n'ya.
  • Tumitingin ang Diyos sa puso ng tao
  • upang matagpuan pagsunod nila,
  • ang kagustuhang pasayahin ang Diyos sa kanilang puso,
  • sa kanilang puso.
  • II
  • Isinasaalang-alang ng Diyos ang puso ng tao,
  • di paimbabaw nilang pagkilos.
  • Di kailangang pagpalain N'ya sinuman
  • dahil lang kumikilos sila.
  • Sa ganitong paraan hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos!
  • Tumitingin ang Diyos sa puso ng tao
  • upang matagpuan pagsunod nila,
  • ang kagustuhang pasayahin ang Diyos sa kanilang puso,
  • sa puso nila, sa puso nila.
  • III
  • Hindi lang Siya tumitingin sa kahihinatnan,
  • mas pinapahalagahan ang puso ng tao,
  • saloobin ng tao, sa pag-unlad ng mga bagay, oo nga~
  • Tumitingin ang Diyos sa puso ng tao
  • upang matagpuan pagsunod nila,
  • ang kagustuhan na pasayahin ang Diyos sa kanilang puso,
  • sa puso nila, sa puso nila, sa puso nila.
  •  
  • mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

31.10.18

Handa Kong Tanggapin ang Pangangasiwa ng Lahat

Handa Kong Tanggapin ang Pangangasiwa ng Lahat

Handa Kong Tanggapin ang Pangangasiwa ng Lahat

                         Xianshang    Lungsod ng Jinzhong, Lalawigan ng Shanxi 


  Kamakailan, tuwing naririnig ko na ang mga mangangaral ng distrito ay pupunta sa aming iglesia, nakakaramdam ako ng kaunting kaba. Hindi ko ibinunyag ang aking mga damdamin sa panlabas, ngunit ang aking puso ay puno ng lihim na pagsalungat. Naisip ko: "Mas mabuti kung kayong lahat ay hindi dumating. Kung darating kayo, sana man lang huwag kayong gagawa sa iglesia na kasama ko. Kung hindi, malilimitahan ako at hindi makakapagsalita." Nang maglaon, ang sitwasyon ay naging napakasama na talagang kinapootan ko ang kanilang pagdating. Kahit na gayon, hindi ko inisip na may anumang mali sa akin at talagang hindi sinubukang alamin ang aking sarili sa konteksto ng sitwasyong ito.

11.10.18

Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me



 

Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me




Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin. Pero, dahil kontrolado ng katanyagan at katayuan ang kanyang puso, madalas siyang kumilos ayon sa kanyang sariling mga ideya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin, at wala siyang katwiran at naging diktador. Para sa dahilang ito, pinungos at pinakitunguhan siya ng mga kapatid. Sa simula, nangatwiran siya at ayaw umamin. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nalaman niya ang katotohanan ng kanyang kasamaan. Kaya lang, dahil hindi niya naiintindihan ang intensyon ng Diyos, mali ang pakaintindi niya sa Diyos at inakalang hindi siya ililigtas ng Diyos. Sa panahong ito, unti-unting niliwanagan siya ng salita ng Diyos, ginabayan siya, at ipinaintindi sa kanya ang tapat na intensyon ng Diyos na iligtas ang tao, at naranasan niya ang totoong pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan …


24.9.18

Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"


Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"


I Sa Kapanahunan ng Kaharian, naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita. Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain, ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita. Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya'y nagkat'wang-tao upang magsalita mula sa iba't-ibang posisyon, upang tunay na makita ng tao ang Diyos, ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao, makita Kanyang himala't makita Kanyang karunungan. Ang gayong gawai'y upang mas makamit mga layunin ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita, sa Kapanahunan ng Salita.

4.9.18

Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?

图片中可能有:1 位用户、坐着、表格和室内

Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?

Qingxin….Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan
Dati akong may tila nakakatawang pagkakaunawa tungkol sa aspeto ng katotohanan na ang “Diyos ay matuwid”. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan. Iyon ang pagkamatuwid ng Diyos. Dahil dito sa aking maling pagkakaunawa, dinagdagan pa ng takot na mawalan ng tungkulin dahil sa mga nagagawang pagkakamali sa aking trabaho, may naisip akong “matalinong” paraan: Sa tuwing gagawa ako ng isang bagay na mali, sinisikap kong huwag munang ipaalam sa mga pinuno, at agad na sinusubukang bumawi sa sarili ko at gawin ang lubos ng aking makakaya upang itama ito. Hindi ba makakatulong iyon kung gayon na mapanatili ko ang aking tungkulin? Kaya, tuwing magbibigay ako ng mga ulat tungkol sa aking trabaho, napapaliit ko ang malalaking isyu at ang maliliit na isyu ay napapawalang saysay. Kung nagsasawalang-bahala ako minsan, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang mapagtakpan ito sa harap ng aking mga pinuno at magpanggap na tila lubos na aktibo at positibo, natatakot na iisipin ng mga pinuno na ako ay walang kakayahan at huminto sila na pagkatiwalaan ako. Kaya ganon na lang, nag-iingat ako nang husto sa mga pinuno sa lahat ng aking ginagawa.

12.7.18

Kasisimula Ko pa Lamang Tahakin ang Tamang Landas ng Buhay

🍀* 🍀✿✿✿ 🍀*🍃✿✿✿ 🍃 🍀✿✿✿ 🍀*🍀

Shi Han    Hebei Province

   Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya ng magsasaka.Matino ako mula pagkabata, dahil hindi ako kailanman nakipag-away sa ibang bata at sinunod ang aking mga magulang, kaya ako ay naging isang karaniwang “mabaitna batang babae” sa mga mata ng mga matatanda. Lubhang nainggit ang ibang mga magulang sa aking mga magulang, na nagsasabi na masuwerte sila sa pagkakaroon ng mabait na anak na babae.At tulad nito, lumaki akong araw-araw na naririnig ang mga papuri ng mga taong nakapaligid sa akin.Noong ako’y nasa elementarya, namumukod-tangi ang aking akademikong rekord, at palagi akong nangunguna sa mga pagsusulit.Isang beses, nakatanggap ako ng pinakamataas na marka sa isang paligsahan sa sanaysay na ginanap sa aming bayan, na nagpanalo ng karangalan para sa aming paaralan.Hindi lamang iginawad sa akin ng punong-guro ang premyo at sertipiko, ngunit pinuri rin ako sa harap ng buong paaralan at tinawag ang mga mag-aaral upang matuto sa akin.Bigla akong naging “tanyag na tao” ng paaralan, at binansagan pa ako ng aking mga kaklase na “laging matagumpay na heneral.”Ang mga papuri mula sa aking mga guro, ang pagkainggit ng aking mga kaklase, at ang pagkahaling ng aking mga magulang ay nagbigay sa akin ng pakiramdam nakahihigit sa aking puso, at talagang nasiyahan ako sa pakiramdam na hinahangaan ng lahat. Ayon dito, walang pag-aalinlangan na naniwala ako na ang pinakadakilang kagalakan sa buhay ay ang paghanga ng iba, at na ang pakiramdam na kaligayahan ay nagmula sa papuri ng iba. Lihim kong sinabi sa aking sarili: Gaano man kahirap at nakakapagod ito, dapat akong maging isang taong tanyag at may katayuan, at hindi kailanman hahamakin ng iba.Simula noon, naging patnubay sa buhay ko ang mga salawikain tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” at “Habang nabubuhay, maging tao ng mga tao; patay, maging kaluluwa ng mga kaluluwa” ay naging mga kasabihan ko sa buhay.

9.7.18

Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan

╮╭╮╭╮╭🍃🍎🍎🍃╮╭╮╭╮╭

    Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang masundan ang mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ito ay hinaharap ng lahat ng naghihintay ng pagpapakita ng Diyos. Naisip ninyo na ang lahat ng mga ito hindi lang miminsan ngunit ano ang kinalabasan? Saan nagpapakita ang Diyos? Saan ang mga yapak ng Diyos? Natagpuan ba ninyo ang mga sagot? Marami sa mga sagot ng tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay narito sa atin; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng tuntuning sagot, ngunit naiintindihan ba ninyo kung ano ang pagpapakita ng Diyos, at kung ano ang mga yapak ng Diyos? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao... at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.

   Kasabay ng pag-unawa sa pagpapakita ng Diyos, paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos? Ang katanungang ito ay hindi mahirap ipaliwanag: Kung saan may pagpapakita ang Diyos, matutuklasan ninyo ang mga yapak ng Diyos. Tila napa-diretso ng ganitong paliwanag, ngunit hindi madaling gawin, sapagkat maraming tao ang hindi nakakaalam kung saan ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili, lalong hindi kung saan Niya nais na, kung saan ibinubunyag ng Diyos ang sarili Niya. Ang ilan ay pabigla-biglang naniniwala na kung saan may gawain ang Banal na Espiritu, naroon ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung nasaan ang mga espirituwal na tao, naroon ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung saan may mga bantog na tao, naroon ang pagpapakita ng Diyos. Sa ngayon, huwag nating pagtalunan kung tama o mali ang mga paniniwalang ito. Upang maipaliwanag ang ganitong tanong, kailangan muna nating maging malinaw sa isang layunin: Hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos. Hindi tayo naghahanap ng mga espiritwal na tao, lalong hindi natin sinusundan ang mga sikat na namumuno; tayo ay sumusunod sa mga yapak ng Diyos. Sa gayon, dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Kaya kapag tumatanggap ang maraming tao ng katotohanan, hindi sila naniniwalang nakita na nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalong hindi maaaring magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang mga sariling pasiya at Siya ay may sariling mga plano kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Hindi Niya kailangang ipaalam sa tao ang ginagawa Niya o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, at higit pa rito, ay dapat itong tanggapin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, at nais ninyong sundan ang mga yapak ng Diyos, nararapat niyo munang lampasan ang inyong kaisipan. Hindi ninyo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi ninyo dapat Siya ikulong sa sarili ninyong hangganan at limitahan Siya sa sarili ninyong mga pagkaintindi. Bagkus, dapat ninyong itanong kung paano ni'yo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano niyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; iyan ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi taglay ang katotohanan, ang tao ay dapat magsaliksik, tumanggap, at sumunod.

   Kahit na ikaw ay isang Amerikano, Ingles, o kahit na ano pang lahi, nararapat kang humakbang nang lampas sa iyong mga hangganan, higitan ang iyong sarili, at dapat tingnan ang gawain ng Diyos bilang nilikha ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo dapat pigilan ang mga yapak ng Diyos. Dahil, ngayon, maraming tao ang naniniwalang imposibleng magpakita ang Diyos sa partikular na bayan o bansa. Napakalaki ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at tunay na mahalaga ang pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito batay sa pagkaintindi at pag-iisip ng tao? At gayon sinasabi ko, ikaw ay dapat kumawala sa pagkaintindi ng iyong lahi o etnisidad kapag hinanap mo ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan, ikaw ay hindi nakakulong sa sarili mong pagkaintindi; sa ganitong paraan, magiging karapat-dapat kang salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, lagi kang mananatili sa kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.


   Ang Diyos ay Diyos ng lahat ng sangkatauhan. Hindi niya ginagawa ang Sarili bilang pribadong pag-aari ng anumang bayan o bansa, at ginagawa Niya ang Kaniyang plano nang hindi napipigilan ng anumang anyo, bansa, o nasyon. Marahil hindi mo kailanman naisip itong anyo, o marahil tinatanggihan mo ang pag-iral nito, o marahil ang bayan o bansa kung saan nagpakita ang Diyos ay dinidiskrimina at siyang pinakamahirap sa mundo. Ngunit nasa Diyos ang Kaniyang karunungan. Sa Kanyang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at disposisyon, tunay na nagtamo Siya ng isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa pag-iisip. At nagtamo Siya ng isang grupo ng mga tao na nais Niyang gawin: isang grupong nalupig Niya, na tinitiis ang matitinding pagsubok at lahat ng uri ng pag-uusig at kaya Siyang sundin hanggang sa katapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos na malaya sa pamimigil ng kahit na anong uri o bansa ay upang matapos Niya ang gawaing alinsunod sa Kanyang plano. Halimbawa, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Ngunit naniwala ang mga Hudyo na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng maging tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang "imposible" ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa huli, humantong sa kapahamakan ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa ng parehong pagkakamali. Walang bahala nilang hinahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, ngunit sila rin ang bumabatikos sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos batay sa kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita ko na maraming tao ang tumatawang bumagsak matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Hindi ba ang pagtawang ito ay walang pinagkaiba sa pambabatikos at paglapastangan ng mga Hudyo? Hindi kayo taimtim sa pagharap sa katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Kayo ay nag-aaral ngunit bulag at kampanteng naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pag-aaral at paghihintay nang ganito? Makukuha ba ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo nauunawaan ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na maging saksi sa pagpapakita ng Diyos? Kung saan nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga kayang tumanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging mga ganoong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi ang inyong mga pagkaintindi! Huminto at dahan-dahang basahin ang mga salitang ito. Kung hahangarin mo ang katotohanan, paliliwanagan ka ng Diyos upang maunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Isantabi ang inyong pananaw na “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang katalinuhan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang naiisip ng Diyos ay higit pa sa mga naiisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pag-iisip at pagkaintindi ng tao. Kapag ang isang bagay ay imposible, lalong higit na dapat hanapin ang katotohanan; kapag ang isang bagay ay lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Dahil kahit saan pa ipakita ng Diyos ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatili saanman magpunta ang Kanyang mga yapak. Nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit dito ay ang natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sundan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay laging malalapitan ng sangkatauhan. Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos.

Mula sa Sandaang mga Tanong at mga Sagot sa Pag-iimbestiga sa Tunay na Daan