Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

13.11.18

Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian




  • Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
  • Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian

    •  I
    • Diyos ay gumagawa sa buong sansinukob.
    • Dagundong ng ingay sa Silanganang 'di tumitigil,
    • nililiglig lahat ng denominasyo't lahat ng sekta.
    • Ito'y tinig ng Diyos, lahat dinala sa kasalukuyan.
    • Ito'y Kanyang tinig na sa lahat ay lulupig.
    • Sila'y nahuhulog sa agos nito, at nagpapasakop sa Kanya.
    • Matagal nang nabawi ng Diyos sa lupa ang luwalhati,
    • at mula Silangan ay inilabas Niyang muli.
    • Sinong 'di sabik makita ang luwalhati ng Diyos?
    • Sinong 'di naghihintay at nananabik Sa Kanyang pagbabalik?
    • Sinong hindi nauuhaw na Siya'y magpakitang muli?
    • Sinong 'di nangungulila sa Kanyang kariktan?
    • Sinong 'di lalapit tungo sa liwanag?
    • Sinong di nais makita yaman ng Canaan?
    • Sinong 'di nananabik sa pagbalik ng Manunubos?
    • Sinong 'di hanga sa Makapangyarihan-sa-lahat?
    • II
    • Ang tinig ng Diyos dapat lumaganap sa buong mundo.
    • Sa Kanyang bayang hirang, marami pa Siyang sasabihin.
    • Gaya ng malakas na kulog, inaalog ang bundok at mga ilog,
    • Siya'y nangungusap sa lahat ng tao at sa buong kalawakan.
    • Kaya't salita ng Diyos sa tao'y nagiging yaman.
    • Kanyang mga salita, minamahal ng lahat.
    • Kidlat kumikislap nang tuwid mula Silangan hanggang Kanluran.
    • Ang Salita ng Diyos tao'y mamuhing ito'y bitiwan.
    • Salita ng Diyos di-maarok nguni't nagpapagalak.
    • Lahat nagdiriwang sa pagdating ng Diyos na parang bagong silang.
    • Tinig ng Diyos tao'y nahahalina sa harap Niya.
    • Diyos ay pormal na pumapasok sa gitna ng katauhan.
    • Lahat lumalapit at sumasamba sa Diyos dahil dito.
    • Dahil sa luwalhati't salita na binibigay ng Diyos,
    • lahat lumalapit sa harap ng Diyos, nakikita kidlat mula sa Silangan.
    • III
    • Diyos ay bumaba sa Bundok Olibo sa Silangang.
    • Siya'y matagal na sa lupa, di na "Anak ng mga Hudyo."
    • Siya'y Kidlat ng Silangan, pagka't Siyay nabuhay na muli.
    • Lumisan Siya't ngayo'y nagpakitang puno ng luwalhati.
    • Siya ay Diyos na sinasamba bago ang mga kapanahunan,
    • "sanggol" na 'tinakwil ng mga Israelita mula yugtong yaon.
    • Siya'ng ganap na maluwalhating
    • Makapangyarihang Diyos ng kapanahunan ngayon!
    • Lahat nang nais Niyang makamit walang-iba kundi ito:
    • Lahat ng tao'y lumalapit sa Kanyang trono,
    • makita ang Kanyang mukha't gawa, marinig Kanyang tinig.
    • Ito ang wakas at rurok ng Kanyang plano,
    • at ang layunin ng pamamahala ng Diyos.
    • Kaya lahat ng bansa'y sumasamba't kinikilala Siya.
    • Lahat ng tao'y tiwala at nagpapasakop sa Kanya!
    •  
    • mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento