Handa Kong Tanggapin ang Pangangasiwa ng Lahat
Xianshang Lungsod ng Jinzhong, Lalawigan ng Shanxi
Kamakailan, tuwing naririnig ko na ang mga mangangaral ng distrito ay pupunta sa aming iglesia, nakakaramdam ako ng kaunting kaba. Hindi ko ibinunyag ang aking mga damdamin sa panlabas, ngunit ang aking puso ay puno ng lihim na pagsalungat. Naisip ko: "Mas mabuti kung kayong lahat ay hindi dumating. Kung darating kayo, sana man lang huwag kayong gagawa sa iglesia na kasama ko. Kung hindi, malilimitahan ako at hindi makakapagsalita." Nang maglaon, ang sitwasyon ay naging napakasama na talagang kinapootan ko ang kanilang pagdating. Kahit na gayon, hindi ko inisip na may anumang mali sa akin at talagang hindi sinubukang alamin ang aking sarili sa konteksto ng sitwasyong ito.
Hanggang isang araw, nabasa ko ang sumusunod na talata ng salita ng Diyos: “Ang pagtuturo ng mga alituntuning pyudal pang-etika ay matagal nang nakahawa sa tao nang pagpasa pababa ng kaalaman ng mga sinaunang kultura at ginawa ang tao bilang mga demonyong malaki at maliit. … Puno ng pagpatay ang mukha ng tao, at sa lahat ng lugar, ang kamatayan ay nasa hangin. Nais nilang palayasin ang Diyos sa lupaing ito…. Nais nitong lipulin ang lahat ng sa Diyos sa isang iglap, upang muling insultuhin at patayin Siya nang pataksil, at nagtatangkang sirain at istorbohin ang Kanyang gawain. Paano nito papayagan ang Diyos na maging “pantay na katayuan”? Paano nito natitiis ang Diyos “na sumasagabal” sa gawa nito sa mga tao sa lupa? Paano nito papayagan ang Diyos na alisin ang maskara nang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito maaaring payagan ang Diyos na putulin ang gawa nito? Paano ang demonyong ito, sumisingaw sa galit, mapapayagan ang Diyos na mamahala sa hukuman ng kapangyarihan nito sa lupa? Paano nito maluwag na matatanggap ang pagkatalo? Nasiwalat na ang nakapopoot nitong pagmumukha kung ano talaga ito, samakatuwid hindi alam ng isa sa sarili niya kung siya ay tatawa o iiyak, at ito ay tunay na mahirap pag-usapan. Hindi ba ito ang kakanyahan nito? … mga demonyo at mga masamang espiritu … isinara ang kalooban at napakaingat na pagsisikap ng Diyos, ginagawa silang hindi napapasukan. Anong mortal na kasalanan! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong ang Diyos ay hindi makadarama nang sobrang galit? Sila ang sanhi nang mabigat na hadlang at pagsalungat sa gawain ng Diyos. Masyadong mapaghimagsik!” (“Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pinag-isipan ko ang kahulugan ng talatang ito habang binubulay-bulay ang aking kamakailang kalagayan: Bakit sobrang ayaw kong pumupunta sa aming iglesia ang mga manggagawa sa distrito? Bakit ayaw ko silang hayaang gumawang kaagapay ko sa iglesia? Hindi ba dahil sa nag-alala ako na kung papasok sila sa iglesia, mapagtatanto nila na hindi ako gumagawa alinsunod sa prinsipyo o kalooban ng Diyos at pakikitunguhan ako tungkol sa problemang ito? Ano pa, hindi ba ako natakot na ang kanilang pagdating ay magdudulot ng pagpilipit sa aking mga plano sa gawain? Hindi ba ako natakot na mas mahusay silang makipag-usap kaysa sa akin at magdudulot sa akin ng pagkawala ng may pribilehiyong katayuan sa mga puso ng aking mga kapatid? Kung hindi sila dumating, maaari kong gawin ang aking mga plano sa gawain na ayon sa ikinalulugod ko. Kahit na ang aking mga pamamaraan ay hindi naaayon sa prinsipyo o kalooban ng Diyos, walang sinuman ang makakaalam at tiyak na walang makikitungo sa akin o mamimintas sa akin. Sa ganitong paraan, ang aking katayuan sa mga puso ng aking mga kapatid ay magiging mas malaki, mas may pribilehiyo at mas matatag. Ang lahat ng mga kapatid sa iglesia ay titingalain ako, hahangaan ako at susundin ang aking mga utos. Ang buong iglesia ay iikot sa akin. Hindi ba ito ang aking tunay na layunin? Hindi ba ako nagbabalak na palayasin ang Diyos mula sa mga puso ng aking mga kapatid upang magkaroon ako ng katayuan sa kanilang mga puso? Hindi ba’t ako ay isang buhay at humihingang halimbawa ng mga lason ng malaking pulang dragon, "Ang langit ay mataas at ang emperador ay malayo sa paningin," "Walang hari kundi ako"? Upang makontrol at maangkin ang dominyon sa sangkatauhan, sinalungat ng malaking pulang dragon ang pagdating ng Diyos nang buong lakas, na hindi pinahihintulutan ang Diyos na magkaroon ng kapangyarihan sa mga gawain ng mga tao, na ilantad ang masamang mukha nito, na makagambala sa mga plano nito o mamamahala sa dominyon nito. Samakatuwid, marahas nitong sinalungat, inantala, giniba at winasak ang gawain ng Diyos. Pinagpantasyahan nito na, isang araw, magagawa nitong sirain ang Diyos sa mga puso ng sangkatauhan at tuparin ang kasuklam-suklam na layunin nito na maging walang hanggang tagahatol ng tao at pagpuwersa sa sangkatauhan na sambahin ito. Ano ang kaibahan sa pagitan ng aking sariling mga kaisipan at mga aksyon ng malaking pulang dragon? Dahil gusto kong panatalihin ang aking sariling kalagayan at tiyakin na magagawa ko ang aking sariling paraan at hindi malimitahan sa aking gawain, hindi ko ninais na hayaan ang iba pang mga lider o manggagawa na subaybayan o siyasatin ang aking gawain. Hindi ko nais na nakikialam ang sinuman sa gawain ng aking iglesia o dinidiligan ang aking mga kapatid. Bakit hindi ko ito nais? Hindi ba't dahil lamang sa gusto kong kontrolin at kunin ang dominyon sa iba? Ang pangunahin bang ambisyon ko ay hindi upang ipahayag ang aking sarili na hari at makalupang pinuno sa aking mga kapatid? Nakita ko na ang lason ng malaking pulang dragon—iyang napabayaang pagmamataas at megalomanya—ay tumagos na sa kaibuturan ng aking pagkatao. Ang impluwensya ng malaking pulang dragon ay matagal nang nakahawak sa akin: Ako ay naging kasingsama ng demonyo na tulad ng dragon mismo. Sa ibabaw, gumagawa ako upang tuparin ang aking tungkulin, ngunit ang aking puso ay may mga lihim na motibo. Sa katotohanan, nais kong sirain ang trono, maglagay ng kaguluhan sa mga mataas na katungkulan at magtayo ng sarili kong imperyo sa pagsalungat sa Diyos at sa paghadlang sa pagpapatupad ng kalooban ng Diyos. Ang aking kalikasan ay purong masama at napakakasindak-sindak! Kung hindi dahil sa masakit na pagbubunyag at paghahatol ng salita ng Diyos, hindi ko kailanman malalaman kung sa anong antas na ako napinsala ni Satanas at sumalungat sa Diyos. Hindi ko kailanman mapagtatanto na, sa kaibuturan ng aking kaluluwa, ang isang tusong balangkas ay nalikha na at ang aking tunay na kalikasan ay napakalalim nang sinaktan ng kasamaan.
Salamat sa Iyo Diyos para sa Iyong mga pagbubunyag at pagliliwanag, na nagpahintulot sa akin na mapagtanto ang aking satanikong kalikasan na pagmamataas at kahamakan. Nakikita ko na ako, sa katunayan, ay anak ng malaking pulang dragon at ng arkanghel. Diyos, ako ay nanunumpang hahanapin ang katotohanan nang may kasigasigan at lulusong sa isang mas malalim na pag-unawa sa kung paanong ang lason ng malaking pulang dragon ay sinasaktan ang aking kalikasan. Ako ay namamanata, higit pa, na tatanggapin ang pagsisiyasat at pagsubaybay ng iba pang mga manggagawa at lider. Tatanggapin ko ang pakikitungo at pagpupungos ng lahat. Ilalagay ko ang aking sarili sa ilalim ng pagsisiyasat ng buong kongregasyon upang matupad ko nang matapat ang aking mga tungkulin upang maaliw ang Iyong puso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento