Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

12.6.18

Bakit Pinipilit ng Chinese Communist Party ang mga Kristiyano na Sumapi sa Three-Self Church?

Hou Xiangke (Hepe ng Public Security Bureau): Han Lu, Dapat mong malaman na isang ateista ang Partido Komunista at nagsimula sa rebolusyon. Pinakasalungat ang Partido Komunista sa Diyos at sa salita ng Diyos. Ang katotohanang inyong tinatanggap at landas na inyong tinatahak ay pinakasusuklaman ng Partido Komunista. Kayo ay kapangitan at problema para sa Partido Komunista. Kaya, lubos kayong pipigilan, parurusahan at pagbabawalan ng Partido Komunista! Sa China, dapat ninyong sundin ang pamumuno ng Partido Komunista kung naniniwala kayo sa Diyos, tanggapin ang Nagkakaisang Prente ng Partido Komunista, sumali sa Iglesia ng Tatlong-Sarili, at tahakin ang landas ng pagmamahal sa bansa at relihiyon. Bukod dito, wala na kayong lalabasan. Naintindihan mo ba ang mga bagay na ito?


Han Lu (Isang Kristiyano): Chief Hou, sinabi mong ang paniniwala sa Diyos ay dapat nakabatay sa katotohanan at alinsunod sa sistema ng estado, makatwiran ba itong argumento? Kapag pinili ng isang tao ang tamang landas ng buhay, dapat siyang manindigan dito anuman ang mga dagok at kabiguan. Ito lamang ang tanging paraan para makamit ang katotohanan at mabuhay nang makabuluhan. Bilang mga mananampalataya ng Diyos, ang landas na aming tinatahak ay ang tamang landas ng buhay, pero gusto ninyong tanggapin namin ang Nagkakaisang Prente ng Partido Komunista at sumali sa Iglesia ng Tatlong-Sarili, saan ito nanggaling? Alam mong ganap na kontrolado ng pamahalaan ng Komunistang Tsino ang Iglesia ng Tatlong-Sarili, kung saan ang mga pastor ay itinalaga ng pamahalaan, hindi pinapayagan ang iglesia na ituro ang purong katotohanan ng Biblia, ang landas ng espirituwal na buhay, at ang propesiya ng Pagbubunyag. Hindi ito pinapayagang pag-usapan ang tungkol sa pagmamahal sa Diyos at pagsunod sa Diyos. Pinapayagan lamang itong pag-usapan ang tungkol sa pagmamahal sa bansa at iglesia, paggawa ng kayamanan, pagluwalhati sa Diyos habang nakikinabang sa mga tao, at pinapayagan lamang na pag-usapan ang tungkol sa pagsunod sa mga nasa kapangyarihan. Paanong paniniwala ito sa Diyos? Matatanggap ba ang katotohanan sa ganitong paraan? Ang paniniwala namin sa Diyos ay upang matamo ang katotohanan, alisin ang aming tiwaling disposisyon, at maging isang taong taglay ang katotohanan at kabaitan na makakatanggap ng kaligtasan ng Diyos at masayang hantungan. Kapag sumunod kami sa mga kinakailangan ng Partido Komunista na sundin ang maling landas ng pagmamahal sa bansa at Iglesia ng Tatlong-Sarili, hindi namin matatanggap ang katotohanan at maaalis ang tiwali naming disposisyon. Paano pa rin namin matatanggap ang kaligtasan ng Diyos kung gayon? Samakatuwid, gustong kontrolin ng Partido Komunista ang mga naniniwala sa Diyos para ganap kaming papaniwalain sa Diyos ayon sa mga kinakailangan ng Partido Komunista. Hindi ito katanggap-tanggap. Nakakasagabal ito sa kalayaan sa relihiyon, isang marahang pagpatay sa mga kaluluwa.

Han Lu: Hindi ba't totoo ang mga sinabi ko? Isang makademonyong pamunuan ang Partido Komunista na pinakasalungat sa katotohanan at lumalaban sa Diyos. Hinatulan ng Partido Komunista ang Kristiyanismo bilang isang kulto, ang Biblia at mga aklat ng salita ng Diyos bilang mga paglalathala ng kulto. Maraming regalong Biblia mula sa ibang bansa ang itinapon sa dagat. Hindi mabilang na Biblia sa mga kamay ng Kristiyano ang sinamsam at sinira. Inaamin ba ninyo na totoo ito? Walang naglalakas-loob na itanggi ang katotohanang ito. Kayong mga opisyal ng Partido Komunista ay nagluklok pa ng mga pastor sa relihiyosong komunidad at namagitan sa mga gawain ng iglesia. Hindi iyon makatwiran! Gusto lamang ng mga naniniwala sa Diyos na matamo ang katotohanan, danasin ang pagkakahawig ng isang tunay na tao at mabuhay nang makabuluhan. Ni hindi ninyo sila pinapakawalan. Gumagawa kayo ng gulo para sa mga naniniwala sa Diyos, pinapahirap ang buhay para sa iglesia, gumagawa ng mga tsismis laban sa iglesia, gumawa ng mga paghahabla laban sa mga inosenteng mananampalataya ng Diyos at ibinilanggo sila, at hindi tumigil sa lubos na pagsira at pagbabawal sa iglesia. Sa palagay ba ninyo ay hungkag ito ng kalinisan ng tao?

Hou Xiangke: Sa tingin mo ba'y gusto kong usigin kayong mga naniniwala sa Diyos? Iyon ang patakaran iyon ng Partido Komunista. Inaatasan ng mga lihim na dokumento mula sa Sentral na Komite na gawin iyon ng lahat ng antas sa pamahalaan. Wala ito sa mga kamay ko. Alam kong kayong mga mananampalataya ng Diyos ay hindi nakikisali sa pulitika ni gumagawa ng krimen. Ngunit ang paraaan ng inyong paniniwala sa Diyos at walang humpay na pagpapaliwanag ng salita ng Makapangyarihang Diyos at pagsaksi para sa Makapangyarihang Diyos ay lumilikha ng labis-labis na epekto sa China. Nagdala ang inyong Iglesia ng Makapangyarihan Diyos ng maraming tao mula sa iba't ibang sekta na tumataas ang bilang. Kaya kailangan kayong sugpuin at arestuhin nang matindi ng Partido Komunista. Nakikita mo, bakit hindi pinipigilan ng Partido Komunista ang Iglesia ng Tatlong-Sarili nang may kalupitan? Dahil masunurin at nakikinig sa pamahalaan ang Iglesia ng Tatlong-Sarili, hindi katulad ng tanyag na paraan ng pagpapalaganap ninyo ng ebanghelyo at pagsaksi para sa Diyos. Kaya pinapabayaan na lamang ng Partido Komunista ang Iglesia ng Tatlong-Sarili. Ibig ba ninyong sabihin sa akin na hindi ninyo ito naramdaman? Kung gusto ng Partido Komunista na sugpuin at arestuhin kayo, magkukulang ba ito sa mga pagkukunwari at dahilan? Kailangan nitong gumawa ng ilang katotohanan at hatulan kayo bilang isang kultong organisasyon, para mabigyang-katwiran ang pagsugpo sa inyo. Mas malakas ang boses ng Partido Komunista kaysa sa inyo. Nakikinig ang karamihang tao sa Partido Komunista. Ito ang dahilang kung bakit kailangan ninyong pagdusahan ang mga sakit at karaingan na ito. Nag-iimbento ang Partido Komunista ng ilang huwad na kaso laban sa inyo, ginagamit ang tagapagsalita nito sa media upang hatulan kayo at maging binabayaran ang ilang Kanluraning media outlet upang lusubin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang lahat ng ito ay katotohanan. Walang silbi ang pagkagalit at pagtutol ninyo. Kailangang gawin iyon ng Partido Komunista para makamit ang layuning ipagbawal ang Iglesia. Sinong nagsabi sa inyo na suwayin ang Partido Komunista!

mula sa script ng pelikulang Katamisan sa Kahirapan

Rekomendasyon:

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento