Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita ng Diyos.. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita ng Diyos.. Ipakita ang lahat ng mga post

31.5.19

Pagkilala sa Diyos | Ginawa ng Diyos ang Bahaghari bilang isang Palatandaan ng Kanyang Tipan sa Tao



(Gen 9:11-13) At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.

24.5.19

Pagkilala sa Diyos | Ang Pagpapala ng Diyos kay Noe Matapos ang Baha


(Gen 9:1-6) At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila’y sinabi, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa. At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa’t hayop sa lupa, at sa bawa’t ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. Bawa’t gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.

10.5.19

Pagkilala sa Diyos|Gumamit ang Diyos ng mga Balat ng Hayop para Gumawa ng mga Kasuotan para kina Adan at Eba


Salita ng Diyos|Gumamit ang Diyos ng mga Balat ng Hayop para Gumawa ng mga Kasuotan para kina Adan at Eba


(Gen 3:20-21) At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.

22.4.19

Salita ng Diyos|Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita


Salita ng Diyos|Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita


Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala.

11.11.18

Mas Gumugulang ang mga Tao ng Diyos, mas Bumabagsak ang Malaking Pulang Dragon (Tagalog Song)


Mas Gumugulang ang mga Tao ng Diyos, mas Bumabagsak ang Malaking Pulang Dragon (Tagalog Song)

I Kapag ang mga tao ay naging ganap, at lahat ng bansa’y kaharian ni Kristo, ang pitong kidlat ay aalingawngaw. Ngayo’y hakbang tungo sa yugtong ito. Ang paglusob ay napakawalan na. Ito’y plano ng Diyos. Ito ay matutupad. II Upang ipatupad nang matagumpay ang plano ng Diyos, mga anghel ng langit bumaba sa lupa. Ang Diyos sa katawang-tao ay nasa digmaan din, nakikipaglaban sa kaaway. Ang sinabi ng Diyos ay Kanyang ginawa. Kaya’t kastilyo sa buhangin ang mga bansa, nanginginig sa pagtaas ng tubig. Ang huling araw ay nalalapit na. Ang malaking pulang dragon ay tutumba sa salita ng Diyos. Saanman ang pagkakatawang tao ay nagpapakita, ang kaaway ay nawawasak. Ang paglipol sa Tsina’y una. Ito’y ibabasura ng kamay ng Diyos. Patunay ng pagbagsak ng malaking pulang dragon ay kita sa paggulang ng mga tao. Ito’y tanda ng pagkamatay ng kaaway. Ito ang ibig sabihin ng “makipaglaban,” ng makipaglaban. III ‘Pag ang sangkatauha’y nakilala ang Diyos sa kat’wang-tao, pag nakita nila Kanyang mga gawa mula sa kat’wang-tao, pugad ng malaking dragon ay maaabo’t maglalahong walang bakas, magpakailanman. Ang sinabi ng Diyos ay Kanyang ginawa. Kaya’t kastilyo sa buhangin ang mga bansa, nanginginig sa pagtaas ng tubig. Ang huling araw ay nalalapit na. Ang malaking pulang dragon ay tutumba sa salita ng Diyos. Saanman ang pagkakatawang tao ay nagpapakita, ang kaaway ay nawawasak. Ang paglipol sa Tsina’y una. Ito’y ibabasura ng kamay ng Diyos. Patunay ng pagbagsak ng malaking pulang dragon ay kita sa paggulang ng mga tao. Ito’y tanda ng pagkamatay ng kaaway. Ito ang ibig sabihin ng “makipaglaban,” ng makipaglaban, ohhh, ng makipaglaban, ohhh, ng makipaglaban, ohhh, ng makipaglaban. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2.10.18

Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)


 Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)


Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?