Xiaogao
Kamusta mga kapatid ko sa Espirituwal na Q&A,
Napapagod ako nang husto sa pagtarabaho sa araw, at hindi ako makatulog nang mahimbing sa gabi. Bilang resulta, ayaw kong magpunta nang maaga sa mga pagtitipon. Hindi ko gusto ang hinihigpitan. Nadarama ko na kung mayroon akong mga pangangailangang espirituwal, hangga’t hinahanap ko ang aking mga kapatid upang makausap sa mga panahong iyon, magiging mainam ito. Iniisip ko kung ano ang sanhi ng isyung ito. Paano ko dapat lutasin ito?
An Jing
Kamusta Kapatid na An Jing,
Sinabi mo na ayaw mong dumalo nang maaga sa mga pagtitipon at na kapag nadarama mong mayroon kang mga pangangailangang espirituwal, iyon lamang ang tanging panahon na aktibo mong hahanapin ang iyong mga kapatid upang makausap. Makapag-iisip tayo kagaya nito sapagkat hindi natin nauunawaan kung ano ang tunay na paniniwala sa Diyos at kung ano ang kahalagahan ng mga pagtitipon. Pasalamatan ang Panginoon. Magsasalita ako ng kaunti tungkol sa aking pagkaunawa na may kinalaman sa aspetong ito. Umaasa ako na magagamit mo ito.
Ano ang Kahulugan ng Tunay na Maniwala sa Diyos
Alam nating lahat na ang dahilan kung bakit nilalang dati ng Diyos ang tao ay ang upang igalang at sambahin ng tao ang Diyos sa lupa. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos” (Mateo 22:37-38). Bilang mga mananampalataya sa Panginoon, dapat nating ipagpaunang lahat ang pananampalataya at pagsamba sa Diyos at magkaroon ng normal na mga ugnayan sa Diyos. Ang mga pagtitipon, panalangin, pagpapahayag sa katotohanan, pag-awit ng mga himno at pagpupuri sa Diyos ay mga paraan upang makapagtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Bilang mga Kristiyano, ito ang mga bagay na kahit paano ay dapat nating gawin. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang ‘paniniwala sa Diyos’ ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos” (Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “May ilang mga tao na ang paniniwala ay hindi kailanman kinikilala sa puso ng Diyos. Sa ibang salita, hindi kinikilala ng Diyos na mga tagasunod Niya ang mga taong ito, sapagkat hindi pinupuri ng Diyos ang kanilang paniniwala. ... Itinuturing nilang libangan ang pagsampalataya sa Diyos, itinuturing nila ang Diyos bilang isa lamang na espirituwal na pagkain.... Ano ang pananaw ng Diyos sa mga taong ito? Itinuturing Niya silang mga di-mananampalataya” (“Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Makikita natin mula rito na, kung ang ating pananampalataya sa Diyos ay binubuo lamang ng pagkikilala sa salita at paniniwala sa loob ng ating mga puso, gayunma’y hindi natin hinahangad ang katotohanan, hindi nararansan at isinasagawa ang mga salita ng Diyos ngunit itinuturing ang pananampalataya bilang isang espirituwal na panustos o isang libangan, hindi ito tunay na paniniwala sa Diyos. Hindi pinupuri ng Diyos ang ganitong uri ng pananampalataya. Ang mga tunay na mananampalataya ay dapat na palaging lumalapit sa harap ng Diyos, palaging nananalangin sa Diyos, palaging binabasa ang mga salita ng Diyos, palaging dumadalo sa mga pagtitipon at nauunawaan ang mas maraming katotohanan mula sa Diyos. Kasabay nito, dapat nilang dalhin ang mga salita ng Diyos sa totoong buhay. Naniniwala sila na kung ano ang nangyayari araw-araw ay pinangangasiwaan at isinasaayos ng Diyos. Lalo na kapag nakakasagupa sila ng isang bagay na hindi nakaayon sa kanilang mga pagkaunawa at kapag inihahayag nila ang kanilang sariling kasamaan at hindi nagagawang pakawalan ito. Lumalapit sila sa harap ng Diyos at nagbubulay-bulay sa kanilang mga sarili alinsunod sa mga salita ng Diyos. Nagagawa nilang hangarin sa kapaligiran na isinaayos ng Diyos ang mga aral na dapat nilang matutuhan at ang mga katotohanan na dapat nilang pasukin at isagawa. Pagkatapos, talagang isinasagawa nila ang mga ito alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itinatakwil ang mala-satanas na disposisyong masama, isinasabuhay ang isang normal na pagkatao at sa bandang huli, natatamo ang isang tunay na pagkaunawa sa Diyos, pagkamasunurin sa Diyos at pag-ibig para sa Diyos. Ang ganitong paraan lamang ng pagdanas sa gawain ng mga salita ng Diyos ang bumubuo sa tunay na paniniwala sa Diyos. Matatamo lamang natin ang pagsang-ayon ng Diyos kung naniniwala tayo sa Diyos sa ganitong paraan. Kung ginagawa natin ito, sa bandang huli, dadalhin tayo sa kaharian ng Diyos. Sa kabaligtaran, kung ang ating pananampalataya ay hindi kinasasangkutan ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, madalas na pakikibahagi sa mga pagtitipon, panalangin, pagpapahayag ng katotohanan at pagsasagawa sa mga salita ng Diyos; kung isa lamang itong pampalipas ng oras na pananampalataya, kung naniniwala tayo sa Diyos sa maraming taon gayunma’y hindi nagbago kahit paano ang ating masamang kalikasan at kung wala tayong tunay na pagkaunawa sa Diyos, hindi kinikilala ng Diyos ang ganitong uri ng pananampalataya. Walang pagkakaiba sa pagitan nito at ng pananampalataya ng mga hindi sumasampalataya. Kung ganito ang ating pananampalataya, kahit na maniwala tayo hanggang sa huli, hindi natin matatamo ang pagsang-ayon at pagliligtas ng Diyos.
Ang Buhay Iglesia ay Mahalaga
Kung ayaw nating dumalo nang maaga sa pagtitipon, ipinahihiwatig nito na hindi natin nauunawaan ang kahalagahan ng buhay iglesia. Sa katunayan, ang buhay iglesia ay ang ating buhay ng pagpapahayag sa salita ng Diyos at pagpasok sa katotohanan, at ito rin ang buhay ng pagdanas sa gawain ng Banal na Espiritu at pagtatamasa sa pag-ibig ng Diyos. Ang pagkaunawa sa katotohanan, pagpasok sa katotohanan at pagtatamo ng pagliligtas ng Diyos ay ganap na isang resulta na natatamo sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu. Tanging sa pamamagitan ng ating mga buhay sa iglesia kung saan naglilingkod tayo at naglalaan para sa isa’t-isa, tinutupad ang ating mga pananagutan at sumasaksi sa Diyos, magagawa nating matamo nang madali ang gawain ng Banal na Espiritu at ang pagka-perpekto ng Diyos. Ibig sabihin, ang pagtatamo sa pagsang-ayon ng Diyos tungkol sa ating pananampalataya at ang pagkakamit ng Kanyang pagliligtas ay hindi mapaghihiwalay sa isang normal na buhay iglesia. Sa biblia, sinasabi: “Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw” (Mga Hebreo 10:25). Sinabi ng Panginoong Jesus: “Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit. Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila” (Mateo 18:19-20). Mula rito, nakikita natin, na ang pagsasabuhay sa isang buhay iglesia ay isa sa mga kinakailangan ng Diyos para sa ating mga Kristiyano. Dahil ang ating mismong kakayahan ay limitado at wala tayong sangkap upang tanggapin ang katotohanan, napakahirap maunawaan ang mga katotohanan at ang mga misteryo sa loob ng mga salita ng Diyos. Bagamat nauunawaan natin ang napakarami sa literal na kahulugan, napakakaunti ng ating nauunawaan sa mga layunin ng Diyos at sa kinakailangan ng Diyos para sa tao. Ngunit kung patuloy tayong nakikibahagi sa buhay iglesia, magkakasamang nananalangin kasama ng mga kapatid, binabasa ang mga salita ng Diyos at ipinababatid ang ating sariling pagkaunawa, nararanasan ang pagtanggap sa mga salita ng Diyos, makakamit natin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Makakamit natin ang mas marami pang liwanag at mga gantimpala, mas lalo nating mauunawaan ang mga layunin at mga kahilingan ng Diyos, at ang landas ng pagsasagawa ay lalong magiging malinaw. Ganito talaga kapag hindi natin nauunawaan ang mga salita ng Diyos o nakakasagupa ng iba’t-ibang mga paghihirap. Kung tayo ay makikipagtulungan sa ating mga kapatid upang hangarin ang Diyos, mananalangin sa Diyos at hahayaan ang Banal na Espiritu na gumawa sa gitna natin, maunawaan natin ang nakakubling kahulugan ng mga salita ng Diyos at ang lahat ng ating mga suliranin at mga paghihirap ay malulutas sapagkat nauunawaan natin ang katotohanan. Habang mas marami ang ating nalulutas na mga problema sa ating buhay iglesia, lalong mas maraming mga katotohanan ang ating mauunawaan at makakamit. Sa ganitong paraan, hindi na tayo mayayamot sa ating panlupang mga usapin. Ang ating mga buhay ay magiging walang kahirap-hirap at malaya. Pagkatapos, mahaharap natin ang mga sitwasyon na ating nasasagupa alinsunod sa mga layunin at mga kinakailangan ng Diyos. Dahan dahan, ang mga salita ng Diyos ang magiging mga panuntunan at mga direksiyon kung saan nakakaya natin ang mga sitwasyon. Sa ilalim ng paggabay ng Banal na Espiritu, tatahakin natin ang landas ng pagliligtas ng Diyos.
Kung hindi tayo nakikibahagi sa buhay iglesia, kung tayo mismo ay madalang manalangin at magbasa ng mga salita ng Diyos, ang ating pagtatamo sa gawain ng Banal na Espiritu ay magiging masyadong limitado. Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi natin mauunawaan ang katotohanan, ni magagawa nating pumasok sa realidad ng katotohanan. Kapag nakasasagupa tayo ng mga paghihirap at mga suliranin, dahil hindi natin nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, madalas nating hindi malalaman kung ano ang gagawin ni kung paano isasagawa ang katotohanan. Kung paminsan-minsan ay umaasa tayo sa ating sariling mga pagkaintindi at mga imahinasyon sa paggawa ng mga bagay, gagawa tayo ng mga bagay na lumalabag sa mga layunin ng Diyos at magkakasala pa sa disposisyon ng Diyos. Mawawala natin ang presensya ng Banal na Espiritu, idagdag pa ang pagliligtas ng Diyos. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kung ang iyong espiritwal na buhay ay hindi normal, hindi mo maiintindihan ang kasalukuyang gawain ng Diyos; palagi mong nararamdaman na ito ay lubos na hindi kaayon ng iyong sariling mga paniwala, at nakahanda kang sundin Siya, ngunit kulang ka sa panloob na udyok. Kaya maging anuman ang kasalukuyang ginagawa ng Diyos, ang tao ay dapat makipagtulungan. Kapag ang tao ay hindi makikipagtulungan hindi magagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, at kung ang mga tao ay walang isang puso ng pakikipagtulungan, hindi nila matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. ... Kapag hindi nakipagtulungan ang mga tao sa Diyos at hindi naghangad ng mas malalim na pagpasok, kukunin ng Diyos ang minsa’y nasa kanila na. Sa loob, ang mga tao ay palaging sakim para sa kagaangan at mas gustong tahakin ang madaling na daan. Ninanais nilang makamit ang mga pangako ng Diyos nang walang binabayarang anumang halaga. Ito ang mga malabis na saloobin sa gitna ng sangkatauhan. Ang pagkakamit ng buhay mismo nang walang binabayarang halaga-ano ba ang naging napakadali? Kapag ang isang tao ay naniniwala sa Diyos at naghahangad na pumasok sa buhay at maghangad ng isang pagbabago sa kanilang disposisyon, kailangan nilang magbayad ng isang halaga at matamo ang isang kalagayan kung saan palagi nilang susundin ang Diyos anuman ang Kanyang gawin. Ito ay isang bagay na kailangang gawin ng mga tao. Kahit sundin mo ang lahat ng ito bilang isang patakaran, kailangang manatili ka dito, at gaano man katindi ang mga pagsubok, hindi mo bibitiwan ang iyong normal na kaugnayan sa Diyos. Dapat nagagawa mong manalangin, panatilihin ang iyong buhay iglesia, at manatili sa mga kapatid. Kapag sinusubok ka ng Diyos, dapat mo pa ring hangarin ang katotohanan. Ito ang pinakakaunti para sa isang espiritwal na buhay” (“Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang isang normal na buhay espirituwal ay napakahalaga sa atin. Ang pananalangin, pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagdalo sa mga pagtitipon ay isang bahaging lahat ng isang buhay espirituwal. Kung hindi tayo makapaninindigan sa mga ito, hindi natin matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Bagamat nais ng ating mga puso na sundin ang Diyos, hindi tayo magkakaroon ng pananampalataya. Kung gayon, gaano man tayo kaabala sa ating mga buhay at gaano man kapagod ang pisikal nating mga katawan, hindi natin dapat mawala ang ating normal na kaugnayan sa Diyos. Kahit paano, dapat nating mapanatili ang isang normal na buhay espirituwal. Dapat tayong mabuhay sa harap ng Diyos at hangarin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan kapag nakakatagpo tayo ng mga sitwasyon. Sa paggawa lamang nito magiging matatag ang ating buhay espirituwal. Sa gayon lamang tayo magkakaroon ng isang landas na matatahak kapag nakakatagpo tayo ng mga sitwasyon.
Idagdag pa, dahil tayo ay lubos na pinasama ni Satanas, sa loob, puno tayo ng lason ni Satanas. Iniibig natin ang kayamanan, katanyagan, katayuan at makalamang pagtatamasa, atbp. Ayaw natin sa mga bagay na positibo. Kung hindi tayo palaging magiging malapit sa Diyos, napakadali para sa ating mahuli sa lambat ni Satanas, sundin ang masasamang kalakaran ng mundo at maging napakasama hanggang sa puntong gumagawa tayo ng mga bagay na lumalabag sa mga layunin ng Diyos at nagiging sanhi upang kasuklaman tayo ng Diyos. Ang mga pagtitipon ay ang ating pagkakataon upang maging malapit sa Diyos. Inilalapit nito ang distansya sa pagitan natin at ng Diyos at tinutulutan tayo na palaging mabuhay sa harap ng Diyos, tinatanggap ang pagsubok ng Diyos at tinatanggap ang pag-iingat at pangangalaga ng Diyos. Sa sandaling maging normal ang ating kaugnayan sa Diyos, ang ating mga espiritu ay magiging matalas, at mapagtatanto natin ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos at gusto ng Diyos. Kapag nakakasagupa tayo ng mga sitwasyon, makapaninidigan tayo sa panig ng Diyos, at hindi natin susundin ang ating makalamang mga kagustuhan at hindi gagawa ng isang bagay na sumasalungat o kumakalaban sa Diyos. Bilang resulta nito, makatatanggap tayo ng lalong mas maraming mga pagpapala ng Diyos. Kung gayon, ang isang buhay iglesia ay napakahalaga patungkol sa kung makapagtatamo tayo ng pagsang-ayon at pagliligtas ng Diyos.
Pamumuhay sa Harap ng Diyos at Pagtanggap sa Pagka-perpekto ng Diyos
Sinabi ng ating Panginoong Jesus: “Sapagka’t malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan” (Mateo 11:30). Umaasa ang ating Panginoon na mabubuhay tayo nang walang kahirap-hirap at nang malaya. Ayaw Niya tayong makita na nahuhumaling sa makalupang mundo at magdusa. Kaya bakit ayaw nating dumalo sa mga pagtitipon dahil sa pakiramdam na masyadong pagod sa pagtatrabaho? Ang totoo, ang gayong mga ideya ay nagmumula kay Satanas. Nilalaman ng mga ito ang mga masasamang pakana ni Satanas sa loob. Sinasabi ng Diyos: “Ang nais ng Diyos na gawin sa tao iyon mismo ang gustong wasakin ni Satanas, at ang gustong wasakin ni Satanas ay nahahayag sa pamamagitan ng tao nang lantaran. ... Maliwanag na kinakatawan din ang pagwasak ni Satanas sa sangkatauhan—pasámâ sila nang pasámâ at palubog nang palubog ang kanilang mga kalagayan. Maaari silang mabihag ni Satanas kung sapat na itong kalunos-lunos” (“Kabanata 15” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Si Satanas ay kaaway ng Diyos. Kinakalaban nito ang Diyos sa lahat ng bagay at madalas nitong inaasinta at inaatake ang ating mga kahinaan. Nagiging dahilan ito upang mawili tayo sa laman at mabitag sa ating mga makalamang mga gusot. Ginagambala nito ang ating normal na ugnayan sa Diyos at inilalayo ang ating mga sarili sa Diyos, pagtataksilan ang Diyos at sa bandang huli, ang layunin nito ay ang lamunin tayo nang buo. Kung palagi tayong magpapadala sa ating mga sarili at pinalulugod ang ating makalamang mga pagnanasa, lalo tayong lalayo sa Diyos. sa sandaling iyon, ang pakana ni Satanas ay magtatagumpay. Kung gayon, kapag ang ating pananampalataya ay mahina at ang ating kalagayan ay abnormal, lalo pa tayong dapat na lumapit sa harap ng Diyos, lalo pang manalangin sa Diyos at umasa sa Diyos. Hindi natin dapat iwanan ang buhay iglesia. Kasabay nito, dapat nating italaga ang ating paninindigan sa harap ng Diyos upang mapalugod Siya. Kapag nakikipagtulungan tayo sa Diyos sa ganitong paraan, ang mga pakana ni Satanas ay hindi magkakaroon ng anumang epekto sa atin at sa kalituhan, lalayas ito. Sa sandaling ang ating kaugnayan sa Diyos ay normal, hindi natin madadama na ang pagdalo sa mga pagtitipon ay sapilitan. Sa kabaligtaran, madadama natin na ang pagdalo sa mga pagtitipon ay isang paraan para sa atin upang maging malapit sa Diyos at matamasa ang pag-ibig ng Diyos.
Salamat sa Diyos sa Kanyang paggabay! Kapatid na An Jing, dito natin tatapusin ang ating pagbabahagi sa araw na ito. Umaasa ako na ang pagkaunawa na ating ibinahagi sa araw na ito ay pakikinabangan mo. Kung mayroon kang anumang mga katanungan, pag-usapan natin.
Espitiwal na Q&A
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento