Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

15.12.18

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Pagtatanggal ng Mga Tanikala ng Espiritu

Pagtatanggal ng Mga Tanikala ng Espiritu

          Wu Wen Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

     Ako ay isang mahinang tao na may sensitibong katauhan. Nang hindi ako naniwala sa Diyos, madalas akong nalungkot at nabagabag sa mga bagay na dumating sa aking buhay. Maraming ganitong mga pagkakataon, at lagi kong nadama na mahirap ang aking buhay; walang kagalakan, walang kaligayahan sa aking puso na masasabi. Nang sinimulan ko ang paniniwala sa Diyos, mayroong isang yugto ng panahon na kung saan nakaramdam ako ng malaking kagalakan at kapayapaan, ngunit pagkatapos noon, muli ay nadama ko ang katulad ng dati. Hindi ko naiintindihan kung bakit ako palaging ganoon.

Iyon ay hanggang sa araw na nakita ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Dahil masyadong minamahal ng mga tao ang kanilang mga sarili, ang kanilang buong buhay ay pangingipuspos at walang-kabuluhan....” (“Ang Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa oras na iyon, tila nalaman ko ang dahilan ng aking kalungkutan – ako ay labis na palalo. Madalas akong mabalisa at masaktan mula sa ilang hindi kasiya-siyang mga salita o mula sa isang patagilid na sulyap mula sa ibang tao. Nasaktan ako at nalungkot nang ako ay pinakitunguhan at pinungusan. Nabahala ako sa aking hinaharap na landas sa buhay. ... Hindi ba lahat ng ito ay dahil sobra akong nagmamalasakit sa aking sarili reputasyon, katayuan, kahambugan, hangarin, at hinaharap na kapalaran? Tulad sa mga pagbubunyag na ito, sa nakaraan, naisip ko na lamang na ito ay dahil may napakaraming bagay sa aking puso at isipan, na ang aking mga saloobin ay mabigat, na ang pagliligtas ng dangal ay mahalaga sa akin, at ako ay paimbabaw, ngunit hindi ko nalutas ang suliranin ng landas ng pagpasok. Maaari kayang ito ay dahil sa ako ay labis na palalo, namuhay ako sa gitna ng paghihirap ni Satanas, sa pagkaalipin nito? Tahimik kong hinangad sa loob ng aking puso. Nang maglaon, nang ako ay nagbabasa ng mga salita ng Diyos sa “Tumakas Mula sa Impluwensiya ng Kadiliman at Makakamit Ka Ng Diyos” Nakita ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Ang mga tao na hindi napalaya, laging kontrolado ng mga bagay-bagay, hindi maibigay ang kanilang puso sa Diyos, ang mga ito ang mga tao na nasa ilalim ng gapos ni Satanas, at sila ay namumuhay sa ilalim ng lambong ng kamatayan.” Naisip ko: Hindi ba ito ang aking ganap na kalagayan? Mas lalo akong naging tiyak. Sumunod, nakita ko ang higit pa sa mga salita ng Diyos: “Upang tumakas mula sa impluwensiya ng kadiliman, kailangan mo munang maging tapat sa Diyos at magkaroon ng pananabik na hanapin ang katotohanan, sa gayon ka lamang magkakaroon ng tamang sitwasyon. Ang pamumuhay sa tamang sitwasyon ay kailangan para sa pagtakas mula sa impluwensiya ng kadiliman. Ang hindi pagkakaroon ng tamang sitwasyon ay nangangahulugan na hindi ka tapat sa Diyos at wala kang pananabik na hanapin ang katotohanan, sa gayon ay hindi na tatakas mula sa impluwensiya ng kadiliman. Ang pagtakas ng tao mula sa impluwensiya ng kadiliman ay batay sa Aking mga salita, at kung ang tao ay hindi makagaganap nang naaayon sa Aking mga salita, ang tao ay hindi makatatakas mula sa gapos ng impluwensiya ng kadiliman. Ang mamuhay sa tamang sitwasyon ay ang mamuhay sa ilalim ng paggabay ng mga salita ng Diyos, ang mamuhay sa sitwasyon ng pagiging tapat sa Diyos, ang mamuhay sa sitwasyon ng paghahanap sa katotohanan, ang mamuhay sa realidad ng taos na paggugol para sa Diyos, ang mamuhay sa sitwasyon ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Sila na namumuhay sa mga ganitong sitwasyon at sa loob ng ganitong realidad ay dahan-dahang mababago, habang pumapasok sila nang higit na malalim sa katotohanan, at sila ay mababago kasabay ng paglalim ng gawain ng Diyos, hanggang humantong sila sa tiyak na pagkabawi ng Diyos, at magáwâ nila na ibigin ang Diyos nang tunay” (“Tumakas Mula sa Impluwensiya ng Kadiliman at Makakamit Ka Ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Binabasa ito, aking nadama na lumiwanag ang aking puso. Kapag ang mga tao ay nagmamahal sa kanilang sarili, hindi sila maaaring magkaroon ng angkop na kaugnayan sa Diyos, at ang kanilang puso para sa pagpupunyagi sa katotohanan ay hindi magiging ganoon dakila. Sa bandang huli, dahil sa kanilang kapalaluan, sisirain nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pamumuhay sa ilalim ng teritoryo ni Satanas. Salamat sa pagliliwanag mula sa mga salita ng Diyos na nagpahintulot sa akin na makita ang aking sariling panganib at mayroong landas sa pagtatanggal ng impluwensiya ng kadiliman. Una, kailangan kong magkaroon ng puso ng pagpupunyagi sa katotohanan, upang pahintulutan ang aking sarili na mabuhay ng isang buhay na pinangungunahan ng mga salita ng Diyos. Sa pamumuhay lamang sa tamang kalagayan at pagtatamo ng gawain ng Banal na Espiritu, ang katiwalian sa loob ng sangkatauhan ay maaaring magbago kasama ang paglalim ng katotohanan at ang paglalim ng gawain. Ito ang paraan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ngunit binale-wala ko ang aspetong ito, balintiyak na sinusubukan lamang na harapin ang aking katiwalian sa aking sarili, hindi umaasa sa gawain ng Banal na Espiritu upang baguhin ang aking sarili. Hindi nakapagtataka na nakamit ko lamang ang pansamantalang pagpigil; Hindi ko nalutas ang kundisyong ito mula sa ugat nito. Tulad ng sinasabi nito sa mga salita ng Diyos: “Habang ang mga tao ay lalong nasa presensiya ng Diyos lalong mas madali na gawin silang perpekto ng Diyos. Ito ang landas kung saan ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain. Kung hindi mo nauunawaan ito, magiging imposible para sa iyo na makapasok sa tamang landas at pagiging pineperpekto ng Diyos ay magiging labas sa tanong. … Kasama lamang ng iyong sariling pagsisikap at wala sa gawain ng Diyos. Hindi ba ito magiging isang bagay na mali sa iyong karanasan?” (“Tungkol sa Karanasan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos maintindihan ito, mas sinasadya ko nang ilagay ang aking sarili sa landas na ito, na nililimot ang aking sarili, na hindi iniisip ang aking mga damdamin at mga saloobin; sa halip, inilalagay ko ang aking puso patungo sa paghahangad ng katotohanan, tapat na tinutupad ang aking tungkulin, upang magsanay sa pag-iisip nang higit pa tungkol sa mga salita ng Diyos, upang umasa sa mga salita ng Diyos sa aking mga gawa, upang pahintulutan ang aking sarili na mabuhay sa tamang kalagayan. Kahit na may mga pagkakataon sa aking partikular na pagsasagawa na hindi ako ganap na kumilos nang tama, naramdaman ko ang pagpapalaya at kalayaan ng pamumuhay sa liwanag at natamasa ko ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi lamang nakikita ko na ang sarili kong katiwalian at mga kakulangan, ngunit ako ay nagkaroon ng determinasyon sa pagnanais na magbago sa lalong madaling panahon at ng pag-uudyok upang maisagawa ang katotohanan. Ang aking pananaw ay nagbago din; hindi na ako mapanglaw, malungkot, at walang buhay, ngunit may sigla at kalakasan sa aking puso. Naging mas maligaya rin ako, at napakasaya kong naninirahan sa iglesia!
Siyempre, ang aspetong ito ng katiwalian sa akin ay masyadong malalim at hindi posibleng lubusang tanggalin ang impluwensiya ni Satanas sa pagsasagawa ng mga bagay na ito nang ilang ulit. Gayunpaman, pinahintulutan ako ng Diyos na magkaroon ng unang tikim sa tamis ng “pagtatapon ng impluwensiya ng kadiliman, paninirahan sa liwanag,” na nagbigay sa akin ng pag-uudyok at pag-asa sa aking pagpupunyagi. Naniniwala ako na hangga’t patuloy ako sa pagtitiyaga sa pakikipagtulungan sa Diyos at lumakad sa landas na itinuturo ng Diyos, hanapin ang katotohanan sa lahat ng mga bagay, at mamuhay sa mga salita ng Diyos, aking itatapon ang mga tanikala ng espiritu, itatapon ang impluwensya ng kadiliman, at matatamo ng Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento