Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

11.8.19

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos


Nang makita ng mga taga-Sodoma ang dalawang lingkod na ito, hindi nila itinanong kung ano ang kanilang dahilan sa pagdating, ni may isa man lang na nagtanong kung dumating ba sila upang ipahayag ang kalooban ng Diyos. Sa kabaligtaran, bumuo sila ng isang malaking pangkat ng mga tao at, kahit walang anumang paliwanag, dumating sila para dakpin ang dalawang lingkod na ito na gaya ng mga asong gubat o mababangis na mga lobo.

9.8.19

Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan



Sa isang pulong ng mga lider ng iglesia na minsan kong dinaluhan, isang bagong halal na pinuno ng iglesia ang nagsabi: “Wala akong sapat na katayuan. Pakiramdam ko ay hindi ako angkop sa pagtupad sa tungkulin na ito. Nagigipit ako ng napakaraming mga bagay, hanggang sa hindi ako makatulog nang ilang araw at gabi na magkakasunod…”

7.8.19



Tagalog Christian Movie | Huwag Magtuon sa Biblia |  Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon


Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit.

3.8.19

Tagalog Christian Movie 2019 | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Tagalog Christian Movie 2019 | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Para kumita ng mas malaki, nagdalawang trabaho si Ding Ruilin. Dahil sa bigat ng kanyang trabaho at pagwawalang-bahala ng mga tao sa kanyang paligid, napagtanto niya ang sakit at kawalan ng kakayahang mabuhay para kumita. Sa gitna ng kanyang pasakit at pagkalito, nakilala niya ang kaklase niya sa high school na si Lin Zhixin. Sa kanilang mga pag-uusap, nakita ni Ding Ruilin na maraming bagay nang nauunawaan si Lin Zhixin dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Sa presensya ng Diyos, nadarama niya ang espirituwal na kapayapaan at kaligayahan at pahingado at maginhawa ang kanyang buhay, kaya ginusto ni Ding Ruilin na maniwala rin sa Diyos. Di naglaon, para kumita ng mas malaki, pumalit si Ding Ruilin at ang kanyang asawa sa isang restawran, ngunit dahil sa pangmatagalang kapaguran ay nagkasakit nang malubha si Ding Ruilin, kaya nanganib siyang maparalisa.

28.7.19

Tagalog Christian Movie 2019 | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Tagalog Christian Movie 2019 | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Nagpapatakbo ng isang tindahan ng damit si Wang Xinyu at ang kanyang asawa, at kahit sinikap nila noong una na patakbuhin ang kanilang tindahan nang may integridad at konsiyensya, hindi sila gaanong kumikita, at napakahirap ng buhay nila. Ngunit nang makita nila ang mga kabarkada nilang umaasa sa pagsisinungaling at panlilinlang sa negosyo na bumibili ng mga kotse at bahay at maluho ang pamumuhay, ipinasiya nila na hindi sila magpapaiwan.

21.7.19

Clip ng Pelikulang Anak, Umuwi Ka Na! (4/4) | "Mga Karanasan at Patotoo tungkol sa Tagumpay na Pagputol sa Adiksyon sa Online Gaming Matapos Maniwala sa Diyos"


Tagalog Christian Movie | Umuwi Ka Na! (4/4) | "Mga Karanasan at Patotoo tungkol sa Tagumpay na Pagputol sa Adiksyon sa Online Gaming Matapos Maniwala sa Diyos"


Maraming kabataang adik sa internet ang gustong tumigil sa online games, pero hindi nila mapigil ang sarili nila. Matapos mabigo nang paulit-ulit, nawalan sila ng pag-asa at pinanghinaan ng loob, naniniwala na wala silang pag-asang tumigil sa online games. Sa maikling videong ito, isinalaysay ng isang grupo ng mga Kristiyano ang kanilang mga karanasan at patotoo kung paano sila tagumpay na nakatigil sa online games matapos maniwala sa Diyos

14.7.19

Mga Patotoo | Ang Proseso ng Pagbabago ng isang Aroganteng Mananampalataya



Zhang Yitao Probinsya ng Henan

“Diyos ko, napakapraktikal ng iyong gawain, punong-puno ng pagkamatuwid at kabanalan. Ikaw ay matiyagang nagtatrabaho nang matagal, para sa aming lahat. Dati, naniwala ako sa Diyos ngunit wala akong pagkilos ng isang tao. Sinuway Kita at sinaktan ang Iyong puso nang hindi nalalaman. Punong-puno ako ng kahihiyan at pagsisisi. … Kapag wala ang Iyong malupit na paghatol, hindi ako magkakaroon ng kasalukuyan, at ang pagharap sa Iyong tunay na pagmamahal, ako’y nagpapasalamat at may utang sa Iyo. Ang gawain Mo ang nagligtas sa akin at nagpabago sa aking disposisyon. Kung walang pighati at sakit, puno ng kasiyahan ang aking puso”

7.7.19

Ang himno ng Salita ng Makapangyarihang Diyos Video | "Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila"


Tagalog Worship Song | "Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila"


I
Galit ang Diyos dahil ang mga bagay na di matuwid
ay nandito upang guluhin ang sangkatauhan,
at ang kadiliman at kasamaa'y umiiral,
gaya ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan,
at may mga bagay na laban sa kabutihan.
Ang poot N'ya ang simbolo
ng wakas ng lahat ng masasamang bagay,
at higit pa ang simbolo ng Kanyang kabanalan,
ang simbolo ng Kanyang kabanalan.

30.6.19

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao



Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao


Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan.

23.6.19

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikatlong Bahagi)


Salita ng Buhay | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikatlong Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Partikular na mga Pagpapamalas ni Job ng Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan sa Kanyang Araw-araw na Buhay
Pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na Tuksuhin si Job upang Gawing Perpekto ang Pananampalataya ni Job
Na Kusang Ibinalik ni Job ang Lahat ng Kanyang Pag-aari na Nanggaling sa Kanyang Takot sa Diyos

16.6.19

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ipinangako ng Diyos na Bigyan ng Anak na Lalaki si Abraham



1. Ipinangako ng Diyos na Bigyan ng Anak na Lalaki si Abraham

(Gen 17:15-17) At sinabi ng Diyos kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, huwag mo nang tatawagin ang kanyang pangalang Sarai, kundi Sara ang kanyang magiging pangalan. At akin siyang pagpapalain, at saka bibigyan kita ng anak na lalaki sa kanya: oo, akin siyang pagpapalain, at magiging ina siya ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kanya. Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at natawa, at nasabi sa kanyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taong gulang na? at manganak pa kaya si Sara na may siyamnapung taon na?

9.6.19

Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos | Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito.

5.6.19

Clip ng Pelikulang Anak, Umuwi Ka Na! (3/4) | "Maaaring Tagumpay na Maputol ng Taos na Pananampalataya sa Diyos ang Adiksyon sa Online Gaming"


Clip ng Pelikulang Anak, Umuwi Ka Na! (3/4) | "Maaaring Tagumpay na Maputol ng Taos na Pananampalataya sa Diyos ang Adiksyon sa Online Gaming"


Nahirapan ang tinedyer na adik sa internet na si Li Xinguang sa kanyang adiksyon sa online games. Nang hindi siya mapatigil ng mga pamamaraang naisip ng tao at wala na silang ibang maisip, taos siyang naniwala sa Diyos, nagdasal siya at nanalig sa Diyos, at nakakita ng paraan para tagumpay na maputol ang kanyang adiksyon sa online gaming.

4.6.19

Mga Patotoo sa Kaligtasan | Isang Muling Pagsilang


 Isang Muling Pagsilang


Yang Zheng Probinsya ng Heilongjiang

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa kanayunan na baliktad sa kanilang pag-iisip. Ako ay mapagmataas simula sa murang edad at talagang malakas ang aking pagnanais para sa katayuan. Sa paglipas ng panahon, sa pamamagitan ng panlipunang impluwensya at isang tradisyonal na edukasyon, kinuha ko ang lahat ng uri ng mga patakaran ni Satanas sa aking puso para sa kaligtasan. Ang lahat ng mga uri ng mga kamalian ang nagpalala sa aking pagnanais sa reputasyon at katayuan, tulad ng pagtatayo ng magandang lupain gamit ang iyong mga sariling kamay, gagawin kang imortal ng katanyagan, kailangan ng tao ng mukha tulad ng puno na kailangan ng balat, pangunguna at pagiging nasa ibabaw, prestihiyo ng pamilya, atbp.

3.6.19

Mga Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tagalog Praise Songs | Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin


I
Ang Diyos ay praktikal sa puso ng mga tao,
kapag Siya'y nasa lupa.
Sa langit,
ang Diyos ang Tagapamahala ng lahat ng mga nilalang.
Minsang naglakbay ang Diyos sa mga bundok at sa mga tubig,
marahan Siyang lumakad kasama ng sangkatauhan.

2.6.19

Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad ng Inaakala ng Tao?



Bilang isa na naniniwala sa Diyos, dapat mong maunawaan na, ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ng lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Nailalaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at isinakripisyo ang lahat para sa inyo; Kanyang nababawi at naibibigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob.

1.6.19

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikalawang bahagi)


Salita ng Buhay | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikalawang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Pinagtutuunan Lamang ng Pansin ng Diyos ang mga Nakakasunod sa Kanyang mga Salita at Sinusunod ang Kanyang mga Utos
Sagana sa Awa ang Diyos sa Kanyang mga Pinagmamalasakitan, at Malalim ang Poot sa mga Kinamumuhian at Tinatanggihan Niya

31.5.19

Pagkilala sa Diyos | Ginawa ng Diyos ang Bahaghari bilang isang Palatandaan ng Kanyang Tipan sa Tao



(Gen 9:11-13) At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.

30.5.19

Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos | 2. Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain.

29.5.19

Tagalog Christian Movie | Umuwi Ka Na! (2/4) | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Tagalog Christian Movie |  Umuwi Ka Na! (2/4) | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Sa maraming kabataang nahuhumaling ngayon sa online gaming at hindi makaalpas doon, at sa bawat henerasyon ng mga kabataan na mas malala pa kaysa sa huli, hindi maiwasang magtanong ang maraming tao ng: Bakit kailangang patuloy na tangkilikin, paunlarin at itaguyod ng lipunang ito ang online gaming para lasunin ang ating mga kabataan? Bakit napakadilim at napakasama ng mundo?

Ano ang kahulugan ng pananampalataya? Paano tayo dapat maniwala sa Diyos upang pagpalain ng Diyos? Maligayang pagdating sa pakikinig ng mga Kristiyanong awitin nang sama-sama!