Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mga kristiyano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mga kristiyano. Ipakita ang lahat ng mga post

20.4.18

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2)



     Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … 

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan 

22.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

  Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!”

15.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Nagkatawang-Taong Diyos Ay Di-karaniwang Tao




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Nagkatawang-Taong Diyos Ay Di-karaniwang Tao

I
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.
Lahat sayo'y Kanyang ibibigay;
lahat mo ay nasa Kanyang palad.
Gaya ba Siya ng inyong pinaniniwalaan—
lubhang payak upang mabanggit?
Di kayo makumbinsi ng katotohanan Niya?
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.