Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi)
Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Pagkatapos lamang na ang tao ay nagkaroon ng tiwaling disposisyon kaya ang gawain ng pamamahala ay dumating sa pag-iral, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay sumasaklaw sa tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay. Kung wala ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, hindi rin magkakaroon ng tatlong mga yugto ng gawain. Tiyak na ito ay dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil ang sangkatauhan ay nasa gayong madaliang pangangailangan ng kaligtasan, na winakasan ni Jehova ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahong iyon pa lamang nag-umpisa ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugang sa panahong iyon lamang nag-umpisa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang “pamamahala sa sangkatauhan” ay hindi nangangahulugang paggabay sa buhay ng sangkatauhan, bagong-likha, sa lupa (ibig sabihin, ang sangkatauhang hindi pa nagiging tiwali). Bagkus, ito ang pagliligtas ng isang sangkatauhan na natiwali ni Satanas, na ibig sabihin, ito ay ang pagpapabagong-anyo sa tiwaling sangkatauhang ito. Ito ang kahulugan ng pamamahala sa sangkatauhan. Hindi kabilang sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ang paglikha ng mundo, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi nagsasama sa gawain ng paglikha sa mundo, at kabilang lamang ang tatlong mga yugto ng gawain na hiwalay mula sa paglikha sa mundo. Upang maunawaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, kailangang malaman ang kasaysayan ng tatlong mga yugto ng gawain—ito ang dapat malaman ng lahat upang maligtas. Bilang mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong kilalanin na ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat kilalanin ang pinagmulan ng katiwalian ng tao, at, bukod doon, dapat kilalanin ang paraan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kung nalalaman lamang ninyo kung paano kumilos nang ayon sa doktrina upang makamtan ang pabor ng Diyos, nguni’t walang alam tungkol sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o sa pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, kung gayon ito ang inyong kakulangan bilang isang nilalang ng Diyos. Hindi ka lamang dapat makuntento sa pagkaunawa sa mga katotohanang maaaring maisagawa, habang nananatiling mangmang tungkol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos—kung ito ang katayuan, ikaw ay masyadong dogmatiko. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang napapaloob na kasaysayan ng pamamahala ng Diyos sa tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong sansinukob, ang pinakamalaking hiwaga sa gitna ng buong sangkatauhan, at siya ring saligan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kung ikaw ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga payak na katotohanan na may saysay sa iyong buhay, at walang alam tungkol dito, ang pinakamalaki sa lahat ng mga hiwaga at mga pangitain, kung gayon hindi ba ang iyong buhay ay tulad ng isang sirang produkto, walang silbi kundi ang matingnan lamang?
Kung ang tao ay tumutuon lamang sa pagsasagawa, at nakikita ang gawain ng Diyos at kaalaman ng tao bilang pangalawa lamang, kung gayon hindi ba ito tulad ng pagiging matipid sa maliit na gastusin at maluho sa malaking paggasta? Yaong dapat mong malaman, ay dapat mong alamin, at yaong dapat mong maisagawa, ay dapat mong isagawa. Sa gayong paraan ka lamang magiging taong nakakaalam kung paano habulin ang katotohanan. Pagdating ng araw na palalaganapin mo ang ebanghelyo, kung ang kaya mo lamang sabihin ay na ang Diyos ay isang dakila at matuwid na Diyos, na Siya ay ang kataas-taasang Diyos, isang Diyos na hindi kayang tumbasan ng sinumang dakilang tao, at Siya na walang sinuman ang mas nakatataas pa..., kung ang kaya mo lamang sabihin ay ang mga walang-saysay at mabababaw na salitang ito, at lubos na walang kakayanang sabihin ang mga salitang pinakamahalaga, at na may diwa, kung wala kang masabi tungkol sa pagkakilala sa Diyos, o sa gawain ng Diyos, at, bukod dito, walang kakayanang ipaliwanag ang katotohanan, o magbigay ng kung ano ang kakulangan sa tao, kung gayon ang isang tulad mo ay walang kakayanang gampanan ang kanilang tungkulin nang may kaayusan. Ang pagtataglay ng patotoo sa Diyos at ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ay hindi isang payak na bagay. Dapat ka munang masangkapan ng katotohanan, at ng mga pangitain na dapat maunawaan. Kapag ikaw ay malinaw tungkol sa mga pangitain at katotohanan ng iba’t ibang mga aspeto ng gawain ng Diyos, sa iyong puso ay dumarating ka sa pagkaalam sa gawain ng Diyos, at kahit na ano pa ang ginagawa ng Diyos—maging ito man ay matuwid na paghatol o pagpipino ng tao—taglay mo ang pinakadakilang pangitain bilang iyong pundasyon, at taglay ang tamang katotohanan na isasagawa, kung gayon kakayanin mong sundin ang Diyos hanggang sa katapus-katapusan. Dapat mong malaman na kahit ano ang gawain na Kanyang ginagawa, ang layunin ng gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, ang puso ng Kanyang gawain ay hindi nagbabago, at ang Kanyang nais para sa tao ay hindi nagbabago. Kahit gaano kabagsik ang Kanyang mga salita, kahit gaano kasalungat ang kapaligiran, ang mga panuntunan ng Kanyang gawain ay hindi magbabago, at ang Kanyang pakay na pagliligtas sa tao ay hindi magbabago. Kung hindi ito ang pagbubunyag ng katapusan ng tao o ng hantungan ng tao, at hindi ang gawain ng huling yugto, o ang gawain ng pagdadala ng buong plano ng pamamahala ng Diyos sa katapusan, at kung ito’y sa panahong gumagawa Siya sa tao, kung gayon ang puso ng Kanyang gawain ay hindi magbabago: Ito ay laging magiging ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ito ang nararapat na pundasyon ng inyong paniniwala sa Diyos. Ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa’t isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Sa sandaling alam mo na ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawaing ito, kung gayon malalaman mo kung paano pahalagahan ang kabuluhan ng bawa’t yugto ng gawain, at malalaman mo kung paano kumilos sa paraang magbibigay-kasiyahan sa naisin ng Diyos. Kung mararating mo ang puntong ito, kung gayon ito, ang pinakadakila sa lahat ng mga pangitain, ang magiging saligan mo. Huwag mo lang dapat hanapin ang madadaling paraan ng pagsasagawa, o malalalim na katotohanan, ngunit dapat isama ang mga pangitain sa pagsasagawa,, upang magkaroon kapwa ng mga katotohanang maaaring maisagawa, at kaalamang batay sa mga pangitain. Sa gayon ka lamang magiging isang taong lubos na naghahabol sa katotohanan.
Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos. Ang tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos lamang ang lubos na makapaghahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos, at ganap na makapaghahayag ng hangarin ng Diyos na pagliligtas ng buong sangkatauhan, at ng buong proseso ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ito ang katunayan na natalo na Niya si Satanas at nakamit ang sangkatauhan, ito ay katunayan ng tagumpay ng Diyos, at ang pagpapahayag ng kabuuang disposisyon ng Diyos. Yaong mga nakakaunawa ng isang yugto lamang sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay bahagi lamang ang alam tungkol sa disposisyon ng Diyos. Sa pagkaintindi ng tao, madali para sa nag-iisang yugto ng gawaing ito na maging doktrina, marahil ang tao ay magtatakda ng mga alintuntunin tungkol sa Diyos, at ginagamit ng tao itong nag-iisang bahagi ng disposisyon ng Diyos bilang isang pagkatawan sa buong disposisyon ng Diyos. Higit pa riyan, malaking bahagi ng imahinasyon ng tao ang kahalo sa loob, sa gayon ay mahigpit niyang pinipigilan ang disposisyon, pag-iral, at karunungan ng Diyos, gayundin ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, sa loob ng limitadong mga hangganan, naniniwala na kung ang Diyos ay naging ganito minsan, kung gayon Siya ay mananatiling ganito habang panahon, at hinding-hindi kailanman magbabago. Yaong mga nakakaalam lamang at nagpapahalaga sa tatlong mga yugto ng gawain ang may kakayanang lubos at tiyak na kilalanin ang Diyos. Gayunpaman, hindi nila bibigyang-kahulugan ang Diyos bilang ang Diyos ng mga Israelita, o mga Hudyo, at hindi Siya makikita bilang isang Diyos na walang-hanggang nakapako sa krus para sa kapakanan ng tao. Kung nakikilala mo lamang ang Diyos mula sa isang yugto ng Kanyang gawain, kung gayon ang iyong pagkakilala ay masyadong, masyadong kaunti. Ang iyong pagkakilala ay isang patak lamang sa dagat. Kung hindi, bakit marami sa mga relihiyosong konserbatibong ayaw sa pagbabago ang nagpako sa Diyos nang buhay sa krus? Hindi ba dahil ikinukulong ng tao ang Diyos sa loob ng tiyak na mga parametro? Hindi ba maraming mga tao ang sumasalungat sa Diyos at hinahadlangan ang gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi nila alam ang iba’t-iba at malawak na gawain ng Diyos, at, higit pa, dahil sila ay nagtataglay ng napakaliit na kaalaman at doktrina na ginagamit bilang panukat sa gawain ng Banal na Espiritu? Kahit na ang mga karanasan ng mga taong iyon ay mababaw, sila ay mayabang at likas na abusado, at hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi pinapansin ang mga disiplina ng Banal na Espiritu, at, bukod dito, ginagamit nila ang kanilang mga walang halagang lumang argumento upang pagtibayin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sila rin ay nagkukunwari, at lubos na naniniwala sa kanilang sariling natutunan at kaalaman, at sila ay nakakapaglakbay sa ibang dako ng mundo. Ang ganoong mga tao ba ay hindi yaong mga kinasuklaman at tinanggihan ng Banal na Espiritu, at hindi ba sila ang mga aalisin ng bagong kapanahunan? Hindi ba silang mga taong lumalapit sa Diyos at lantarang sinasalungat Siya ay mga hamak na taong makitid ang pananaw, na nagpapakita lamang kung gaano sila katalino? Sa kanilang kaunting kaalaman sa Biblia, sinusubukan nilang sakupin ang mga “academia” sa mundo, may angking mababaw na doktrina na ituturo sa mga tao, sinusubukan nilang baligtarin ang gawain ng Banal na Espiritu, at sinusubukan nilang paikutin ito sa kanilang mga pansariling proseso ng pag-iisip, at bilang sila ay maigsi ang pananaw, sinusubukan nilang makita sa isang tingin ang 6,000 taong gawain ng Diyos. Mayroon bang katuwirang magsalita ang mga taong ito? Sa katunayan, mas malawak ang pagkakilala ng mga tao sa Diyos, mas mabagal nilang huhusgahan ang Kanyang gawain. Bukod dito, kaunti lamang ang kanilang sinasabi tungkol sa kaalaman nila sa gawain ng Diyos ngayon, nguni’t hindi sila padalus-dalos sa kanilang mga paghatol. Kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, mas mayabang sila at may labis-labis na pagtitiwala sa sarili, at mas lalo nilang walang-pakundangang inihahayag ang kabuuan ng Diyos—nguni’t ang kanila lamang sinasalita ay teorya, at walang tunay na katibayang ipinakikita. Sila ang mga taong walang halagang anuman. Silang nagtuturing sa gawain ng Banal na Espiritu bilang isang laro ay di-seryoso! Silang mga hindi maingat kapag kanilang nakakatagpo ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, mabibilis ang mga bibig na magsalita, ay mabibilis humusga, na malayang hinahayaan ang kanilang likas na pakiramdam na tanggihan ang pagkamatuwid ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto rin at nilalapastangan ito—ang mga ganoong napakawalang-galang na tao ba ay hindi mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba sila, bukod dito, ang mga mayayabang, likas na mapagmataas at hindi nagpapasakop? Kahit na dumating ang araw na ang ganoong uri ng mga tao ay tumanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin sila palalampasin ng Diyos. Hindi lamang nila hinahamak ang mga taong gumagawa para sa Diyos, nilalapastangan din nila ang Diyos Mismo. Ang ganoong mga mapangahas na hangal na mga tao ay hindi patatawarin, maging sa kapanahunang ito o sa darating mang kapanahunan at sila ay walang-hanggang mamamatay sa impiyerno! Ang ganoong napakawalang-galang at maluhong mga tao ay nagpapanggap na naniniwala sa Diyos, at habang mas lalo nilang ginagawa ito, maaaring mas lalo nilang malalabag ang mga kautusan ng Diyos sa pangangasiwa. Hindi ba lahat yaong mga mayayabang na likas na pakawala, at hindi pa kailanman sumunod sa kahit kanino, ay lalakad lahat sa landas na ito? Hindi ba nila sinasalungat ang Diyos sa bawa’t araw, Siya na laging bago at hindi kailanman luma? Ngayon, dapat ninyong maunawaan ang kahalagahan ng kung bakit kailangan ninyong malaman ang tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos. Ang mga salitang Aking sinasabi ay may pakinabang sa inyo, at hindi lamang mga walang-saysay na pagsasalita. Kung mamadaliin ninyo ang mga bagay-bagay, hindi ba ang lahat ng Aking pinaghirapan ay mapupunta sa wala? Ang bawa’t isa sa inyo ay dapat alamin ang inyong sariling kalikasan. Karamihan sa inyo ay mahusay sa pakikipagtalo, ang mga sagot sa mga katanungang teorya ay lumalabas sa inyong dila, nguni’t wala kayong masabi tungkol sa mga katanungang may kabuluhan. Kahit ngayon, sumasali pa rin kayo sa mga walang-saysay na usapan, walang kakayanang baguhin ang inyong lumang kalikasan, at karamihan sa inyo ay walang hangaring baguhin ang paraan ng paghahabol upang makamit ang mas mataas na katotohanan, ipinamumuhay lamang ang inyong mga buhay nang hindi taos sa kalooban. Paano makakaya ng mga taong iyon na sumunod sa Diyos hanggang sa katapus-katapusan? Kahit na marating ninyo ang katapusan ng landas, anong pakinabang ang makukuha ninyo? Mas mabuting baguhin ninyo ang inyong mga kaisipan bago mahuli ang lahat, alinman sa tunay na naghahabol, o dili kaya ay maagang sumusuko. Habang lumilipas ang panahon kayo ay magiging dapo kung saan-saan—kayo ba ay papayag na gampanan ang ganitong kababa at hamak na papel?
Ang tatlong mga yugto ng gawain ay isang talâ ng buong gawain ng Diyos, ang mga ito ay talâ ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at hindi kathang-isip ang mga ito. Kung tunay na nagnanais kayong maghanap ng kaalaman sa kabuuang disposisyon ng Diyos, kung gayon ay dapat ninyong alamin ang tatlong mga yugto ng gawain na isinasakatuparan ng Diyos, at bukod dito, wala kayong dapat tanggaling yugto. Ito ang pinakamaliit na dapat makamit ng mga nagnanais na makilala ang Diyos. Ang tao mismo ay walang kakayanang magbunga ng totoong pagkakilala sa Diyos. Ito ay hindi isang bagay na kayang wariin ng tao mismo, hindi rin ito ang bunga ng natatanging pabor ng Banal na Espiritu para sa isang tao. Bagkus, ito ay pagkakilala na dumarating matapos maranasan ng tao ang gawa ng Diyos, at ito ay isang pagkakilala sa Diyos na dumarating lamang matapos maranasan ng tao ang mga katotohanan ng gawain ng Diyos. Ang ganoong pagkakilala ay hindi makakamit nang biglaan, hindi rin ito isang bagay na maituturo. Ito ay lubos na may kaugnayan sa personal na karanasan. Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay nasa kaibuturan nitong tatlong mga yugto ng gawain, ngunit sa loob ng gawain ng pagliligtas ay kasama ang maraming mga paraan ng paggawa at paraan kung paano ang disposisyon ng Diyos ay inihahayag. Ito ang pinakamahirap na tukuyin ng tao, at ito ay mahirap maunawaan ng tao. Ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga kapanahunan, mga pagbabago sa gawain ng Diyos, mga pagbabago sa kinaroroonan ng gawain, mga pagbabago sa mga tagatanggap nitong gawain, at iba pa—lahat ng mga ito ay kasama sa tatlong mga yugto ng gawain. Sa partikular, ang pagkakaiba ng paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu, gayundin ang mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, anyo, pangalan, pagkakakilanlan, o ang iba pang mga pagbabago, ay bahagi lahat ng tatlong mga yugto ng gawain. Ang isang yugto ng gawain ay maaari lamang kumatawan sa isang bahagi, at ito ay limitado sa loob ng isang tiyak na saklaw. Wala itong kaugnayan sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga kapanahunan, o mga pagbabago sa gawain ng Diyos, lalong wala sa ibang mga aspeto. Ito ay malinaw na nakikitang katotohanan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang kabuuan ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Dapat malaman ng tao ang gawain ng Diyos at disposisyon ng Diyos sa gawain ng pagliligtas, at kung wala ang katotohanang ito, ang iyong pagkakilala sa Diyos ay mga hungkag na salita lamang, hindi higit sa isang nakalikmuang pananalitang pagtataas-sa-sarili. Ang ganoong pagkakilala ay hindi makahihikayat ni makalulupig sa tao, ang ganoong pagkakilala ay lihis sa katunayan, at hindi ang katotohanan. Maaaring ito ay napakarami, at kaaya-ayang pakinggan, nguni’t kung ito ay salungat sa likas na disposisyon ng Diyos, kung gayon hindi ka patatawarin ng Diyos. Hindi lamang Niya hindi pupurihin ang iyong pagkakilala, kundi Siya ay gaganti rin sa iyo sa pagiging isang makasalanan na lumapastangan sa Kanya. Ang mga salita ng pagkakilala sa Diyos ay hindi binibigkas nang gayon-gayon lamang. Kahit na ikaw ay matabil at makatang magsalita, at ang iyong mga salita ay kayang bumuhay ng mga patay, at kayang pumatay ng mga buhay, ikaw pa rin ay walang kalaliman pagdating sa pagsasalita tungkol sa pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos ay hindi isa na mahuhusgahan mo nang padalus-dalos, o purihin nang may kababawan, o basta-basta maliitin. Pinupuri mo ang kahit sino at ang lahat, datapwa’t nahihirapan kang hanapin ang tamang mga salita upang ilarawan ang dakilang pagkamatuwid at kagandahang-loob ng Diyos—at ito ang natutunan ng bawa’t talunan. Kahit na marami ang mga dalubhasa sa wika na may kakayanang ilarawan ang Diyos, ang kawastuhan ng kanilang paglalarawan ay ikasandaang bahagi lamang ng katotohanang binibigkas ng mga taong pag-aari ng Diyos at may limitadong bokabularyo lamang, datapwa’t nagtataglay ng mayamang karanasan. Sa gayon, makikita na ang pagkakilala sa Diyos ay nakabatay sa kawastuhan at katunayan, at hindi sa listong paggamit ng mga salita o mayamang bokabularyo. Ang kaalaman ng tao at ang pagkakilala sa Diyos ay ganap na walang kaugnayan. Ang aral sa pagkilala sa Diyos ay mas mataas kaysa alinman sa mga likas na agham ng sangkatauhan. Ito ay isang aral na makakamtan lamang ng napakaliit na bilang niyaong nagnanais na makilala ang Diyos, at hindi makakamtan ng kahit na sinong taong may talento lamang. Kaya’t hindi ninyo dapat itinuturing ang pagkilala sa Diyos at ang paghahabol sa katotohanan na para bang kayang makamtan ng isang bata lamang. Marahil ikaw ay lubos na naging matagumpay sa iyong buhay pampamilya, o sa iyong hanapbuhay, o sa iyong pag-aasawa, nguni’t pagdating sa katotohanan, at sa aral ng pagkilala sa Diyos, wala kang maipakitang iyo, wala kang narating. Ang pagsasagawa ng katotohanan, masasabing, napakahirap nito para sa inyo, at ang pagkilala sa Diyos ay ang mas malaki pang suliranin. Ito ang inyong paghihirap, at ito rin ay ang paghihirap na kinakaharap ng buong sangkatauhan. Sa kanilang nagkaroon ng ilang mga katagumpayan sa adhikain ng pagkilala sa Diyos, halos walang umabot sa pamantayan. Hindi alam ng tao kung ano ang kahulugan ng pagkakilala sa Diyos, o kung bakit kailangang makilala ang Diyos, o kung anong hangganan ang maituturing na pagkilala sa Diyos. Ito ang nakapagpapalito sa sangkatauhan, at ito lamang ang pinakamalaking palaisipan na hinarap ng sangkatauhan—at wala kahit isang may kakayahang sumagot sa tanong na ito, o may sinumang pumapayag na sagutin ang tanong na ito, dahil, hanggang sa araw na ito, walang sinuman sa sangkatauhan ang nagkaroon ng anumang katagumpayan sa pag-aaral ng gawaing ito. Marahil, noong ang palaisipan ng tatlong mga yugto ng gawain ay ipinakilala sa sangkatauhan, magpapakita nang sunod-sunod ang isang pangkat ng mga talentong nakakakilala sa Diyos. Mangyari pa, inaasahan Ko na ganito ang kaso, at, bukod pa riyan, Ako ay nasa proseso ng pagsasakatuparan ng gawaing ito, at umaasang makita ang paglitaw ng marami pang ganoong mga talento sa nalalapit na panahon. Sila ay magiging yaong mga tagapagdala ng patotoo sa katunayan nitong tatlong mga yugto ng gawain, at, mangyari pa, ang mauunang magdadala ng patotoo dito sa tatlong mga yugto ng gawain. Kung walang ganoong mga talento, sa araw na dumating na sa katapusan ang gawain ng Diyos, o mayroon lamang isa o dalawa, at natánggáp nila nang personal ang pagiging ginawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao, kung gayon wala nang mas nakakapagpadalamhati at nakapanghihinayang kaysa rito—kahit na ito lamang ang pinakamasamang maiisip na sitwasyon. Kung ano man ang kaso, umaasa pa rin Ako na silang tunay na nagnanais ay makakatamo ng pagpapalang ito. Simula noong unang panahon, hindi pa nagkaroon ng gawaing tulad nito, ang ganoong pagsasagawa ay hindi pa nangyari kahit kailan sa kasaysayan ng pagsulong ng tao. Kung tunay na maaari kayong maging isa sa mga naunang nakakilala sa Diyos, hindi ba ito ang pinakamataas na parangal sa gitna ng lahat ng mga nilalang? Mayroon bang sinumang nilalang na kabilang sa sangkatauhan ang mas pupurihin ng Diyos? Ang ganoong uri ng gawain ay hindi madaling matamo, nguni’t sa huli ay aani pa rin ng mga gantimpala. Kahit ano pa ang kanilang kasarian o lahi, lahat ng may kakayanang makamtan ang pagkakilala sa Diyos ay, sa katapusan, tatanggap ng pinakamalaking parangal ng Diyos, at tanging sila lamang ang magtataglay ng awtoridad ng Diyos. Ito ang gawain ngayon, at ito rin ang gawain ng hinaharap; ito ang huli, at pinakamataas na gawain na maisasagawa sa 6,000 taong gawain, at ito ay isang paraan ng paggawa na nagbubunyag ng bawa’t kategorya ng tao. Sa pamamagitan ng gawain ng pagsasanhi sa tao na makilala ang Diyos, ang mga iba’t-ibang katayuan ng tao ay ibinubunyag: Silang mga nakakakilala sa Diyos ay may kakayahang makatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at tanggapin ang Kanyang mga pangako, samantalang silang hindi nakakakilala sa Diyos ay walang kakayahang tumanggap ng mga pagpapala ng Diyos at tanggapin ang Kanyang mga pangako. Silang mga nakakakilala sa Diyos ay ang mga kaniig ng Diyos, at silang hindi nakakakilala sa Diyos ay di-maaaring tawaging mga kaniig ng Diyos; ang mga kaniig ng Diyos ay maaaring tumanggap ng kahit na anong pagpapala sa Diyos, nguni’t silang mga hindi Niya kaniig ay hindi karapatdapat sa kahit alin sa Kanyang gawain. Maging ito man ay mga kapighatian, pagpipino, o paghatol, ang lahat ay para mapayagan ang tao na makamtan sa bandang huli ang pagkakilala sa Diyos at sa gayon upang ang tao ay magpailalim sa Diyos. Ito lamang ang bunga na makakamtan sa huli. Wala sa tatlong mga yugto ng gawain ang nakatago, at ito ay mainam sa pagkakilala ng tao sa Diyos, at tinutulungan ang tao na makamtan ang mas ganap at lubos na pagkakilala sa Diyos. Lahat ng gawaing ito ay kapakipakinabang sa tao.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan: Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi)
Rekomendasyon:
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento