Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-pitong Pagbigkas
Upang palaguin sa buhay ang sangkatauhan at Kami ng sangkatauhan ay magkamit ng mga resulta sa aming nagkakaisang simulain, lagi Akong nagpapatangay sa sangkatauhan, tinutulutan silang makatamo ng pampalusog at pantustos mula sa Aking salita at makatanggap ng lahat ng Aking kasaganaan mula rito. Kahit kailan ay hindi Ko ipinahiya ang sangkatauhan, subali’t hindi kailanman isinasaalang-alang ng tao ang Aking mga damdamin. Ito ay sapagka’t ang sangkatauhan ay manhid at “hinahamak” ang lahat ng mga bagay bukod sa Akin. Dahil sa mga pagkukulang ng sangkatauhan, nagpapakita Ako ng simpatiya sa kanila at sa gayon ay puspusang pinagsisikapan ang para sa kanila, upang maaari nilang matamasa ang lahat ng kasaganaan ng lupa hanggang ibig nila sa loob ng kanilang panahon sa lupa. Hindi Ko tinatrato nang hindi-patas ang tao at bilang pagsasaalang-alang sa pagsunod sa Akin ng mga tao sa loob ng maraming taon, lumambot ang Aking puso para sa kanila. Para bang hindi Ko kayang pagawin sila ng anumang gawain. Kaya, pinanonood Ko ang mga payat-na-payat na mga taong nagmamahal sa Akin tulad ng pagmamahal nila sa kanilang mga sarili at sa Aking puso ay palaging mayroong di-maipaliwanag na damdaming masakit, nguni’t sinong lalabag sa kinasanayan dahil dito? Sinong gagambala sa kanilang mga sarili dahil dito? Gayunpaman, naipagkaloob Ko na ang lahat ng Aking gantimpala sa sangkatauhan upang matamasa nila ito nang lubusan, at hindi Ko minaltrato ang sangkatauhan sa isyung ito. Ito ang kung bakit nakikita pa rin ng sangkatauhan ang Aking mahabagin at mabait na mukha. Lagi Akong nakapagtiis at nakapaghintay. Kapag ang sangkatauhan ay nagtatamasa hanggang kanilang ikinasisiya at nababagot, magsisimula Akong “pagbigyan” ang kanilang mga kahilingan at tulutan ang buong sangkatauhan na takasan ang kanilang walang-kabuluhang mga buhay, at pagkatapos ay hindi na Ako muling magkakaroon ng mga pakikitungo sa mga tao. Sa ibabaw ng lupa, nakaraan na ay nilamon Ko na ang sangkatauhan ng tubig-dagat, kinontrol Ko sila ng mga taggutom, tinakot Ko sila ng mga salot ng mga kulisap, at ginamit ko ang malalakas na mga ulan upang “diligin” sila, nguni’t hindi nadama ng tao ang kahungkagan ng buhay. Ngayon hindi pa rin nauunawaan ng tao ang kabuluhan ng pamumuhay sa lupa. Maaari kaya na ang pamumuhay sa Aking presensya ang pinakamahalaga na aspeto ng pantaong buhay? Ang pamumuhay ba sa Akin ay nagpapahintulot sa isa na takasan ang banta ng sakunâ? Ilang mga katawang makalaman sa lupa ang namuhay sa kalayaan ng pagtatamasa sa sarili? Sinong nakatakas sa kahungkagan ng pamumuhay sa laman? At sinong makaaalam nito? Mula sa Aking paglalang sa sangkatauhan magpahanggang sa ngayon, walang sinumang nakapamuhay ng pinaka-makabuluhang buhay sa lupa, kaya’t ang tao ay laging inaaksaya lamang ang isang buhay na lubos na walang-kabuluhan, nguni’t walang sinumang handang takasan ang mahirap-na-katayuang ito at walang sinumang handang iwasan ang kanilang hungkag at pagod na mga buhay. Sa karanasan ng sangkatauhan, walang sinuman sa mga namumuhay sa laman ang nakatakas sa mga kinagawian ng mundo ng tao, kahit na magsamantala sila sa pagtatamasa sa Akin. Sa halip, lagi lamang nilang hinayaan ang takbo ng kalikasan at nilinlang ang kanilang mga sarili.
Kapag lubos Ko nang nawakasan ang pag-iral ng sangkatauhan, wala nang matitirang magtitiis ng pang-uusig mula sa lupa, at sa gayon ang Aking dakilang gawain ay masasabing ganap nang natupad. Sa mga huling araw kung kailan Ako ay nasa katawang-tao, ang inaasam Kong matupad sa Aking gawain ay tulutan ang sangkatauhan na maunawaan ang kawalang-kabuluhan ng mamuhay sa makalamang katawan, at sa gayon ay Aking paglalahuin ang laman. Pagkatapos, mawawalan na ng mga tao sa ibabaw ng lupa, wala na kailanmang sinumang hihiyaw tungkol sa kahungkagan ng lupa, wala nang sinumang muling magsasalita tungkol sa mga paghihirap ng laman, wala nang muling dadaing na Ako ay hindi-patas, at lahat ng mga tao at mga bagay ay papasok sa kapahingahan. Pakatapos noon, wala nang sinumang magmamadali, ni maghahanap man sila dito at doon sa lupa dahil ang mga tao ay nakatagpo na ng nararapat na hantungan para sa kanilang mga sarili. Sa panahong iyan, magkakaroon na ng ngiti sa kanilang mga mukha. Sa gayon ay wala na Akong hihingin sa tao at wala nang magiging pakikipagtalo sa kanila; hindi na magkakaroon ng kasunduan sa pag-itan natin. Ako ay umiiral sa ibabaw ng lupa at ang sangkatauhan ay namumuhay sa ibabaw ng lupa; Ako ay namumuhay at nananahang kasama nila. Nadarama ng sangkatauhan ang kasiyahan ng Aking presensya; samakatuwid ang sangkatauhan ay hindi handang umalis nang walang dahilan, at sa halip, mas nanaisin nila na Ako ay manatili lamang nang kaunti pang panahon. Paano Ko matatagalang makita ang mga tagpo ng pagdarahop na laganap sa lupa habang hindi itinataas man lamang ang isang daliri upang tumulong? Ako ay hindi mula sa lupa. Sa pamamagitan ng pagkamatiisin kaya nananatili Ako sa lupa hanggang sa araw na ito, kahit na ginagawa ko ang gayon nang may pag-aatubili. Kung hindi sa walang-katapusang pamamanhik ng sangkatauhan, matagal na sana Akong umalis. Sa kasalukuyan ang sangkatauhan ay may kakayahan nang pangalagaan ang kanilang mga sarili at hindi nila kailangan ang Aking pagtulong dahil gumulang na sila at hindi nila Ako kailangan upang pakainin sila. Samakatuwid Ako ay nagpaplanong magdaos ng isang pagdiriwang ng tagumpay kasama ng sangkatauhan, kung saan matapos ito ay mamamaalam Ako sa kanila, upang mamalayan nila ito. Sabihin pa, ang paghihiwalay sa masamang paraan ay hindi magiging isang mabuting bagay dahil walang anumang mga karaingan sa pag-itan natin. Samakatuwid ang pagkakaibigan sa pag-itan natin ay magiging walang-hanggan. Ako ay umaasa na pagkatapos nating maghiwalay ang Aking “pamana” sa sangkatauhan ay maipagpapatuloy. Huwag kalilimutan ang tungkol sa mga pagtuturo na Aking ipinagkaloob sa panahon ng Aking buhay, huwag gagawin ang mga bagay na yaon na magdadala ng kahihiyan sa Aking pangalan, at panatilihin ang Aking salita sa isipan. Ako ay umaasa na ang sangkatauhan ay gagawin ang kanilang makakaya upang Ako ay mabigyang-kasiyahan kapag Ako ay nakaalis. Ako ay umaasa na gagamitin ng sangkatauhan ang Aking salita bilang pundasyon para sa kanilang mga buhay. Huwag Akong bibiguin dahil ang Aking puso ay palaging nagmamalasakit sa sangkatauhan at Ako ay palaging nakaugnay sa kanila. Minsan ay nagkatipon Kami ng sangkatauhan at tinamasa namin sa lupa ang parehong mga pagpapala na nasa langit. Namuhay Akong kasama ng sangkatauhan at nanahang kasama nila, lagi Akong minahal ng sangkatauhan, at lagi Ko silang minahal; nagkaroon Kami ng pagkaakit para sa isa’t isa. Kapag inaalala Ko ang Aking panahong kasama ng sangkatauhan, naaalala Ko ang aming mga araw na puno ng tawanan at galak, at higit pa, mayroong mga pag-aaway. Gayunpaman, ang pag-ibig sa pag-itan namin ay naitatag sa batayang ito at ang aming mga pakikitungo sa isa’t isa ay hindi kailanman naputol. Sa kalagitnaan ng aming maraming taon ng kaugnayan, ang sangkatauhan ay nakapag-iwan ng malalim na impresyon sa Akin at nabígyan Ko ang sangkatauhan ng maraming mga bagay na tatamasahin, kung saan ang sangkatauhan ay laging nagpahayag ng malaking pasasalamat. Ngayon, ang aming pagkikita ay di-tulad noong una; sinong mangungulila sa sandaling ito ng aming paghihiwalay? Ang sangkatauhan ay may malalim na pagkagiliw para sa Akin, at Ako ay may walang-hanggang pag-ibig para sa kanila, nguni’t anong maaaring gawin tungkol diyan? Sinong mangangahas na sumalungat sa mga kinakailangan ng makalangit na Ama? Ako ay babalik sa Aking tahanan, kung saan Aking tatapusin ang isa pang bahagi ng Aking gawain. Marahil ay magkakaroon pa Kami ng pagkakataong magkitang muli. Ang Aking pag-asa ay na ang sangkatauhan ay hindi makadarama na masyadong mapanglaw at na bibigyang-kasiyahan nila Ako sa lupa; ang Aking Espiritu sa langit ay malimit na magkakaloob ng biyaya sa kanila.
Simula sa panahon ng paglikha, Aking naihula na sa mga huling araw Ako ay gagawa ng isang pangkat ng mga tao na may isipang kaisa ng sa Akin. Nasabi Ko na nang patiuna na pagkatapos itatag ang isang huwaran sa lupa sa mga huling araw, Ako ay babalik sa Aking tahanan. Kapag Ako ay nabigyang-kasiyahan ng buong sangkatauhan, natupad na nila ang Aking mga kinakailangan, at hindi na Ako mangangailangan ng anuman mula sa kanila. Sa halip, Kami ng sangkatauhan ay magkukwentuhan tungkol sa nakaraan naming mga araw at pagkatapos niyon ay maghihiwalay na kami. Nagsisimula Akong gawin ang gawaing ito at pahintulutan ang sangkatauhan na ihanda ang kanilang mga sarili sa isipan. Aking ipauunawa sa lahat ng sangkatauhan ang Aking mga hangarin upang sila ay hindi magkakamali ng pagkakaunawa sa Akin o isiping Ako ay malupit o walang-puso, na hindi siyang Aking hinahangad. Minamahal ba Ako ng sangkatauhan gayunman ay tumatangging magkaroon Ako ng akmang dakong pahingahan? Ang sangkatauhan ba ay hindi handang pakiusapan ang makalangit na Ama alang-alang sa Akin? Hindi ba lumuha ang sangkatauhan ng luha ng pakikisimpatiya sa Akin? Ang sangkatauhan ba ay hindi nakatulong sa pagsasakatuparan ng maagap na pagkikita Namin ang Ama at Anak? Bakit sila ay hindi handa ngayon? Ang Aking ministeryo sa ibabaw ng lupa ay natupad na at matapos makipaghiwalay sa sangkatauhan Ako ay magpapatuloy pa rin sa pagtulong sa sangkatauhan, hindi ba ito mabuti? Upang ang Aking gawain ay maging mas mabisa at upang ito ay maging kapaki-pakinabang sa magkabilang panig, dapat kaming maghiwalay bagaman ito ay masakit gawin. Ang aming mga luha ay tahimik na malalaglag at hindi Ko na sisisihin ang sangkatauhan. Sa nakaraan, nakapagsalita Ako ng maraming mga bagay na dumuro sa mismong puso ng sangkatauhan, nagsasanhi sa kanila na umiyak ng luha ng pagdadalamhati. Dahil diyan, Ako ay humihingi ng paumanhin dito sa sangkatauhan at hinihingi ang kapatawaran ng sangkatauhan; huwag mainggit at mamuhi sa Akin sapagka’t ang lahat ng Aking nasabi ay para sa kabutihan ng sangkatauhan. Kaya Ako ay umaasa na mauunawaan ng sangkatauhan ang Aking puso. Sa nakaraang mga panahon nagkaroon kami ng mga alitan, nguni’t sa paggunita, kami ay parehong nakinabang. Sa pamamagitan ng mga alitang ito ang Diyos at sangkatauhan ay nagkaroon ng tulay ng pagkakaibigan na nabuo sa pag-itan nila, hindi ba’t iyan ang bunga ng ating magkatulong na mga pagsisikap? Dapat nating lahat na tamasahin ito. Hinihingi Ko sa tao na patawarin ang Aking mga dating “pagkakamali” at ang mga pagsalangsang ng sangkatauhan ay kalilimutan na rin. Hanggang kaya ng taong masuklian ang Aking pag-ibig sa hinaharap, kung gayon iyan ay magbibigay ng ginhawa sa Aking Espiritu sa langit. Hindi Ko alam kung ano ang paninindigan ng sangkatauhan tungkol dito, o kung ang tao ay handang tuparin ang Aking huling kahilingan o hindi. Hindi Ako humihingi ng anumang iba pa sa sangkatauhan, kung hindi ang mahalin lamang nila Ako at iyan ay sapat na. Magagawa ba ito? Hayaang lahat ng masasaklap na mga bagay na nangyari sa pag-itan natin ay sa nakaraan na, hayaang magkaroon lagi ng pag-ibig sa pag-itan natin. Napag-ukulan Ko na ang sangkatauhan ng labis na pag-ibig at ang sangkatauhan ay nakapagbayad na ng gayong kabigat na halaga para mahalin Ako. Kaya Ako ay umaasa na pahahalagahan ng sangkatauhan ang natatangi at dalisay na pag-ibig sa pag-itan namin upang ang aming pag-ibig ay lalawak hanggang sa buong pantaong mundo at maipasa hanggang sa walang-hanggan. Kapag nagkita tayong muli, hayaang magkaugnay pa rin tayo sa pag-ibig upang ang ating pag-ibig ay magpatuloy hanggang sa kawalang-hanggan at mapuri at masabi ng lahat ng mga tao. Ito ay magbibigay-kasiyahan sa Akin at Aking ipakikita ang Aking nakangiting mukha sa sangkatauhan. Ako ay umaasa na tatandaan ng tao ang lahat ng Aking naípágkatiwala sa kanila.
Ika-1 ng Hunyo, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: Ang Ikaapatnapu’t-pitong Pagbigkas
Rekomendasyon:
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento