Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay
I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos,
tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana,
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
Magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.