Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maghanap. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maghanap. Ipakita ang lahat ng mga post

23.11.17

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

pananampalataya, Kaalaman, panginoon, maghanap, pagsamba

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay

Para sa Lahat ng Mga Bagay (IV)

  Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang isang natatanging paksa. Para sa bawat isa sa inyo, mayroon lamang dalawang pangunahing mga bagay ang kailangan ninyong malaman, maranasan at maintindihan—at ano ang dalawang bagay na ito? Ang una ay ang personal na pagpasok sa buhay ng mga tao, at ang ikalawa ay may kaugnayan sa pagkilala sa Diyos.

Sa araw na ito ay bibigyan ko kayo ng pagpipilian: Pumili ng isa.

31.10.17

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

Pananampalataya , tumalima, buhay, Diyos, maghanap

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos
    Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makapagbabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa.