Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

9.9.18

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ikaw Ba’y Nabuhay?" (Tagalog Dubbed)



 Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ikaw Ba’y Nabuhay?" (Tagalog Dubbed)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na maging buhay na katauhan, at magpatotoo sa Diyos, at sang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, dapat silang sumuko nang malugod sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang tanggapin nang malugod ang pagpupungos at pakikitungo ng Diyos. Saka lamang nila magagawang isagawa ang lahat ng mga katotohanang hinihingi ng Diyos na isabuhay, at saka lamang nila makakamtan ang pagliligtas ng Diyos, at magiging tunay na mga buhay na katauhan. Inililigtas ng Diyos ang mga buhay, nahatulan at nakastigo na sila ng Diyos, handa nilang italaga ang kanilang mga sarili at masaya silang mag-alay ng kanilang mga buhay sa Diyos, at malugod nilang maihahandog ang kanilang buong buhay sa Diyos. Tanging kapag nakapagpatotoo ang buhay tungkol sa Diyos saka lamang magagawang hiyain si Satanas, ang buhay lang ang makakapagpalaganap sa ebanghelyong gawain ng Diyos, ang mga buhay lang ang naghahabol sa puso ng Diyos, at ang mga buhay lang ang mga tunay na tao."


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento