Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kagalakan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kagalakan. Ipakita ang lahat ng mga post

24.1.18

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos

Kaalaman, pagkamatuwid, parusa, kagalakan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos

  Maraming mga bagay ang nais Kong makamit ninyo. Gayunman, ang inyong mga gawain at lahat ng inyong buhay ay hindi natutugunan nang buo ang Aking mga hinihingi, kaya dapat Akong maging prangka at ipaliwanag sa inyo ang Aking puso’t isipan. Sapagkat ang inyong kakayahang umintindi at magpahalaga ay lubhang mahina, kayo ay lubhang ignorante sa Aking disposisyon at kabuuan, ito ay isang bagay na nangangailangan ng madaliang pagbibigay-alam sa inyo.

4.12.17

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (1)


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (1)
  
  Sa buong buhay nila, walang tao ang nakaaalam kung anong uri ng mga kabiguan ang kanilang makakatagpo, ni nalalaman nila kung sa anong uri ng pagpipino sila mapapasailalim. Para sa ilan ito ay sa kanilang gawain, para sa ilan ito ay sa kanilang mga pagkakataon sa hinaharap, para sa ilan ito ay sa kanilang pamilyang pinagmulan, at para sa ilan ito ay sa kanilang pag-aasawa. Nguni’t ang kaibahan mula sa kanila ay na ngayon tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nagdurusa para sa salita ng Diyos. Iyan ay, bilang isang naglilingkod sa Diyos, sila ay nagdusa ng mga kabiguan sa landas ng paniniwala sa Kanya, at ito ang landas na dinaraanan ng lahat ng mga mananampalataya at ito ang daan na tinatapakan ng lahat ng ating mga paa. Mula sa puntong ito ay opisyal nating sinisimulan ang ating landasin ng paniniwala sa Diyos, itinataas ang kurtina sa ating mga buhay bilang mga tao, at pumapasok tungo sa tamang landas ng buhay. Iyan ay, ito ang kung kailan pumapasok tayo tungo sa tamang landas na ang Diyos ay namumuhay kaagapay ng tao, na dinaraanan ng normal na mga tao.