Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Balita,Kristiyano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Balita,Kristiyano. Ipakita ang lahat ng mga post

27.12.18

New Tagalog Skit "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes


New Tagalog Skit "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes



Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP.

Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Ngayon, nakatanggap na naman ang mayor ng prayoridad na sulat mula sa Sentral na Partido, matapos nito sinusubukan niyang mag-isip ng mga paraan para puwersahin si Liu Ming'en at ang asawa niya na pumirma ng sulat na nangangakong itigil ang paniniwala sa Diyos. Matapos mabigo ang pakanang ito, muling dumating ang mga pulis para arestuhin ang dalawang mananampalataya. Para maiwasan ang pagkaaresto at ipagpatuloy ang pagsunod sa Diyos at pananampalataya sa Diyos, napilitang umalis sa kanilang tahanan sina Liu Ming'en at ang kanyang asawa.

6.12.18

Christian Crosstalk "Interogasyon sa Paaralan" | The Proof of CCP's Persecution of Religious Freedom


Christian Crosstalk "Interogasyon sa Paaralan" | The Proof of CCP's Persecution of Religious Freedom


Inilalarawan ng crosstalk na Interogasyon sa Paaralan ang mga katotohanan kung paano nakikiisa ang CCP sa mga mabababang paaralan at ginagamit ang mga pulis para linlangin, takutin, bantaan, at pinipilit paaminin ang mga mag-aaral para malaman kung naniniwala sa relihiyon ang kanilang mga magulang. Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, inatake at inapi na ng CCP ang relihiyosong pananampalataya, at ngayon, para maimbestigahan at maaresto ang mga Kristiyano, inaabot na rin ng malademonyo nitong mga kamay ang mga estudyante sa mga eskwelahan, gamit ang malulupit at mararahas na pamamaraan para abusuhin at takutin nang matindi ang mga bata. Talagang kasuklam-suklam ang kasamaan ng CCP!