Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

3.4.19

Q&A tungkol sa Ebanghelyo|Bakit Gumawa ang Diyos sa Judea sa Kapanahunan ng Biyaya?


Q&A tungkol sa Ebanghelyo|Bakit Gumawa ang Diyos sa Judea sa Kapanahunan ng Biyaya?


Ang unang pagkakataon na Ako ay dumating sa mga tao ay sa Panahon ng Katubusan. Mangyari pa, Ako ay nagmula sa pamilya ng Hudyo; samakatuwid ang unang nakakita sa pagdating ng Diyos sa lupa ay ang mga taong Hudyo. Ang dahilan kung bakit ginawa Ko ang akdang ito nang personal ay dahil nais Kong gamitin ang Aking naging tao na katawan bilang handog sa kasalanan sa Aking gawa ng pagtubos. Kaya ang unang nakakita sa Akin ay ang mga Hudyo sa Kapanahunan ng Biyaya. Iyon ay ang unang pagkakataon na Ako ay nagtrabaho sa katawang-tao.

mula sa “Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa”

Wala nang mas higit pang makabuluhan kaysa sa unang yugto na isinasagawa sa Israel: Ang mga Israelita ang pinakabanal at pinaka-hindi masama sa lahat ng mga tao, kaya’t ang bukang-liwayway ng bagong panahon sa lugar na ito ay nagtaglay ng higit na kahalagahan. Maaaring sabihin na ang mga ninuno ng sangkatauhan ay nagmula sa Israel, at ang Israel ang lugar ng kapanganakan ng gawain ng Diyos. Sa simula, ang mga taong ito ang pinakabanal, at lahat sila ay sumamba kay Jehova, at nagbunga ng pinakamagandang resulta ang gawain ng Diyos sa kanila. Nakatala sa kabuuan ng Biblia ang gawain ng dalawang kapanahunan: Ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Nakatala sa Lumang Tipan ang mga salita ni Jehova sa mga Israelita at ang Kanyang gawain sa Israel; nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa Judea. Ngunit bakit ang Biblia ay hindi naglalaman ng anumang mga pangalang Tsino? Sapagkat ang unang dalawang bahagi ng gawain ng Diyos ay ipinatupad sa Israel, sapagkat ang mga tao sa Israel ay ang mga pinili—iyon ay upang sabihin na sila ang unang tumanggap sa gawain ni Jehova. Sila ang pinaka-hindi masama sa lahat ng sangkatauhan, at sa simula, sila ay nasa pag-iisip na mataas ang pagtingin sa Diyos at gumagalang sa Kanya. Sinunod nila ang mga salita ni Jehova, at patuloy na nagsilbi sa templo, at nagdamit ng mga kasuotang pang-pari o mga korona. Sila ang mga pinaka-unang tao na sumamba sa Diyos, at ang mga pinaka-unang pakay ng Kanyang gawain. Ang mga taong ito ay mga uliran at huwaran para sa buong sangkatauhan. Sila ay mga uliran at huwaran ng kabanalan at katuwiran. Ang mga taong katulad nina Job, Abraham, Lot, o Pedro at Timoteo—silang lahat ay mga Israelita, at ang mga pinakabanal sa mga huwaran at uliran. Ang Israel ang pinaka-unang bansa sa sangkatauhan na sumamba sa Diyos, at mas maraming mga tuwid na tao ang nagmula rito kaysa sa ibang lugar. Kumilos ang Diyos sa kanila upang mas mapamahalaan Niya nang maayos ang sangkatauhan sa lahat ng dako sa lupa sa hinaharap. Ang kanilang mga nagawa at ang katuwiran ng kanilang pagsamba kay Jehova ay nakatala, upang sila ay makapagsilbi bilang mga uliran at huwaran sa mga tao sa labas ng Israel sa Kapanahunan ng Biyaya; at ang kanilang mga kilos ay pinagtibay ang sa loob ng ilang libong taon ng gawain, magpahanggang sa kasalukuyan.

mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento