Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)
I Alam mo ba ang pasanin, ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat? Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon? Paano ka magiging isang mabuting panginoon sa susunod na kapanahunan? Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno? Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat? Ito ba ang talagang panginoon ng lahat ng nabubuhay, o panginoon ng lahat ng materyal na mundo? Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa? Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan? Hindi ka ba nabibigatan sa iyong gawain?
II Itong mga kaawa-awang kaluluwa'y kahabag-habag, bulag at lubhang nawala, tumatangis sa dilim, naghihintay makalabas. Paano nila ninanais na makamtan ang liwanag katulad ng isang bulalakaw at buwagin ang puwersa ng dilim na nang-aapi sa kanila nang maraming taon. Ang kanilang pananabik sa araw at gabi, sino ang kailanman nakakaalam? Kapag ang ilaw ay kumikislap, ang mga hamak na nagdurasang ito ay nananatiling nakabilanggo sa kadiliman, na walang pag-asang lumaya. Kailan sila titigil sa pagtangis? Ang mga kaawa-awang kaluluwang ito'y nagdurusa sa gayong kasawian. Ang walang pusong mga lubid, at ang nakapirming kasaysayan ay matagal nang nagkukulong sa kanila.
III Sino ang nakarinig ng kanilang pagtangis? Sino ang nakakita ng kanilang paghihirap? Ni minsan ba'y naisip mo rin ang Diyos? Kung gaano Siya nagdalamhati at nababahala? Paano Niya nakakayanang makita ang sangkatauhan na nagdurusa, na Siya mismong lumikha? Ang sangkatauhan ay ang mga kaawa-awang nalason. At bagaman sila ay nakaligtas hanggang ngayon, sila ay matagal ng nalason ni Satanas. Nakalimutan mo ba na ikaw mismo ay biktima? Di mo ba nais, para sa pag-ibig mo sa Diyos, na iligtas yaong mga natitirang buhay, upang masuklian ang Diyos sa iyong makakaya, na minamahal ang tao tulad ng sarili Niyang katawang-tao at dugo? Paano mo naiintindihan ang pagiging instrumento mo sa Diyos upang mabuhay nang di-pangkaraniwan? Mayroon ka bang tunay na pagnanais at kumpiyansa upang mamuhay ng may kabuluhang kabanalan debosyon, isang buhay na paglingkuran ang Diyos? mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Rekomendasyon: Tagalog Gospel Songs
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento