Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

1.1.19

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos”


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos”


I Kung hindi mo kayang sundan ang liwanag ngayon, kung gayon may agwat sa pagitan mo at ng Diyos, ang ugnayang iyon ay maaaring naputol na, ikaw ay walang normal na espirituwal na buhay. Ang normal na relasyon sa Diyos ay naitatatag sa pagtanggap sa mga salita ng Diyos ngayon.
Ikaw ba'y may normal na espirituwal na buhay at tamang relasyon sa Diyos? Sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu? Nakalabas ka na ba mula sa kalagayang walang pag-unlad? Silang naniniwala sa mga salita ng Diyos, na ginagawang batayan ang gawain ng Diyos at sinusundan ang liwanag ng Espiritu ngayon, sila ang mga nasa daloy ng Banal na Espiritu. II Sinusundan mo ba ang gawain ng Banal na Espiritu? Kung nasusundan mo ang Kanyang liwanag ng kasalukuyan, nauunawaan ang kalooban ng Diyos at nakakapasok sa Kanyang mga salita, at sundin mo ang daloy ng Banal na Espiritu. Kung 'di mo sinusunod ang daloy ng Banal na Espiritu, tiyak na hindi mo hinahangad ang katotohanan, ang Banal na Espiritu ay hindi kikilos doon sa mga taong hindi nais lumago. Ang ganoong mga tao'y hindi magagawang tipunin ang kanilang lakas at sa halip ay mananatiling walang pag-unlad. Sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu? Nakalabas ka na ba mula sa kalagayang walang pag-unlad? Silang naniniwala sa mga salita ng Diyos, na ginagawang batayan ang gawain ng Diyos at sinusundan ang liwanag ng Espiritu ngayon, sila ang mga nasa daloy ng Banal na Espiritu.
III Kung nagtitiwala kang ang mga salita ng Diyos ay totoo at tama, naniniwala ka sa Kanyang mga salita kahit ano pa ang sabihin Niya, kung gayon hinahangad mo ang pagpasok sa gawain ng Diyos. At sa ganitong paraan iyong tinutupad ang kalooban ng Diyos. mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento