Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

13.11.17

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

panginoon, Diyos, pag-ibig, kaligtasan, Jesus


 Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

   

    Susunod titingnan natin ang isang talinghaga na inilahad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.

    3. Ang Talinghaga ng Nawalang Tupa

    (Mateo 18:12-14) Ano ang akala ninyo? kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu’t siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw? At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu’t siyam na hindi nangaligaw. Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.


    Ito ay isang talinghaga—anong uri ng pakiramdam ang nakukuha ng mga tao mula sa talatang ito? Ang paraan ng pagkakapahayag ng talinghagang ito ay gumagamit ng isang tayutay sa wika ng tao; ito ay isang bagay na nakapaloob sa saklaw ng kaalamang pantao. Kung ang Diyos ay nagsalita ng kaparehong bagay sa Kapanahunan ng Kautusan, maaaring madama ng mga tao na hindi ito talaga katugon ng kung sino ang Diyos, ngunit nang ipahayag ng Anak ng tao ang talatang ito sa Kapanahunan ng Biyaya, ito ay nakaaaliw, malugod, at malapit sa mga tao. Nang ang Diyos ay maging tao, nang Siya ay nagpakita sa anyo ng isang tao, gumamit Siya ng isang angkop na angkop na talinghaga upang ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan. Ang tinig na ito ay kumakatawan sa sariling tinig ng Diyos at ang gawain na gusto Niyang gawin sa kapanahunang iyon. Kinakatawan din nito ang isang saloobin na mayroon ang Diyos tungo sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung titingin mula sa pananaw ng saloobin ng Diyos tungo sa mga tao, inihambing Niya ang bawat isang tao sa isang tupa. Kung ang isang tupa ay mawala, gagawin Niya ang lahat nang makakaya upang mahanap ito. Kinakatawan nito ang isang panuntunan ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng sangkatauhan sa panahong ito. Ginamit ng Diyos ang talinghagang ito upang ipaliwanag ang Kanyang kapasyahan at saloobin sa gawaing iyon. Ito ang kabutihan ng pagkakatawang-tao ng Diyos: Maaari Niyang samantalahin ang kalaman ng sangkatauhan at gamitin ang wika ng tao upang magsalita sa mga tao, upang ipahayag ang Kanyang kalooban. Ipinaliwanag Niya o “isinalin” sa tao ang Kanyang malalim, pagka-Diyos na wika na pinagsisikapang maintindihan ng mga tao sa wika ng tao, sa paraan ng isang tao. Nakatulong ito sa mga tao na maintindihan ang Kanyang kalooban at malaman kung ano ang gusto Niyang gawin. Maaari din Siyang makipag-usap sa mga tao mula sa pananaw ng isang tao, gamit ang wika ng tao, at makipagniig sa mga tao sa isang paraan na kanilang maiintindihan. Maaari pa Siyang magsalita at gumawa gamit ang wika ng tao at kaalaman nang upang maramdaman ng mga tao ang kabaitan at pagiging malapit ng Diyos, nang upang makita nila ang Kanyang puso. Ano ang nakikita mo dito? Na walang pagbabawal sa mga salita at mga pagkilos ng Diyos? Sa paraang nakikita ng mga tao, walang paraan na magagamit ng Diyos ang pantaong kaalaman, wika, o mga paraan ng pananalita upang pag-usapan ang tungkol sa kung ano ang gustong sabihin ng Diyos Mismo, ang gawain na gusto Niyang gawin, o upang ipahayag ang Kanyang sariling kalooban; ito ay maling pag-iisip. Ginagamit ng Diyos ang ganitong uri ng talinghaga nang upang maramdaman ng mga tao ang pagiging totoo at ang sinseridad ng Diyos, at makita ang Kanyang saloobin sa yugto ng panahong iyon. Ginising ng talinghagang ito ang mga tao mula sa isang panaginip na nabubuhay sa ilalim ng kautusan sa napakahabang panahon, at kinumbinsi din nito ang maraming salinlahi ng mga tao na nabubuhay sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa pagbabasa sa talatang ito ng talinghaga, malalaman ng tao ang sinseridad ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan at maintindihan ang bigat ng sangkatauhan sa Kanyang puso.

    Tingnan natin muli ang huling pangungusap sa talatang ito: “Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.” Ito ba ay sariling mga salita ng Panginoong Jesus, o ang mga salita ng Kanyang Ama na nasa langit? Sa wari, para bang ang Panginoong Jesus ang nagsasalita, ngunit kinakatawan ng Kanyang kalooban ang kalooban ng Diyos Mismo, kaya nga sinabi Niyang: “Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.” Ang mga tao sa panahong ito ay kinikilala lamang ang Ama na nasa langit bilang Diyos, at ang taong ito na kanilang nakita sa harap ng kanilang mga mata ay isinugo lamang Niya, at hindi Niya maaaring katawanin ang Ama na nasa langit. Yaon ang dahilan kung bakit kinailangan ng Panginoong Jesus na sabihin din iyon, nang upang maramdaman talaga nila ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan, at maramdaman ang pagiging totoo at katumpakan ng Kanyang sinabi. Bagamat ito ay isang simpleng bagay na sabihin, ito ay talagang mapagkalinga at ibinunyag nito ang kababaang-loob at pagkatago ng Panginoong Jesus. Hindi alintana kung ang Diyos man ay naging tao o Siya ay gumagawa sa espirituwal na kaharian, kilala Niya ang puso ng tao nang pinakamahusay, at naiintindihan nang pinakamahusay kung ano ang kinakailangan ng mga tao, nalalaman Niya kung ano ang ikinababahala ng mga tao, at kung ano ang nakapagpapalito sa kanila, kaya idinagdag Niya ang isang linyang ito. Itinatampok ng linyang ito ang isang suliranin na nakatago sa sangkatauhan: Ang mga tao ay nag-aalinlangan sa sinabi ng Anak ng tao, na ang ibig sabihin, nang nagsasalita ang Panginoong Jesus idinagdag Niya ang: “Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.” Sa ganitong katuwiran lamang makapamumunga ang Kanyang mga salita, upang papaniwalain ang mga tao sa katumpakan ng mga ito at mapagbuti ang kanilang kredibilidad. Ipinakikita nito na nang ang Diyos ay maging karaniwang Anak ng tao, ang Diyos at ang sangkatauhan ay nagkaroon ng isang mahirap na kaugnayan, at ang kalagayan ng Anak ng tao ay talagang nakakahiya. Ipinakikita din nito kung gaano kahamak ang kalagayan ng Panginoong Jesus sa gitna ng mga tao sa panahong iyon. Nang sinabi Niya ito, ito ay upang sabihin talaga sa mga tao: Makatitiyak kayo—hindi nito kinakatawan kung ano ang nasa sarili Kong puso, ngunit ang kalooban ng Diyos ang nasa inyong mga puso. Para sa sangkatauhan, hindi ba ito kakatwang bagay? Bagamat ang Diyos na gumagawa sa katawang-tao ay maraming mga kalamangan na wala sa Kanya sa Kanyang pagiging tao, kinailangan Niyang tiisin ang kanilang mga alinlangan at pagtanggi gayundin ang kanilang kamanhiran at kamangmangan. Maaaring sabihin na ang proseso ng gawain ng Anak ng tao ay ang proseso ng pagdanas sa pagtatakwil ng sangkatauhan, at ang proseso ng pagdanas sa pakikipagtunggali ng sangkatauhan sa Kanya. Higit pa roon, ito ang proseso ng paggawa upang patuloy na makuha ang tiwala ng sangkatauhan at lupigin ang sangkatauhan sa pamamangitan ng kung anong mayroon at kung ano Siya, sa pamamagitan ng Kanyang sariling diwa. Hindi naman talaga naglunsad ang Diyos na nagkatawang-tao ng digmaan sa lupa laban kay Satanas; ang Diyos lamang ay naging isang karaniwang tao at nagsimula ng isang pakikibaka sa kanila na sumusunod sa Kanya, at sa pakikipagbaka ng anak ng tao nakumpleto ang Kanyang gawain sa Kanyang kababaang-loob, sa kung anong mayron at kung ano Siya, sa Kanyang pag-ibig at karunungan. Natamo Niya ang mga taong gusto Niya, nakuha ang pagkakakilanlan at kalagayan na nararapat sa Kanya, at nakabalik sa Kanyang luklukan.

    Susunod, tingnan natin ang sumusunod na dalawang talata ng kasulatan.

    4. Magpatawad ng Makapitumpung Pito

    (Mateo 18:21-22) Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

     5. Ang pag-ibig ng Panginoon

    (Mateo 22:37-39) At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

   Sa dalawang talatang ito, ang isa ay tumutukoy sa pagpapatawad at ang isa ay tumutukoy sa pag-ibig. Ang dalawang paksang ito ay talagang nagtatampok sa gawain na gustong ipatupad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.

    Nang ang Diyos ay naging tao, nagdala Siya kasama noon ng isang yugto ng Kanyang gawain—dinala Niya ang isang tiyak na gawain at ang disposisyon na gusto Niyang ipahayag sa kapanahunang ito. Sa yugtong iyon, ang lahat ng bagay na ginawa ng Anak ng tao ay umikot sa palibot ng gawain na gustong ipatupad ng Diyos sa kapanahunang ito. Gagawin Niya nang walang labis at walang kulang. Ang bawat bagay na Kanyang sinabi at ang bawat uri ng gawain na Kanyang ipinatupad ay may kaugnayang lahat sa kapanahunang ito. Hindi alintana kung ito man ay ipinahayag Niya sa isang makataong paraan sa wikang pantao o sa pamamagitan ng wika na may pagka-Diyos—maging sa alinmang paraan, o mula sa alinmang pananaw—ang Kanyang layunin ay upang tulungan ang mga tao na maintindihan kung ano ang gusto Niyang gawin, kung ano ang Kanyang kalooban, at kung ano ang Kanyang mga kinakailangan sa mga tao. Maaari Siyang gumamit ng iba’t-ibang mga pamamaraan mula sa magkakaibang mga pananaw upang tulungan ang mga tao na maintindihan at malaman ang Kanyang kalooban, maintindihan ang Kanyang gawain sa pagliligtas sa sangkatauhan. Kaya sa Kapanahunan ng Biyaya ay makikita natin ang Panginoong Jesus na malimit gumamit ng wikang pantao upang ipahayag ang gusto Niyang ipakiusap sa sangkatauhan. Higit pa rito, nakikita natin Siya mula sa pananaw ng isang karaniwang patnubay na nakikipag-usap sa mga tao, tinutustusan ang kanilang mga pangangailangan, tinutulungan sila sa kung ano ang kanilang hiniling. Ang paraang ito ng paggawa ay hindi nakita sa Kapanahunan ng Kautusan na dumating bago ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay naging mas malapit at naging mas mapagmalasakit sa sangkatauhan, gayundin ang mas nagagawang makamit ang mga praktikal na resulta kapwa sa anyo at sa pamamaraan. Ang pagpapahayag upang patawarin ang mga tao ng “makapitumpung pito” ay nililinaw talaga ang puntong ito. Ang layuning nakamit sa bilang ng pagpapahayag na ito ay upang tulutan ang mga tao na maintindihan ang layunin ng Panginoong Jesus sa panahong iyon nang sinabi Niya ito. Ang Kanyang layunin ay na dapat patawarin ng mga tao ang iba—hindi minsan o dalawang beses, at hindi rin nang pitong beses, kundi makapitumpung pito. Anong uri ng ideya itong “makapitumpung pito”? Ito ay upang kumbinsihin ang mga tao na gawin nilang sariling pananagutan ang pagpapatawad, isang bagay na dapat nilang matutunan, at isang paraan na dapat nilang panatilihin. Bagamat ito ay isa lamang pagpapahayag, ito ay nagsilbing isang mahalagang punto. Nakatulong ito sa mga tao na lubos na pahalagahan kung ano ang ibig Niyang sabihin at makita ang wastong mga pamamaraan ng pagsasagawa at ang mga panuntunan at mga pamantayan sa pagsasagawa. Nakatulong ang pagpapahayag na ito sa mga tao na maintindihan nang malinaw at nagbigay sa kanila ng tamang pagkaintindi na dapat nilang matutunan ang pagpapatawad—upang magpatawad nang walang mga kondisyon at walang mga limitasyon, ngunit kalakip ang saloobin ng pagpaparaya at pagkaunawa sa iba. Nang sinabi ito ng Panginoong Jesus, ano ang nasa puso Niya? Talaga bang iniisip Niya ang makapitumpung pito? Hindi. Mayroon bang takdang bilang na magpapatawad ang Diyos sa tao? Maraming mga tao ang totoong intresado sa “takdang bilang” na nabanggit, na gusto talagang maintindihan ang pinagmulan at kahulugan ng bilang na ito. Gusto nilang maintindihan kung bakit ang bilang na ito ay lumabas sa bibig ng Panginoong Jesus; naniniwala sila na mayroong isang mas malalim na pakahulugan sa bilang na ito. Sa katunayan, ito ay pagpapahayag lamang ng Diyos sa Kanyang pagkatao. Anumang pagpapahiwatig o kahulugan ay dapat na maintindihan kasama ng mga kahilingan ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan. Nang ang Diyos ay hindi pa naging tao, hindi masyadong naintindihan ng mga tao ang Kanyang sinabi sapagkat ito ay nanggaling sa ganap na pagka-Diyos. Ang pananaw at ang nilalaman ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi maabot ng sangkatauhan; ito ay ipinahayag mula sa espirituwal na kaharian na hindi nakikita ng mga tao. Sapagkat ang mga tao na nabubuhay sa laman, hindi sila makadadaan sa espirituwal na kaharian. Ngunit pagkatapos naging tao ang Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagiging tao, at Siya ay lumabas at dinaig ang saklaw ng espirituwal na kaharian. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang banal na disposisyon, kalooban, at saloobin, sa mga bagay na maiisip ng mga tao at mga bagay na kanilang nakita at nakasagupa sa kanilang mga buhay, at paggamit ng mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa isang wika na kanilang maiintindihan, at kaalaman na kanilang mauunawaan, upang tulutan ang mga tao na maintindihan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang layunin at ang Kanyang mga kinakailangan na pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan, sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at panuntunan ng gawain ng Diyos sa pagkatao. Bagamat ang mga pamamaraan ng Diyos at ang Kanyang mga panuntunan sa paggawa sa katawang-tao ay nakakamit karamihan sa pamamagitan mismo ng pagkatao, ito ay totoong nakapagtamo ng mga resulta na hindi matatamo sa pamamagitan ng paggawa sa mismong pagka-Diyos. Ang gawain ng Diyos sa pagkatao ay higit na kongkreto, mapananaligan, at nakatuon, ang mga pamamaraan ay lalong higit na naibabagay sa pangyayari, at sa anyo ay daig ang Kapanahunan ng Kautusan.

   Sa ibaba, pag-usapan natin ang tungkol sa pag-ibig sa Panginoon at pag-ibig sa iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Ito ba ay isang bagay na ipinahahayag mismo sa pagka-Diyos? Malinaw na hindi! Ang lahat ng mga ito ay sinabi ng Anak ng tao sa sangkatauhan; mga tao lamang ang magsasabi ng isang bagay gaya ng “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Ang pag-ibig sa iba ay katulad lamang ng pagpapahalaga sa iyong sariling buhay,” at mga tao lamang ang magsasalita sa ganitong paraan. Ang Diyos ay hindi kailanman nagsalita sa ganitong paraan. Sa paanuman, hindi taglay ng Diyos ang ganitong uri ng wika sa Kanyang pagiging Diyos dahil hindi Niya kailangan ang ganitong uri ng paniniwala, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili” upang isaayos ang Kanyang pag-ibig sa sangkatauhan, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan ay isang likas na pagbubunyag ng kung anong mayroon at kung ano Siya. Kailan pa ninyo narinig na sinabi ng Diyos ang anumang gaya nito “Iniibig Ko ang sangkatauhan gaya ng pag-ibig Ko sa Aking Sarili”? Sapagkat ang pag-ibig ay nasa diwa ng Diyos, at nasa kung anong mayroon at kung ano Siya. Ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan at ang paraan ng Kanyang pagtrato sa tao at ang Kanyang saloobin ay isang likas na pagpapahayag ng Kanyang disposisyon. Hindi Niya kailangang gawin ito nang sadya sa naturang paraan, o sadyang sundin ang isang tiyak na paraan o isang pamantayang moral upang matamo ang pag-ibig Niya sa kapwa gaya sa Sarili Niya—tinataglay na Niya ang ganitong uri ng diwa. Ano ang nakikita mo dito? Kapag ang Diyos ay gumagawa bilang isang tao, marami sa Kanyang mga pamamaraan, mga salita, at mga katotohanan ay ipinapahayag lahat sa paraan ng tao. Ngunit gayundin sa disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang Kanyang kalooban ay ipinahahayag para malaman at maintindihan ng mga tao. Kung ano ang kanilang nalaman at naintindihan ay eksaktong ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, na kumakatawan sa likas na pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos Mismo. Na ang ibig sabihin, ang Anak ng tao sa laman ay ipinahayag sa likas na disposisyon at diwa ng Diyos Mismo sa pinakamalawak na paraan hangga’t maaari at bilang tumpak hangga’t maaari. Hindi lamang sa ang pagkatao ng Anak ng tao ay hindi isang balakid o isang hadlang sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Diyos na nasa langit, ngunit ito lamang talaga ang paraan at ang tanging tulay para sa mga tao upang makipag-ugnayan sa Panginoon ng paglikha. Sa puntong ito, hindi ba ninyo nararamdaman na marami ang mga pagkakatulad sa pagitan ng kalikasan at mga pamamaraan ng gawain na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng mga Biyaya at ang kasalukuyang yugto ng gawain? Ang kasalukuyang yugto ng gawaing ito ay gumagamit din ng napakaraming wika ng tao upang ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at ito ay gumagamit ng napakaraming mga pamamaraan mula sa pang-araw-araw na buhay ng sangkatauhan at kaalaman ng tao upang ipahayag ang sariling disposisyon ng Diyos. Sa sandaling ang Diyos ay maging tao, maging kung Siya man ay nagsasalita mula sa pananaw ng isang tao o sa may pagka-Diyos na paraan, marami sa Kanyang wika at mga pamamaraan ng pagpapahayag ay sa pamamagitan lahat ng paggamit sa wika ng tao at mga pamamaraan. Iyon ay, nang ang Diyos ay maging tao, ito ang pinakamainam na pagkakataon para makita mo ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at upang malaman ang bawat tunay na aspeto ng Diyos. Nang ang Diyos ay maging tao, habang Siya ay lumalaki, nakuha Niyang maintindihan, matutunan, at maunawaan ang ilan sa mga kaalaman ng sangkatauhan, sentido kumon, wika, at mga pamamaraan ng pagpapahayag sa pagkatao. Tinataglay ng Diyos na nagkatawang-tao ang mga bagay na ito na nanggaling mula sa mga tao na Kanyang nilikha. Sila ay naging mga kasangkapan ng Diyos na nasa katawang-tao sa pagpapahayag ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagka-Diyos, at nagtulot sa Kanya upang gawin ang Kanyang gawain na mas angkop, mas mapananaligan, at mas tumpak nang Siya ay gumagawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan, mula sa pananaw ng tao at gamit ang wika ng tao. Ginawa itong mas naaabot at mas madaling maintindihan para sa mga tao, kaya natamo ang mga resulta na gusto ng Diyos. Hindi ba higit na praktikal para sa Diyos na gumawa sa katawang-tao sa ganitong paraan? Hindi ba ito ang karunungan ng Diyos? Nang nagkatawang-tao ang Diyos, nang nagawang makuha ng laman ng Diyos ang gawain na gusto Niyang ipatupad, ito ay nang praktikal Niyang ipahayag ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang gawain, at ito din ang panahon nang maaari na Niyang opisyal na simulan ang Kanyang ministeryo bilang ang Anak ng tao. Nangangahulugan ito na wala na ang malaking agwat sa pagitan ng Diyos at ng tao, na malapit nang ipatigil ng Diyos ang Kanyang gawain sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng mga sinugo, at na ang Diyos Mismo ay maaaring ipahayag nang personal sa katawang-tao ang lahat ng mga salita at gawain na gugustuhin Niya. Nangangahulugan din ito na ang mga tao na ililigtas ng Diyos ay naging mas malapit sa Kanya, at na ang Kanyang gawaing pamamahala ay nakapasok sa isang bagong teritoryo, at na ang buong sangkatauhan ay nakaambang iharap sa isang bagong panahon.

    Nalalaman ng lahat ng nakabasa sa Biblia na maraming mga bagay ang nangyari nang ipanganak si Panginoong Jesus. Ang pinakadakila sa mga ito ay ang tinutugis ng hari ng mga diablo, hanggang sa punto na ang lahat ng mga bata na edad dalawang taon pababa sa lugar na iyon ay pinagpapatay. Maliwanag na sinuong ng Diyos ang malaking panganib sa pagkakatawang-tao sa gitna ng mga tao; ang malaking halaga na Kanyang binayaran sa pagbuo ng Kanyang pamamahala sa pagliligtas sa sangkatauhan ay maliwanag din naman. Ang mga dakilang pag-asa na pinanghawakan ng Diyos para sa Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan ay maliwanag din. Nang maisagawa ng Diyos na nasa katawang-tao ang gawain sa gitna ng sangkatauhan, ano ang Kanyang nararamdaman? Dapat na maintindihan ng mga tao iyon nang kaunti, tama? Anu’t-anuman, ang Diyos ay maligaya na maaari Niyang umpisahang paunlarin ang Kanyang bagong gawain sa sangkatauhan. Nang ang Panginoong Jesus ay mabautismuhan at opisyal na sinimulan ang Kanyang gawain upang tuparin ang Kanyang ministeryo, ang puso ng Diyos ay napuno ng kagalakan dahil pagkatapos ng maraming taon ng paghihintay at paghahanda, maisusuot na Niya sa wakas ang laman ng isang karaniwang tao at masisimulan ang Kanyang bagong gawain sa anyo ng isang tao na laman at dugo na maaaring makita at mahipo ng mga tao. Sa wakas ay maaari na Siyang makipag-usap nang harapan at masinsinan sa mga tao sa pamamagitan ng pagkakakilanlan ng isang tao. Sa wakas ay maaari nang humarap ang Diyos sa mga tao sa wika ng tao, sa paraan ng isang tao; maaari na Siyang maglaan para sa mga tao, liwanagan sila, at tulungan sila gamit ang wika ng tao; maaari na Siyang kumain sa kaparehong hapag at mamuhay sa kaparehong lugar sa kanila. Maaari na din Niyang makita ang mga tao, makita ang mga bagay, at makita ang lahat ng bagay gaya ng nagagawa ng mga tao at maging sa pamamagitan ng kanilang sariling mga mata. Para sa Diyos, ito na ang Kanyang unang tagumpay sa Kanyang gawain sa katawang-tao. Maaari ding itong masabi na ito ay tagumpay ng isang dakilang gawain—ito mangyari pa ang lubos na ikinaliligaya ng Diyos. Simula noon ay ang unang pagkakataon na nakaramdam ang Diyos ng isang uri ng kaaliwan sa Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay totoong praktikal at talagang likas, at ang kaaliwan na naramdaman ng Diyos ay totoong totoo. Para sa sangkatauhan, sa bawat pagkakataon na isang bagong yugto ng gawain ang naipagtagumpay, at sa bawat pagkakataon na nakararamdam ng kasiyahan ang Diyos, ay kapag ang sangkatauhan ay nagiging mas malapit sa Diyos, at kapag ang mga tao ay lalong napapalapit sa kaligtasan. Sa Diyos, ito din ang paglulunsad ng Kanyang bagong gawain, kapag ang Kanyang plano sa pamamahala ay umuusad ng isang hakbang pasulong, at, higit sa rito, kapag ang Kanyang kalooban ay nalalapit sa lubos na pagtatagumpay. Para sa sangkatauhan, ang pagdating ng gayong pagkakataon ay mapalad, at talagang mabuti; para sa lahat niyaong naghihintay para sa kaligtasan ng Diyos, ito ay napakahalagang balita. Kapag ang Diyos ay nagpapatupad ng isang bagong yugto ng gawain, pagkatapos ay mayroon Siyang bagong pasimula, at kapag ang bagong gawain at bagong pasimula na ito ay naumpisahan na at naipakilala sa gitna ng sangkatauhan, at kapag ang kalalabasan ng yugto ng gawaing ito ay natiyak na, at ito ay naipagtagumpay, at nakita na ng Diyos ang panghuli nitong mga epekto at bunga. Ito din ay kapag sa mga epektong ito ay nalugod ang Diyos, at ang Kanyang puso, mangyari pa, ay maligaya. Sapagkat, sa mga mata ng Diyos, nakita na Niya at napagpasyahan ang mga tao na Kanyang hinahanap, at nakamit na Niya ang grupong ito, isang grupo na magagawang maging matagumpay ang Kanyang gawain at magbibigay sa Kanya ng kaluguran, ang Diyos ay nakadadama na muling magbibigay ng tiwala, isinasantabi Niya ang Kanyang mga alalahanin, at makararamdam Siya ng kaluguran. Sa ibang salita, kapag nagawang masimulan ng katawang-taong Diyos ang bagong gawain sa tao, at sinimulan na Niyang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin nang walang kahadlangan, at kapag naramdaman Niyang ang lahat ay naipagtagumpay, nakita na Niya ang katapusan. At dahil sa katapusan na ito Siya ay nalulugod, at mayroong masayang puso. Paano naipahahayag ang kaligayahan ng Diyos? Naiisip niyo ba? Iiyak ba ang Diyos? Maaari bang umiyak ang Diyos? Maaari bang ipalakpak ng Diyos ang Kanyang mga kamay? Maaari bang sumayaw ang Diyos? Maaari bang kumanta ang Diyos? Ano kayang kanta iyon? Mangyari pa ang Diyos ay maaaring kumanta ng isang maganda, nakaaantig na kanta, isang kanta na maaaring ipahayag ang Kanyang galak at kaligayahan sa Kanyang puso. Maaari Niya itong kantahin para sa sangkatauhan, kantahin para sa Sarili Niya, at kantahin ito para sa lahat ng mga bagay. Ang kaligayahan ng Diyos ay maaaring ipahayag sa kahit anumang paraan—ang lahat ng ito ay normal sapagkat ang Diyos ay may mga kagalakan at mga kalungkutan, at ang Kanyang iba’t-ibang mga damdamin ay maaaring ipahayag sa iba’t-ibang mga paraan. Ito ay Kanyang karapatan at ito ang pinaka normal na bagay. Hindi kayo dapat mag-isip ng anupamang bagay ukol rito, at huwag ninyong itanyag ang inyong sariling mga pagbabawal sa Diyos, sasabihin sa Kanya na hindi Niya dapat ginagawa ang ganito o ganoon, hindi Siya dapat kumilos ng ganito o ganoon, upang limitahan ang Kanyang kaligayahan o anumang damdaming mayroon Siya. Sa puso ng mga tao ang Diyos ay hindi maaaring maging masaya, hindi Niya magagawang lumuha, hindi Siya maaaring tumangis—hindi Siya maaaring magpahayag ng anumang damdamin. Sa pamamagitan ng pinag-usapan natin dito nang dalawang beses, naniniwala ako na hindi na ninyo titingnan ang Diyos sa ganitong paraan, ngunit hahayaan ang Diyos na magkaroon ng ilang kalayaan at kaginhawaan. Ito ay napakainam na bagay. Sa hinaharap kung magagawa ninyong tunay na maramdaman ang kalungkutan ng Diyos kapag narinig ninyo ang tungkol sa pagiging malungkot Niya, at magagawa ninyong tunay na maramdaman ang Kanyang kaligayahan kapag nabalitaan ninyo ang tungkol sa Kanyang pagiging masaya—anu’t-anuman, magagawa ninyong malaman at maintindihan nang malinaw kung ano ang nakapagpapasaya sa Diyos at kung ano ang nakapagpapalungkot sa Kanya—kung kayo ay nalulungkot kapag malungkot ang Diyos, at sumasaya sapagkat masaya ang Diyos, nakamit na Niya nang lubos ang iyong puso at wala ng magiging balakid sa Kanya. Hindi mo na tatangkain na ipilit ang Diyos sa kathang-isip ng tao, mga pagkaintindi, at kaalaman. Sa panahon na iyon, ang Diyos ay magiging buhay at malinaw sa iyong puso. Siya ang magiging Diyos ng iyong buhay at ang Panginoon ng lahat sa iyo. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng paghahangad? Tiwala ba kayo na matatamo ninyo ito?

Mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:


Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento