Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Masama ay Dapat Parusahan" (Salita ng Buhay)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Laging naniniwala ang tao na di-nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang naaaninag na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, angkin nila ang sukdulang kayabangan, at lahat sila ay mayroong likas na kahusayang magsalita nang mapagmalaki. Gaano man kalaki ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi Ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at walang iba pang mas tumututol sa Diyos, at kinondena mo ang Diyos, dahil lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga pagkilos ng tao? Sapagka’t hindi kilala ng tao ang Diyos, sapagka’t masyado siyang maraming mga pagkaintindi, at sapagka’t, sa halip na tuparin ang realidad, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, at matigas at di-matinag. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang naipako ng tao sa krus....Isa ka ba sa mga muling nagpapako sa Diyos sa krus? Sa wakas, sinasabi Ko ito: Sa aba nilang mga nagpapako sa Diyos sa krus."