Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

19.5.19

Pag-bigkas ng Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Pag-bigkas ng Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makapagbabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa.

Kung hindi mo magawang tanggapin ang bagong liwanag ng Diyos, at hindi mo maintindihan ang lahat ng ginagawa ng Diyos ngayon, at hindi mo ito hinahanap, o pinagdududahan man ito, binibigyan ito ng paghatol, o pinag-aaralan at sinusuri ito, samakatuwid wala kang isipang handang tumalima. Kung, sakaling ang liwanag ng ngayong kasalukuyan ay sumilay, pahahalagahan mo pa rin ang liwanag ng kahapon at sasalungatin ang bagong gawain ng Diyos, kung gayon wala kang ipinagkaiba sa isang katatawanan, ikaw ay isa sa mga yaon na sinasadyang salungatin ang Diyos. Ang susi sa pagtalima sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at makayang tanggapin ito at maisagawa. Ito lamang ang tunay na pagtalima. Silang mga walang kahandaang mauhaw sa Diyos ay walang kakayahan na magkaroon ng isipang tatalima sa Diyos, at kaya lamang nilang sumalungat sa Diyos dahil sa kasiyahan sa kasalukuyang kalagayan. Na ang tao ay hindi makatatalima sa Diyos ay sa kadahilanang siya ay naaangkin ng kung ano ang dumating sa nakaraan. Ang mga bagay na dumating noon ang siyang nagbigay sa mga tao ng lahat ng uri ng mga pagkaintindi at maling-akala tungkol sa Diyos na naging mga larawan ng Diyos sa kanilang mga isipan. Sa gayon, ang kanilang pinaniniwalaan ay ang kanilang sariling mga pagkaintindi at ang mga pamantayan ng kanilang sariling guni-guni. Kung susukatin mo ang Diyos na gumagawa ng aktwal na gawain sa kasalukuyan laban sa Diyos ng iyong sariling guni-guni, samakatuwid ang iyong pananampalataya ay nagmumula kay Satanas, at ito ay ayon sa iyong sariling kagustuhan—at ayaw ng Diyos ng pananampalatayang kagaya nito. Kahit gaano pa katayog ang mga katibayan ng kanilang mga kakayahan, at kahit ano pa ang kanilang paghahandog—kahit pa nakapag-alay sila ng habambuhay na pagsisikap sa Kanyang gawain, at ginawang martir ang kanilang mga sarili—hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang sinuman na may ganitong uri ng pananampalataya. Nagpapakita lamang Siya ng kaunting kagandahang-loob sa kanila, at pinahihintulutan silang lasapin ito sa sandaling panahon. Ang mga taong kagaya nito ay walang kakayahang isagawa ang katotohanan, ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa kanilang kalooban, at dahil dito sila ay aalisin ng Diyos isa-isa. Di alintana kung matanda o bata man sila, silang hindi tumatalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya at may mga maling adhikain, ay silang mga sumasalungat at gumagambala, at ang mga ganyang tao ay walang pag-aalinlangang aalisin ng Diyos. Silang mga walang kahit kaunting pagtalima sa Diyos, na kumikilala lamang sa pangalan ng Diyos, at may kaunting pakiramdam sa pagmamahal at kagandahan ng Diyos gayunman ay hindi sumasabay sa mga yapak ng Banal na Espiritu, at hindi tumatalima sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu—ang ganyang mga tao ay nabubuhay sa gitna ng awa ng Diyos, at hindi makakamit at magagawang perpekto ng Diyos. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pagtalima, sa pamamagitan ng kanilang pagkain, pag-inom, at kasiyahan sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng mga pagdurusa at pagpipino sa kanilang mga buhay. Sa pamamagitan lamang ng pananampalatayang gaya nito mababago ang disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila makakamit ang tunay na karunungan sa Diyos. Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos. Ang mga tao na walang ibang ginagawa kundi magsaya sa mga biyaya ng Diyos ay hindi magagawang perpekto, o mababago, at ang kanilang pagtalima, kabanalan, at pag-ibig at pagtitiis ay pawang mababaw. Silang mga nagsasaya lamang sa mga kagandahang-loob ng Diyos ay hindi tunay na makakakilala sa Diyos, at kung makilala man nila ang Diyos, ang kanilang kaalaman ay mababaw, at sila ay nagsasalita ng mga bagay tulad ng mahal ng Diyos ang tao, o ang Diyos ay mahabagin sa tao. Hindi ito kumakatawan sa buhay ng tao, at hindi nagpapakita na tunay ngang kilala ng mga tao ang Diyos. Kung, kapag ang mga salita ng Diyos ay pinipino sila, o kapag ang Kanyang mga pagsubok ay darating sa kanila, ang mga tao ay walang kakayahang tumalima sa Diyos—kung, sa halip, sila ay magiging mapagduda, at mabubuwal—samakatuwid sila ay hindi mapagtalima kahit kaunti man. Sa loob nila, maraming mga alituntunin at mga ipinagbabawal tungkol sa pananampalataya sa Diyos, mga nakaraang karanasan na bunga ng maraming taong pananampalataya, o iba-ibang mga aral na nakabatay sa Biblia. Ang mga taong tulad nito kaya ay tatalima sa Diyos? Ang mga taong ito ay puno ng mga bagay na pantao—paano kaya sila tatalima sa Diyos? Lahat sila ay tumatalima ayon sa kanilang pansariling kagustuhan—hahangarin ba ng Diyos ang ganitong uri ng pagtalima? Ito ay hindi pagtalima sa Diyos, kundi pagsunod sa doktrina, ito ay pagbibigay-kasiyahan at pag-aaliw sa iyong sarili. Kung sinasabi mo na ito ay pagtalima sa Diyos, ikaw ba ay hindi lumalapastangan sa Kanya? Ikaw ay isang Paraon ng Ehipto, ikaw ay gumagawa ng kasamaan, at ikaw ay hayagang gumagawa ng pagsalungat sa Diyos—magnanais ba ang Diyos ng paglilingkod na tulad nito? Pinakamabuting magmadali ka at magsisi at magkaroon ng kaunting pagkamulat-sa-sarili. Kung hindi, mas mabuti pang umuwi ka na lamang sa iyong tahanan: mas makagagawa pa ito ng higit na kabutihan para sa iyo kaysa sa iyong paglilingkod sa Diyos, hindi ka makagagambala at mang-aabala, malalaman mo kung saan ka lulugar, at mamumuhay nang maigi—at hindi ba mas mabuti iyon? Sa paraang iyan ay maiiwasan mo ang pagsalungat sa Diyos at ang maparusahan!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento