Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

9.3.19

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Ang Paggamit ng Salita ng Diyos bilang isang Salamin

Ang Paggamit ng Salita ng Diyos bilang isang Salamin

Wu Xia Siyudad ng Linyi, Lalawigan ng Shandong
Pagkatapos tanggapin ang trabahong ito at kainin at inumin ang salita ng Diyos, naging malinaw sa akin na napakahalaga na nauunawaan ko ang aking sarili.
Dahil dito, habang kinakain at iniinom ang salita ng Diyos, sinigurado ko na suriin nang mabuti ang sarili ko laban sa salita na kung saan inilalantad ng Diyos ang tao.
Karamihan sa mga kaso, nagawa kong kilalanin ang aking mga kakulangan at mga kawalang-kakayahan. Naramdaman ko na talagang nagawa kong unawain ang sarili ko. Gayunpaman, sa pamamagitan lamang ng isang pagbubunyag mula sa Diyos ko nakita na hindi ko talaga nauunawaan ang aking sarili ayon sa salita ng Diyos.
Isang araw, nagpunta ako sa isang lugar kasama ng isang pinuno ng distrito upang mag-withdraw ng pera. Nang nakumpirma na ang halaga ng pera at naisulat na ang resibo, nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, at pansamantala, walang sinuman sa amin ang nais na magpatalo. Nang oras na iyon, biglang napabulalas ang pinuno ng distrito: “Kung sirain mo na lang ang huling resibo, walang magiging katibayan. Kung itabi mo na lang kaya ang pera para sa sarili mo?” Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkatapos kong marinig ito, pero talagang naramdaman ko ang isang malaking insulto sa aking integridad; naging napakahirap para sa akin na lunukin iyon. Naisip ko: Anong klaseng tao ang tingin mo sa akin? Sinunod ko ang Diyos nang napakaraming taon at isa akong mabuting tao. Paano ko magagawa ang ganoong bagay? Bukod pa rito, pinamunuan ko ang trabahong ito nang napakaraming taon at hindi kailanman nagkamali sa usaping pananalapi, kaya bakit ko nanakawin ang pera ng iglesia? Sa anong paraan ko nakahawig si Judas? … Habang naiisip ko ang tungkol dito, mas lalo akong nagagalit. Habang mas naiisip ko ang tungkol dito, mas lalo kong nadama na hinahamak at ginagawa akong utus-utusan. Labis akong nasaktan na halos mapaluha ako.
Sa aking pighati, bigla kong naalala ang mga salita ng Diyos, “Ang kapaligirang nakapalibot sa atin gayundin ang mga tao, mga usapin at mga bagay, pinapayagang lahat ng Kanyang trono.” Naisip ko rin noon: Bakit lilikha ang Diyos ng sitwasyon kung saan sasabihin ng kapatid na babaeng ito ang gayong bagay? Ano ang itinuturo sa akin ng Diyos? Habang pinag-iisipan ito, nagsimulang makaramdam ng kapayapaan ang aking puso. Nagsimulang magtanong ang isip ko sa masasakit na reaksiyong nakuha ko tungkol sa komento ng kapatid na babae: Mali ba siya nang sabihin niyang “Kung itabi mo na lang kaya ang pera para sa sarili mo?” Sinabi ng Diyos na ipagkakanulo ng tao ang katuwiran at ilalayo ang kanilang sarili sa Diyos sa anumang oras at maging saanman. Walang sinuman ang tunay na mapagkakatiwalaan. Hindi ba ako kabilang dito? Bukod pa rito, gaano ba ang ipinagbago ng aking disposisyon? Gaano kalaking katotohanan na ang natamo ko? Kung hindi ko natamo ang katotohanan o hindi man lang gaanong nagbago ang disposisyon, bakit hindi ko dapat pinahintulutan ang iba na makita ako sa ganoong paraan at sa anong batayan ko dapat makita ang sarili ko bilang marangal at dalisay? At bakit dapat akong magtiwala nang husto na hindi ko kailanman magagawang magnakaw ng handog? Isang beses ay sinabi ng Diyos: “Ang kalikasan ng tao ay punung-puno ng kalikasan ni Satanas, sila ay lubusang makasarili, mapag-imbot, sakim, at maluho …” (“Ang Mga Tao ay Napakaraming Kailangan sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Naaangkop lang ba ito sa iba at hindi sa aking sarili? Ang bawat isa ay may sakim na kalikasan, hindi ba ako kabilang dito? Ang sinabi ba ng kapatid na babae ay hindi naaayon sa mga katotohanan? Madalas habang kinakain at iniinom ko ang salita ng Diyos, tila nagagawa ko na kusang suriin ang aking sarili sa pamamagitan ng liwanag ng pagbubunyag ng Diyos. Gayunpaman, noong ang kapatid na babae, nang hindi nagiging emosyonal, ay nagsabi ng katotohanan batay sa pagbubunyag ng Diyos tungkol sa kalikasan ng tao, talagang nagalit ako nang husto. Hindi ba nito ibinubunyag na hindi ko kilala ang aking sarili nang naaayon sa salita ng Diyos? Hindi ba nito ipinapahiwatig na wala akong tunay na pag-unawa sa kalikasan ni Satanas na nasa akin? Noon ko lamang napagtanto na ang pagkakakilala ko sa aking sarili sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay walang iba kundi teoretikal na pagkilala at mababaw na pang-unawa lamang. Hindi ko binigyan ng natatanging atensyon na maunawaan ko ang tunay kong kalikasan sa pamamagitan ng pagbubunyag ng salita ng Diyos. Samakatuwid, kinailangang mangyari ang sitwasyong ito sa akin: Kapag nakikipag-usap ako, naging karaniwan ang pagsasalita na parang nauunawaan ko ang aking sarili; itinatango ang ulo ko at sinasang-ayunan ang salita na kung saan inilalantad ng Diyos ang tao, ngunit kapag nahaharap na sa mga katotohanan, mamamatay muna ako bago aminin ang pagiging kagaya ng taong ipinapakita ng Diyos sa akin. Sa pagninilay-nilay sa nakaraan: Ilang beses kong ipinahayag ang kakulangan ko sa pandamang pantao, ngunit kapag sinabi ng iba pang mga tao na kulang ako sa pandamang pantao, agad kong ikinakaila ito at ipinagtatanggol ang aking sarili hanggang kamatayan. Ilang beses binigkas ng mga labi ko na tinutupad ko ang aking mga tungkulin nang walang interes, palagi kong iniisip ang bawat posibleng paraan upang maipagtanggol ang aking sarili at upang mapangatwiranan ang aking sarili nang sa gayo’y mapawalang-sala ang aking sarili. Ilang beses kong napansin na wala lamang ako kapag nasa harap ng iba, mas masahol pa kaysa isang uod, pero kapag sinasabi ng iba na wala akong ginagawang tama, nagiging matamlay ako at sobrang negatibo na hindi ko magawang magsaya. Ilang beses kong ipinahayag na mahinang kalibre lamang ako at may kakulangan sa kapasidad na magtrabaho, ngunit kapag naririnig ko na ang iba pa na nagsasabing mahinang kalibre lamang ako at hindi ako kailanman magiging mahusay na pinuno, kaagad akong sumusuko at pinanghihinaan. … Malinaw nga na ako’y isang mapagpaimbabaw. Kapag sinabi ko sa sarili na tiwali ako, kung gayon ayos lang iyon, ngunit kapag iba na ang nagsabi ng isang bagay tungkol sa akin, hindi ko ito matanggap, at nilalabanan ko ito. Ipinapakita nito nang sapat na ang aking pang-unawa sa aking sarili ay abot hanggang bibig ko lamang. Nililinlang nito ang iba at pagbabalatkayo lamang. Sapagkat kailanma’y hindi ko pa talaga nagawang suriin at unawain ang aking tunay na pansariling kalikasan sa pamamagitan ng pagbubunyag ng mga salita ng Diyos, hindi ko pa talaga tunay na napasok ang pagkaunawa sa sarili ko at hindi nagbago ang aking disposisyon.
Sa oras na iyon, nakikita ko ang aking sariling mapagmataas na pag-uugali at natanto na talagang kahiya-hiya ito. Ang mga pagbubunyag ng Diyos ang tunay na kumumbinsi sa akin at pinahintulutan akong makita nang malinaw na hindi ko talaga nauunawaan ang aking sarili. Mula ngayon, nakahanda akong kilalanin ang aking tiwaling substansya sa pamamagitan ng salita na kung saan inilalantad ng Diyos ang tao; nakahanda akong buong-tapang na harapin ang mga katotohanan at tunay na unawain ang aking sarili nang sa gayon mabago ko sa lalong madaling panahon ang aking disposisyon.
Mga nauugnay na pagbabasa: Pananalig sa Diyos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento