Tagalog Gospel Songs
- Nais ng Diyos na Iligtas ang Tao Hangga't Maaari
- I
- Sa panahon ng gawain ng pagliligtas ng Diyos,
- ililigtas Niya ang lahat ng maaari Niyang iligtas
- sa abot ng makakaya,
- at wala Siyang itatapon.
- Ngunit ang lahat ng di makakayang
- baguhin ang kanilang disposisyon,
- o lubusang sundin ang Diyos
- ay nagiging pakay para sa kaparusahan.
- Lahat ng tumatanggap ng panlulupig ng mga salita
- ay magkakaroon ng maraming pagkakataon para sa kaligtasan.
- Ipakikita sa kanila ng pagliligtas ng Diyos
- ang Kanyang sukdulang kaluwagan at pagpaparaya.
- Kung tatalikod ang mga tao sa maling landas,
- kung sila'y magsisisi, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon
- na makamit ang Kanyang pagliligtas.
- II
- Ang yugtong ito ng gawain, ang gawain ng mga salita,
- ay binubuksan lamang sa mga tao
- ang lahat ng paraan at mga hiwaga
- na hindi nila nauunawaan.
- Tumutulong ito para malaman ng tao ang kalooban ng Diyos
- at mga kailangan ng Diyos sa tao.
- Para maisagawa nila ang mga salita ng Diyos
- at baguhin ang kanilang disposisyon.
- Lahat ng tumatanggap sa panlulupig ng mga salita
- ay magkakaroon ng maraming pagkakataon para sa kaligtasan.
- Ipakikita sa kanila ng pagliligtas ng Diyos
- ang Kanyang sukdulang kaluwagan at pagpaparaya.
- Kung tatalikod ang mga tao sa maling landas,
- kung sila'y magsisisi, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon
- na makamit ang Kanyang pagliligtas.
- III
- Salita lang ginagamit ng D'yos para gawin gawain N'ya.
- Hindi Niya pinarurusahan ang mga tao
- dahil sa kanilang munting rebelyon,
- dahil ngayon na ang panahon para sa pagliligtas.
- Kung lahat ng naghihimagsik ay pinarusahan,
- walang magkakaroon ng pagkakataong maligtas.
- Silang lahat ay parurusahan at babagsak sa Hades.
- Ang mga salitang humahatol sa tao ay nagtutulot sa kanilang
- makilala ang kanilang sarili at sundin ang Diyos,
- hindi para sila'y parusahan
- sa pamamagitan ng paghatol ng mga salitang ito.
- Lahat ng tumatanggap sa panlulupig ng mga salita
- ay magkakaroon ng maraming pagkakataon para sa kaligtasan.
- Ipakikita sa kanila ng pagliligtas ng Diyos
- ang Kanyang sukdulang kaluwagan at pagpaparaya.
- Kung tatalikod ang mga tao sa maling landas,
- kung sila'y magsisisi, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon
- na makamit ang Kanyang pagliligtas.
- IV
- Nang sa una ang tao'y naghimagsik laban sa Diyos,
- wala Siyang hangarin na ilagay sila sa kamatayan,
- kundi sa halip ay ginagawa Niya ang lahat para iligtas sila.
- Kung walang puwang ang isang tao para sa kaligtasan,
- sila ay itatakwil ng Diyos.
- Siya ay mabagal magparusa dahil nais Niyang iligtas
- ang lahat ng maaaring mailigtas.
- mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento